Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.
Chapter 5
Ang pag-aasawa ay hindi biro at hindi basta basta pinapasok. Hindi yan ice cream na kapag natunaw ay wala ka ng gana, parang Magnum yan na kahit masakit sa bulsa ay bibilin mo pa rin at hindi ka magrereklamo na mahal eh. Pero ang Magnum ay ice cream pa rin, natutunaw, sana kahit na wala ka ng gana ay ubusin mo pa rin hanggang sa huli niyang patak. Tutal ang popsicle stick niya ang tanda na minsan, kumain ka ng Magnum at inenjoy mo ito. Sa huli hindi ka nagsisi na ito ang binili mong flavor dahil pinili mo ito ng mabuti at naging parte ito ng iyong buhay at tiyan.
Alas-dos ng madaling araw, kasalukuyang nananaginip si Arianne na kumakain siya ng ice cream nang mapalingat siya dahil umuuga nanaman ang kama. Nanatili siyang nakahiga, nakatingin sa kisame at nakikiramdam ng maari pang mangyari. Ilang minuto ring umuuga ito pero natigil rin agad. Nakakapagtakang siya lang ang nagising habang si Anjo ay sarap na sarap sa kanyang tulog. Napangiti siya matapos masilip ang sarili sa ilalim ng kumot, naisip niya na napagod nanaman niya ang nobyo sa kanilang pagniniig.
Pumikit siya pero nang malapit na siyang lamunin ng antok ay parang may humahaplos sa kanyang hita pababa sa kanyang paa. Lumingon siya kay Anjo at nakitang natutulog ito. Binulungan niya ito sa tainga, "Ikaw ha? Gusto mo pa bang humirit?" pero hindi ito sumasagot. Napamulagat siya nang makitang ang dalawang kamay ni Anjo ay nakikita niya, nakayakap sa kanya ang isa at ang isa nama'y nakadagan sa sariling ulo. Nagpanic siya at nagpapadyak ng kanyang paa pero wala siyang tinatamaan.
Dahil na rin sa likot ni Arianne ay nagising si Anjo. Nakita niyang hingal na hingal ang nobya, "Oh hon, anong nangyari sayo? Bakit hingal na hingal ka? Is it a bad dream?"
Ilang segundo pang nakatingin si Anjo kay Arianne kasabay ng pag-ihip ng hangin mula sa bintana. "Ngayon ka pa lang ba gising? `Wag mo kong pinagtitripan Anjo, seryoso ako."
"What? Kagigising ko lang dahil naglilikot ka dyan. Ano bang nangyayari sa'yo?" sagot ni Anjo dahil sa bagong gising ay maiksi pa ang pasensya.
Humupa ang hingal ni Arianne at bumalik sa normal ang kanyang paghinga pero nagsimula namang pumatak ang luha niya. "May iba tayong kasama dito Anjo. Hindi na normal ang nararamdaman ko."
Alam ni Anjo ang tinutukoy ni Arianne. Hindi na biro ang mga nangyayari, kailangan may gawin na sila. Niyakap lang niya si Arianne hanggang sa makatulog ito uli.
>
Alas-syete na pero tulog pa rin si Arianne kaya si Anjo na ang naghanda ng almusal. Kahit maleleyt siya sa trabaho ay sinubukan pa rin niyang pasayahin siya kahit na sa simpleng bagay lang. Si Arianne ang nagpapasaya ng buong araw niya at siya rin ang kumukumpleto nito. Kung wala si Arianne parang walang araw ang mundo at puro kadiliman ang buhay niya. Ipinaghanda niya ng breakfast in bed ito.
"Honey..." sabi ni Anjo at dinampian ng halik sa labi ang nobya.
Hindi pa rin ito umimik. Parang malalim pa ang tulog nito. Hinaplos niya ang buhok ni Arianne at pinagmasdan ang mala-diwata niyang nobya. "You and I will be better than Aladdin and Jasmine. Kahit ano ang pagdadaanan natin, parang pison tayo na hindi mahaharangan. I love you Arianne." bulong nito at hinalikan uli niya sa noo.
"I love you too Anjo." sagot naman ni Arianne habang nakapikit pa.
"Bad breath ka hon, toothbrush ka muna." pagbibiro nito at nakitang sumimangot si Arianne. "Just kidding. Breakfast in bed hon." ngiti ni Anjo.
