Bahagharing May Lamat
Tinignan ko uli ang mukha ni Princess, baka may kung anong senyas o anumang kilos niya para maging basehan ng sagot ko. Ahh! Wala! Nakatingin lang siya sa'kin. Relax. Inhale. Exhale. Inhale...
"Ano na Victor? Itanan mo 'ko." biglang sabi ni Angelica. Inhale uli. Mali! Exhale muna. Hindi ko na alam ang isasagot. I need more time.
"Ayoko..." bigla kong sagot. "Hindi natin matatakpan ang mali ng isa pang mali." sabi ko. Naalala ko ang sabi ni nanay, gawin ko ang alam kong tama.
"Pero bakit? Para sa'tin din 'to Victor!" tinulak ako ni Angelica.
"Para sa'tin? O para sa'yo lang din kagaya ng itay mo?" hindi ko mapaniwalaang sumasagot ako ng ganito.
"`Wag mo kong baligtarin Victor! Hindi mo ako mahal! Hindi mo..."
"Mahal na mahal kita Angelica! Pero sasama lang ang tingin ng itay mo sa gagawin natin." sabi ko sa kanya.
"Oo nga. Sa mga napapanood kong telenobela, pinapakulong nila 'yong lalake, minsan pinabubugbog, ang masaklap pinapapatay!" singit ni Princess. Ngayon alam ko na na tama ang naging desisyon ko dahil sang-ayon sa'kin si Princess pero grabe, natakot ako sa mga sinabi niya. Mala-telenobela pa naman ang buhay ko.
"Sorry." sabi na lang ni Angelica. Yuko itong tumayo at pumasok sa kwarto.
"Tama ang desisyon mo Victor. Boto na ako sa'yo." napangiti ako hanggang tainga sa sinabi ni Princess na pinasok din ang sariling kwarto.
Paano ako? Wala akong kwarto dito.
Kinatok ko si Angelica. "Pwedeng pumasok?" tanong ko sa pinto.
"Bukas 'yan." matamlay na sagot niya.
Nakita ko siyang nakahiga at nakatalikod sa akin. Umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang buhok niya. Pwede kaya akong humiga katabi siya? Sana maging masaya pa rin sa akin si Angelica. Wala pa akong maipagmamalaki pero kailangan naming gawin kung ano ang tama.
"Victor..." malambing na bumangon si Angelica. Napakacute niya ngayon habang nakatagilid ang kanyang damit na parang nanunukso parang tumigil nanaman ang oras.
"Hmm?" pacute ko ring reaksyon.
"Hindi ka cute `wag kang magpacute." pambabara niya sa'kin. Awts!
"Ano ba `yun?"
"Mahal mo ba talaga ako?"
"Oo naman kung ang isyu pa rin ay yung pinag-usapan natin kanina, hindi na magbabago ang desisyon ko."
"Gano'n." malungkot niyang sabi at tumalikod muli sa akin.
"Angel, ipaglalaban naman kita kahit ano ang mangyari."
"Madaling sabihin mahirap gawin." sabi niya. Tama rin siya. Wala pa kami sa sitwasyong papipiliin ako kung ano ang mas tama, ang relasyon namin o ang isang importanteng bagay. Hindi pa din ako napunta sa gano'ng sitwasyon.
"Ano ba'ng gusto mong gawin ko para magbago ang isip mo?" sabi ni Angelica na namumungay ang mga mata. Naglilikot ang isip ko lalo na noong inilapit niya ang mukha niya sa akin at may kiliti siyang humahaplos sa kamay ko.
"A-ano'ng ginagawa mo?" kinakabahan kong tanong kasi parang ngayon lang ako natense ng ganito. Ano ba ang pipiliin ko? Ang sarap o ang hirap?
Kapag ba itinanan ko siya darating ang araw na mapapatawad rin ako ng magulang niya? Pero parang giyera ang navisualize ng utak ko. Giyera ng dalawang angkan. Putakan at suntukan nauwi sa barilan at kasuhan. Bigla akong nabalik sa mundo ko nang maramdaman ang dampi ng labi ni Angelica.
Hinawakan ko siya sa balikat at dahan-dahang inilayo sa akin. "Angelica, hindi mo mababago ang isip ko."
"Ibig sabihin ayaw mo ng halik lang?" napalunok ako ng laway ko sa sinabi niya. Akma siyang maghuhubad ay pinigil ko siya.
