Tuesday, November 29, 2011

Ang Tula ng Isang Tula

Ako'y isinusulat ng isang makata,
Sa aki'y ipinadadaan, kanyang nadarama,
Ako'y ginagamitan ng malalim na salita,
Pinasasakit ang ulo ng kanyang mambabasa.

Isinasalin ang naiisip
Sa papel kanyang sinisipi,
Alaala kanyang sinasagip,
Sa akin pinagkatiwala at ipinatabi.

Pag-ibig, lungkot at himagsik,
Kanyang dalahin sa akin isiniksik,
Talino ng kanyang isip kay bagsik,
Pagod, at pawis tumatalamsik.

Minsan din akong napunit,
Ngunit ako'y isuko 'di nya naisip,
Mga hirap kanya ding sinambit,
Upang kagandahan kanyang makamit.

Ako'y pinag-isipang mabuti,
Pinatibay ng bawat pagkakamali,
Hindi man naging perpekto,
Ito naman ang kailangan ko.

Ako'y kanyang ginawa,
Buhay ko sa kanya ipinagkatiwala,
Ako man ay sumikat
O makalimutan 'pag maluwat.

Ngayon ako ay nabuhay,
Upang ibahagi ang aking nararamdaman,
Isang tulang nagsasalaysay,
Hindi mo man maintindihan.

Ako'y lubos na masaya dahil ako'y nilikha,
Naramdaman ko ang ligaya na ako'y binabasa,
Iba't-ibang emosyon aking nakikita,
Salamat sa dakilang makata.

Sunday, November 27, 2011

Baby With No Tears

I met a lady whose alone and lonely,
No friends to talk to,
Every complete stranger solely,
Deep breathe, she walks through.
She enters a room with manly fumes,
Yet smiling, kidding, I just watch her bloom,
No one knows her insides were doomed,
Doom of darkness, the blame to whom.
Now I stepped close to you,
Erase nightmares, light up the dark,
That's what I'll do,
In your heart I will occupy and make a mark,
Trails she suffers before she sleeps,
Tears fall as it drips,
Exhausted but still active it seems,
I'll hug you and wipe up your screams.
I may not know you better,
But you are different from others,
I like you just the way you are,
Even the distance apart so far,
I wanna see the wonder of your smile,
I wanna hear the tenderness of your voice,
I gotta know your style,
Be by yourside just for a while.
My baby deserves a smile for years,
A baby with no tears,
A lady dancing in the rain,
My lady's joy must reign.

Friday, November 25, 2011

Everyday in the Rain 1




Si Victor at Ang Di Kilalang Babae.


Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Nag-angat ako ng ulo at nagpakita ng malungkot na mukha, mga matang lumuluha at tumutulong sipon. "Sino ka ba?" hagulgol na boses ang lumabas mula sa akin.

Tumayo ako at lumakad palayo. Napakabagal. Dinadama ang ulan na pumapatak sa aking katawan. Iniwan ang di kilalang babae, tinanggihan ang alok na silong mula sa lungkot aking nararamdaman.

Hawak ang gitara na basa sa ulan. Tumingala ako sa kalangitan, hindi ako makatitig sa itaas dahil sa bumabagsak na patak ng ulan sa mga mata.

"Suplado!" sigaw ng babae at tumalikod din ito pauwi.

Hindi ko manlang nilingon kung kanino galing ang boses. Lungkot at lumbay ang aking nadarama, wala ako sa mood makipag-usap sa taong walang magawa sa buhay.

Bumili ako ng alak. Lagok ng lagok na parang tubig kung lunukin. Nakapagtatakang hindi ako pinaalahanan ng tindera na ang tanging inisip ay ang bayad ng kawawang mama.

