Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.
Chapter 2
Madaling araw pa lang ay tumayo na si Arianne para mamalengke. Wala pang pagkain o anumang pwedeng iluto na laman ang ref nila. Kinumutan niyang maige ang nobyo habang hubad niyang tinungo ang banyo para magpalamig. Ramdam pa rin niya ang sensasyong bumabalot sa kanyang katawan. Mapapawow ka na lang sa alindog niya na kahit kadiliman ay paliliwanagin ng maputi at makinis niyang balat. Talo pa niya ang bote ng softdrinks sa kurba sa katawan. Swerte ang lalakeng kanyang paliligayahin at si Anjo iyon.
Dahan-dahang tumulo ang tubig mula sa shower at tinantya niya ang lamig nito para sa kanyang katawan. Ang pagdikit ng malamig na tubig sa kanyang balat ay matatalo ang init ng kanyang damdamin pero ang takot na kagabi niyang naramdaman ay hindi niya maitatago. Kahit nakasindi ang ilaw ng banyo ay parang madilim sa kanyang paligid sa katahimikan na tanging lagslas lang ng tubig ang iyon maririnig.
Alam niyang isang sigaw lang niya ay mapapasok na siya ni Anjo sa banyo dahil hindi niya inilock iyon dahil masyado na siyang paranoid sa isang dampi lamang ng nakaraang gabi. Naging praning rin siya sa bawat tunog, galasgas at `di inaasahang galaw ng mga bagay sa paligid niya kaya pinili niyang magtapis na ng twalya at iwanan ang takot sa pag-iisa sa banyo. Pati tilaok ng manok ay ikinagulat na niya kahit hindi naman siya madalas uminom ng kape. Sana nama'y hindi siya na-trauma sa naranasan ng nakaraang gabi.
Madilim ang kwarto nila dahil hindi na rin niya sinindi ang ilaw, baka magising ang pagod at nakangiting nobyo. At kahit madalas gamitin ang linyang ito sa bawat nobela, tanging liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw ng gabi galing sa nakabukas na bintana. Samahan mo pa ng puting kurtina na akala mo'y gagawa ng imahe kapag nalukot ng ihip ng hangin. Simpleng tshirt at palda ang kanyang sinuot dahil syempre mamamalengke lang siya.
Sino ba ang hindi titingin sa salamin upang tignan ang ayos ng sarili pagkatapos magbihis? Noong una, natakot pa siyang tumingin rito dahil alam niya na madalas makakita ng mga hindi magandang imahe o pangitain gamit ang salamin pero dahil unti-unti at dahan-dahan siyang tumingin dito ay parang wala naman siyang nakitang hindi inaasahan.
"Ok." sabi niya pagkatapos ng isang buntong hininga at lumayo na sa salamin. Aakalain mo bang may matang nakatingin sa kanya mula sa ilalim ng kama? Kung dumako lang ang tingin niya sa ilalim ng kama ay makikita niya ang mga matang nakatingin sa kanya pero ano nga ba ang rason mo para tumingin sa ilalim ng kama kung ang pakay mo lang ay tignan ang sarili?
"Manang pabili nga po nitong pitso ng manok, saka paki chop na rin ang hita." pagsabay ni Arianne sa ingay ng mga tao sa palengke. Ang aga aga buhay na buhay agad ang energy ng mga tao rito.
"Ang ganda mo naman iha. Bago ka lang yata rito?" sabi nito habang sa mukha ni Arianne nakatingin at winawasiwas ang kanyang itak sa kawawang manok. Napapapikit na lang si Arianne kapag pupukpok ito dahil baka daliri na nito ang kanyang maputol kung sakali.
"Bagong lipat lang ho kami ng mapapangasawa ko." pagsagot naman ni Arianne.
"Aba'y maganda ang taon na ito para magpasakal este pakasal." pagbibiro ng tindera.
"Salamat po, sa susunod na dalawang buwan pa ho dyan sa lumang simbahan ng San Agustin." sabi niya sabay abot ng kanyang bayad.
Isang malakas na bagsak naman ang ginawa ng tindera upang bumaon ang itak sa chopping board at kinuha ang bayad ni Arianne. "Bigyan kita ng discount, para sa akin ka lagi bumili ha?" sabi nito at sinuklian si Arianne.
Napatango lang si Arianne at ngumiti. "Sige ho. Siya nga po pala, lumindol ho ba kagabi?" bigla niyang tanong, mukhang mabait naman ang ale kaya gisto pa niyang makipagkwentuhan tutal ay huli na niya ng bilihin ito.
"Hindi naman suki. `Di ba?" pang-iistorbo pa nito sa katabing tindera na muntik pang maisaksak ang kutsilyong hawak.
"Tokneneng naman, gusto mo na talaga akong mamatay no?" sagot nito.
"Syempre para akin na ang mga suki mo." tawa naman nito para tanda ng biro lamang ang lahat.
"Wala, hindi lumindol kagabi."
"Oh, hindi naman raw ineng. Baka naman kayo lang ang nagpauga ng bahay niyo." kantyaw naman ng tindera.
Namula tuloy si Arianne. "Ehe. Sige po. Salamat." sagot na lang niya.
"Ikaw talagang baboy ka, nahiya tuloy ang suki mo. Baka hindi na bumili sa'yo `yan." sabat naman ng sa tingin ni Arianne ay isang tanod sa palengke.
