Friday, November 16, 2012

Ni-rape Dito, Minolestya Doon


Sandamukal na ang mga artikol tungkol sa virginity, erotic stories, hot poems, balitang rape at mga forums tungkol sa mga nymphomaniac, at usapang virginity na talaga namang kaakit-akit basahin pero naaabsorb ba natin ang gustong sabihin o iparating ng mga author na gumawa ng mga ito? O lalo lamang napapasama slash nagpapababa ng puri ng kababaihan? Dahil sa mga kwentong erotika ay nakakatulong sa init ng mag-asawa pero para sa mga nasosobrahan, baka hindi na maganda ang magagawa ng mga ito.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa dahil naiinis na ako sa nangyayari sa mundo. Nakapagtapon na ako ng mesa, nambato na ako ng cellphone at sumuntok ng hindi ko kilala dahil sa mga paulit-ulit na mga balitang ito. Malapit na nga ang December 21, 2012 pero lalo lang gumagawa ng masama ang tao. Masama yata ang epekto ng kinalat na balita ng barkada kong Mayan sa katapusan ng mundo, imbes na maging mabuti. Sana gumawa na lang ng mga bagay na kapaki-pakinabang para paghandaan ang nalalapit na judgment day.



"Huwag po! Aahh... Tama na po!"

"Huwag!!! Masakit po! Maawa po kayo!"

"Ayoko na po!"

Malapit na sa mga ganitong disgrasya ang mga OFW, may mga ni-rape dito, minolestya doon. Ni-rape dito sa Pilipinas ng kanyang amain tapos tumakas at nagtrabaho sa ibang bansa pero minolestya rin doon. Kawawang babae. Sa bandang huli, tulala, tahimik, may tama na sa utak. Tawa ka pa sige.

Hindi natatapos ang isang araw ng walang isang kaso ng rape. Malamang sa tv ay hindi ito araw-araw na binabalita pero sa mga maliliit na bayan at baranggay ay may mga kaso nito na hindi man lang nasosolusyunan. Hindi ko maatim ang inis na sa bawat araw na lumilipas ay may isang babae na nalalapastangan sa kamay nating mga kalalakihan! Kaya hirap ang mga babae na pagkatiwalaan tayo dahil nasa mga featured status sa facebook ang mga kalokohan natin. Gumawa ka ng isang daang kabutihan ay magaling pero makagawa ka ng isang kasalanan ay isusumpa ka, mabubura lahat ng nagawa mo. Kaya hanggat may naibabalitang nagagahasa, hindi ako mag-aasawa este hindi tayo maaaring mapagkatiwalaan. Protektahan natin ang mahal natin sa buhay, mahalin na parang porselana. Mahirap magtiwala pero kailangan, ibayong ingat sa kababaihan at sandamukal na respeto at disiplina guys!

Heto ang mga may tamang balita na gawa-gawa ko lang.

"Kawawang manikin, minolestya ng isang security guard! Manong guard, nagbali ang batuta!" Si manong guard, dahil siguro tigang na at bihira na sila magkita ng kanyang misis dahil gabi ang shift ni manong at sa umaga'y may trabaho rin si misis, pinagparausan niya ang manikin na sinasabing inakit raw siya nito. Magkahalong dugo at sipon ang natagpuan sa manikin na iniwan na lamang sa gitna ng department store ng nasabing mall. Hindi na natagpuang muli si manong.  Isa sa mga rason kung bakit nagagawang mangrape ng lalake ay ang tawag ng laman, malamang maraming load si Laman kaya tawag ng tawag kahit saan. May ilang mga lalaki na kayang i-cancel ang tawag ni Laman at meron ding tumatanggap sa tawag nito kaya ang nangyayari ay hindi kanais-nais at hindi nararapat.

"Isang magazine, wasak-wasak matapos gahasain ng isang lasing ang front page nito! Lalake, takas sa mental!" Tinakas raw ng lalake ang magazine at ni-rape ito sa cr ng isang fastfood chain, iniwan ang kawawang magazine na may mukha ni Christine Reyes na may butas sa lapag ng cr. Nakita ito ng janitor at tinapon ito agad bago makita ng mga tao sa children's party kung saan, nandoon si Christine Reyes! Isa rin sa mga hindi maitatanggi na dahilan ng hindi mapigilang tawag ng laman ang mga malalaswang magazine at tabloid. Hindi ko aamining wala akong FHM magazine sa kwarto ko, gusto ko lamang itanong kung bakit kailangan pa ng picture ng sexy`ng babae para sa isang magazine na ang laman ay mga news and trivia about girls and happy life. Pwede namang picture ng isang bulaklak o kaya ay mukha na lang at `wag ng isali ang hubad na katawan. Nakakataas ng libido eh! Hindi naman sa ayaw ko ang nakikita ko pero may iba kasi na hindi mapigilang mambastos at subukan ang mga nababasa nila sa magazine o sa internet.

