Ang tanong sino ang may kakayahan at makakapagsabi,
Kung alin ang totoong puso sa hindi,
Hindi lahat nakapag-aral at nakakaintindi,
Nauuto sa salita at natatakot sa baril!
Ilang beses nangako't ilang beses napako,
Ba't `di natin subukan tumulong at umako,
Sa bigat na matagal na nating pasan,
`Pag tayo'y nagsama-sama lahat malalampasan.
Lahat ay nakakatulong, pero sino'ng hindi makasarili,
Sino ang `di nilalaro ang iba at nilalansi?
Sino ang inspirado sa lahat ng nangyayari?
Sino ang nanloloko at sino ang hindi?
Dapat ba matalino pero tiwali o
Mapagkakatiwalaan pero bobo?
Puso ba niya'y maglilingkod ng buo,
Baka naman sikat lang siya at napakagwapo.
Hindi lang dapat ito basta narinig,
Na parang naligo ka lamang ng tubig,
Dapat isapuso at intindihin,
Dapat tama, dapat busisiin.
Mahal ba nila ang bayan gaya ni Gloc?
Baka may nakatago sa bulsa ng kanilang slack?
Sino ang may pagmamahal sa kapwa Pilipino?
Sino ang may lakas loob, itama ang dating napako!
Kasama ka sa pagbabagong muli,
`Di lang naman dudumi ang iyong daliri,
O pipila sa masikip na presinto,
Dahil ikaw ay makapangyarihan kapag kumibo.
:)
ReplyDelete:thumbsup: Idol!
Napakahusay!
inspired ni idol Gloc eh..:))
ReplyDelete♡
ReplyDeletethanks! ^_^
Delete