"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Friday, November 30, 2012
Teenage Destiny 1
Online...Chapter 1
"Kuya Ben! Pa-open itong number 10!" sigaw ni Dinia.
"Ayoko! Wala namang sira ang number 10 para buksan ko!" sagot ni Kuya Ben ang may-ari ng shop.
"Sira ka kuya! Dali na, maglalaro ako ng 3 hours." landi ni Dinia sabay kindat dito.
"Ayan na. Ihahanda ko na ba ang miryenda mo?" asikaso naman ni Kuya Ben ng pabiro.
"Hindi ako gutom. Loko ka talaga, gusto mo muna ng kindat ko eh." maangas na asta ni Dinia habang hawak na ni Kuya Ben ang isang skyflakes.
Si Dinia, ang only girl ng grupo pero hindi nila siya tinuturing na babae kapag kausap ito. Pormahan nito ay parang pang-emo, sabi niya retired emo siya. Nasubukan na niyang mag-eyeliner na makapal, maglaslas, at magpatugtog ng mga screa-emo na kanta na madalas binubulyawan ng nanay. Madalas nag-uusap ang mga boys ng mga experience nila noong nakaraang gabi kahit nandoon ito dahil parang lalake na rin siya mag-isip gaya ng mga dabarkads niya pero nandoon pa rin ang respeto para sa kanya. Adik siya sa mga online games hindi gaya ng idate o audition kundi cabal, ragnarok, at special force. Kung tinatanong niyo kung nagdodota ba siya, oo ang isasagot ko pero hindi niya ito tipo, mas tipo niya ng mga online games. Aba meron din palang hindi nahuhumaling sa DotA. Kaya naman kasi itong pigilan at tamang disiplina sa sarili, walang maidudulot na masama ito.
"Kuya!" sigaw ni Dinia habang nakatingin pa sa monitor ng computer, busy sa paglalaro ng Ragnarok.
"Susmaryosep!" kunwaring gulat ni Kuya Ben hawak ang dibdib.
"Ang OA mo. Sayang hindi ko nakunan `yung itsura mo." tawa ni Dinia. "Darating ba ang mga kasama ko?" ang ibig sabihin ni Dinia ay ang dabarkads nilang Sais Grupos. Barkada sila na magkakalapit ang tirahan kaya napalapit ang isa't-isa.
"Malay ko. Ba't hindi mo itext?"
"Busy ako. Ang suplado mo! Batukan kita eh! Baka sakali lang na alam mo!"
"Galit?"
"Gago!"
Sino nga ba ang hindi marunong mag-online sa panahon ngayon? Bihira ang pamilyang walang internet o computer sa bahay. Ano nga ba ang epekto nito sa buhay ng tao? May mga nadadalian sa homework dahil sa paghanap nito sa google pero meron ding lalong nahihirapan dahil hindi sinasagot ni google ang tanong niya. Masyado daw malawak ang sagot ni google sa kanya kaya kinopya niya ng buo ang article na nakita niya ng hindi binabasa without knowing na wala doon ang sagot na hinahanap ng guro niya.
Meron ding iba na imbes na pumasok sa eskwela ay maghapong uupuan ang computer at titigang mabuti ang monitor hanggang sa lumuwa ang mata. Sa internet pwede kang magbabasa o makinig ng kung anu-ano pero huwag din masyadong magtagal dahil baka mangayayat ka gaya ni Pepeng Amerikano at magkasakit bawat papasukin ka sa eskwela gaya ni Madam Congesswoman. Disiplina lang sa mga ganitong sitwasyon. Disiplina.
"Oy, oy, oy! Ba't nandyan ka sa pwesto ko?" sigaw ni Andrei kay Dinia pagpasok nito sa shop. Angas angas pa itong maglakad.
"Ayan na ang magugulo..." bulong ni Kuya Ben.
"May problema ka ba do'n?!" sabi ni Dinia at akmang tatayo.
"Wala boss." sagot ni Andrei at hinawakan ang balikat niya para huwag ng tumayo.
