"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Thursday, January 10, 2013
Umuuga Ang Kama 4
Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.
Chapter 4
Minsan hindi maganda ang sumosobra sa biro at mamili ka ng bibiruin mo. Baka kasi tinakot mo ng multo ang isang matandang may sakit sa puso. O kaya ay ginulat mo ang kaibigan mong bagong gising, nagkakasagutan kayo hanggang sa maging magkaaway na. Ang dati mong bestfriend ay naging worst enemy mo na. Daig niyo pa sina Spongebob at Patrick na nag-away dahil nabawasan ng isang star ang kanyang outstanding record. Madalas nauuwi sa away ang sobrang biruan. Sabi nga sa kasabihan, "Biruin mo na ang lasing, `wag lang ang bagong gising." Sana nga bombilya at itlog lang ang sagot sa mga magkaibigang nag-aaway.
Halos sabay gumising ang magkasintahan mga alas-singko ng madaling-araw dahil naghihilaan sila ng kumot. Nakapikit pa si Anjo habang hinihila sa nobya ang kumot habang si Arianne naman ay may balak ng tumayo at magtapis ng kumot dahil sa hubad na katawan. Hindi nakapagtimpi si Arianne kaya nang saktong hihilain uli ni Anjo ang kumot at bigla niya itong binitiwan.
BLAG!
"Aray! Bakit mo naman binitiwan?" pupungas-pungas na tanong ni Anjo.
"Nainis na ako eh." patampong pagtalikod nito sa nobyo.
"Nakikipaglaro lang naman ako eh." sabi nito at tumayo mula sa pagkakahulog. Inayos nito ang kumot na nahulog kasama niya pero parang may nakikihila rin sa kanya. Hinayaan niya na lang muna ito at kinuha ang unan at ibinato kay Arianne. Iniwan niyang nakakalat sa sahig ang kumot at hubad ding lumapit kay Arianne.
"Para kang bata." sabi ni Arianne nang makalapit si Anjo sa kanya. Yumakap ito mula sa likod at humahalik sa kanyang leeg.
"Ang ganda mo talaga kahit na nagtatampo ka."
"So gusto mong magalit ako?"
"Wala akong sinabing ganyan. I just value the priceless treasure in my life."
"Asus! Nambola." sagot ni Arianne at ngumiti. "Magbibihis na ako, ikaw rin, para makapagluto na ako."
"Pwede naman mamaya `yan."
"Ano ba? Break time muna."
"Ok sige pero kiss muna." sabi ni Anjo at tumulis ang nguso.
Hindi naman siya ipinahiya ni Arianne. Dinampian niya ito ng kanyang labi. "Magligpit ka muna sa kwarto natin."
"Your wish is my command." sabi ni Anjo at yumuko pa na parang pinaglilingkuran ang kanyang prinsesa.
Pinapanood niyang nagbibihis ang nobya habang inaayos ang unan at higaan. Muli niyang dinampot ang kumot at maayos na itinupi ito. Naalala niya ang pwersang nakikipaghilaan sa kanya sa kumot kaninang hinihila niya ito noong bumagsak siya pero ngayon ay walang kahirap-hirap niyang naayos ito. Hindi na niya ito pinansin at nagbihis na rin.
Alas syete ng umaga nang umalis sina Arianne at Anjo upang asikasuhin ang kanilang kailangan sa kasal. Tinawagan ni Anjo ang kanilang coordinator para balitaan sila sa mga pangyayari. Maayos na ang schedule ng chapel at ng pari. Pwede rin raw nilang tignan ang designs sa gagawing reception at sa mismong chapel, magkikita sila sa botique at tutuloy sa isang resto.
"Sukat niyo po ang gown." sabi ng babae.
"Kailangan ba? Kasi..." nag-aalangan si Arianne na isukat ito dahil sa pamahiin.
"Honey?"
"Baka kasi `pag sinukat ko-"
"Hindi matutuloy ang kasal?"
Tumango lang si Arianne.
"Huwag ka ng maniwala doon. Look. May magagawa ba ang trahe de boda na `yun para patigilin ang kasal? Alangan namang sumigaw ito ng ‘Sandali! Tutol ako!’" pagbibiro pa ni Anjo. "Baka sa mismong araw ng kasal natin masikip pala sa'yo or maluwag, baka magkawardrobe malfunction tayo."
"Pero-"
"Sige na. Akong bahala. Nothing and no one can stop our wedding." seryosong sabi nito.
Walang magawa si Arianne kundi isukat ito. Sinamahan siya ng babae sa dressing room.
"Ma'am! Ang ganda niyo. Bagay na bagay sa inyo." sabi ng babae na parang ngayon lang nakakita ng babaeng artistahin. Naks! Ganoon kaganda si Arianne. "Ma'am better let your future husband see you. Tiyak! Luluwa mata noon, saka maglalaway."
"Nakakahiya naman." sabi ni Arianne.
"Bakit naman kayo nahihiya? Wala ba kayong tiwala sa ganda niyo."
"Hindi naman. Kasi andami mo ng sinabing papuri sa'kin. Nakakahiya na."
"Ayy." sabi nito na parang nahiya rin. "Pero ma'am sure ako, totoo mga sinabi ko. Tignan niyo ang maganda niyong mukha." sabay turo nito sa salamin. "Papasukin ko na ho si Sir?"
"Sige." tipid na sagot nito.
Bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas ng bibig ni Anjo. Nganga siya sa ganda ng nobya. Parang may snow flakes na lumulutang sa paligid ni Arianne sa paningin ni Anjo na nagpapakintab ng paligid niya. Wala siyang masabi. "Hi gorgeous." sabi nito at napigil ang pagtingin ni Arianne sa salamin.