"Wow thanks. Ang sweet mo talaga, pwede bang ikaw ang dessert?"
"Gotta go." sabi nito. "Baka maubos mo ako at malate pa ako." sabi ni Anjo at kumindat. Iniwan ni Anjo na nakaplay ang isang kanta.
Hi.
Girl you just caught my eye,
Thought I should give it try
And get your name & your number.
Go grab some lunch & eat some cucumbers.
WHY, DID I SAY THAT? I don't know why.
But you're smilin' & it's something' i like on your face,
Yeah it suits you
Girl we connect like we have bluetooth,
I don't know why I'm drawn to you.
Could you be the other one so we'd equal two?
And this is all based on a lucky chance
That you would rather add then subtract.
You & I could be like Sonny & Cher, honey & bears
And You & I could be like Aladdin & Jasmine
Lets make it happen like,
La La La La ...
Eksakto ang kantang ito para sa kanila. Parang si Anjo mismo ang kumakanta nito para sa kanya at talagang damang-dama niya ang bawat lyrics ng kanta.
Babe
Its been 5 years since that special day
When I asked you on our first date
Yeah
I guess it's safe to say
You & I are better than Sonny & Cher, honey & bears
Yeah
And you & I are better than Aladdin & Jasmine
We've made it happen singin'
La La’s
5 years na rin sila sa kanilang relasyon gaya ng isinasaad ng kanta. At lagi niyang ipinagdadasal na lalo pang maging matibay ang relasyon nila at umabot sila sa ending lyrics ng kantang ito. "Let me say you look so beautiful on our wedding day." Pero hindi rin mawala sa isip niya ang mga gabi sa bahay nila.
>
Wala namang ginagawa si Arianne kaya nagpasya siyang tumambay sa malapit na sari-sari store. Nakita niya ang tanod na nakipag-usap sa kanya noong namalengke siya ng maaga. Nginitian niya ito at lumapit sa kaniya ang tanod.
"Ikaw `yung sa palengke noong isang araw `di ba?" tanong ng tanod.
"Opo. Malapit lang ho pala kayo rito sa'min." sagot ni Arianne.
"Ako nga pala si-"
Naputol ang pagpapakilala ng tanod nang sumabat ang tindera ng sari-sari store. "Hoy Lando! Lumalandi ka nanaman!"
"Aling Nena naman, ginugulat mo `ko alam mo ng may sakit ako sa puso. Saka nagpapakilala lang ako sa bago nating kapitbahay. Sinisira mo naman ang pagpapakilala ko eh." pagpapaliwanag naman ni Mang Lando.
"Susumbong naman kita kay kumare kapag... nakuuu!" sabi nito na akmang hahampasin ito.
Nakangiti lang si Arianne sa pagbibiruan ng mga kababaryo niya. "Mukha naman hong mabait si Mang Lando, hindi siya mukhang magtataksil sa asawa niya." singit naman niya sa dalawa.
"Alam naman namin na nagbibiruan lang kami. Matagal ko ng kumpare itong si Lando eh. At talagang hindi siya makakapagtaksil sa asawa niya kase binabantayan ko siya." sabi pa ni Aling Nena at itinuro ang dalawang daliri sa kanyang mata at itinuro rin kay Mang Lando. "Diyan ka lang sa tapat di ba ineng?"
"Opo. Ay! Arianne na lang po."
"Asawa mo ba `yung gwapong nakakotse diyan?" Hindi na nakaiwas sa tsismis si Arianne
"Bale magpapakasal pa lang ho kami niyan sa susunod na buwan." at inulan na siya ng tanong ng matanda. Kulang na lang at pati bilang ng panty niya ay itanong nito.
"Pagpasensyahan mo na si Nena, ipinaglihi kasi yan sa inahing manok kaya putak ng putak. Dakilang tsismosa pa yan dito, daig pa ang Daily Inquirer at People's Journal. Kung may tanong ka, itanong mo sa kanya, alam niyan! Alam niya lahat." bulong ni Mang Lando kay Arianne kaya bigla na lang silang tumawa. Biglang nahulog sa jeep si Aling Nena at hindi nakasakay sa tawanan ng dalawa.
