Saturday, February 02, 2013

Umuuga Ang Kama 8




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 8

Nagsinungaling ka na ba? Ay mali, dapat pala ang tanong ay anong mga bagay na ang madalas na kasinungalingan sa'yo? Walang taong hindi nagsisinungaling, alam nating bawal pero ang mga pagsubok dito sa mundo ay kailangang magsinungaling para sa ikabubuti rin natin. Ang pinakamabenta kong kasinugalingan ay noong highschool, na sagot sa tanong na "Bakit ginabi ka?"; "May project po kasing ginawa." Mababaw na dahilan para gumawa ng kasalanan pero dahil ayaw kong mapagalitan ay nakakapagsinungaling ako. Saka kapag kailangan ng pera tapos project nanaman ang ituturong salarin ng bayaran, yun pala sa internet cafe lang napupunta ang hininging pera. Madalas akong nakokonsensya kapag ang dahilan ng aking pagsisinungaling ay ang pera. Pera, pera, pera! Kung pwede lang sanang hindi isipin ang pera, gagawin ko pero mahirap dahil ito ang ugat ng ating ikabubuhay; pati ng kasalanan. Yung feeling na binigyan ka na ng pera pero sasabihin nila na hindi basta-basta pinupulot ito, awkward yun.


Paano kung malalim ang dahilan ng iyong pagsisinungaling? Yung tipong araw-araw kang ginugulo ng konsensya mo at pati sa panaginip mo hindi ka matahimik. Malamang isang araw bigla ka na lang tumalon sa building o kaya tulalang tumawid sa daan.

"Nasa Israel siya balita ko eh." sagot ni Benjie sa tanong ni Anjo habang kumakamot pa ng batok.

"Naghiwalay ba talaga kayo?" prankang tanong ni Anjo.

"Pare, hindi ka ba naniniwala sa mga sinabi ko sa'yo?"

"Hinde." sagot niya habang nakatitig ng diretso sa mga mata ni Benjie.

Huminga ng malalim si Benjie at napasandal sa sofa. Dumikit pa sa likod niya ang bubble gum na nakadikit doon. "Shit!" bulong nito.

"Dapat ba akong maniwala?" pagsasalita uli ni Anjo.

Nagulat ang dalawa nang makarinig ng isang platong nabagsak. Kumalampag ito na parang nabasag mula sa kusina. Napatingin silang dalawa sa dako nito, wala namang pader na humaharang sa kusina at sala kaya malaya ang mga mata nila na makita ang nangyari. Tumayo si Anjo pero pinigilan siya ni Benjie na tumingin o lumapit sa kusina.

"Umuwi ka na pare." biglang sabi nito habang hawak ang balikat ni Anjo. Seryoso ang mukha nito `di tulad kanina na parang nakikipaglokohan lang at kalmado pa kanina pero ngayon, parang may haharapin siyang isang malaking problema.

"Pero hindi pa tayo tapos may -"

"Alis na!!!" sigaw nito. Galit ang itsura niya na parang nakukulitan sa kanya. Hindi niya maintindihan ang inaasal ng kumpare niya.

"Teka, baka pwede mo munang ipaliwanag-"

"Labas na! `Wag ka ng magtanong! Umuwi ka na! Huwag na huwag kang babalik dito!" Hindi man lang matapos ni Anjo ang mga pangungusap niya. Hindi man niya maintindihan ang nangyayari pero may kung ano na tumutulak sa kanya para umalis. "Magkita tayo sa ibang araw..." sabi nito kaya humakbang na si Anjo. "...kung may pagkakataon pa." pagpapatuloy ni Benjie na parang bumubulong sa hangin.

Naiwang may question mark sa ulo si Anjo. Wala siyang naiintindihan sa nangyari kanina. Napatingin siya sa langit, madilim na pala. Kahit konti lang ang kaniyang nalaman ngayon o parang wala pa siyang nakuhang imormasyon ngayon ay parang ang bilis lumipas ng oras, dahil siguro sa mga katahimikan at mga pause ni Benjie sa kanyang mga tanong. Madalas pa itong tumawa kahit wala namang nakakatawa at pinag-uusapan. Napailing na lang si Anjo.

