"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Friday, November 16, 2012
Kaya Lang Single Mom
"Oy!"
"Oy! Paulo, bakit?"
"Penge katext."
`Yan ang madalas na conversation ng dalawang lalake marahil o taong katatapos lang sa isang magulong ugnayan o MU. Halos lahat ng teenager na lalake ay gusto ng ka-fling o ka-flirt. Ako? Ako si Paulo. Naghahanap ako ng future wife ko. In short, naghahanap ako ng girlfriend.
"Meron kaya lang single mom."
"Single mom?"
"Oo. May anak na siya pero wala pang asawa. Ewan ko nga doon eh, maganda naman at mabait pero iniwan pa rin ng lalake. Kung ako `yon, hindi ko na pakakawalan!"
"Hindi ikaw `yun eh."
"Sabi ko nga. Kaya lang single mom na siya."
"Eh ano kung single mom?"
Big deal ba kung ang babae ay single mom o hindi na virgin? Ayon sa imaginary kong survey, 85% ng kababaihan ay ayaw pakasalan ang taong hindi nila mahal kahit na nabuntis na sila nito. Kaya ang uwi nila, single mom. Mas gusto nila ito kaysa habambuhay na maging malungkot kasama sa lalakeng hindi naman niya mahal. Hindi ko lang maintindihan, matatalo ba ng tawag ng laman ang tamang pag-iisip ng babae? Hindi ko nilalahat.
"Bahala ka." sabi na lang niya.
Pero kung tutuusin, hindi sila matisbubun kung hindi nila ginusto? Kaya responsibilidad nila ang bata, take note 'nila', hindi lang ang babae. Mula tumuntong ng teenager ang babae ay marami ng paghihirap itong dinadanas gaya ng mens. Hindi `yan plural ng maraming mga lalake, pero makes sense problema nila ang lalake. Hindi ko naman nilalahat. First blood! Menstruation ito na lagi nilang pinoproblema kapag mainit ang ulo nila sa ating mga lalake, oh `di ba may sense. Ang lalake talaga, dumaragdag na lang sa problema imbes na damayan sila. Meron ding take advantage sa mga kalungkutan ng babae, gaya no'ng lalakeng sobra sa wax. Tapos iiwan din sa bandang huli kapag nakuha na ang gusto, ayun ang uwi nila, single mom.
Maraming dahilan ng hindi handang pagbubuntis.
"Mahal kita pero kapag nagbunga, hindi na kita kilala." masakit ito para sa babae. Mahal siya ng lalake pero kapag nalaman niyang nabuntis ito ay mawawala na lang siya bigla, parang magic. Buong tiwala nilang ibibigay ang kaligayahan ng lalake pero ang responsibilidad ay iniiwan pa rin sa babae. Damn all those irresponsible dumbass! Puro pasarap ang alam!
"Lasing ako ngayon kaya bukas hindi ko alam ang nangyari." masakit ito para sa babae. It's one of those one night stand lines boys (not men) uses. Kapag nakakita ng kursonada niya ay lalasingin tapos kinabukasan ay sabay kayong sisigaw ng "Hu u?!" Oh c'mon. Kahit lasing ako alam ko ang nangyayari at natatandaan ko ito kahit may portion na nawawala. Ano `yon? Karanasan ng sarap na gusto mong malimutan? I don't want to forget a night when I'm with a chick.
"Huwag po koya!" pinakamasakit na mararanasan ng babae at kawawa ang batang ipapanganak (kung ipapanganak pa). From those words, I know you have where the idea came from. Forced sex. Eto `yung mga pangyayari na masasabi nating mapupunta ang isang babae sa dark years niya. Pagkatapos ay iiwanan pa siya ng ala-ala ng mapait na pangyayaring ito. Depende pa sa attitude ng babae kung hahayaan bang mabuhay ang sanggol na itinuring niyang sumpa tapos ay mamaltratuhin o ipaampon. Madalas ring inaabandona kung walang handang tumanggap rito. I salute women who suffer in this situation to continue life with a child as a memento of the past.
"It's awkward buying condoms but it's more awkward walking pregnant." Madalas ring naririnig sa version na, "I love you, but sorry. I came inside." at, "Hindi ako safe ngayon pero sige." Ito ang nangyayari sa premarital sex. Mahal nila ang isa't-isa, then they make love (it's not called sex) pero makakabuo ng hindi oras. Nagamit na rin ng kaklase ko `yan na nabuntis, hindi ako ang nakabuntis ha. Nevermind. Hindi sila nag-ingat kaya wala sa oras nabuo ang kanilang magiging anak, mapapa-aga rin ang kasal sa ganitong sitwasyon. Iiwasang ipahalata na nabuntis ang babae bago pa sila ikasal, para isalba ang konting kahihiyan ng babae. Ayun, kapag malaki na ang tyan ng babae ay kasal na sila at sasabihing nabuntis siya sa honeymoon. Nothing is wrong here in our generation. Napaaga lang ang bunga, hindi pa sana niya panahon.
May iba pang sitwasyon pero hindi ko na lalahatin pero ang susunod na sakit na mararamdaman ng babae ay ang pangalawang dugo. Meron na tayong first blood kaya keto ang Second blood! Eto `yung dugo kapag pinansaksak mo ang batuta ng sekyu. Sana nagets niyo. Madalas ipinagkakaloob ng babae ang kanilang 'Second blood' sa lalakeng mahal nila pero sa bandang huli iiwan sila at ang uwi nila, single mom.
Salamat sa barkada ko at nakaclose ko si Irish. Mabait naman si Irish pero iniwan siya no'ng ipis niyang boyfriend. Type ko si Irish inaamin ko `yun. Hoy Irish! Kung mababasa mo ito, type kita. Pero syempre hula ko lang ang pangalan ng bida natin malay mo, Irish ang pangalan ng makakatuluyan ko. Landiiii... At kahit na single mom siya, tatanggapin kita oh Irish ko.
Ilang linggo na rin matapos akong umamin kay Irish ng paghanga at pagmamahal ko sa kanya. Gaya ng inaasahan ko'y bumaba na ang self confidence niya. "Matatanggap mo ba ako kahit na may anak na ako?" sabi niya sa akin.
"Oo naman! Walang problema sa akin `yon. Hindi naman ang katawan mo ang habol ko kundi ang ugali mo, pati itong daster mo sister!" biglang biro ko.
Todo halakhak siya noong araw na iyon. Hindi ko malilimutan.
"Bakit mo ako pinapunta rito?" sabi ko kay Irish.
"Pwede favor?" ngiti niya sa akin.
Haay. Ang mga ngiting `yan. Wala akong laban sa superweapon niya. Ewan ko kung bakit ang impresyon ng lahat sa single mom ay mga kaladkarin, reality hurts but what hurts more is when you accidentally hold on a hot pan while singing and cooking. Just kidding. Hindi ko ito maitatanggi kapag narinig ang mga salitang, 'ay! single mom siya?'
"Pakibili ako ng gatas. Hindi ko maiwan si Carl eh." request sa akin ng crush ko. Hindi naman ako nag-atubili at tinakbo agad ang malapit na grocery store.
Nasasaktan ako kapag nakakarinig ng bulungan. Nararamdaman ko ang kanyang pagkamanhid sa kanyang napapansin sa lipunan. Hindi talaga maiwasan ang mahusgahan kahit hindi nila alam ang kwento ni Irish. Hindi naman nagahasa si Irish. Pinagbigyan lang niya ang kanyang mahal na bf sa pagtatampo nitong hindi siya mahal ni Irish dahil ayaw niyang pumayag maangkin. Lumitaw ang isang sanggol na lalake pero ang ama ay nilamon ng lupa at nawala. Heto ngayon si Irish, ang uwi niya, single mom.
"Salamat Paulo. Nandyan ka palagi kapag kailangan kita. Pasensya na kasi ikaw pa ang nag-aalaga kay Carl imbes na si--" niyakap ko siya. Wala na akong kailangan marinig pang mga pagpapababa sa sarili. Ayoko na siyang makulong sa nakaraan, aalagaan ko siya para sa aming hinaharap. Sa araw ding ito ay sinagot ako ng Irish ko.
Ang third blood ng babae ay ang panganganak. Duduguin sila ng matindi dahil lalabas ang bata galing sa pinasukan ng batuta, imagine ang difference! Hindi lang ito third, pwede ring may fourth pa or fifth, sixth, hanggang hundredth kung kaya pa ng babae. Ang ibang babae ay ikinamamatay ang panganganak. So guys, masarap makipagsex `di ba? Have you taught of the worst case scenario and consequences of sex? Ang lalake ang dominant, ang lalake ang may kontrol, ang lalake minsan lang dinugo, guys! Girls need to be cared, caressed. Buong buhay nila hirap tapos dadagdagan mo pa ng irresponsible mind mo ng problema? Kawawa ang mga single mom.
"Ma, si Irish." pagpapakilala ko sa aking mga magulang sa pinili kong future wife ko.
"Sino `yung bata? Anak niyo?" tanong ni Mama.
"Ay! Si Carl po ito." sagot ni Irish, noong mapansin kong wala siyang alam ituglong sa kanyang naunang pangungusap ay sinalo ko na siya.
"Ma, Pa, single mom siya. Anak po niya si Carl sa nauna niyang boyfriend." halatang nagulat ang parents ko pero walang sense kung itatago namin at baka mamis-interpret lang at lalong lumala ang sitwasyon.
Naglikot ang imagination ko sa mga posibleng sagot ng magulang ko, "Bakit mo pinatulan `yan?" "Ay, may anak na siya. Sayang hindi ikaw ang nakauna." "Ok na sana eh. Kaya lang single mom ka." "Minamaltrato namin ang mga hindi namin gusto!" Syet! Ang negative ko. Sobrang laki ng epekto ng pagiging single mom sa babae depende pa sa sitwasyon. Sa pag-iisip ko pa lang ay parang magagaya ako kay Patrick Star, dumb. Alam ko mabait sila at maiintindihan nila ang desisyon ko.
"Siya na ba ang pakakasalan mo?" sabi ni Mama na parang malungkot ang kanyang mukha.
"Sigurado ka na ba dyan Paulo?" sabat pa ni Papa, parang ayaw nila kay Irish. Seryoso ang mukha nila na parang sasabak sa isang speech sa graduation.
Kita ko sa mukha ni Irish ang lungkot, gustong pumatak ng luha niya. Humarap siya sa akin at parang may sasabihin pero "Ssshhh..." itinapat ko ang hintuturo ko sa labi niya.
"Opo. Sigurado ako."
"Then -" grabe kinakabahan ako. Pasuspense pa kasi ang author nito eh. Si Mama ay parang malungkot at masama ang loob. Si Papa ay napakatalim ng tingin na parang mangangai ng tao. Hindi nila yata ineexpect na isang single mom ang aking mapapangasawa, ang kanilang magiging manugang. "Then, apo na rin namin si Carl." ngiti ni Mama. Hindi ko maipaliwanag ang galak. Tuluyan namang tumulo ang luha ni Irish, hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang saya.
Tatanggapin naman ng lalake ang isang single mom kaya huwag nila sanang masyadong ido-down ang sarili nila at huwag sanang mawala ang kanilang self-confidence. Mamahalin ka pa rin naman ng babae basta mahalin mo rin siya, kahit na single mom.
--enD--
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Inaamin ko.. Hindi ko pa nababasa lahat ng akda mo.. Kahit na yung best seller mo ay di ko parin nabasa at maliban sa mga tulang ating pinagsaluhan.. At sa graduation story na aking ninamnam ng tuluyan... Ay isa pang natatanging akda ang aking natunghayan dito sa isa mo pang tahanan..
ReplyDeleteMaraming salamat sa napakagandang istorya kaibigan.. Nawa'y marami pang makatunghay dito sa mga akda mo upang kanilang makapulutan ng aral..
Habang ako'y gulong gulo pa sa kapupuntahan ng mga akda ko.. Maghihintay akong muli sa mga akda niyo..
Sa uulitin...
edi basahin mo trops..:))))
Deletetapos commentan mo na rin..ehehe
sa uulitin..^^
wow nice ang atake..humor and reality..very nice..More power to you
ReplyDeletei suggest na basahin mo yung 'Losing Your Phone or Losing Your Virginity' na gawa ko..kasi yung ang una kong reality humor story na maraming nakaappreciate..
ReplyDeletebalik lang po..libre mag-U turn..:D