"`Wag kang sumabat batuta ka. Biro lang naman iyon ineng. `Di ba?" sagot nito.
Tipid na ngiti lang ang sagot ni Arianne.
"Ayaw mo bang magpasama, miss? Mukhang marami ang dala mo." sabi naman ng tanod.
"Hoy! May asawa na `yan!" pagsita naman ng tindera.
"Hindi na ho. Kaya ko na `to. Gulay lang naman kaya marami. Salamat na lang po." sabi ni Arianne at hinayaan na siyang umalis. Naiwan namang nagkukulitan pa rin ang tindera at ang tanod nang mapalingon siya sa mga ito.
Mukhang maraming mababait na tao rito sa barriong ito, sabi ng isip ni Arianne. Mukhang mag-eenjoy siya sa pamamalagi rito at darami rin ang kanyang magiging kaibigan. Bigla namang naalala ni Arianne ang sagot sa tanong niya kanina. Kung hindi lumindol kagabi ay bakit umuuga ang kama nila kahit hindi sila gumagalaw ng nobyo? Maaari kayang mahina nga ang pagkagawa nito o may bagay talagang dumampi sa balat niya noong gabing iyon?
Lalong dumami ang tanong niya ngayong nasagot ang isa niyang tanong. Handa na niyang kalimutan ang misteryo ng gabing `yon pero parang hindi pa doon matatapos ang lahat.
>
Alas-sais na nakauwi si Arianne at maghahanda pa lamang siya ng kanilang almusal. Lahat ng pinamili niya ay inayos niya sa ref habang nagsasaing. Gusto niyang bigayan si Anjo ng breakfast in bed pero mukhang mahuhuli siya at magigising na ang kanyang mahal. Itlog pa lamang ang kanyang naluluto at hihiwain pa lang niya ang meat loaf nang makaramdam ng yabag mula sa kanyang lukuran.
Nilingon niya ito pero wala. Bumalik siya sa inaasikasong lutuin pero nakaramdama siya uli ng paggalaw. Kinakabahan na siya dahil na rin sa hindi kanais-nais niyang nalaman at naranasan. Pinilit niyang maging handa sa anumang mangyayari. Palapit na ang yabag, mabagal at marahan, nagtataka siya bakit niya ito nararamdaman dahil semento ang kanilang sahig at hindi ka makakarinig ng senyales na may palapit sa iyo.
Isang malamig na ihip ng hangin na kataka-taka dahil walang daraanan ito kundi mula sa sala na malayo para abutan siya ng mahinang pag-ihip nito. Kasabay nito ang hawak mula sa kanyang likuran ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Pigil hininga niyang hinintay ang pangyayari.
"Good morning sexy." bati ni Anjo na dahilan para mapasinghap si Arianne na may kasamang gulat.
"Honey! `Wag mo nga akong gulatin." sabi ni Arianne habang nararamdamang naglalakbay muli ang kamay ng kanyang nobyo.
"Kailan ka pa naging magugulatin? Hmm..." sabi nito at hinalikan ang kanyang leeg. Inamoy pa nito ang kanyang buhok.
"Since you came inside of me." Naughty taughts can't stop flowing into Arianne's mind. Hinawakan niya ang pisngi ng katipan mula gamit ang kanyang isang kamay at isinalang naman ang mantika na stove gamit ang kabila. "Low fire muna." sabi niya at hinarap si Anjo.
"Are you talking about us or-?" hindi na natapos ni Anjo ang sasabihin dahil nilamukos na ni Arianne ang kanyan labi paharap dito. Inangkla na rin niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Anjo upang lalong dumiin ang kanilang halik. Hindi naman mapigilan ni Anjo ang sarili ng walang ginagawa kaya nilakbay niya ang dalawang pinakamalapit na bundok sa kanyang mga kamay. Isang ungol muli ang pinakawalan ni Arianne ng walang kapigil-pigil sa sarili.
"May pasok ka pa." sabi niya at kumawala sa yakap ng nobyo. Isinalang naman niya ngayon ang meat loaf dahil kanina pa umuusok ang mantika. parang silang dalawa lang, kagabi pa umuusok at sabik sa isa't-isa.
Nang mailagay naman lahat ng meat loaf ay hinila siya muli ni Anjo dahilan upang magdikit ang kanilang katawan. "I just can't take my eyes off of you." ramdam niya ang lambot ng asset ni Arianne mula sa likuran at hindi siya magsasawang dumikit doon habambuhay.
"Tumitigas na `yung meat loaf, baka masunog." sabi niya na may pilyang ngiti at mapang-akit na mga mata. Ramdam rin naman niya ang isang bagay roon na tumitigas naman talaga.
"Kung wala lang akong work ngayon, yari ka. Hehe."
"Let me."
"What will you do?"
"Like this..." lumuhod siya sa tapat ng isang heneral na puno ng tikas. Pinakawalan niya ito at dinampian ng halik doon.
"Kaya mo ba?"
Oh that naughty eyes.
~itutuloy...
kung makapagkwento, wagas! ayaw mo magpaawat lol
ReplyDeletehaha..i love stories! share ko lang naman ang thoughts ko..:))
Deletesana kapulutan ng aral..eksdi.. enjoy reading lang..:)