Nasa kotse na siya nang makarinig ng isa pang plato na nabasag. Napatayo siyang palabas ng kotse pero natandaan niya ang sinabi ni Benjie na huwag siyang babalik. Kasunod ng tunog ng pagbasag ay ang isa nanamang tawa mula kay Benjie. "Pare, sana ok ka lang. Magtitiwala ako sa'yo ngayon." pumasok siya uli sa kotse at pinaandar ito. Napatingin siya sa side mirror at may nakita siyang babae na may pilat sa mukha na masamang nakatingin sa kanya. Doon mismo nakatayo kung saan nakapark ang kotse niya kanina. Gusot din ang damit nitong puti. Kinabahan siya kaya pinaharurot niya ang sasakyan at nagfocus sa pagmamaneho.

>

"Ginugulo mo rin ba sila?!" pasigaw na tanong ni Benjie sa kawalan.

Isa nanamang plato ang nabasag at ang isa pa ay nahagis sa kanya papunta sa pinto. Mabuti na lang ay nakailag siya. "Hahahaha!" Puwersahang natilapon si Benjie palayo habang nakikita ang pigura ng babae na palabas sa nakasaradong pinto.

"Marielle!" sigaw nito habang nakangiti. "`Wag mo na silang gambalain! Wala silang alam!" pero hindi siya nito pinakinggan. Dumiretso ito palabas at si Benjie ay nawalan ng malay.

>

Pabalik si Arianne sa hotel nang makita siya ni Anjo. "What the f*ck!" sabi nito nang makitang may sumusunod na isang babae dito. Kapareho ng suot ng babaeng nakita niya kanina kina Benjie. Ano ba ag ibig sabihin nito? bulong niya sa sarili. Dumaan ito sa may poste ng kuryente at paglagpas doon ni Arianne ay nawala ang sumusunod sa kanyang babae. "My God." sambit na lang ni Anjo at nagsign of the cross.

Beep! Beep!

Napalingon si Arianne. "Miss pwede ihatid na kita?" sabi naman ni Anjo kasabay ng pagbukas ng bintana ng kotse.  Nakangiti siya nobya pero parang wala sa ito sarili.

Beep!

Bumusina uli siya kaya parang nagulat si Arianne. Ngumiti ito ng tipid at sumakay sa kotse. "Why are you acting so weird?" tanong ni Anjo.

"May sasabihin ako mamaya pag-uwi." sabi nito. Nahiwagaan naman si Anjo sa gustong sabihin ni Arianne, maaring tungkol ito sa mga hindi normal na nakikita at nararanasan nila at maari ring tungkol ito sa kanila. Buntis kaya si Arianne?

"Hindi ba pwede ngayon?" sabi niya at pinaandar ang kotse. Sadyang makulit si Anjo kaya pati sa mga ganitong sitwasyon ay hindi siya magbabago. May halong kaba at excitement ang kanyang nararamdaman.

"Mamaya na lang." matamlay na tugon naman ni Arianne. Daig pa yata niya ang lantang gulay.

"Ngayon na, hon. Tungkol saan ba?" pangungulit pa rin niya.

"Mamaya na nga. Wala ako sa mood makipagkulitan." Kapag wala sa mood ang babae, madalas nahahawa ang lalake. Mas mabuti na huwag salubungin ang topak ng girls pero gaya ng sabi ko, makulit si Anjo.

"What's the difference of now from later kung ang sasabihin mo lang ay pareho?" sabi nito habang nakatingin sa daan.

"Ano ba Anjo? Can I have a moment of silence?" sabi nito at sinapo ang ulo at tumingin sa labas. Mas nag-eenjoy pa siyang tignan ngayon ang lumang mga bloke ng semento na nakagarang sa daan kaysa tignan ang may sungay na kanyang nobyo.

Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. "Waaaaaaahhh!" sigaw ni Anjo na ikinagulat naman ni Arianne.

"Aaaaaaaaaaaaaaaaahhhh!" tili ni Arianne. Mulat na mulat ang mata parang ang bibig niyang malapit ng mahiwa sa sobrang buka. Hindi rin niya alam kung gaanong nginig ang naramdaman niya sa oras na iyon.

"Hahahaha!" tawa naman ng tawa si Anjo. "You should make that face everytime!"

"F*ck! Anjo, it's not funny!" hindi kasi alam ni Anjo ang iniisip niya. Kung ikaw ba naman ang nag-iisip ng isang patay at ang mga nakakatakot pang nangyari sa iyo, tapos ay gugulatin ka? Hindi ka ba maglulupasay sa gulat? Ito dapat ang mga sasabihin niya kay Anjo. Lahat ng nalalaman niya ay handa na niyang sabihin kaya Anjo pero ang gagong nobyo niya ay sinisira talaga ang mood niya.