Tinignan ni Dinia ang kamay sa balikat niya at sunod ang mga mata ni Andrei.
"Cut! Tama na ang intro." sabi naman ni Jems sabay tawanan ang anim. Laging ganito ang pagpasok nila sa shop ni Kuya Ben at kilala na sila dito sa ganoong pasok. Lagi kasing nauuna si Dinia sa kanila sa pagpunta rito.
"Angas mo Dins!" sabi ni Rence at ginulo ang buhok ni Dinia.
"Sanay na 'ko sa trip ninyo mga sira ulo." sagot niya.
Si Bryan ay tahimik lang na nagsindi ng computer sa dulo at sinundan ni Andrei sa tabi ni Dinia. "Musta 'tol." bulong ni Andrei.
"Eto nga level 61 pa lang ang assassin ko. Penge ako ng Katar, yung 3 slot!"
Naglog-in din si Andrei at pinagbigyan ang hiling ni Dinia. "Salamat 'tol! Haha."
"May bayad 'yan Dins."
"Ano naman? Wala akong zeny, nakikita mo ba 'yan?"
"Kiss na lang." sabi ni Andrei. Si Andrei, ang pumapangalawang chickboy ng grupo.
"Ayan. Kiss mo si Bryan!" supladang hirit ni Dinia.
"Pareng Drei! Tinatalo mo na ang pare naten?" sabat ni Jems. Si Jems, short for John Erick Mark Sylvester, ang pinunong walang kwenta, siya rin ang nangungunang chickboy, madalas itong single at madalas ding taken. Wala na siyang inatupag kundi chix.
"Gago! Si Bryan na lang tataluhin ko! Takot ako dyan kay Dins." at inusog pa ni Andrei ang upuan palayo kay Dinia.
"Mga sira kayo!" tawa ni Dinia at sinuntok ang braso ni Andrei.
"Pare! Nanununtok!" takot pang reaksyon nito.
"`Wag kayong lalapit!" baka magtransform 'yan." singit ni Rence. Si Rence, ang loverboy, hindi siya chickboy, loyal at stick to one siya, pinakagwapo sa grupo at sa kanya nagkakagusto ang mga chicks ni Andrei at Jems. Hindi matanggap ng dalawa ito.
Tawanan ang lahat, pati si Dinia. Masaya naman ang puso ni Andrei, napapatawa niya si Dinia. Si Andrei, ang pumapangalawang chickboy ng grupo. May lihim siyang pagtingin kay Dinia dahil sila ang pinakamalapit sa grupo, matagal niya na itong tinatago. Ayaw niyang taluhin ang barkada dahil baka sa huli ay mabuwag ang masaya nilang grupo.
"Tara PVP na lang!" yaya ni Dinia, sabay tawa.
"Tapang mo, as if kaya mo kami." loko ni Bryan. Si Bryan ang pinuno pagdating sa pagdoDotA dahil siya ng pinakamagaling sa kanila.
Tawanan ang lahat, ang saya kapag meron kang mga kasamang naglalaro. Parang bata lang uli ang pakiramdam. Kahit masaya kang naglalaro mag-isa, may parte ng pagkatao mo ang nawawala dahil mas iba ang saya kapag nakikita mong masaya din ang mga kalaro mo. Iyon siguro ang advantage ng DotA, gaya ng Counter Strike, may kasama kang naglalaro at nasasabi mo ang gusto mong sabohin sa kanya. `Wag lang pikon.
Napakatahimik ng shop at walang nagsasalita ng biglang, "Wala ka pala eh! Haha!" sigaw ni Bryan matapos mapatay ang kalaban. Tinitigan lang siya ng mga ito at tumahimik uli. "Baket?" at nabasag uli ang katahimikan ng tawanan at halakhakan.
