Saturday, January 19, 2013

Umuuga Ang Kama 6




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 6

How does it feel to loose the one you love? Kung ang cellphone nawala mas iniiyakan pa kaysa mawala ang virginity niya, ibig bang sabihin non mas mahal mo ang cellphone mo kaysa sa virginity mo? Kung ang buhay parang pera lang na kinikita mo kapag nawala o nababawas, sana magkatrabaho ka lang ay hahaba ng hahaba ang buhay mo. Sana pwede mo ring utangin ang buhay mo, pero para sa Catholic diyan, hiniram talaga natin ang buhay natin kay God. Ang buhay natin dito ay parang eskwela papunta sa langit; kapag pumasa ka, gagraduate ka na at pupunta sa bago mong mundo. Kung hindi ka pa pumapasa ay hahaba ng hahaba ang buhay mo sa pag-aaral. Maari ka ring makick out sa eskwela dahil sa mga hindi magandang record mo ng eskwela. Pero mapapansin natin na mas mahaba ang buhay pagkatapos sa eskwela. Lalampas ito ng ilanpung taon habang ang pag-aaral ay aabot lang ng dalawampu hanggang tatlumpung taon. Kaya kung mawala ang taong mahal mo, maging masaya ka dahil nakagraduate na siya dito sa mundo.


Ngayon alam na ni Arianne kung ano ang misteryong nababalot sa pag-uga ng kama nila. Pero bakit inuuga ng babae ang kama nila? Naiinggit ba siya sa kanila ng nobyo niya? Bakit pa siya nagpaparamdam sa kanya? Tigang na ba siya? Ano pa ang kailangan niya? Marami pa siyang tanong sa who wants to be a millionaire pero kahit isa wala pa siyang alam na sagot.

Sumapit ang gabi at alam ni Arianne na may mararanasan nanaman siya ngayon kaya hinahanda niya ang sarili. Kailangan niyang maging malakas.

"Honey I'm home!" bati ni Anjo. Nakita niya ang nobya na naghahanda ng kanilang hapunan. Habang nilalapitan niya si Arianne ay napatingin siya sa gawi ng kwarto nila. Dahan-dahang bumubukas ang pinto nito at parang ipinipinta nito ang imahe ng isang babae. Nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kanya. Kahit madilim sa pasilyo papunta sa kwarto nila ay nakita niya ang mabilis na paggalaw nito papalapit sa kanya. Isang kurap lang ay nasa harapan na niya ito at parang hiningahan sa mukha. Parang sumigaw ito sa tapat niya pero walang boses kaya hangin lang ang naramdaman niya. Napapikit siya at pagmulat niya wala na ang babae. Gulat ma'y wala siyang naging reaksyon, dahil na rin sa halo-halo ang naramdaman niya; takot, gulat at pagtataka.

"Hon?"

Nagulat si Anjo na pagtingin niya sana sa pagpapatuloy ng lakad niya papunta kay Arianne ay nasa harap niya pala ito. Napalalim siya ng hugot ng hininga. "May problema ba?" tanong ni Arianne.

"Wala. Bigla lang akong nahilo. Paakay nga." sabi nito para mailihis ang pag-iisip sa nakita kanina.

Inakbayan niya si Arianne papuntang kusina, yakap lang ng nobya ay naililihis na ang isipan niya sa ibang bagay. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan at iba ang tumatayo sa kanya - ang mga balahibo niya.

"Tara, kain muna. Baka gutom ka lang. Saka puyat ka kasi kagabi." Inasikaso naman ni Arianne ang nobyo. Hindi halata na may itinatago siya rito sa pagkausap niya kina Mang Lando at Aling Nena. Hindi pa niya balak sabihin kay Anjo ang nalaman niya dahil may mga tanong pa siya na gustong masagot.

Minasahe niya ito sa sintido, sa batok at balikat. Bawat haplos ay nakakarelax talaga, parang may hiwagang hatid kay Anjo ang mga haplos ni Arianne. (Nakakainggit ang magsyotang `to!)

Hindi na nagulat si Arianne nang hawakan ni Anjo ang kamay niya at hilain siya. Napaupo siya sa kandungan nito. Ano pa nga ba ang kasunod kundi isang umaatikabong halikan at yakapan. Buong pagmamahal nilang ibinubuhos ang bawat galaw sa isa't-isa.

Ilang minuto rin ang lumipas nang kumalas si Arianne. "Naghihintay ang pagkain." aniya.

"Kumakain na ako kanina pa." pilyong sagot naman ni Anjo.

Tumayo si Arianne pero napaupo siya ulo matapos magpatay-sindi ang mga ilaw nila. Maaga pa pero parang balak nanamang magparamdam ng babae. Hinawakan ni Anjo ng mahigpit ang kamay ni Arianne nang mapansing nanginginig ito. "Don't worry. Don't be scared." sabi ni Anjo sa isang malambing na tono.