Tinangay ako ng paa sa Waiting Shed kung saan nakapwesto si manong magfifishball. Bumalik sa aking ala-ala ang tagpo, "Tama na...Nagkamali ka Victor...Natuwa ako sa harana mo eh..." Muling tumulo ang luha na sumabay sa agos ng tubig mula sa basa kong buhok. "Aaaaaaaaahhrrhh!!!" isang sigaw at sinuntok ko ang pader ng paulit-ulit. Pumatak ang dugo galing sa aking kamao, lumuhod ako at isang suntok sa lupa ang huli kong nagawa dahil sobrang sakit na ng aking kamay at dahil na din may umawat mula sa aking likuran.

Lingid sa aking kaalaman ay lihim parin akong sinusundan ng babae at dali-dali itong tumakbo para pigilan ako ng makita ang ginagawang pananakit ko sa sarili. Marahil ay hindi ko siya kilala pero malaki ang pag-aalala nito sa akin. Hindi lang siya isang babaeng walang magawa sa buhay. Isa siyang anghel na bumaba sa lupa upang gabayan ang lumbay na si Victor.

"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako..." pagpalag ko sa pagkakayakap ng isang kaibigan sa aking kahinaan.

"Ano ba'ng ginagawa mo! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" alalang alala ang boses ng babae. Boses na pamilyar, boses ng di ko pa kilalang babae.

Hinarap ko siya, yumakap ako dito at parang batang nagsusumbong, "Niloko nya ako! Minahal ko sya pero bakit ganon? Di nya inisip ang mararamdaman ko!" pagkatapos nito ay inakay ako ng babae papasok sa isang malapit na bahay. Isang tahanan na maglililim sa malungkot at nilalamig na katawan ng ginoo na nagbasa sa ulan.

Ginamot ng babae ang mga sugat ko habang ang kalahati ng diwa ko ay tulog pero ramdam ko ang alaga ng dalaga.

>

Nagising ako sa mga tilaok ng manok at tahol ng mga aso. "Aray. Anong nangyari sa kamay ko? Ahh. Ang sakit pa ng ulo ko. Teka, nasaan ako?" maya-maya ay nagbalik sa ala-ala ko ang ginawa kagabi. Nagulat at natuwa ako sa nakita, nakakumot, nakabenda ang kamay, at nakahiga sa sofa. Alas-singko pa lamang ito ng umaga.

Nakahanap ako ng papel at bolpen, dito ko na lamang isinulat ang aking pasasalamat. Iniwan ko sa mesa at lumabas ng bahay.

>>>

Mukhang nakita akong lumabas ng babae, nagbalabal ito ng tuwalya at hinabol ako. "Sandali!" sigaw nito dahilan upang mapalingon ako.

Paglapit ng babae ay napatawa na lamang ako. Halakhak ng halakhak dahil sa bakas ng laway na nangingilid sa pisngi niya. "Ano ba'ng nakakatawa?"

"May dumi ka sa mukha." tuwang tuwa padin pero inabot ng aking kamay ang pisngi niya at pinunasan ito.

Bahagyang nagulat sa napakaamong kong mukha pero agad ding nakabawi ang dalaga. Natulak niya ako at siya na lang ang nagpunas ng sarili. Ngayon lang nya ako nakitang nakangiti.

"Ano'ng pangalan mo?" wika ko habang nakangiti sa dalaga.

"Ako? Angelica." bahagya pang namula at nahiya ito.

"Angelica, bagay sa'yo pangalan mo. Salamat sa alaga."

"Hoy! Ayusin mo ang buhay mo ha! Buti na lang ako nakakita sa'yo. Eh kung di kita inawat dyan baka ano nangyari sa kamay mo! Tapos baka sa daan ka pa nakatulog!" sermon nito, ngunit sa mga alaala niya noong gabi ay naantig ang kanyang puso. "Kawawa ka kasi eh." mahinang sabi nito.

Niyakap ko siya at hindi na nagsalita at nag-umpisa akoong maglakad palayo.

Di pa gaanong malayo nang sumigaw uli ang babae, "Teka! Di ka pa nagpapakilala!" pasigaw ni Angelica na hindi na humabol.

"Victor!" tipid na sagot ko na hindi na lumingon at kumaway nalang habang palayo.