"Sino'ng may gusto ng chicks?" tanong ni Dinia sa mga kasama nang pauwi na sila dahil alam niya na chickboy ang mga ito. May nakilala kasi siya sa account niyang lalake, mukhang mabait na chicks kaya handa niyang itoka ito sa kanyang barkada. Ngayon lang niya ito ginawa dahil alam niyang may problema si Andrei sa ex niyang matagal na niyang hindi malimutan kahit ilang babae na ang naipalit niya dito. Dati na rin itong ginagawa ng mga kasama niya, makikipagkilala sila sa online game at makikipagkita si Dinia. Kapag panget ang babae, kakausapin ni Dinia ang babae at sasabihing hindi na pwedeng makipagkita kung sinuman yung makikipagkita sa kanila dahil lumipad na paibang bansa. At syempre kung maganda, ang lucky guy na pumayag sa usapan ay makakatanggap ng premyo. Isang hot chick, bahala na sila noon.
"Pag-iisipan namin." wika ni Andrei, balak na kasi niyang sabihin ang lahat ng nararamdaman niya kay Dinia. Pero sa isip ni Dinia ay kay Andrei ipakilala itong dalaga.
"Single daw siya tol." patawa pa niyang sabi.
"Pag-iisipan daw pare." sabi ni Jems kay Dinia.
"Ikaw ang bahala." bigla siyang nalungkot.
>
"Hindi ka nagpunta sa shop kanina tol." wika ni Dinia kay Lester. Si Lester, ang genius ng grupo, lahat ng mga sinasabi niya ay may lihim na kahulugan o malalim at makahulugan kaya siya lagi ang kinakausap ng mga may problema, kaya ayun, marami tuloy siyang pinoproblema.
"May problema ako eh." sagot nito.
"Gano'n. Sa'yo ba problema?"
"Hindi eh."
"Makakatulong ba ako?"
"Hindi rin."
"Hindi mo ba masasabi sa'kin?"
"Hindi rin."
Batok!
"Aray!"
"Bahala ka nga. Parang hindi ka tropa eh."
"Confidencial kasi."
"Sus!"
Malamang tama ang hula ninyo. Kung nahulaan lang din ni Dinia, na siya ang pinoproblema ni Lester. Haay. Dapat kasi basahin niya ang storyang ito. Sinabi kasi ni Andrei ang lahat kay Lester, kaya pinayuhan niya itong sabihin na ang nararamdaman at ihanda ang sarili sa anumang pwedeng mangyari.
"Bakit gano'n si Andrei?"
"Ha?"
Hindi alam ni Lester ang isasagot kay Dinia. "Napano ba siya?"
"Ewan. Parang pakiramdam ko iba na siya."
"Baka hindi na babaero yung tao."
"Naiintidihan ko naman kung bakit siya nambababae, ginagawa talaga ng lalakeng broken hearted yun di ba tol?"
Tango. "Hindi lahat."
"Nakakapanibago."
"Kung hindi na siya babaero, edi ok na siya? Nakamove on na siya. Di ba? Dapat masaya ka."
"Gano'n." Nag-isip na lang siya. "Sige tol. Salamat. May pinabibigay palang chocolate si Jems pero naubos ko na pagpunta dito." tawa niya at saka tumakbo.
>
Maya-maya ay may nagtext kay Dinia, "hi...si alexa to..si dino ba ito? pwede ka ba bukas?"
"hindi eh..baka matagal pa.." sagot nitong si Dino a.k.a. Dinia.
"ha? bakit naman?"
"basta..hindi ako pwede agad..baka sa ibang araw na lang..tetext na lang kita.." reply ni Dinia.
"Kainis kasi `tong si Andrei bakit ayaw pa niya. Nakakahiyang paghintayin ang babae." sabi ni Dinia sa sarili.
Nakita niya si Andrei na parang naghihintay sa harap ng gate nila pero parang nagtatgo ito at nagpapraktis ng kung ano kausap mag-isa. "Oy! Drei!" sigaw niya rito pero imbes na kawayan man lang si Dinia ay tumakbo ito palayo. Wierd. "Nakakaloko talaga `tong si Andrei." bulong pa niya.