Ilang sandali pa, nanatili nang nakasindi ang ilaw. "Hon, natatakot na akong matulog sa kwarto natin." pagsusumbog ni Arianne sa nararamdaman niya. May point siya kaya kahit sino ay pipiliing matulog pa sa sofa o sa gilid ng kalsada, huwag lamang makaramdam ng kaluluwa sa kwarto.

"Bukas kakausapin ko yung kumpare ko, yung nagbenta sa akin nitong lote." mukhang napansin na rin ni Arianne na gumagawa na rin si Anjo ng paraan para malaman ang mga nangyayari sa kanila. Dapat na ba niyang sabihin ang nalalaman niya?

"Sige hon, paano tayo ngayon? Baka may mangyari mamaya, worst case scenario." halata ang takot sa mga mata ni Arianne.

"Ok. Hanap tayo ng hotel." suggestion ni Anjo at hindi naman tumutol si Arianne.

>

Alas-dyes na nang makapagcheck-in sila sa isang hotel. May dala silang damit na pang-isang linggo at balak nilang manatili muna doon ng ilang linggo. Kasama na rin ang paghahanda nila sa kanilang kasal, rehearsals at mga arrangements ay aasikasuhin na rin nila. Pero sa ngayon ay ieenjoy muna nila ang lambot ng kama, ang lamig ng aircon at ang liwanag ng lampshade na nagbibigay liwanag sa dalawang katawan na nagsasalo sa dilim ng gabi.

Sa loob ng kumot ay isang hindi alam ni Arianne ang gagawin ng nobyo pero nararamdaman nito ang mabagal na paggapang ng labi nito na nag-iiwan ng kiliti sa kanyang kaloob-looban. Ang haplos ng kanyang mga daliri ay nagpapaigtad sa kanya at nagpapatirik ng kanyang mga mata.

"Shit!" pagbigkas ni Arianne ng hindi magandang salita pero walang ibang salita siyang mapili upang ilarawan ang sarap na nararamdaman. Kagat niya ang ibabang labi habang ninanamnam ang malambot at mainit na bagay na dumampi sa kanyang kaselanan. Napapikit siya nang makaramdam ng pagtagas ng tubig sa San Roque Dam.

"Let me do you a favor." sabi ni Arianne nang makapagpahinga.

"Gusto mo bang makita ang eruption ng Mt. Pinatubo?" pilyong tanong ni Anjo.

"Yes!" mabilis namang sagot ni Arianne.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, ilang bahay mula sa iniwan nilang bahay ay ang tirahan ni Mang Lando kasama ang kanyang pamilya. Naiwang mag-isa si Mang Lando dahil ang asawa nito ay kasama sa field trip ng anak niya. Nakahiga na si Mang Lando nang maramdaman niya ang pag-ihip ng malamig na hangin. Akamang papatayin niya ang electricfan nang makita ang isang babae. May peklat ito sa mukha, hindi siya maaaring magkamali dahil nakita niya ang bangkay nito noon. Ito yung babae na namatay sa sunog isang taon na ang nakakalipas.

"Pinigilan mo siya noon. Ngayon, mararanasan mo ang walang tumulong sa iyo hanggang mawalan ka ng hininga!" pabulong na sabi ng babae. Nakaramdam si Mang Lando ng pagsikip ng dibdib. Pinilit niyang makatayo pero nahila lamang niya ang electricfan. Nagspark ang outlet nito kaya umusok hanggang lumaki ang apoy. Tumama pa sa kanya ito dahilan para lumapat ang kanyang likod sa sahig.

Tumba si Mang Lando habang nakatingin lang sa kanya ang babae at pumunta sa ilalim ng kanilang kama. Mula doon ay pinanood niyang mawalan ng buhay ang kawawang tanod. Kahit na madilim ay kita ang puting mata ng babae habang walang sawang nakatitig sa naghihingalong mama.

Luma ang bahay nila na gawa lamang sa kahoy kaya mabilis tinupok ng apoy ang bahay. Kasabay ng paggapang ng apoy ay ang paghina ng paghinga ni Mang Lando.

Sakto namang dumating ang kanyang mag-ina at tumawag ng bumbero at ng tulong mula sa kapitbahay. Nagawa pa nilang mapasok ang kwarto at makuha ang katawan ni Mang Lando. Tinupok ng napakalaking apoy ang bahay ni Mang Lando, hindi naman kumalat ang apoy pero ang balita ng kamatayan ng mabait na tanod na si Mang Lando ay mabilis na kumalat.

Habang humaharurot ang mga bumbero at nag-iingay ang sirena ng fire trucks ay wala ring humpay sa pag-iingay si Arianne habang pinahaharurot ang pagmamaneho sa kanyang nobyo. Wala silang pakialam ngayon sa nangyayari sa labas basta ang importante ay masulit nila ngayon ang gabi na walang manggugulo sa kanila.

~itutuloy

2 comments:

  1. puyat mode ako dine para sa 6, 7, 8. 'wag sana akong kainin ng aking kama. lol ^_^

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha...salamat sa pagsubaybay bulag, wag kang gagawa ng milagro ah..xD

      Delete

Note: Only a member of this blog may post a comment.