"Hindi naman sa ayaw ko ng gagawin mo pero hindi mo pa rin mababago ang isip ko sa pinaplano mo."
"Shit ka naman eh! Gagawin ko na nga ang lahat para lang magkasama tayo! Hindi mo ba naaappreciate?! Napapahiya ako Victor."
"Sorry pero mali nga kasi. Hindi dapat." habang sinasabi ko ito ay tinatabig ko ang kamay niyang naglilikot. "Ano ba?!" nagulat ako sa pagsigaw ko.
"Iwan mo na lang ako." sabi niya at nagbalik sa pagkakahiga at tumalikod sa akin.
"Sorry." pag-alo ko pero ayaw niya akong harapin.
Tahimik akong lumabas. Naririnig ko ang paghikbi niya sa bawat hakbang ko palayo. Lumabas ako ng bahay na walang payong. Walang dalang pananggalang sa ulan ng lungkot. Hindi ko lang alam kung babaha na ng luha pero ayoko pang isuko ang kawayang nanatiling nakatayo sa gitna ng bagyong ito.
>
Pinalipas ko ang araw na iyon at pinuntahan ko uli si Angelica. Hindi na ako dapat magkamali ngayon, walang aso sina Angelica kaya dapat tama na ang pupuntahan kong bahay. Sana hindi ako nagkamali.
"Ang aga mo." tanong sa akin ni Princess.
"Gusto kong makita si Angelica." sabi ko.
"Pasok. Nag-almusal ka na?"
"Oo."
"Gel! Nandito bf mo!" sigaw nito sa dako ng kwarto ni Angelica. Parang sadyang pinarinig ang mga sinabi niya sa akin. Natuwa naman ako sa sinabi niya baka hindi niya alam na wala pa kaming pormal na relasyon.
"Ano ba'ng ginagawa niyan dito?! Ang aga aga pa eh!" simangot na sagot ni Angelica ko.
Tumayo ako at nilapitan ang kwarto ni Angelica. "Samahan kita. Puntahan natin ang daddy mo."
Napabuga ng kape si Princess. Si Angelica naman ay parang naging estatwa na sa gulat. "Bakit?"
"Hindi mo alam ang sinasabi mo." sabi naman ni Angelica.
"Strikto si daddy." sabat ni Princess.
"Subukan natin." sabi ko naman.
"Gusto mo ba akong mapagalitan?!"
"Bahala kayo dyan. Buhay niyo yan."
"`Hindi pwede ang naisip mo Victor."
"Bigyan mo ako ng address. Ako na lang ang pupunta."
"Makulit ka talaga?"
"Ako pa?"
"Samahan na kita. Sandali." sabi ni Angelica ng pasinghap.
Muling sinadya ni Angelica ang ama sa opisina nito, ngayon kasama ako. Wala akong script o kodigo sa mangyayari mamaya o kung ano man ang sasabihin ko ay hindi ko pa alam. Basta ang alam ko, kusang bubuo ng salita ang puso ko para dahilan kung bakit tiumitibok ito.
Nakasiwang ng konti ang pinto ng kwarto ni Mr. Benitez pagdating namin. Hindi na siya inabisuhan ng secretary sa front desk na dumating kami base na rin sa hiling ni Angelica. Nakita kong sinasalo nito ang kanyang noo, parang tanda na may malalim itong pinoproblema. Ilang na ilang pa akong pumasok dahil dito. Nanatili kaming Nakatayo sa labas habang humihinga ako ng malalim.
Hindi ko pa naialay ang tupa sa ritwal ko ay kinatok bigla ni Angelica ang pinto senyales na papasok na kami. Inayos ko ang tayo ko at naghanda ng matamis na ngiti.
Lahat `yon nawala noong makita na ang ama niya. Para akong tinamlay at nahalatang pinapak ang isang balot ng kape. Lalo pa akong nagnais tumakbo palayo noong nagsalita si Angelica.
"Dad, this is Victor, my boyfriend." pakilala sa akin. Kailan pa naging kami?
"Hindi mo man lang muna ba pauupuin ang bisita? Upo ka dito iho." sabi ni Mr. Benitez. Mukha naman siyang mabait pero hindi mawala sa akin `yung itsura niyang malungkot na hindi nakita ni Angelica.
"Uhm. Sir, alam ko po ang sitwasyon -"
"Hindi mo alam." putol niya sa sinasabi ko. Napatigil tuloy ako sa pagsasalita.
"Dad!"
"Bakit?"
