Saturday, February 09, 2013

Umuuga Ang Kama 9




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 9

Maraming tao ang nakakaranas ng near death situation at kung anu-ano ang nakikita nila. Ang iba ay nakakakita ng liwanag, isang puting liwanag na parang isang bituin na nag-aanyayang lapitan ito. May nakakakita ng isang spiral na daan mula sa isang napakadilim na kwarto. Ang iba ang lumulutang at nakikita ang iba't-ibang sitwasyon sa iba't-ibang parte ng mundo, madalas ay mga pamilya nila at mga mahal sa buhay. Habang sa Ice Age naman ay isang malaking acorn ang nakita ng isang squirrel o tinatawag na Scrat sa isang malaking gate na puno ng ulap.

Sabi nila ay ito ang purgatoryo, ang iba ay piece of heaven daw ang nakita nila pero isa lang ang alam ko; kailangan kong gumawa ng mabuti rito sa earth.



"No! Ayoko Benjie! Ilang linggo na lang pwede na eh." boses ng isang babae. Nakikita ni Arianne ang isang magandang babae, sexy rin ito gaya niya at parang nakikipag-alitan ang lalakeng may pangalang Benjie sa kanya.

"Ano pa nga ba ang pinagkaiba ng ngayon at sa malapit na buwan? Mahal naman kita Marielle, kung may mabuo man, magpapakasal na rin tayo eh. Sige na pagbigyan mo na ako." sabi ng lalake at hinalikan sa leeg ang babae. Pero nanlalaban ang babae, kaya naitulak ito sa kama.

"Benjie?! Lasing ka eh." sabi nito habang umaatras palayo sa nobyo.

Parang wala sa sarili ang lalake na naghubad ng kanyang polo at lumapit kay Marielle. Wala namang ilinlangang sinampal niya si Benjie. Malakas pa sa kalaksing ng kaldero ang sampal na dumapo sa pisngi ni Benjie. Wala namang lamok pero kailangang tumama ng palad ni Marielle para magising ang lalaki sa kahibangang ginagawa nito.

"Magagawa natin yan sa tamang oras. Gagawin ko lahat ng ipagagawa mo, lahat ng pantasya mo gagawin natin kapag kasal na tayo." maluha-luhang sabi ni Marielle.

Mabagal na kumilos naman si Benjie at umupo sa gilid ng kama. Hindi ito nagsasalita, nakayuko lang siya. Nakatulala lang ito at nakatingin sa ilalim parang may kung ano ang bumubulong sa kanya sa tainga at winawasiwas niya ang kamay niya na parang may umaaligid na langaw o kung ano mang lumilipad sa tainga niya. Maya-maya ay tumayo ito at lumabas ng kanilang kwarto.

Akala niya ay nahimasmasan na ito sa kanyang pagkalasing nang bumalik. Imbes na matuwa si Marielle ay natakot siya. Gusto na niyang sumigaw pero ayaw niyang mag-eskandalo. May dalang posas at lubid si Benjie at ang mata nito ay parang sinapian ng demonyo. Nakangisi siya at halatang may binabalak na hindi maganda.

"`Wag. `Wag Benjie. `Wag mong gawin `to." umiiyak na sabi ni Marielle habang tinitignan lang si Benjie na iposas ang kanyang kamay at itali sa headboard ng kama. Hindi siya ang Benjie na kilala ni Marielle, ibang Benjie ang nasa harap niya ngayon. Mabait si Benjie, maunawain at pasensyoso, nagawa nga niyang maghintay sa kanilang kasal at linigawan siya ng isang taon pero bakit niya nagagawa ito?

"Alam mo bang pinagtatawanan ako ng mga kasama kong pulis dahil hindi pa kita nakukuha?" sabi nito habang nakatingin sa kanyang tinatali. "Tapos, kapag may lakad sila, puro pambababae ang ginagawa nila kaya hindi ako sumasama. Ngayon matatanggal ako sa trabaho dahil sa kabalastugan nila! Ikaw na nga lang ang magbibigay ng ligaya sa'kin, tatanggihan mo pa ako?"

Umiiyak lang si Marielle. Sobrang depressed ang nobyo niya, hindi man lang niya naintindihan. "Pero Benjie, hindi lang sex ang dahilan ng pagiging masaya natin `di ba?"

"Bakit sila? Ang saya nila? Gusto kong malaman ang dahilan! Nagpapakasasa sila hanggang mamatay! Bukas, tandaan nila, wakas na nila bukas!" sigaw nito at sinira niya ang blouse na suot ni Marielle.

Nakapikit lang siya habang hinahayaang maglakbay ang labi ng nobyo. Wala na siyang magawa. Hindi siya makapalag, tanging luha lang ang malaya sa kanya ngayon. Alam niyang mali pero gusto niyang paligayahin ang nobyo niya kahit na masakit sa kanyang kalooban. Kagat-kagat niya ang labi habang nararamdaman ang dila ng kanyang nobyo sa kanyang pagkababae.

Tumigil siya at pareho na silang walang saplot ngayon. Pinaghiwalay niya ang hita ni Marielle at pumatong dito. Kita sa mukha ni Marielle ang sakit na naramdaman pero patuloy siyang nagpaubaya sa nobyo. "Ganito pala." sabi ni Benjie. 

"Benjie..." matamlay na sambit ni Marielle.

"Hindi nakakapagtakang nalalango sila."

"Benjie, dapat ginagawa ito ng mag-asawa at tanging sila lang."

"Pakakasal tayo sa lalong madaling panahon."

Umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng dalawang magkasintahan nang biglang tumunog ang cellphone ni Benjie. Tumayo ito at hindi na nagsalitang nagbihis.

"Aalis ka?"

"Emergency."

"Kalagan mo ko!"

"Babalik ako agad."

"Benjie!"

Mainit ang pakiramdam ni Arianne. Kahit panaginip ay nararamdaman niya ang init na bumabalot sa kwarto nina Marielle. "Gumising ka! Nasusunog ang kwarto!" sigaw ni Arianne pero walang boses ang lumalabas sa kanya. Gusto niya itong tulungan pero wala siyang magawa dahil panaginip lang niya ito.

"Marielle!!!" sigaw na galing sa labas ng bahay ang kanyang narinig.

Ito ang huli niyang nakita sa kanyang panaginip at nagising na siya. Nasa isang puting kwarto siya at may nakatusok na karayom sa kanyang kamay. Nasa ospital pala siya. Tamang-tama ang pagpasok ng nurse.

"Gising na po pala kayo. `Musta naman po ang pakiramdam niyo?" tanong ng nurse sa kanya.

"Medyo masakit ang ulo ko. Gaano katagal na ako dito?" bigla niyang naalala si Anjo. "Si Anjo? Nasaan yung... yung... yung kasama ko. Yung lalake, kamusta siya? Nasaan siya?" sunud-sunod na tanong ni Arianne. Gusto niyang magpanic dahil wala sa tabi niya ang nobyo, baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Hindi naman siya pinakaba ng nurse. "Nasa langit na po siya. Biro lang po. Nasa katabing kama po." at hinawi ng nurse ang kurtina na pumapagitan sa kanila. Kita ni Arianne ang dami ng benda nito sa ulo, kamay, paa at katawan. Naluha na lang si Arianne. Nakalimutan niyang magalit sa nurse sa pagpapakaba sa kanya. Naalala na lang niya ang mga huling sandali bago ang aksidente.

>

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp!

Kita pa ni Arianne ang liwanag na palapit, senyales na malapit ng tumama ang trak sa kanila. "Shit!" sabi ni Anjo. Dahil nakatanggal ang kanyang seat belt ay siguradong mapupuruhan siya kapag natamaan sila ng trak. Ilang segundo lang ang chance niya para makapag-isip ng gagawin. Isa lang ang naisip niya, ang yakapin si Arianne.

Pagkaykap niya kay Arianne ay binalot niya sa kanya ang seat belt ni Arianne. Nasalpok ng trak ang likurang bahagi ng kotse ni Anjo. Wasak ito. Mabuti na lang at hindi ang buong kotse ang nasalpok dahil siguradong patay ang tao sa loob. Nakaliko pa ang trak sa huling segundo ng pagsalpok pero hindi pa rin maitatangging nasaktan ang tao sa loob. Hindi rin maaalis na maaaring namatay rin sila. Nagpaikot-ikot ang kotse, nasa ilang metro rin ang inabot nito mula sa kanyang orihinal na pwesto.

 "Hon... ang bigat mo..." Ganito silang natagpuan ng mga pulis at ng ambulansya. Nakapatong si Anjo kay Arianne habang nakayakap sa isa't-isa, isang seatbelt lang ang gamit nila kaya masikip ito at hindi sila gaanong nagalaw maliban kay Anjo na tinanggap lahat ng bubog at pagyupi ng kotse ay siya lahat ang nasaktan. Naaninag pa ni Arianne ang nangyayari pero wala siyang marinig. Parang umiikot ang lahat, ligtas naman sila, konting galos sa mukha lang nag natanggap niya.

"Miss! Sir! Ok lang ba kayo?" sabi ng rescuer. Duh? Mukha ba silang ok?

Kasama ang driver ng trak na kaunting galos lang rin ang natamo sa katawan. Dito na nawalan ng malay si Arianne, pareho silang walang malay na dinala sa ospital.

>

"Bale, 25 hours lampas na ho kayong tulog. Si sir, ok na po siya pero hinihintay pa po ang mga result ng tests na ginawa sa kanya. Sabi ni Doc, kung hindi kayo magkasama sa iisang seatbelt, malamang raw patay ang nasa driver's seat. Kasi tumama po sa poste ang kotse niyo at nayupi ang kaliwang bahagi. Mga sugat lang ho at may konting pilay ang kaliwa niyang kamay dahil naipit sa pagyakap sa inyo. Pati yung kanan niya hong paa dahil hindi napwesto ng maayos. Madali lang pong gagaling si sir lalo na't mukhang mahal na mahal niyo siya. Hindi niya kayo hahayaang mag-alala ng matagal." mahabang pagpapaliwanag ng nurse habang inaalala ni Arianne ang lahat ng nakita niya noon.

Naiiyak talaga siya. Natouch siya sa lahat ng ginawa ni Anjo para sa kanya kahit na nag-away sila bago ang aksidente. At kahit kasalanan ni Anjo kung bakit sila nasalpok ay ayaw niya itong sisihin dahil may sapat silang oras noon para makaalis pero nastuck sila.

"Ikakasal pa naman kami ngayong buwan." pagpunas niya ng kanyang luha.

"`Wag kayong mag-alala. Pwede naman siyang umattend kahit nakawheel chair." napangiti niya doon si Arianne.

Ramdam niya ang pagmamahal ng nobyo sa kanya. Wala na siyang ibang ihihiling pa kundi ang gumaling si Anjo at mayakap siya uli.

~itutuloy

2 comments:

Note: Only a member of this blog may post a comment.