Saturday, February 23, 2013

Si Jimbo



Isang maulan na gabi nang makauwi si Zaida galing sa trabaho, hinihintay siya ng asawa nyang si Victor,"Nabasa ka ata sa ulan..
Mabuti pa maligo ka muna at baka magkasakit ka." pag-aalalang sabi ni Victor sa asawa."Sige. Si Jimmy?" sabi ni Zaida. Halatang pagod ito galing trabaho pero ang anak ang hinanap."Tulog sya. Wag ka mag-alala napalitan ko na ang diaper niya at napainom ko na ng gatas." sabi ni Victor.

Wala pang isang taong gulang ang anak nilang si Jimmy. Ang ama lang niyang si Victor ang nag-aalaga dito.
Nagpunta na sa banyo si Zaida para sundin ang sinabi ng asawa. Kumakanta pa ito habang naliligo. Nagulat sya nang marinig nyang umiiyak si Jimmy. Nagtaka sya dahil ang boses ng umiiyak na bata ay nasa loob banyo. Hinawi nya ang shower curtain at sumilip,"Aaaaaaaaahhh...!" napasigaw sya dahil naramdaman at nakita nyang tumalon ang bata sa kanyang mukha. Pero nang hawakan nya ang mukha ay wala naman syang nahawakan kundi ang mukha lamang nya.
Nagmamadali ding kumatok sa banyo ang asawa nya."Ok ka lang ba jan?"nag-aalalang tanong ni Victor."O-ok lang ako."sagot ni Zaida.."Are you sure?"paninigurado ni Victor."Oo. Hintayin mu nalang ako sa kwarto."
Nagmadali syang naligo.Nakatapis siyang pumunta sa kwarto nila. Tinignan nya si Jimmy, masarap ang tulog nito.Nagbabasa ng dyaryo si Victor ng magbihis na ang asawa.Tinitigan nya ang asawa habang naghuhubad at nagbihis, nagulat si Victor nang biglang gumalaw si Robin Padilla sa binabasa nyang dyaryo. Kinusot nya ang mata at napangiti nalang.. Imagination lang pala nya.
Maya-maya, tumabi na si Zaida sa asawa. Hinalikan siya nito, at nag-umpisa ang maiinit na tagpo..Ilang araw ang lumipas, mag-isa sa bahay si Zaida na nag-aalaga sa anak. Nanonood sya ng tv habang kumakain ng piritong patatas.
Naramdaman nyang parang magsusuka sya. Pumunta sya sa CR niluwa ang suka..Napag-isip-isip ni Zaida na baka buntis ulit siya. Pero ayaw niyang malapit ang agwat ng edad ng magiging anak nya. "Wala pang isang taon si Jimmy, may kasunod na nga?"sabi nya sa isip. Sasabihin ba niya ito sa asawa o hindi?


"Jimbo anak halika na dito laro tayo ni daddy ng mga bibe. Eto ang duck mo Jimbo."masayang sabi ni Victor sa anak. Nakatawang nilalaro ang laruang bibe na binigay ng ama. Ang nakangiting anak ay unti-unting lumalaki ang katawan at nagkapangil at kinain ang laruang bibe."Sugarbugger! Si Jimbo!...."at kinain din si Victor."Aaaaahhh!!"sigaw ni Zaida habang ginigising siya ni Victor.
"Honey, nananaginip ka.!"Habol ni Zaida ang hininga nang magising."Ano ba ang napanaginipan mo?"tanong ni Victor."Si Jimmy! Si Jimmy..."balisang sagot ni Zaida at nilapitan ang anak na malapit lang ang kuna sa kama nila."Ok lang si Jimmy. Matulog ka na uli."sbi ni Victor.
Kinabukasan, pumunta sya sa Gynecologyst nya kasama si Jimmy dahil walang tao sa bahay. Kinausap nya ang doktor, NEGATIVE. Negative dahil magkaka-anak uli sya kahit ayaw pa nya. Sa madaling salita positive ang resulta ng pregnancy test, buntis nga siya. (ginulo qo noh?haha)
"Dra. Zuniga, problema ho ito. Ayoko hong magkalapit ang edad ng magiging mga anak ko. Mag-i-isang taon palang si Jimmy tapos ngayon buntis uli ako.!" paliwanag ni Zaida."Mrs. Neutron right?""Oho."sagot ni Zaida."So anong gusto mong gawin ko?"sabi ng doktor."I want to end my pregnancy. At sana matulungan ninyo ako dito."desididong sagot ni Zaida.Nag-isip sandali ang doktor,"May naisip akong paraan na mas ligtas para sayo."
Ngumiti si Zaida ng inaakala niyang pumayag ang doktor. Nagpatuloy ang doktor sa pagsasalita, "Para maging isa lang ang aalagaan mong bata, kailangan nating patayin ang isa. Tama?""Opo."
"Kung ganon, patayin natin si Jimmy. Para isang bata na lang ang aalagaan mo. Makakapagpahinga ka pa para maalagaan ang susunod na maging anak mo. Hindi ka pa masasaktan." seryosong sabi ng doktor."Dra. wag ganon. Bakit papatayin mo ang batang ito? Krimen ang pagpatay!" malungkot na sabi ni Zaida."Tama ka. Para maging isa nalang ang aalagaan mo, it doesn't matter kung sino ang papatayin natin sa kanila. Pareho lang yun. Akala ko ok sayo ang ganon.
"Ngumiti ang doktor nang maramdaman niya na napaisip niya kay Zaida ang pagkakapareho ng pagpatay sa batang nabubuhay na at sa batang nasa sinapupunan pa lamang.
Umuwi ng bahay si Zaida ng may ngiti sa labi at isinalubong kay Victor ang isang matamis na halik sabay sabing, "Buntis ako."Nagustuhan din ito ni Jimbo.

#waaaa..

hindi ko aakalaing marerevive ko ito..pangalawa kong istorya.. alam kong hindi niyo magugustuhan.. haha! ^_^

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.