Thursday, May 05, 2011

Leave Out All The Rest

"Bakit ka umiiyak?" tanong ko. Pero di sumasagot.

Niyakap ko girlfriend ko pero parang di naramdaman ang yakap ko. Napatingin siya sa likuran niya at niyakap ang sarili.

Siya lang ang nandoon.

Umiiyak.

Nang marinig ko ang mahabang tunog,

toooooooooooooooot...

hinanap ko saan galing ang tunog at nakita ko ang isang monitor na nagpapakita ng mahabang tuwid na guhit..

Tumayo si Love ko na parang natataranta. "Nurse! Nurse! Doc!"sigaw niya.

Tinitignan niya ang ECG habang nakayakap sakin nang dumating ang mga doktor.

Kinilala ko ang lugar, nasa ospital ako. 

Binigyan nila ng CPR ang lalake. Napatingin ako sa kama kung sino ang namamatay.

Nagulat ako sa nakita ko.

Ako ang nasa kama.

Tumagal ng kinse minutos ang pagsasalba bago sumuko at umiling ang doktor at mga nurse.

Nag-iiyak si Rhian. Pilit ako ginigising.


"Waaaaaaaaaaahh..!!" nagising ako.

"Panaginip?" takang tanong ko.


Naghilamos ako, nagsipilyo at napag-isip-isip ko, "Pano pag patay na ako?"


Hinanap ko ang pamilya ko pero wala sila. "Oo nga pala, palagi pala silang wala."

Pakiramdam ko wala silang pakialam sakin, di man lang nila ako kinakamusta. Laging wala si Tatay dahil sa trabaho sa construction at agad umaalis pag umaga. Si Nanay naman maaga ding umaalis para asikasuhin ang negosyo namin sa palengke.

"Pano kaya pag wala na ako?"

Pinuntahan ko ang Love ko, ikinwento ko ang napanaginipan ko. 


"Kung may mali man akong nagawa sayo, patawarin mo ako. Kung malungkot ka, isipin mo lang ako. Ayokong malungkot ka. Ikaw lang ang nagmamahal sakin . Mahal na mahal kita Love." madamdaming sabi ko sa kanya.

"Wag mong sabihin yan, di kpa naman mawawala eh. Mahal din kita Love"maluha nyang sinabi.

"Di natin masasabi ang maaring mangyari. Ang gusto ko lang lagi kang maging masaya."

"Basta andyan ka masaya na ako." saka nya ako hinalikan sa labi. Ramdam ko ang pagmamahal nya sakin. Gumanti ako ng halik. Nagyakap kami.

Napakasaya ko at may girlfriend akong katulad nya.

Naglibot kami ng araw na yon. Mall, park, simbahan, pati sa bakuran ng barkada nya.

Napakasaya namin ng araw na un. Hinatid ko na sya sa kanila.

"Salamat sa pagmamahal." sabi ko at hinalikan ko sya sa noo, sa pisngi pagkatapos sa ilong at nagtagal sa labi. Iniwan ko sya na may ngiti sa mga labi.

Nang pauwi na ako, padaan sa isang pedestrian. Napakatahimik ng paligid. Naiisip ko ang napanaginipan ko.

...
Nabingi ako nang bumusina ang napakabilis na bus.


Nakita ko nalang nasa ospital ako, natutulog ang Love ko.

Naalala ko bakit nasa ospital ako,

tumawid bigla ang isang batang naglalaro. Hinabol ko sya at nang mabuhat ko para itabi ay nabundol ako at nawalan ng malay.

Nagising si Love. Naiiyak pero nakangiti, nababaliw na ata.

"Nag-alala ako sayo. Gumising ka na." nilapitan nya ako at hinawakan ang kamay ko.

Pinisil ko ang kamay nya.

Nagkwento sya, "Alam mo sabi ng doktor, di naman nasaktan ang batang iniligtas mo. Ang galing mo daw dahil nailigtas mo ung bata. Nandito kanina ang magulang ng bata. Napakalaki ng pasasalamat nila sayo."pag-aalalang pagsasabi sa akin.

Eto na ata ang panaginip ko. Nang makita na nakalutang ako sa ere. Parang butiki ako na nakadikit sa kisame.

"Oo nga pala, tumawag pala parents mo. Nag-alala sila sayo. Alagaan daw muna kita hangga't di pa sila dumarating. Mahal ka nila Love."

Dumating ang mga magulang ko. Pagdating na pagdating nila kita sa mukha nila ang pag-aalala. "Proud kami sa nagawa mo anak sana sa susunod magingat ka. Busy kami ni Nanay mo, pero lagi kaming nag-aalala sayo."sabi ni Tatay.

"Pagaling kana anak."umiiyak na sabi ni Nanay.

Nakikita ko ang buong kwarto. Malungkot sila at nag-iiyakan.

Niyakap ko bawat isa sa kanila. Unti unting pumuputi ang nakikita ko. Biglang may humihila sa akin paitaas. Pinilit kong bumalik sa katawan ko. Napakahirap. Nakikita ko ang mga mahal ko sa buhay malungkot.

"Waaaaag..! Ayoko pang mamatay..! Ang mga nagmamahal sakin..
Ayoko pa silang iwaaaaan..!"

Imumulat ko ang mga mata ko.

"Ma, Pa, nagigising na si Adrian." ngumiting sabi ng Love ko.

Nagtagumpay ako.


*inspired by the song 'Leave Out All The Rest by Linkin Park'