Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.
Chapter 3
"Male-late ka na." sabi ni Arianne matapos tumayo at lumunok ng kanyang laway.
"Kain na tayo." pilyong ngiti ni Anjo.
"Uwi ka ng maaga." sabi niya sabay kindat.
"Sino ba ang hindi uuwi ng maaga niyan?" sagot naman ni Anjo.
Hinarap na ni Anjo ang pagkain habang si Arianne naman ay nagtoothbrush muna. Bitin na bitin si Arianne pero alam niya na marami silang oras ng nobyo at hindi niya kailangang magmadali. At isa pa, ayaw rin niyang maiwang mag-isa sa bahay nila lalo pa't inaabot ng gabi si Anjo sa trabaho kaya kailangan niyang gumawa ng paraan para makasama lagi ang nobyo sa mga panahon baka kailangan siya nito. Ang babae talaga, ang bagsik ng instinct.
"Hindi ba nasunog?" tanong ni Arianne. Tinutukoy niya ay ang meat loaf na naging saksi ng ginawa nila kanina.
"Hindi naman. Sakto nga ang pagkakaluto, medyo malutong ang gusto ko kasi."
"Halata nga eh. Nakarami ka na oh."
"I have too eat much para mabawi ang lakas ko." biro naman nito.
"Hehe. Ikaw talaga." sabi ni Arianne at sinaluhan ang nobyo sa pagkain. "Sana ganito tayo sa mga susunod pang araw no?"
"I'll try honey. Every relationship goes through storms called trials and problems, we need to pass through these as one." makahulugang sabi ni Anjo. He alaways make Arianne's heartbeat faster.
"Sure. Naging isa na nga tayo `di ba?" pilyang sagot naman nito habang sumusubo ng kanyang pagkain. Alam na!
"I'll be late." sabi nito pagtingin sa relo. Dali-dali siyang tumayo at humalik sa labi ng nobya. "Take care." Nakangiti niyang iniwan si Arianne at umaasang may magandang regalo siya mamaya pag-uwi.
>
Walang ginawa buong araw si Arianne kundi mag-ayos ng bahay at maglinis. Gawain ng isang ulirang housewife. Madilim na ang gabi at wala pa si Anjo. Ipinagluto niya ito ng paborito nitong Chicken Adobo at sinubukang gumawa ng kaparehong lasa ng isang Cappuccino. Handa na ang mesa pero wala pa rin ang nobyo. Lalo pang kinabahan si Arianne nang umihip ang hangin galing sa bintana. Kita ang aninag ng buwan dito dahil patay ang ilaw, kusina lamang ang maliwanag para maging romantic para kay Arianne ang pangalawang gabi nilang magkasama. Napakalamig ng ihip na iyon na parang nanunuot sa kanyang balat mula ulo hanggang hmm.. paa. Kinilabutan siya at tumayo ang balahiba. Parang praning na siya ngayon at lahat ng bagay na may repleksyon ng liwanag ay tinitignan niya at inaakalang ibang tao ito.
Kinabahan muli si Arianne nang gumalaw ang doorknob sa pinto. Parang pinipilit buksan ito. "Hon, ikaw ba yan?" sigaw ni Arianne para mabawas ang kaba at umaasang si Anjo nga ito.
Ilang segundong naghintay ng sagot si Arianne pero wala. Gumagalaw pa rin ang knob pero dahan-dahan na lang di gaya ng kanina. "Jo, ikaw ba yan?" sabi niyang muli at napagpasyahan niyang pagbuksan ito.
Humugot siya ng malalim na hininga at binuksan ang knob. Humarap sa kanya si Anjo na nakangiti. "Wow. Akala ko masusurprise kita. Ang lakas ng pakiramdam mo hon." pagkasabi nito ay dinampian niya ng halik ang nobya sa labi at pumasok na sila.
"Kanina ka pa ba?" sabi ni Arianne habang inaayos ang hinubad na polo ni Anjo.
"Hmm... Mga 1 minute pa lang ako noong sinubukan ko kung bukas ang pinto." sagot niya.
Napaisip si Arianne dahil nasa 3-5 minutes ng gumagalaw ng doorknob. Kahit nagtataka ay ikinibit-balikat lang niya ito. "Kain na hon." sabi niya na puno ng ngiti. Bakas sa dalawang ito ang pagmamahalan sa isa't-isa, kasiyahan at kakuntentuhan sa buhay nila ngayong magkasama sila.
"Alam mo talaga ang favorite ko." ngiti pa ni Anjo.
"Just for you." sagot naman ni Arianne.
Maganang kumain ang dalawa sa kanilang dinner. Titigan lang ang dalawa at parang mata lang ang nag-uusap sa kanila. Maya-maya ay bigla na lang ngingiti na hindi mo maintindihan na parang may biglang kumiliti sa talampakan nila.
"Bukas, ifollow up natin `yung gown mo." pagbuka ng bibig ni Anjo. "Tapos daan tayo sa chapel."
"Hindi ba pwedeng hintayin na lang natin na kontakin tayo ng organizer?" sagot naman nito.