Halata sa mukha ni Arianne ang pagblush niya. Tinignan ni Anjo si Arianne mula paa hanggang ulo. Wala talagang papantay sa ngiti ng kanyang nobya. Parang ngiti ng isang diwata lalo pa ngayong suot niya ang napakagandang wedding gown. Nais niyang makita ang likuran ni Arianne kaya napatingin siya sa salamin sa tabi nito. Napamulagat si Anjo sa nakita.
May pilat sa mukha ang kanyang nobya sa salamin. Kumurap-kurap siya at nagkusot ng mata. Pagmulat niya ay wala na ang pilat sa reflection ni Arianne. Nagtaka naman si Arianne sa galaw ng nobyo.
"Hon, may problema ba?" sabi ni Arianne.
"Wala. Napuwing kasi ako sa glitters sa paligid mo." banat ni Anjo. Nakapagsinungaling siya ng hindi oras. Ano kaya ang nais ipahiwatig ng nakita niya kanina.
"Sira ka talaga."
"You look like an Angel." sabi niya uli para mawala ang imahe ni Arianne na may peklat at mapalitan ito ng isang mala-anghel na Arianne.
"Ihh. Namumula na ako." kinikilig na si Arianne sa mga birada ng nobyo.
"I'll take care of you always honey. For the rest of my life."
"Baka maubusan ka ng linya mo niyan sa kasal natin."
"Alam mo namang kusang lumalabas ang mga bulaklaking salita ng isang umiibig." napapangiti niya lagi si Arianne. "Sige labas na ako." sabi niya at ngumiti.
Nagbihis na si Arianne at hindi niya nakita ang nakita ni Anjo sa salamin. Inilihim naman sa kanya ni Anjo ito para na rin hindi siya magpanic. "Basta poprotektahan ko si Arianne. Lahat gagawin ko para maging ligtas siya. Kung kailangan pati buhay ko, iaalay ko para sa kanya." bulong ni Anjo sa sarili habang hinihintay ang nobya.
"Lets go." ngiti ni Arianne na umabot sa batok niya.
"`Yan ang nagpapalakas sa'kin eh. Ang ngiti mo." kinurot naman siya agad ni Arianne sa tagiliran.
"Bolero ka talaga. Nasa baga mo yata ang mga words na sinasabi mo sa'kin eh. Kasabay lumalabas ng hininga mo."
"Oo nga. Kaya kapag tumigil ako sa paghinga, doon pa lang ako titigil sa pagpaparamdam ng pagmamahal ko sa'yo."
"Tama na. Baka maihi ako. Hihi." sabay hampas sa balikat ni Anjo.
>
Pagdating sa resto, hindi na sila nag-aksaya ng oras. Ipinakita ng coordinator ang mga designs na suggestion nila para sa chapel. Si Arianne ang kanegosasyon nila dahil hindi pa tuluyang nakarekober si Anjo sa nakita kanina at wala siyang interes sa mga ganoong design design, mga bulaklak bulaklak at mga sabit sabit. Hindi niya naiintindihan ang mga ito na para siyang nanonood ng chinese chess at nagbabasa ng chinese at mandarin.
"Honey, ok ka lang?" tanong ni Arianne nang makitang nakatingin lang sa malayo si Anjo.
"Ok lang ako. Naalala ko lang yung bakbakan kagabi." naniwala naman si Arianne at hinampas ulit si Anjo.
"Sira ka talaga!"
"Wild ka talaga. Nanghahampas ka pa."
"Oy nakakahiya. May kaharap tayo." ani Arianne.
"Sanay na po ako. Sobrang sweet lang talaga ang mga couples na meant to be." Tamang tama ang sinabi nitong coordinator. Napapalakas niya ang loob ni Anjo.
"Hindi pa ba kayo tapos? Lumalamig ang ice cream." biro ni Anjo.
"Gusto mo lang niyan umuwi para makascore eh." pagbibiro rin ng coordinator.
"Hindi kita binabayaran para ibuko ako." pagsakay naman ni Anjo.
Tawa lang ng tawa si Arianne. "Sige. Ok na `yung napili ko." ani Arianne.
"Sige. Make sure to be ready. Ayoko ng Filipino time at cramming." pangaral naman ni Anjo.
"Ok sir."
"Mukhang uuga nanaman ang kama mamaya." makahulugang sabi ni Anjo.
Wala man silang nais maisip na masama ay talagang sumasagi sa isip nila ang mga hindi normal na nangyayari sa kanila ngayon. Paranormal ngang matatawag. Hindi maitatanggi ng dalawa na may takot rin sa isipan nila ngayon. Kaya kaya ng pag-ibig na manaig sa kanilang hindi inaasahang mga nararamdaman? Huwag sanang tuluyang mabuwal ang kama nila. Pati ang tiwala sa isa't-isa, sana hindi masira.
~itutuloy
Author's Note:
Comment comment din. :)))
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
gusto ko ito dahil sakay na sakay si babae hehehe.... mukhang malayo pa yung more on katatakyutan part.. aabangan ko ^_^
ReplyDeletewaha..wala pa kasi ang symbianize eh..:)) pero ndi ito magtatagal gaya din ng iba kong ghost stories..:))
ReplyDeletesalamat sa pagdaan bulag..balik ka kahit kumakapa lang..^__^
hindi ko nga nasimulan eh.. pero pwede na yatang subaybayan kahit dito magumpisa haha... i shall return *naughty*
Deletepwede mo namang balikan ang mga naunang chapter..:)) sige macarthur tayo..^__^
Delete