"P*tang ina!!!" sigaw ni Tarzan este nung isang lalakeng hindi ko kilala pero lagi kong nakikita. Da hu?!
Hindi na siya pinansin ng mga tindera sa stall ng Buko Express, Minute Burger at ChooksToGo pero ang mga taong dumadaan ay hindi pa rin naiwasang mapatingin sa kanya. Akala mo kasi may kaaway o kaya ay may rambol na magaganap ngunit paglingon mo ay bigla na lang siyang magtatambling matapos sumigaw.
Nakakatawa dahil hindi ito gawain ng isang matinong tao sa gitna ng alon ng mga mamimili ng palengke. Pati ang gusgusin niyang Tribal ay mababakas mo na dating marangya ang buhay nitong mama. Napatingin na lang ako sa kanya habang natutunaw ang ice cream ko galing 7-eleven noong maalala kong nakasalubong ko siya sa daan.
Ako lang mag-isa noon at tanghaling tapat, galing ako sa paborito kong tambayan, ang Mineski Infinity. Tahimik akong nagmumuni-muni kung paano nanalo ang team FEU sa kalaban nila nang bigla niya akong gulatin. "Waaaahahaha!" sabay tulak ng konti sa akin dahilan para muntik na akong mapatalon sa gulat. Napatingin ako sa paligid ko dahil alam ko na pagtatawanan ako ng mga tao. Tinakpan ko na lang ang mata ko para kunwari walang nakakita sa akin.
Nakakatawa na sa isang jeep ay imposibleng walang titili kapag bigla siyang nangalabit ng babaeng nakasakay. Tatawa pa siya pagkatapos magtatambling nanaman sa gitna ng daan. Barkada naman niya ang mga barker at caller pati nga mga asong gumagala sa daan ay barkada rin niya. Minsan na rin siyang nanghila ng palda ng isang estudyante, muntik na nga itong masilipan ng iba dahil sa ginawa niya pero naiintindihan siya ng mga taong nakakakita sa kanya. Hindi nila magawang magalit dahil kung alam mo lang ang dinanas niya noon, mas pipiliin mo pang tulungan siya.
Kahit na ano pang bagay ang pilit na ihadlangSino man ay walang makakapigil sa paghakbangNg mga paa na ang nais ay marating ang ligayaNiyayang magtanan di nag-atubili na sumamaHawak ang pangarap at pangako sa isa't isaNagpakalayo-layo di namuhay na may kabaDahil alam nila na sa bawa't isa'y nakalaanAt ang pagmamahalan tangi nilang sinasandalanWala ng ibang bagay pa silang mahihilingKundi isang pamilya sa loob ng apat na dingdingAt isang bubong na maaaring tawaging tahananBakit may pangit na kabanatang kailangang daanan pa.
Mabait naman siya kaya nahiwagaan ako kung bakit siya nagkaganito. Pero paano ko malalaman ang dahilan kung siya mismo ay hindi ko na makakausap ng matino? Hindi nga alam ng mga barkada niya kung saan siya nakatira noon at kung sino ang mga kamag-anak niya. Nakikinig lang raw sila minsan kapag nagsasalita na siya mag-isa. Natutulog na lang siya sa terminal ng mga jeep dahil inalok ito ng mga driver imbes na raw sa tabi-tabi lang siya baka mapahamak pa siya. Kahit na may kakaiba sa kanyang pag-iisip ay tao pa rin naman siyang nabubuhay at kailangang maprotektahan ang sarili. Mabuti na lang ay nagmamalasakit pa rin ang mga barkada niya sa kanya.
"O! Sakay na kayo kay bossing!" sigaw nito kapag minsan siyang nagtatawag ng pasahero sa mga kaibigan niyang driver. Pagkatapos ay aabutan siya ng sampu para pambili na rin niya ng pagkain. Ano pa nga ba ang kakayahan niyang magtrabaho kung ang pag-iisip niya ay hirap na ring magtrabaho? Ano na lang ang pambibili niya ng pagkain kung wala siyang pera? Ano rin ang kanyang isusuot kung hindi siya makakapaglaba?
"Bossing wala ba kayong sobrang ulam diyan." tanong niya sa isang tindera sa karinderya.