"Victor suplado!" pahabol ni Angelica bago bumalik ng bahay.

>

Umuwi ako at dinatnan si mama na nagluluto. "Anak, bakit di ka umuwi kagabi? Bakit maga yang mata mo? Bakit basa yang damit mo? Baka sipunin ka nyan. Kumain ka na ba?" paulan na tanong ni mama.

"Ma, isa-isa lang." kumuha ako ng kanin at nag-umpisa ng kumain.

"Saan ka natulog kagabi?"

"..." di ako makasagot. Sasabihin ko ba na sa bahay ng isang babae ako natulog? "Pass." ito nlang nasagot ko.

"Anong pass? Di ba usapan natin walang secret?"

"Ma, ibang tanong na lang."

"Sino'ng kasama mo kagabi?" halos mabuga ko ang laman sa bibig ng masamid sa tanong ni mama.

"Ma naman, wala akong kasama." bigla kong naalala, wala kayang nangyari samin ni Angelica? "Wala naman siguro." pabulong na sabi ko.

"Ha?"

"Wala akong kasama, ano ba kayo?" ngiting wika ko. "Ganyan kayo, pinag-iisipan nyo ko ng di maganda." patampong drama ko.

"O siya siya. Bakit hindi ka umuwi?"

"Nagkaproblema lang ma. Wala na kasi kami ni Gladys." malungkot na wika ko.

"Bakit? Naging kayo ba?" takang tanong ni Vilma.

"Hindi niyo pala alam. Pero tanda ko sinabi ko sa inyo."

"Sinabi mo nga." pagbibiro ni mama.

"Ang gulo niyo Ma." tawanan kami nang bigla kong naalala ang gitara ko. Naiwan ko yata sa bahay ni Angelica. Tumayo ako at akmang aalis.

"Saan ka nanaman pupunta?"

"Kukunin ko lang yung gitara ko."

"Ingat ka." Natigilan ako. Ramdam ko na nag-alala sa akin ang magulang ko. "Opo." sagot ko.

>>

Nakita ni Angelica ang papel na sinulatan ni Victor. "Bakit niya sinulatan ang research work ko! Hay kainis naman." binasa niya ang nakasulat.

Mayroon kang mabuting kalooban,
Sana magkakilala tayo ng lubusan,
Mga loob ay magkapalagayan,
Upang tayo'y maging magkaibigan.

Ika'y nariyan sa oras ng kagipitan,
Ako'y iyong pinatuloy sa iyong tahanan,
Walang alinlangang ako'y tinulungan,
Balang araw, ikaw din ay aking mapasalamatan.

"Galing." sabi ni Angelica. Tinupi niya ang sulat at ibinulsa nakita niya ang gitara sa tabi ng pintuan. Naiwan ito ni Victor. Napangiti siya. "Magkikita pa tayo."

itutuloy..

Bakit Niyo Ako Ginaganito?!

Masayang naglalaro si Gloria sa kanyang airconditioned na kwarto sa kanyang napakalambot na kama ng DotA sa kanyang laptop habang nakasuot ng Ninja Head Band katulad ng sa Naruto, nang tawagin siya ng ama, si Mang Mike, para kumain. "Ayoko, wala akong gana." pasigaw na wika nito, "Natatalo nga ako dito sa laro ko eh." pabulong pang sabi.

"Kain na anak, baka magkakomplikasyon ka sa spinal cord mo pag di ka kumain." pakiusap ni Mang Mike kinakausap ang saradong pinto.

"Pero may sakit ako, flu!" tumamlay na wika nito. "naim-FLU-ensyahan..hihi" pabulong nya.

"Kaya lalo kang dapat kumain, para lumakas ka."

"Dad, i am sorry." matamlay na wika nito na parang may sakit nang binuksan ang pinto. "Kakain na ako dad."

Tinititigan ni Mang Mike ang anak habang naglalakad, alam niya na kapag ayaw gawin ng bata ang isang bagay ay umaarte itong may sakit. Ganito ang nasa isip ni Mang Mike. Kaya hinayaan lamang niya ito, sisigla din ito pagkakain.

Habang kumakain ay isinindi ni Mang Mike ang telebisyon, wala pang limang minuto ay pinatay na niya agad iyon.

"Nahalata ko lang, bakit ang laging tawag sa kanya ay 'Dating Pangulo at ngayo'y Representatib ng Ikalawang Distrikto ng Pampanga?' ang haba kasi eh." wika ni Gloria nang marinig ang pagpapakilala sa Congresswoman ng Pampanga sa balita.

"Anak..." at kinamot ang ulo. "Hindi ko alam eh." sagot ni Mang Mike at tumawa ang mag-ama.

"Dad, joke yun?" ani Gloria.

"Anak, ganito kasi yun..." napahawak sa mga balbas niya si Mang Mike, pinagpawisan sa pag-iisip at hindi na normal ang paghinga nito. Kumuha siya ng tubig, at agad iyong ininom. "Aah. Nabilaukan ako sa tanong mo."

"Di mo lang alam eh dad." hirit ng anak.

"O sige. Si Madam Gloria Arroyo ay naging presidente, at dahil hindi pa siya nahalal na congressman, tumakbo siya noong nakaraang eleksyon. Nanalo sya, kaya dating Pangulo at ngayon Congresswoman siya." pagkasabi ay sumubo ito sa kinakain. Halata namang hindi naiintindihan ng bata ang kanyang mga sinabi. Kita ito sa ekspresyon ng mukha niya.

"Eh dad, bakit siya gustong ipakulong? Di ba naging presidente sya. Ibig sabihin magaling siya. May ginawa ba siyang kasalanan." napanganga si Mang Mike at hindi naisubo ang kakainin nang magtanong pa ang kanyang anak.

Bumalik sa kanyang ala-ala ang kapanganakan ni Gloria.

Enero 20, 2001 nang isilang si Gloria Pascual. Tandang tanda pa ni Mang Mike ang EDSA II na pinapanood sa telebisyon habang hinihintay ang balita sa kanyang mag-ina sa ospital. Sa hindi sinasadyang pagkakataon, naipanganak ng maayos ang kanilang unang anak ni Elsa, at sa kasamaang palad, hindi kinaya ni Elsa at namatay ito. Dahil na dito, pinangalanang Gloria ni Mang Mike ang anak. Glorya parasa panibagong babae sa buhay niya at dahil sa panunumpa ni Gloria Arroyo bilang pang-labing-apat na pangulo ng Pilipinas.

Napa-'pwe' si Mang Mike nang makabalik sa paglalakbay mula sa nakaraan nang may langaw na pumasok sa kanyang bibig. "Aarrh. Pweh! Bwisit!" inis na si Mang Mike.

"Bakit kasi nakanganga ka at tulala eh daddy..."

"Wag mo akong gagayahin anak ah. Nakita mo ang nangyari. Nasermon pa ako ng anak ko." sabay himas sa ulo nito.

"Opo. Yung tanong ko dad, di mo pa sinasagot."

"Ha? Oo nga pala. Inakusahan kasi siyang nandaya sa eleksyon anak."

"Diba po bad ang mandaya? Napatunayan na po ba? Kasi bad din po ang nambibintang."

"Iniimbestigahan pa, pero pinaaaresto na sya ngayon."

"Kawawa naman sya mukhang may sakit sya. Kasi may nakalagay sa leeg nya saka nakaupo sya dun sa upuang may gulong."

"Ipapagamot sana sya sa ibang bansa pero ayaw syang paalisin."

"Ba't po ganun?"

"Kasi baka tumakas sya, at dahilan lang nya ang may sakit sya." napasabak sa kwentuhan si Mang Mike. Daig pa ang media ng anak. Proud siya, mulat at malawak ang pag-iisip ng kanyang anak, higit sa lahat, cute at mabait ito. "Saka ang alam ko, papupuntahin nalang daw ng gobyerno yung doktor dito at mga gamit, gastos na ng gobyerno. Pero di sya pumayag."

"Tangengot pala eh dad."

"Sshhh..." at inilagay ang hintuturo sa labi. "Don't say bad words, magagalit si mama."

Bahagya nitong binaba ang ulo at ngumiti, "Ay, sorry po." mahina pero malambing na sabi ni Gloria.

"O tapusin mo na kinakain mo. Para makapagpahinga ka na." ani Mang Mike.

"Dad, ok lang ako. Wala naman akong sakit."

Kinurot ni Mang Mike ang pisngi ng anak. "May natutunan kang lesson ngayon anak?"

"Opo! Bawal magsinungaling, mandaya, at magbintang." masiglang sagot nito.

"At dapat..." tinitigan nito ang anak, nakita nito ang imahe ng kanyang pumanaw na asawa, ngumiti ito, "...bilisan ang pagkain."

Kaya saluhan natin ang ating mga anak sa pagkain, let's support Salu-salo ng Pamilya Mahalaga Day. Hindi lang sa special holiday kundi sa araw-araw. Sa bahay nag-uumpisa magtanong ang mga bata, dito sila nahuhubog sa tulong ng buong pamilya. Happy Eating. 

Ang Prinsesa Ko

Pagsikat ng araw,
Kaninang alas dyes,
Bangon almusal ko'y bahaw,
May tumunog. Beep! Beep! Si Cess.

Nakaraan na ang isang taon mula ng makilala,
Ang binibining walang kasing kwela,
Pinangingiti ang aking umaga,
Sa mga hirit at adlib, ika'y tatawa.

Wala siyang inuurungan,
Kahit tunggaan sa tanghalian,
Napakabait na kaibigan,
'Di ka nga lang maipagluluto ng pulutan.

Malambing na boses para sa aking gabi,
Isang makulit na bata aking naririnig,
Hiling na sana siya'y makasama at makatabi,
Mayakap at ang ulo kanyang ihilig.

Ang emotera kong kaibigan,
Na nakilala ko sa kalawakan,
Sa kabutihang palad,
Matutunton din pala sa ating komunidad.

Isang problema kanyang inilapit,
Aming mga puso'y tuluyang nagdikit,
'Di maitatangging pagkakapareho,
Ugali, paniniwala sa iilang aspeto.

Hatinggabi ako'y antok na,
Pero heto't kausap ko pa din siya,
Anong misteryo ang kanyang taglay,
At kanyang nagising ang damdaming tulog kakatagay.

Thursday, November 24, 2011

Everyday in the Rain Preview

This story is a sequel of my first short love story (Isang Araw Lang Naging Kami)

Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.

Nag-angat ako ng ulo at nagpakita ng malungkot na mukha, mga matang lumuluha at tumutulong sipon. "Sino ka ba?" hagulgol na boses ang lumabas mula sa akin.

Tumayo ako at lumakad palayo. Napakabagal. Dinadama ang ulan na pumapatak sa aking katawan. Iniwan ang di kilalang babae, tinanggihan ang alok na silong mula sa lungkot aking nararamdaman.

Hawak ang gitara na basa sa ulan. Tumingala ako sa kalangitan, hindi ako makatitig sa itaas dahil sa bumabagsak na patak ng ulan sa mga mata.

Si Idol

Ikaw ang nagbigay sa akin ng buhay,
Ang humubog at gumabay,
Nagbantay at sumubaybay,
Kalayaa'y isinakripisyo, kalinga ang inalay.
Ang mabait at masipag kong itay.

Pinag-aral mo ako sa abot ng kakayahan,
Para maipamana sa akin ang tanging kayamanan,
Kaalamang maiiwanan, kailanman 'di malilimutan,
Ibinigay sa akin pagkain, luho at kaligayahan,
Pagtawid sa bawat araw iyong pinagpapaguran.

Ako man ay napapangaralan,
Alam ko ito'y para sa aking kapakanan,
Lumaking may pinag-aralan,
Hangad niya sa aking kinabukasan.