"May itatanong ho sana ako." ani Arianne nang tumigil sa kakatawa si Mang Lando. Ipinakita kasi ni Aling Nena ang kamao niya na parang tinatakot si Mang Lando.
"Sige lang." sabi ni Mang Lando at natatawa uli ito.
"Alam niyo ho ba ang background ng lupa namin? Kung sino po ang dating may-ari saka kung ano ang nangyari sa kanya o kanila?"
Lalo namang natawa si Mang Lando dahil sa biro niya kanina. "Masasagot ang tanong mo Arianne." sabi pa nito.
"Buwiset na Lando! Arianne, hindi ko na matandaan ang pangalan ng dating may ari niyan, ang sabi-sabi ay nag-abroad daw ang may-ari pero hindi ako naniniwala doon. Dahil na rin tapat lang ng bahay namin ang loteng yan, nakikita ko halos lahat ng nangyayari."
Nakatingin lang si Arianne habang nagkukwento si Aling Nena. Halatang interesado siya.
"Magandang maging interesado ka nga sa background ng lote niyo para alam mo kung may mga bagay ba na nangyari diyan na gugulo sa inyo." makahulugang sabi ni Mang Lando.
"Dalawang taon na rin yung lumipas noong may tumira dyan, magsyota rin sila gaya niyo pero hindi pa sila ikakasal. Ilang linggo pa lang sila noong may hindi magandang nangyari." pagpapatuloy ni Aling Nena.
"Nasunog ang bahay nila at isa ako sa mga nakasaksi." pagsingit ni Mang Lando.
"`Wag kang epal. Huwag mong laktawan ang ibang pangyayari. Importante pa naman." ani Aling Nena. "Yung gabing nasunog ang bahay nila, nakita kong umalis ang lalake diyan na parang dismayado. Pabagsak pa nga niyang isinara ang kotse niya tapos mabilis na pinaharurot."
"Madaling araw na noon, mga ala-una, nakita kong maliwanag ang kwarto mula sa bintana. Ang ipinagtataka ko, kulay orange ang liwanag. Nakita ko na lang na makapal na ang usok na lumalabas dito. Ang amoy ng usok ang nagpagising sa'kin noon. Agad akong tumawag ng bumbero dahil sigurado ako na may sunog." sabi ni Mang Lando.
"Buti naman at nandyan ka pare, kung hindi kulang ang kwento ko. Hindi ko kasi alam noong kung sino ang tumawag ng bumbero, dun pa lang kasi ako nagising noong maingay na ang mga bumbero." ani Aling Nena. "Kasabay ng bumbero dumating yung lalake at pilit na pumapasok sa loob."
"Oo. Amoy alak pa siya noon. Ako kasi yung pumigil sa kanyang pumasok, masyado nang malaki ang apoy noon kaya kung papasok siya baka hindi na siya makalabas. Nagbabagsakan na ang kisame at mga gamit nila sa loob. Loko nga yun sinapak pa ako kaya kinailangang pagtulungan para huminahon."
Napatakip si Arianne sa bibig niya at parang gusto niyang maluha. "Ano ho ang nangyari sa babae? Nasa loob ho ba siya noon?" tanong niya.
Biglang nagbago ang itsura ng kaninang nagbibiruan na magkapitbahay. "Sabi nung lalake, nasa loob daw yung nobya niya." malungkot na sabi ni Mang Lando.
"Naririnig ko rin noon na may sumigaw sa loob, isang beses lang pero nawala rin agad. Akala ko guni-guni ko lang pero paghupa ng apoy kasama ng pagiging abo ng bahay, nakita ang patay na babae." ani Aling Nena.
"May sunog na bahagi yung mukha niya pwera doon wala na. Nakita yung bangkay sa ilalim ng kama. Sabi ng mga tumingin na doktor, nasuffocate daw siya." paglalahad ni Mang Lando.
"Shocks!" sabi na lang ni Arianne.
"`Yung lalake, hindi na nagpakita. Hindi rin raw pumunta sa burol ng babae." sabi ni Aling Nena.
"Kaya hindi rin inalis ng mga pulis na sinadyang sunugin ang bahay. Tapos nabalitaan na lang namin na giniba yung natirang bakas ng bahay. Ayan ipinatayo yung sa inyo." si Mang Lando.
"Teka, anniversary na pala ngayon." biglang sabi ni Aling Nena.
~itutuloy
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.