"Nakuliling ang tainga ko sa tili mo. Haha! Kala ko mababasag ang mga salamin ng kotse ko." pangtitrip pa nito. Noong bata si Anjo ay hilig niyang magpaiyak ng mga kaklase lalo na ng mga babae. Aasarin niya ito hanggang umiyak kaya hindi na nakakapagtakang hanggang pagtanda ay ganon siya. Malamang namiss niya ang feeling kaya gusto niyang paiyakin ngayon si Arianne.

"Stop the car." mahinahong sabi ni Arianne. Habang hinahabol pa rin ang hininga.

"What? Haha!" umakto pa itong bingi na hindi naririnig si Arianne.

"I said stop the car!"

"The f*ck." Isang pabiglang tapak sa preno ang nagpatigil sa kotse sa gitna ng isang intersection. Nakausli pa ang puwetang bahagi ng kotse na maaaring mabangga ng darating na sasakyan.

Beeeeeeeeeeeeeeeppp!

Pagbusina pa ng bumubuntot na SUV sa kanila sa likod kasabay ng pag-overtake nito. Siguradong napamura rin ang driver nito dahil sa biglang pagpreno ng sasakyang nasa harapan niya. Mabuti na lang at hindi isang busy street ang kaniyang napagtripan kung hindi siguradong nabangga na sila ngayon.

"Sira ka ba?!" sigaw uli ni Arianne dahil kung hindi sila nakaseat belt ay siguradong tumama ang ulo nila sa kung ano man ang nasa harap nila. "Bakit ka tumigil sa gitna? Babangga tayo niyan eh!"

"Sabi mo stop eh. `Yan!" pilosopong sagot nito.

"Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo kong idamay!"

"Sinunod ko lang naman ang sinabi mo eh." nagbunga ang pang-aasar ni Anjo dahil nangingilid na ang luha ni Arianne.

"May namatay sa malapit sa bahay natin. May nakilala akong tanod, siya yung namatay at may sinabi siya sa akin." at tuluyan na ngang bumagsak ang luha niya. Gaya ng ibang lalake, ang luha ng babae ang nagpapalambot sa bato nilang puso. "Ang bait niya eh. So please, alisin mo dito ang kotse. Mamaya ko kukwento ang lahat sa'yo."

"Sorry." ito lang ang nasabi niya at kumambyo na pero namatay ang makina ng kotse. Lahat ng ilaw ay ayaw ring sumindi. "Shit!" pilit pinipihit ni Anjo ang susi para magstart ang kotse pero ayaw.

"What's happening?" takang tanong ni Arianne.

"I-I don't know!" sabi niya sabay pukpok ng kamay sa manibela. "Labas na tayo."

Pilit nilang hinihila ang knob pero ayaw bumukas. "Ayaw!" sigaw ni Arianne na nag-umpisa ng magpanic. "Pati bintana ayaw!" Pinapalo niya ang bintana pero hindi siya ganoon kalakas para mabasag ito.

"Tabi." tinanggal ni Anjo ang head rest ng kotse at pinapalo ang sa bintana ang patisok na bahagi nito sa gawi ni Arianne. Habang pinapalo ay humingi siya ng tawad kay Arianne. "Sorry. It's all my fault. Kung mababasag ito sa oras, mauna kang lumabas. I love you."

Binatukan naman siya ni Arianne. "Sira ka pala eh. Paano ako mabubuhay ng wala ka?" sabi ni Arianne kaya napangiti si Anjo.

Hindi lahat ng kilig scenes ay nakakakilig minsan ay nakakatakot din. Habang busy sila kakasira ng bintana ay biglang humarap sa kanila ang babaeng may pilat sa mukha! Napatigil si Anjo sa pagpalo habang tili naman ng tili si Arianne. Gumagalaw ang mga labi nito na may sinasabi pero hindi nila marining o maintindihan. "The f*uck! Umalis ka dyan!" sigaw ni Anjo at nilamon ng lupa ang babae kasabay nito ang pagkabasag ng salamin pero may isang maliwang na ilaw mula sa isang trak ang mabilis na parating.

Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp!

~itutuloy

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.