Di ko man masabi o maipakita,
Ngunit dito sa puso ko, mahal kita,
Ngayong panahon ng kapaskuhan sana ay mapadama,
Nitong tula ko ang pagmamahal para sa'yo aking ama.

Ang responsibilidad bilang haligi ng tahanan,
Malugod mong ginagampanan,
Paglaki ko ika'y aking tutularan,
Pagmamahal mo ama aking tatapatan.

Balang araw ay masusuklian,
Buong pagmamahal na aalagaan,
Utang na loob na hindi matutumbasan,
Ala-alang naukit ng walang hangganan.

Si Santa Klaws ay Si Kuya?

Sabi ni ate magwish ako,
Matutupad daw ito,
Dahil ngayong magpapasko,
Si Santa ay magbibigay ng regalo.

Ang pasko daw ay para sa mga bata,
Sabi ko ito'y para sa lahat,
Lalo na sa mga bata't matanda,
Sa daan ay pakalat-kalat.

Sa pasko lang ba dapat magbigayan?
'Di ba dapat araw-araw magtulungan,
Sa isa't-isa laging magkapayapaan,
Ang mundo ay magkakasiyahan.

Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni papa Jesus,
Bakit si Santa Klaws ang hinahanap?
Ako tuloy ay na-curious,
Noong ako'y bata ito naganap.

Humiling ako kay mama,
Bilhan ako ng damit,
Biglang dumating si Santa,
At hiling ko'y aking nakamit.

Humiling ako kay papa,
Bigyan ako ng laruan,
Biglang dumating si Santa,
At ako'y niregaluhan.

Humiling ako kay kuya,
Na kami ay magkasama,
Biglang dumating si Santa,
Bakit sya ang aking nakasama?

Si kuya ba at si Santa ay iisa?
Ngayon ko napag-isip-isip,
Si Santa ay kung sino na nagbibigay saya,
At tumutulong ng walang kapalit.

Ngayon ako na si Kuya,
Sa kapatid nais magbigay saya,
Kailangan ko pa bang magtago sa pangalang Santa,
Upang makapagpasaya ng mumunting bata.

Monday, November 21, 2011

No Don't, Noooooooooo!

A rope,
A dope,
A gun,
An urn.

What will you do with that rope?
Don't you dare leave your hope,
Everything will be fine,
You have your problem, i have my wine.

"I will drink this drug."
Stop do not drink that,
I am here, I'll give you a hug,
Poison may kill thin or fat.

"Look, I'm too high!"
Stop do not move, sigh...
I know its nice to fly,
But people have no wings, you'll die.

"Can I borrow this gun?"
Stop! Surrender me that gun,
A gun is not used for fun,
You pulled the trigger, oh a water gun.

"Oh common, what's your problem!
I'd tried to drink my medicine, ehem! ehem!
I went to the rooftop to see the sky,
But you act so wierd I just can't reply.
Please just leave?
Forget you grieve,
Now I'll just water my plants,
And sorry for your wet pants."

A dream,
I scream,
Rendered void,
Me, paranoid.

Sunday, November 13, 2011

Dear Alarm Clock,

"Hoy Alarm,

Bakit di mo ako ginising kanina?! Kainis ka naman eh, alam mo ng ayaw nya ng nalelate! May lakad kami ngayon! Bihira lang ito, tapos ganito nanaman?! Huwag mong sabihing ginising mo ako at pinatahimik lang kita! Dahil sayo nagalit sya sakin! Dahil sayo nag-away kami! Kesyo hindi ako dumating sa usapan, kesyo pinaghintay ko sya! Nakakainis ka kasi dapat kinulit mo ako! Bwisit ka! Sa uuliting hindi mo ako magigising ng maaga, itatapon kita!"