Isa nanamang text ang pumasok. "Tol. Nomo tayo."
Nagreply siya, "sige saan?"
"d2 kina Andrei.."
"sige punta ako jan.."
"Kaya siguro nandito si Andrei kanina pero bakit gano'n siya. Tumakbo." Napalingon siya sa likod baka may multo sa likod niya pero wala naman. Nakahinga siya ng maluwag.
>
"Nandito na ang chicks natin!" sigaw ng mga barkada niya nang makita siya na papalapit.
"Ulol!" sigaw niya pabalik sa mga ito.
"Feeling mo ikaw!" sabi ni Lester. Parang wala na itong problema palibhasa may tama na kasi.
"Hindi ikaw! Haha!" sigaw ni Jems at tumawa lahat sila pati ang mga babaeng bagong dating.
"Iba ka talaga Dins, nagdala ka talaga ng chicks para sa'min?" sabi uli ni Jems.
"Sa inyo lang `yan. `Wag niyong ididikit sa'kin baka makita ng girlfriend ko." sabi naman ni Rence.
"Mamaya may picture-picture tayo!" sigaw ni Andrei sabay pakita ng dala nitong camera.
"Oy! `Wag niyo iupload kapag may kuha ako kasama ang babae ha?" takot na reaksyon ni Rence. Tawa lang ng tawa ang mga ito na parang walang babaeng kasama.
"Oy! Drei! Bakit ka tumakbo kanina? Akala ko may chicks na humahabol sa'yo sa likod ko." sabay tapik ni Dinia kay Andrei at umupo sa tabi nito.
Hindi lang sumagot si Andrei at tinungga ang tagay niya. Isang kabayo ang kanilang uubusin ngayon. "Oy Lester! Ayos ka na?"
"Sa'yo na ang tagay `tol." sabi ng tanggerong si Brian.
Bottoms up. Nakakasabay sa inuman si Dinia, huwag niyo siyang maliitin. Tapos ay tinignan si Lester at itinaas ang hinlalaki parang tinatanong kung ok lang ba siya. Sumagot naman din ito ng thumbsup. Iba talaga ang asta nitong si Dinia, babae siya at naiinlove sa lalake, hindi tomboy na naghahanap ng babae. Ano ba ang tawag doon? One of the boys?
Nakatingin lang siya kay Andrei. "Ano pala ang meron bakit may inuman session tayo ngayon?" bigla niyang tanong.
"Alam naman natin na problemado ang isa nating barkada eh." sabi ni Lester. Daig pa ni Lester si Dinia sa inuman, mauuna pa siyang bumagsak kaysa kay Dinia.
"Hoy! Tumahimik ka!" biglang sabat ni Andrei. Si Lester naman ay tumawa lang at itinaas ang mga kamay.
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit ka tumakbo kanina?"
"Pare tagayan mo `ko." hindi niya pinansin si Dinia.
"Pinapatawag kita sa kanya kanina pero parang may daga kaya tumakbo." sabi uli ni Lester at tumawa lahat. Sumenyas lang ng kamao si Andrei pero hindi pa naman nagkakabunuan ang magbabarkadang ito kahit na nagkakapikunan na. Nakakabilib rin sila minsan.
"Infairness, sexy ang chicks ni Andrei!" sabi ni Jems katabi si Shane na katext ni Andrei at kaclose na rin ng barkada.
"Ano ba'ng problema mo `tol?" tanong ni Dinia kay Andrei. Napakaputla ng itsura nito at walang gana at walang kabuhay-buhay kahit masaya ang mga barkada.
"Hayaan mong makalimot ang tao." sabi ni Rence. Walang alam ang ibang barkada sa problemang dala ni Andrei ngayon pwera kay Lester.
"Paanong makakalimutan ang problema eh sobrang lapit kaya!" banat uli ni Lester at tumayo si Andrei na akala mo'y susugod pero tumalikod lang ito at nag-ayos ng damit at umupo uli.
... Offline ... itutuloy
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.