"Bonding na rin natin." sabi naman ni Anjo.
"Ok sige. Tutal sunday naman." ngiti ni Arianne.
"Hindi pa pala ako nakapagbihis." sabi naman ni Anjo.
"Excited ka kasi kumain ng Adobo."
"Sunod ka na lang sa kwarto." sabi naman ni Anjo na parang may gustong ipakahulugan. Dumaan siya sa likuran ni Arianne at niyakap siya nito mula sa likod. Hinalikan niya ito mula sa leeg, at kinagat ng konti ang dulo ng tainga nito na nag-iwan ng ihip na nakakakiliti. Napahawak lang si Arianne sa kamay ni Anjo nang akmang aalis na ito parang ayaw pa niyang alisin nito ang pagkakayakap sa kanya. Pero hindi naman siya umangal ng alisin na ng nobyo ang pagkayakap. Nagtinginan lang sila na sila alang ang nakakaintindi.
"Maghuhugas lang ako ng plato." sabi ni Arianne at mapang-akit na nagligpit.
>
Tahimik ang gabi pero maingay sa kwarto ng dalawang ibong nakakulong sa kanilang hawla. Parang humuhuni sila sa kanilang mga ungol na napakasarap pakinggan kung nasa labas ka ng pinto nila. Umuuga nanaman ang kama sa kanilang ritmo na parang loro na dumuduyan sa kanyang sangang tinatapakan.
"Teka-" pagpigil ni Arianne.
"Bakit?" takang tanong naman ng nakapatong na si Anjo.
"Hindi mo ba nararamdaman? Umuuga." sabi ni Arianne na nakikiramdam sa paggalaw ng kanilang kama kahit hindi sila gumagalaw.
"Hayan ka nanaman." parang dismayadong sagot ni Anjo.
"Pakiramdaman mo kaya."
"Nararamdaman ko. Ang sikip nga eh." pilyong sagot naman niya.
"Sira!" patawang sabi ni Arianne.
Dahil sa kyuryosidad at parang hindi nakaramdam ng takot si Arianne sa mga oras na iyon, pinaalis muna niya si Anjo sa pagkadagan sa kanya at pabigla niyang tinignan ang ilalim ng kama. "Aaaaaaaaaaaahhhhhh!" tili niya nang tumambad sa mukha niya ang nakatinging babae diretso sa mga mata niya. Malalim ang mga mata nito at parang may tuyong dugo na bumabalot sa kanyang mukha. Maputla rin ang itsura ng babaeng kanyang nakita. Dahil sa gulat ay napaangat siya ng ulo.
"Aray!" kasabay naman ang pag-aalalang napadako ang ulo ni Anjo at nagkaumpugan sila. "Ano ba'ng meron?" sabi ni Anjo habang akap ang hubad na katawan ni Arianne na humihikbi sa kanyang dibdib.
"May... may... may babae sa ilalim." paputol putol na sabi ni Arianne habang walang tigil sa pag-iyak. Kahit madilim ang gabi at patay ang ilaw ay kitang-kita ni Arianne ang puting mata ng babae. Hindi nanlilisik ang kaniyang mata pero parang nakakaawa.
Akmang tatayo si Anjo pero pinigilan siya ni Arianne. Tinignan siya ni Arianne sa mata na parang nagtatanong. "Titignan ko." sabi niya at ibinalot ni Arianne sa sarili ang kumot.
"`Wag!" pagpigil niyang muli habang kinapit ang dalawang kamay ni Arianne sa kanang kamay ni Anjo upang magpabigat.
Pero mapilit ang nobyo kaya bumaba ito ng kama at yumuko. "Oh my God!" sambit nito at napaatras pa palayo kay Arianne. Gulat na gulat ang itsura ni Anjo kaya hindi siya makapagsalita, naghihintay ng susunod na mangyayari.
Katahimikan ang naging presidente ng ilang segundo matapos ay sinibak rin ito sa pwesto nang magsalita si Anjo. "Wala naman eh." sabi nito at ngumiti. Linapitan niya ang takot na nobya pero tinabig niya ang kamay nito.
"Ano ba?! Seryoso ako eh! Meron naman talaga!" sabi niya at napalitang ang takot ng galit.
Humakbang pa palapit si Anjo para yakapin ang nobya. "Sorry... I'm here na, `wag ka na matakot. I'll protect you." pag-alo nito sa nobya. Kasalukuyang magkayakap ang dalawa nang may malamig na kamay ang humawak sa paa ni Anjo kaya napatalon ito sa ibabaw ng kama.
"Hindi na mabenta honey."
"Ha?" taka nito sa pag-aakala ng nobya na nagbibiro siyang muli. "Hehe. Tara na, tulog na tayo. May lakad pa tayo bukas." ani Anjo habang nakikiramdam pa rin sa paligid.
"Good night." sabi ni Arianne at hinalikan ang labi ng nobyo. Nagulat pa si Anjo dahil lutang ang isip niya. "Thanks. I feel safe with you." pagpapatuloy ni Arianne. Niyakap lang siya ng mahigpit ng nobyo.
~itutuloy
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDelete