"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Thursday, January 10, 2013
Everyday in the Rain 18
Pot of Gold
Maraming nagsasabi na blessing ang ulan lalo na kapag nabasa ka nito. Kaya ba may mga taong nagpapaulan kahit binabawalan na ng mga magulang? Blessing rin raw ang ulan sa wedding, birthday, graduation o baka pati sa lamay? Marami ring sakit ang maaring dala ng ulan kaya kailangan pa rin naman nating magdala o maging handa sa pagbagsak nito. Tutal, hindi naman ito tatagal ng 40 days at 40 nights katulad noong panahon ni Noah. Titigil ito sa lalong madaling panahon, at sa huli isang napakagandang bahaghari ang lilitaw kasabay ng pagsilip ng liwanag. Pinaniniwalaan ring may kayamanan sa dulo ng bahaghari pero nasaan ba ang dulo nito? Masasakyan ba ito ay mag-iislide ka hanggang maabot ang dulo?
Hindi na muna ako bumalik sa kwarto ni Angelica. Nagpatagal talaga akong bumili ng pagkain para hindi ko na abutan si Gladys sa kwarto niya. Baka mapag-initan. Bumili ako ng Shawarma para sa sarili ko at burger naman saka juice para kay Princess, bumili rin ako ng mansanas saka ponkan para kay Angelica.
"Ok na siguro. Masyado na akong matagal, baka magtaka pa sa'kin." sabi ko sa sarili ko. Kumatok ako sa pinto pagdating ko. Nagulat ako nang nandoon pa rin si Gladys. Napatulala ako.
Kunwari hindi ko siya kilala. "Cess, heto burger ka muna." aya ko kay Princess.
"Bakit `di mo pinapansin si Gladys?" wika ni Angelica na nagising na pala.
"Pahinga ka muna." sabi ko. Halata bang iniiba ko ang usapan?
"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Princess.
"Haay. Paano niyo siya nakilala?" tanong ko dahil alam kong wala na akong kawala.
"May name tag siya oh." turo ni Princess at kumagat sa burger.
"Saka tinanong ko siya kung siya ba ang ex mo." Ewan ko ba kung bakit pero dahil si Angelica ang nagsalita parang may kirot sa puso ko na nakapaglihim ako sa kanya.
"So siya pala ang girlfriend mo ngayon?" tanong naman ni Gladys. Parang napagkakaisahan ako dito ah. Pwede ko bang kausapin ang shawarma ko para maging kakampi ko muna ngayon bago ko kainin?
"Actually hindi ko pa siya girlfriend-"
"Girlfriend niya na ako." putol naman ni Angelica sa sinasabi ko. Malamang nakaramdam rin siya ng selos dahil ex ko ang kausap namin, tapos sasabihin kong hindi ko pa siya girlfriend na totoo naman. Teka, napamulagat ako nang marealize ko na sinasagot na niya ako.
"Tayo na?" gulat ko pang tanong.
Tumango siya. "Dapat nga lang hindi dito sa ospital kundi sa date natin." pagpapatuloy niya. Nakangiti lang si Gladys sa kanya bago nagsalita.
"Sige. Balik muna ako sa station." ngiti nito. "Ituloy niyo lang ang gamot, at makakalabas ka na agad. Nagpanic lang si Victor kaya sa ospital ka dinala."
"Syempre, love is in the rain eh." sabi ni Princess.
"Ate love is in the air `yun." sabat naman ni Angelica na parang wala na siyang sakit.
"Pakialam mo ba? Rain ang gusto ko eh." sagot niya.
"Nakakahawa ang pagsusuplado ni Victor no?" sabi ni Angelica paglabas ni Gladys. Wala man lang reaction si Gladys. Anong reaction ba ang hinihintay ko?
"Gel, seriously, tayo na?" pagsingit ko sa mag-ate na naghaharutan.
"Ayaw mo ata eh." mabilis namang sabat ni Princess.
"Hindi naman sa ayaw pero sige na nga. Tinatanggap ko na na iiwan ko na ang buhay single para kay Angelica." sabi ko. Parang kwitis ako na sinindihan muna ng mitsa bago pumutok ang saya sa puso ko. Kami na raw ni Angelica oh! Gusto kong ipagsigawan sa mundo gaya ng pagputok ng kwitis sa gabing madilim, parang nagpapapansin na may liwanag kahit na sobrang dilim na ng langit.
Mabuti na lang at walang masyadong role na binigay ang author kay Gladys. Mukhang isang kaibigan pa rin naman ako sa kanya pero hanggang doon lang, wala ng hihigit pa doon. Mahal ako ni Angelica at naisip ko na kung hindi ako sinaktan ni Gladys ay hindi kami magkakakilala muli ni Angelica. Kung hindi ako nag-emote sa park ay parang ordinaryong araw lang iyon kay Angelica na dadaan sa park habang umuulan. Lahat talaga ng bagay at pangyayari sa mundo ay may rason. Nakasulat na ito sa life plan sa atin ni God. Hindi na mababago ang nakatakda na, hindi mo pa siya naiisip pero iniisip ka na niya.
>
"Umuulan pa rin." sabi ni Angelica sakay ng kotse ko. Hinayaan na siyang lumabas ng ospital dahil ok na rin naman siya at bumaba na ang lagnat niya. Parang sinadya nga lang ng tadhana na magkita kami ni Gladys kahit sandali lang.
"Don't worry. May payong ako, kasya ang dalawa." sabi ko sabay tingin sa salamin para makita ang reaksyon ni Princess.