"Wala." sabi nito at nagkatinginan ang mga tindera.
"Kahit konti lang, sabaw pwede n-"
"Wala." Sabay pa silang dalawa na sumagot, parang scripted at araw-araw na nila itong ginagawa sa kanya. Hindi man lang siya pinatapos magsalita ay nireject na ang paghingi niya ng tulong. Tatawa na lang siya pero kung nasa katinuan lang ang pag-iisip niya malamang pinag-untugan niya ang ulo ng dalawang chaka! Sa laki ng katawan niya kayang-kaya niyang pagbuhulin ang dalawang panget!
Lumipat siya sa kabila, "Bossing-" Hindi nanaman siya pinatapos magsalita.
"Eto, tira nung kumain. Nagmamadali siya kaya hindi na niya naubos."
"Salamat bossing." Mabuti na lang at kahit na tribal ang kanyang damit ay hindi siya maselan sa pagkain. Pwede rin naman siyang mamulot ng mga tira-tira sa Jolibee o Yellow Cab pero sulit na sa kanya ang konting lamang tiyan sa karinderya.
"Dito ka na kumain." sabi ng ale.
"Ay!" sagot niya at parang itinago ang mukha. Para siyang bata na nahihiya.
Kita mo naman na medyo nilalayuan siya ng iba. Mabaho, madumi at madungis, bakit ka nga naman lalapit sa kanya? Umupo siya sa tabi ng basura dahil alam rin niya ang kanyang lugar. Binigyan siya ng maliit na bangkito ng ale para hindi siya mahirapan. "Sabihin mo kung gusto mo pa."
Tumango siya at nagsalita kahit na puno ng laman ang kanyang bibig. "Chalamat!" Oo nga't binibigyan siya ng pagkain pero may pangangailangan rin naman ang mga taong nakapaligid sa kanya at hindi siya palagiang natutulungan. Pagpapalain naman ng Diyos ang mga tumutulong kahit sa mga maliliit na barya na naibabahagi nila sa kapwa nila. Kahit na pinagtitinginan siya ng iba, kahit na umalis ang ibang kumakain sa karinderya at kahit na walang masyadong namimili noong araw na iyon ay tinulungan siya. Nakakatuwa.
"P*tang ina mo!" sigaw niya noong isang umaga. "Akala mo kung sino ka. Ano lalaban ka? P*tang ina mo!" may diin pa ang murang kanyang sinabi. Alam kong nagsasalita nanaman siya mag-isa kaya sinubukan ko siyang tabihan at baka may maikwento siya.
"Sino nanaman ang kaaway mo?" tanong ko.
"Wala." sagot niya sa maliit na tono ng boses. Umiiling pa siya na parang natatakot. "Hindi mo naman kasi dapat binabastos ang babae." pagpapatuloy niya. Tinakpan pa niya ang tainga na parang may ayaw siyang marinig.
Maya-maya ay nakita kong tumulo ang luha niya. Naghalo ang alikabok at dumi ng kanyang mukha sa kanyang luha. "P*tang ina!" sigaw nanaman niya. "Ikaw! Bakit mo ginawa sakin to?!" sabi niya sabay turo sa itaas. Napalayo ako sa kanya dahil baka magwala siya. Kahit na hindi ko pa siya nakitang magwala noon kahit minsan ay para masiguro ko na rin ang kaligtasan ko. Nagtambling nanaman siya, hindi ko maiwasang matawa sa kanya.
"Ano bang nangyari?" tanong ko at umupo ako uli sa tabi niya nang umupo na rin siya.
"Ikaw! Ikaw siguro ang pumatay sa kanya!"
Nakita kong nanlisik ang mga mata niya pero pinilit kong maging kalmado. "Kanino?" tanong ko.
"Si Elsa! Yung... yung asawa ko." napatapik ako sa balikat niya para malaman niyang dinadamayan ko siya. May pag-asa pa ba siyang tumino ulit? "Babantayan ko na siya mula ngayon." sabi niya. Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinabi niya dahil hindi na niya mapoprotektahan ang isang namatay na.
"Anong pangalan mo?" Tinignan lang niya ako na parang nagtataka.