"Iho, alam mo ba na bankrupt na ang kumpanya ko? Ikaw Angelica, alam mo ba `yon?" pareho kaming natahimik naghihintay na palayasin kami.
"Pero binibili ito ng pamilya ni Ken kaya Angelica, kung makakasal kayo, dito pa rin tayo. May parte pa rin tayo sa kumpanyang pinagpaguran ko."
Nakayuko lang kami. Napahiya kaming dalawa pero kailangan kong gumawa ng paraan.
"Excuse lang po. Nakausap na namin si Ken at pumayag siya na si Angelica ang magdesisyon para-"
"Ako ang ama niya kaya may karapatan akong magdesisyon para sa kanya!" sabat muli niya. Wala talaga kaming sapat na tapang pero may pinanghahawakan kami. Ang pangako na ipaglalaban ko siya.
"Wala." sabi ko ng mahinahon. "Walang sinuman ang pwedeng magdesisyon para sa isang tao."
Tinignan lang nito ang anak na parang nagsasabing, 'eto ang ipinakikilala mo sakin? isang batang walang respeto?'
"Ang pangarap ng magulang ay ang pangarap ng anak. May mga bagay na kailangang ipagtanggol ng isang lalake kahit ikapahiya o ikamatay pa niya ito. Ang kasiyahan ng magulang ay kasiyahan rin ng anak. Kung ang pagsasakripisyo para sa anak ay kailangan, gagawin ito ng magulang, maging masaya lang ang anak."
"Anong alam mo sa pagiging magulang?"
"Siguro nga wala pa akong karanasan sa pagkakaroon ng pamilya pero marunong akong magmahal. Ang pakikipagrelasyon ay paraan para makilala ng husto ang susunod mong pamilya o ang bagong miyembro ng pamilya. Sa pamilya nagmumula ang paraan ng pagmamahal ng isang tao at alam ko na minahal ako ng aking pamilya at minahal ko rin sila kaya hindi ako nagdadalawang isip sabihin ang saloobin ko dahil ito ang tinuro sa akin ng magulang ko, ang pagmamahal. Nasasabi ko ito dahil ito ang alam kong tama, kaya kung mali po ako, maari ko ng isuko ang pagmamahal ko kay Angelica."
Hindi ko akalaing masasabi ko ang mga bagay na ito. Sabi ko na nga ba may mahiwaga sa bibig ko eh. Kusa itong naglalabas ng bango kapag kailangan.
"Kaya mo na bang buhayin ang magiging pamilya mo kay Angelica?" sabi niya at ngumiti sa akin. Nagulat din si Angelica sa sinabi ng ama, payag na siya sa amin. Napangiti siya at napayakap sa akin.
"Dad..." maluha-luha niyang sabi at niyakap ang ama sa kinauupuan nito.
"Siguro kailangan munang bumaba ng pride ko para sa'yo Angelica. At ipinamulat sa akin `yon ng kasama mo." at tumingin sa akin, nagblush ako kasi hindi ko na maintindihan ang tuwa na nararamdaman ko. "Eh ano naman kung bumaba ng malaki ang sweldo ko, hahanap uli ako ng trabaho kahit na alam kong kaya niyo ng dalawa ng ate mo mag-isa."
"Dad..." speechless pa rin si Angelica.
"Sa tingin mo hindi kaya type ni Princess si Ken?"
"Dad!"
>
Sandamukal na sermon ang natanggap ni Angelica sa boss niya dahil sa tagal niyang absent habang nasa labas naman ang supportive na boyfriend. Mabuti na lang ay hindi siya natanggal dahil sa magaling na programmer si Angelica ay hindi nila ito mabitawan.
Sa `di kalayuan, "Damn! They did not fall into the trap!" bulong ni Ken sa sarili nang malamang mailipat na sa kanila ang ownership ng kumpanya. "You do love him right?" tanong naman nito kay Joyce.
Mahinang tango lang ang sagot nito.
"Then do something!" inabutan uli siya nito ng isang sobre.
Maluha-luha niya itong tinanggap dahil na rin sa pagbalik ng kanyang ama sa ospital. Stage 3 prostate cancer ang inakalang UTI lamang na sakit ng ama. Pilit palang nakiusap ang ama ni Joyce ang doktor na itago sa anak ang totoong lagay nito. Ngayon, napakapit nanaman sa patalim ang anak para mapahaba pa ng konti ang buhay ng ama.
..itutuloy..
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.