"I have my own." tipid na sagot nito. Napangiti na lang ako.
Ilang sandali lang at nakarating na kami sa bahay nila. Naunang bumaba si Princess para buksan na ang gate at pinto para hindi na kami mahirapang pumasok. Kinuha ko ang payong na may tatak na Micromatic para gamiting payong pero natawa lang si Angelica kaya pinalitan ko ng mas maliit na payong, hindi naman yung payong na may pito.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse, syempre gentleman tayo. Hindi niya alam na nakatago sa Micromatic na payong ang aking regalo sa kanya. "Hawakan mo muna ito." sabi ko sabay abot ng payong sa kanya.
Halata naman sa mukha niya ang pagtataka. "Pasok muna tayo." sabi niya.
"Nakilala kita habang umuulan, nagkita tayo ulit sa ilalim ng ulan, ngayon sasabihin kong mahal kita sa ilalim din ng ulan. If you won't be here by my side loving me, everyday will rain upon me. I will spend everyday in the rain, feeling every drop on my skin and washing tears dripping out my lonely eyes. Mapupuno ako ng kalungkutan Angelica pero ngayong kapiling kita, natagpuan ko ang pot of gold sa dulo ng rainbow. Mahal na mahal kita." nararamdaman kong bumababa ang hawak ni Angelica sa payong. Napapansin ko rin ang namumuong luha sa mga mata niya. Kasabay ng pagsabit ko ng kwintas sa kanyang leeg, ang kanyang pagngiti at pagyakap sa akin.
"I love you Victor. Sabay tayong sasayaw habang umuulan, promise hindi na ako magkakasakit dahil sa ulan. I will love you countless times, just like every raindrop landed the ground." sabi niya sa akin habang halos magkadikit na ang ilong namin sa lapit.
Ipinalupot niya ang braso niya sa batok ko at hinawakan ko ang baba niya. And we kissed. Under the rain. Feeling our longing love. Passing all trials. Kung may camera lang ngayon na kukunan kami ay maipagmamalaki kong nagmahal ako. Kung may director man na sisigaw ng cut, hindi ako titigil at pahahalagahan ang oras na mararamdaman ko ang pagmamahal ni Angelica sa akin habang nasa ilalim ng ulan. Kung may nanonood man sa amin ngayon, proud ako na si Angelica ang kasama ko.
"Ehem!"
"Ehem! Ehem!"
Ang sarap namnamin ng halik na galing sa mahal mo. Bumabalik lahat ng memories, hardships at mga scenes na nangyari sa amin. Yung tipong ayaw niyo ng tumigil kahit na kumulog pa at kumidlat.
"Ehe-eem!"
Tapos may istorbo sa tabi tabi na may plema sa lalamunan na pilit umeehem at nagpapapansin sa inyo.
"Si ate." sabi ni Angelica at bumitaw na sa pagdidikit ng aming labi. "Tara. Pasok muna tayo. Malapit ko ng mabitawan yung payong." ngiti ni Angelica.
"Oo nga. Baka mabinat ka pa." sagot ko naman.
"Ate! May sipon ka ba?" pagbibiro naman ni Angelica.
"Oo yata. Ngayon ko lang rin nalaman na nag-uumpisa pala ang sipon sa inggit." sagot naman ni Princess.
Nahiya naman ako. "Wala ka bang boyfriend?" tanong ko na lang para maiba ang usapan.
"Wala pa eh. I don't need a pain in the ass." sagot nito.
"Hindi ka mabubuhay mag-isa for the rest of your life ate." ani Angelica.
"I can." sagot naman nito habang binubuksan ang pinto.
"Hindi mo mapipigilan ang pag-ibig kapag napagtripan ka na niya." sabi ko naman.
"Shut up and bring our things in. `Yan ang unang trabaho mo bilang boyfriend ng kapatid ko." sabi nito.
"Mukhang isang love story ang mabubuksan." bulong ko sa sarili.
"May sinasabi ka?" ani Princess.
"Wala po ate." ngiti kong sabi. "Angelica." pagtawag ko.
"Yes?" sagot ng cute kong girlfriend.
"I love you. Bagay mo yung kwintas." sabi ko.
"I love you too." sabi niya na may kasamang nakakatunaw na ngiti. "Mainggit ka ate!" pahabol niya sa nakatalikod na ate.
"Che!" sigaw nito pabalik.
Ngayon alam ko na kung paano nabuo ang theory ng pot of gold sa dulo ng bahaghari. Sa lahat ng ulan sa buhay natin, kung alam nating sayawan at ienjoy ang pagbuhos ng ulan, matatapos ito ng hindi mo man napapansin. Mga problema at pagsubok ay matatapos at titila rin gaya ng ulan. Darating ang bahaghari kasabay ng bagong buhay, bagong kabanata ng istorya ng iyong pagkatao ay muling sisikat gaya ng araw na nagbibigay ng liwanag sa atin. Sa dulo ng bahaghari, naroon ang kayamanan. Ang kayamanang hindi matutumbasan, hindi mo man hiniling ay pinatibay ka ng Maykapal. Mga karanasang marami kang natutunan at kayamanan ng panibagong sigla sa buhay. Pot of gold dahil sa sobrang laki ng halaga nito ay hindi ito matutumbasan ng kahit na anong salapi, ang mabuhay ng masaya kasama ang mahal mo.
~end
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Nakakakilig talaga..
ReplyDeleteNice ending trops! :)
baka naiihi ka lang? salamat sa pagbasa trops..:)))
Delete