"Bagong salta sa kulungan, ni-rape ng kapwa lalake! Bagong salta, inaming bading siya!" Dapat kasi hiwalay ang selda ng pederasyon na ito para hindi sila nakakana. May mga lalake na kapag nakitang hindi papalag ang kanilang target ay tuluy-tuloy lang nila itong gagawin. Sana sa mga babae, kapag may ginawa na sa inyo, kahit black mail pa `yan, magreklamo agad para hindi lumala ang sitwasyon.

Punta tayo ngayon sa mga seryosong balita pero syempre hahaluan ko ng kalokohan.

"Si Nene, ginahasa ng sariling ama sa loob ng sampung taon! Nagustuhan daw naman ni Nene sabi ng ama nito!" Incest! May nagahasa ba na nagustuhan? Magsusumbong ba kung nagustuhan? Ang ganitong problema ay hawak ng padre de pamilya. Kung ang anak mo ay naliligo ng hindi nagla-lock ng pinto, ano ang gagawin mo? Kung ang anak mo, maiksi magdamit, ano ang gagawin mo? Kung ang asawa mo ay laging wala, ano ang gagawin mo? Alam ko nasagot ito sa isip nating mga kalalakihan, at may ilan din na sa una ay mali ang naisip na sagot pero alam niya ang tama kaya papalitan niya ang sagot niya. Parang exams, mali ang una mong naisip pero dahil tinuro o nabasa mo kung ano ang tama, maitatama mo ang mali mo. Alam natin na mali ang pagnasaan ang anak pero may mga nakakagawa pa rin nito. Kulang sa review sa bibliya at hindi pumapasok sa klase na tintawag na misa!

"Isang OFW, minolestya ng kanyang among ambassador." Kapangyarihan! Gusto ko ng kapangyarihan! Bwahahahaha! Ang sarap ng feeling kapag boss ka `di ba? Lalo ka pang magiging boss kapag nasa bahay ka na at meron kang katulong, napakasexy at napakagandang katulong. May kapangyarihan ka para utusan siya, paglingkuran ka, paligayahin ka dahil sinusweldohan mo siya. Ayon sa kanta ni Gloc9 na Inday, pagagawa ang kahit ano tapos bubugbugin mo at palalayasin kasi hindi mo na siya kailangan kapag nagreklamo sasabihin mo ninakawan ka at siya pa ang makukulong? Walang hiyang nilalang ka! Burn in hell, beach! Masarap ang may kapangyarihan at nakakapag-utos ka sa mga mas mababa sa iyo pero tandaan mo, kung gusto mong respetuhin ka, matuto kang rumespeto ng kapwa!

"Si Julie Ann maaaring minolestya muna bago pinatay!" Paghihiganti. Sadya itong ipapagahasa para bigyan ng liksyon, at pagparausan. Isang sinkhole sana ang lumitaw sa ilalim ng mga demonyong ito papunta sa bahay nila sa impyerno! Mga walang laman-loob at apdo! Paano mo magagawa ito kung matino ang pag-iisip mo at walang epekto ng damo at illegal drugs? Kung hindi siguro naimbento ang gamot, mauubos ba ang tao? Siguro hindi tayo dadami na sing-dami ngayon pero dahil nais nating mabuhay ng matagal at mapagaling ang minamahal kailangan maimbento ng gamot. Gamot na may side effects. Hallucinogen, singaw ng medyas at iba pa na nakakasama sa isip kapag nasobrahan. Totoo nga na kapag may nagawa kang mabuti ay may kasama rin itong kasamaan. Law of attraction and gravitation, yin-yang, itim at puti, feng shui, lahat sila sinabi ito. Malademonyong mga gawain ang nagagawa ng sobrang gamot at milagro para sa iilan.

"Isang tricycle driver, ginahasa ang kanyang pasahero. Service pa siya nito ng ilang taon na!" Pagnanasa. Isa sa mga imortal na kasalanan na sisira sa iyo. Sisirain mo ang tiwala sa iyo ng isang tao dahil sa pagnanasa mo? Kaya nga nauso ang pagsasarili para pigilan ang sana'y sa isang pinagnanasaan mo gagawin. Kasalanan rin ito dahil napakaraming mga future nurses, doctors, engineers, teachers, laborer, accountant, driver, kasambahay, katulong, presidente at pulis ang iyong pinatay at pinagkait ang buhay na dapat sana'y makikita niya kapag na-meet niya si Egzel sa bahay. Kung parehong kasalanan ito ay mas mabuti talaga na magtimpi ka na lang.

"Ex-girlfriend ng isang lalake ay kanyang ginahasa hanggang mamatay!" The 'nagdilim ang paningin ko po' line. The 'nagsisisi po ako' status. Aksidenteng hindi sinasadya dahil sinaniban ka ng masamang espiritu at inutusan kang paligayahin ang babaeng mahal mo kahit ayaw niya. No further explanation here. Lack of discipline, faith at takot sa Diyos ang kanyang pagkukulang.

"Isang estudyante naglalakad pauwi, ginahasa! Isang video pa ng pangyayari ay nadiskubre ng mga pulis! Kaso madilim." Kalye kadiliman. Mga posteng walang ilaw, mga bantay na tulog, mga street lights na pundido na gaya ng pamamalakad ng batas, pundido. Hindi lang rape ang inaakit ng sexy'ng ilaw sa poste na singsexy ng isang babaeng may vital statistics na 34-23-30 sa kitid ng naiilawan kundi pati mga magnanakaw, snatcher, killer at aswang. Napakadelikado maglakad ng gabi lalo na kung mag-isa ka lang, ingat na lang. `Yan lang ang maipapayo ko kasi hindi ako si Kapitan Sino o si Mang Jose na pwede mong arkilahin kapag kailangan mo ng magtatanggol sa`yo.

"Grupo ng estudyante, ni-rape ang kanilang kaklase! Ang pagpapaalam ng babae ay gagawa lamang sila ng project ng kanyang mga kaklase!" Mapusok at marupok! Eksperimentuhan ba ng group project ang isang babae? Ang kulang naman dito ay ang atensyon ng kanilang mga magulang. Bata pa lang o sabihin nating teenager pa lang ay naisipan na nilang gawin ang bagay na ginagawa ng kanilang magulang ilang years before sila ipinanganak. Noong ako, dumilat ako sa mundo noong 15 na ako pero hindi ko inisip na gumawa ng bagay na ganyan. Nagsama-sama ang mga pasaway kaya ayun, disgrasya. Saka mo papagalitan ang anak mo, "Hindi kita pinalaki ng ganyan!" sasagot naman siya, "Pinalaki mo `ko?" butata ka. Nganga.

"Isang p*ta, ginahasa. Nagreklamo sa mga pulis, hindi pinansin!" Aanhin pa raw nilang pansinin eh natukso lang raw ang mga lalakeng pumila sa p*ta dahil sa kasikatan nito kapag nakalubog ang araw. Tao pa rin naman siya at may pakiramdam. Kahit hindi siya dapat sa kinalalagyan niya ay kailangan rin niya ng respeto kapag nasa labas na siya ng kwarto. Ang mga babaeng mababa ang lipad ay isa ring dahilan ng kahayukan ng ilang kalalakihan. Alam nila na pwede nilang gawin ang gusto nila dahil binayaran nila itong babae. Talamak na ang migration ng ganitong ibon dito sa Pilipinas, napakaraming hot-spot dito na talaga namang nakakatulong sa turismo ng bansa sa dami ng dayuhang lumilipad pa talaga rito para lang makatikim ng Pinay. Kahirapan at bugawan ang nagpaparami sa mga ganitong babae. Bwisit.

"Dalagang nagahasa umano, humihingi ng danyos sa gumahasa sa kanya. Ayon sa imbestigasyon at pagsusuri, hindi naman daw nagahasa ang babae!" May ilan sa mga kaso ng rape ay gawa-gawa lamang para pagkaperahan (nasa .01% lang sana). Bumababa na ang tingin ng mga babae sa sarili nila dahil bumababa na rin ang pagtingin natin sa kanila. Dati lampas tuhod ang palda, ngayon nakita na ng marami ang Perlas ng Silangan. Dati pati leeg nakatakip, ngayon parang sight seeing lang ng bulkang Mayon.

Lalake ang responsable sa lahat ng ito. Lalake ang dominante. Lalake ang mas malakas. Lalake rin si Jesus. Nakakahiya sa kanya, dapat siya ang ginagaya nating mga lalake. Si Virgin Mary para sa mga babae pero ilan pa ang virgin? Sad to say, mukhang malapit na talagang magbago ang mundo. Hindi ito magugunaw kundi magsisilang ito ng bagong henerasyon ng tao. Sa ibang bansa kasi liberated, kesyo sa ibang bansa legal ang abortion, sa ibang bansa normal lang ang makipagtalik sa hindi mo asawa, ehhhh sa ibang bansa `yun eh! Naririto pa ang Pilipinas na rumerespeto sa kababaihan pero nauubos na rin sila. Tayo na lang ang hinihintay tumawid sa madilim na tulay, doon tayo maiistranded, `di na kakayanin ng tulay ang dami ng taong lumilipat na sa kadiliman. London bridge is falling down, falling down, ito ang magiging katapusan. Parang isang babaeng nababoy, wasak ang buhay pati ang mundo.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.