"Salamat!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Malapit ko ng batukan `to, buti na lang at alam kong may diperensya ang pag-iisip niya.
"..." Wala na akong masabi kasi hindi ko naman sigurado kung sasagutin niya ako ng matino. Mabuti pa si Simsimi nagagawang ikonekta ang mga sinasabi niya sayo kahit na sabihan mong ipaluluto mo siya ay magagantihan ka pa rin.
Binitiwan niya ang kamay ko. "Boto niyo ako! Sa susunod na eleksyon!" sigaw niya kaya napatingin ang mga dumadaan. Natatawa na lang ako sa kanya nang magtambling nanaman siya. Pustahan tayo, sikat siya sa alyas na Boy Tambling!
"Ako Lando." ngiti niya sa mga dumadaan at nakikipagkamay. Ang mga magagandang dilag ay tumatakbo habang tumitili at tumatawa. Parang nakikipaglaro lang siya.
Bumalik siya sa tabi ko at inabot ang kamay. Nagdalawang isip ako kung kakamayan ko ba siya dahil alam kong marumi ang kanyang kamay. Gagawin ko ba sa kanya ang ginagawa kong pagpapahiya sa mga friends ko kapag nakikipag-apir sakin? Inabot ko ang kamay niya, hindi naman pala masama. Magaspang ang kamay niya halatang nabanat ang buto noong nasa katinuan pa siya. Isama mo pa ang hirap na nararanasan ng kanyang palad ngayon.
"Hoy! Wag kang lalapit dyan!" sigaw ng isang barker. Alam kong kaibigan nila ito dati pero bakit ngayon ay ayaw nila akong lumapit sa kanya.
"Bakit po?" taka kong tanong.
"Nakapatay kagabi yan! May lanseta sa bulsa yan! Delikado." nagulat ako.
"Hindi lang nila alam." bulong niya kaya napatingin ako pero nagtambling nanaman siya.
"Hindi na namin siya sinumbong dahil kilalang manyak at rapist yung napatay niya. Tulong na lang namin sa kanya yun. Pero mag-iingat ka, mahirap na." sabi ng isang driver.
Sumabat pa ang isang tindera ng siomai. "Sabi nga ng mga nakakita, may hinoholdap daw na babae habang tumatae sa gilid itong si Boy Tambling." sabi ko na nga ba Boy tambling ang alyas niya eh. "`Di man daw siya nagdalawang isip saksakin yung holdaper nung makita yung patalim na tinutok sa babae.
Tumayo ako at nagpaalam na sa kanya. "May pasok pa ako, magkaibigan na tayo ha?" sabi ko.
Isang gabi na Huwebes lumubog na ang arawDoon tayo magkita pasalubong ko'y siopaoUpang ating paghatian pagdating ng hapunanMeron palang nakaabang sa amin na kamalasanEskinita sa Ermita may sumaksak kay ElsaSa tagiliran isang makalawang na lansetaAng gamit upang makuha lang ang kanyang pitakaKami'y mahirap lamang bakit di na siya naawaHindi ko naabutang buhay ang aking mahalAt hanggang sa huling hantungan ay nagdarasalBakit po bakit po ang laging lumalabasSa 'king bibig palaboy-laboy ni walang landasAkong sinusunod baliw sa mata ng maramiSiguro nga di ko na kilala aking sariliPangala'y taong grasa may patalim na gamitAt ang tanging alam ay isang malungkot na awit.
Ngumiti siya at parang kumakanta, "Wag kang mabahala may nagbabantay sa dilim, nakaabang sa sulok at may hawak na patalim. `Di ka hahayaan na muli pang masaktan, `wag ka nang matakot sa dilim."
Napag-isip-isip ko na ang babantayan pala niya ay ang kaligtasan ng lugar. Kaya siguro hindi pa siya kinukuha dahil alam niyang may matutulungan pa siya. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya makikita pero sana lang ay hindi siya magpatalo sa mga bulong ng demonyo sa kanya. May pag-asa pa kaya ang mga taong grasa na gaya niya?
"Ako Lando, bantay mahal kong Elsa." mabagal niyang sambit.
~enD
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.