Pakiramdam ko'y merong sa aki'y nakatingin,
Napalingon ako't nagulat sa'king napansin,
Ika'y nakangiti, galing sa malayong bitwin,
'Di inasahang, ika'y magpapakita sa'kin.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
Matapos kitang masaktan ika'y naririto,
Ang lungkot sa mata mo'y pilit mong tinatago,
Parang dinudurog pa ang tunaw ko ng puso,
'Di inaasahang, ako pala'y iiwan mo.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Ngunit ang iyong pagkawala'y aking pagtamlay,
Ang pagmamahal ko sa iyo'y hindi nahimlay,
Tanging pakiusap ko'y magbalik sa'king buhay,
Iparamdam sa'king muli ang init mong taglay.
"Huwag kang lalapit!"
Mahal kita! Sigaw ng nag-iisa kong puso.
Iwan mo na siya kundi tatalon ako rito!
Araw-araw minamahal, kahit kasal ka na,
Mahalin mo ko ngayon, bukas at sa bukas pa!
"`Yun lang naman ang gusto ko eh. Bakit hindi mo magawa?"
Kasabay ng pagtulo ng ating mga luha,
Pakiramdam ko ako'y nasa alapaap na,
Bago ko maramdaman ang pagbagsak sa lupa,
Boses mo, aking narinig ngunit huli ka na.
"Mahal pa rin kita..."
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.