Nagulat ako, biglang nagkaroon ng mata at bibig ang orasan ko, unti unti pang tumubo ang mga pangil nito at tinitigan ako ng masama. Sumagot si kumpareng Alarm Clock. "Hoy batugan! Dada ka ng dada dyan, talsik mo lumalaway! At huwag mo nga akong maduro duro dyan at baka tusukin ko yang dalawa mong mata gamit ang dalawang kamay ko! Huwag mo akong sisihin dahil hindi ka nagising agad at hindi ka nakarating sa oras ng pagkikita nyo! Alam mo bang, nagkakanda paos paos na ako kakagawa ng ingay na gigising sayo! Tapos sisigawan mo pa ako, 'hoy tumigil ka nga!' Naguguluhan na ako sayo tapos paggising mo, sisisihin mo ako dahil di ka nagising agad?! Eh kung bawat magpagising ka sakin, kunin ko isa isa ang laman ng wallet mo hangga't hindi ka nagigising hanggang sa maubos? O kaya, bunutin ko ang buhok sa ilong mo ng sabay-sabay para matuto ka! Batukan kita dyan eh! Ayusin mo buhay mo."

Gulat na gulat ako sa pangyayari. Nagsasalita ang alarm clock ko? Nagising ako nang may mambatok sakin.

"Panjo, gising na. Malelate ka sa trabaho." wika ni mama.

"Ma naman. Ba't kailangan nyo pa akong batukan?" papungay pungay pa akong umupo sa higaan ko kinakamot ang ulo at singit ko.

"Kanina ka pa binubulabog ng maingay mong alarm clock eh. Pati ako nabulasyaw. Hala. Tara na't nakahain na."

"Opo." bigla akong natauhan sa aking panaginip. "Kanina mo pa pala ako ginigising. Pasensya na, napasarap ang tulog ko." wika ko habang kinakapa ang switch off ng alarm.

"Alam mo, mula pa noong bata ako ikaw na ang ginagamit kong panggising. Madalas akong malate kahit na ginigising mo ako. Naiinis pa ako sayo kasi hindi ako nagigising sa ingay mo. Ngayon ko lang napag-isip-isip na hindi ikaw ang may kasalanan. Ako. It's not you, it's me. Salamat sa pagttyaga mo sa akin." hinimas ko ang kanyang mukha at humiga ulit.

Lampayatot

Natatawag akong lampa,
Madali kasing madapa,
Natitisod kahit dilat,
Kaya heto merong sugat.

Maputi nga ang balat,
Napakarami namang peklat.
Sanhi ng karanasang nagmulat,
Sa ala-ala ko nasulat.

Dahil sa isang bato,
Nagkasugat hanggang buto.
Sinusubukang maging masaya,
Kahit ang hapdi ay nandoon pa.

Pag nagmahal din ay pareho,
Madali daw akong maloko,
Ng bulaklaking mga salita,
O ngiting kumikinang sa ganda.

Ngunit huwag kalimutan,
Bumawi sa kinalagpakan,
Dahil lahat ay may dahilan,
Ang hinaharap ay paghandaan.

Kaya mula ngayon mag-ingat sa dinadaanan,
Mahulog sa bitag huwag nang hayaan,
Baka ikaw ay malampa sa tahimik na ilog,
Talon ng pag-ibig ay tuluyan kang ihulog.

Saturday, November 12, 2011

My Friend Rubber Band

Does it hurt to fall from the sky?
Attractive angel, yes you are.
How do you hide your feeling when you cry?
Because I don't find any scar.

If you fall for someone,
And doesn't catch you back,
You stay as you are, in front of anyone,
Hiding the ache without a trace, we cannot track.

Baby you're so flexible,
Not as brittle as a bottle,
Neither hard as a stone,
But tough enough on your own.

Adjustments you can easily done,
Stretch your kindness to everyone,
Then, when you are happy and you smile,
Seems it elongates as long as a mile.

But did they know you better,
Frozen rubber will be brittle forever,
But I like you because you're elastic,
I wish I was like you, so fantastic.

A unique real person
With no sign of deformation,
No sign of loneliness,
An aura full of happiness.

Please stay happy don't be lonely,
I can fill you when you feel empty,
I'm always right here your friend,
That will guide you until the end.