Friday, March 01, 2013

Para Sa'yo Sinta: Kamatayan!

Ngayong gabi gaganapin,
'Di ko na alam ang gagawin,
JS Prom na pinakahihintay,
Aking isusuot heto na't hinihimay.

Ngunit may isa pa akong hinihintay,
Ikaw sinta na hingin aking kamay,
Para sunduin sa 'ting masayang gabi,
Bakit wala ka pa, 'di ka naman dating huli?

May balita akong natanggap,
Nahuli ka raw, may iba kang kayakap.
Gusto sana kitang makausap,
Pero pangbungad mo sa'kin ay irap.

Ipinagmalaki mong siya ang iyong palad!
May letrato pa na kayo'y hubo't hubad.
Video ng inyong ligaya,
Tinutok mo sa aking mga mata.

Sa lakas ng loob mo, ako'y nanggigil!
Luha ko'y tumulo pati uhog 'di mapigil!
Sobrang sakit sa puso gusto kitang singilin,
Sabay bunot ng patalim buhay mo, aking kikitilin.



Sa 'king panyo aking itinago,
Itong matulis na regalo.
Sa gate pa lamang ako'y pinaghinalaan,
Isang estranghero, 'di oras ko siyang ginilitan.

Sa gitna, masaya pa kayong nagsasayaw,
Sulitin niyo dahil mamaya ikaw ang hihiyaw.
Sa pinto ng banyo kita hihintayin,
Para walang makakita kung pa'no kita patayin.

Sa 'king hita nagsimula ang panganib,
Heto ka ngayon, hawak ang aking dibdib,
Ika'y hinila ko habang magkalapat ating labi,
Isa ka ng tanga dahil sa sobra mong kati.

Sa'yo ako'y nagpaubaya,
Para kamay mo'y aking makuha.
Gamit ang bra ko, ika'y itinali,
Nagagawa mo pa ngayong ngumiti?

Sa harap mo ako'y lumuhod,
Hinimas mabuti at hinimod,
Tapos ay hiniwa ko ito ng buo,
Paano ka sisigaw, panty ko ang 'yong subo-subo?

Masakit kaya ang malaslas?
Subukan lang natin ng konting gasgas.
Eh ang maputulan ang dila?
Masakit ba? Sumagot ka!

Taksil ang iuukit sa katawan mong mahapdi,
Mula sa iyong tiyan, doon ang letrang T,
Mamaya naman para sa malandi,
Letrang L sa dibdib niyang maputi.

Ako naman ang ngingiti,
Pagtapos ng underscore sa huli,
May tuldok pala ang letrang I,
Sige! Sumigaw lang ng aray!

Napakagandang tanawin,
Amoy dugo, bumabalot sa hangin,
Mga laman loob niyong nakahain,
Para sa daga, eksaktong pagkain.

Bago ko tuldukan ang buhay niyo,
May itatanong lang ako,
Masarap ba ang iyong naranasan?
Puwes, para sa'yo sinta, kamatayan!

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.