"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Sunday, December 02, 2012
Everyday in the Rain 17
Under The Rain
"Joyce!" tawag ko kay Joyce nang makita siyang palayo mula sa kumpanya. Tambay pa kasi ako habang hinihintay si Angelica. "Huh?" Liningon niya ako pero hindi siya lumapit kaya ako na mismo ang lumapit. "Saan ka pupunta? Hindi na kagaya ng school ang trabaho na pwedeng mag-cutting." ngiti kong sabi sa kanya.
"Nagresign na ako." sapat na ang salitang `yon para magulat ako.
"B-bakit?"
"Ayoko ng makita ang pagmumukha ni Ken."
"Ah. Pero alam ko galing kayo sa, uhm, alam mo na, gastos. Baka wala ka pang pang gastos niyan. Kailangan mo ng trabaho." Hindi naman sa i care for her, concerned lang ako.
"Mapapakinabangan ko naman ang katawan ko." sabi naman niya na ikinagulat ko.
"S-seryoso ka?" gulat na tanong ko. Parang biglang nanlamig ang pakiramdam ko, at pinagpawisan ako bigla. Iba rin ang tibok ng dibdib ko. Napalunok ako ng laway pero parang may nakabara.
"Kita mo. Pwedeng pwede akong magseduce ng lalake." ang lagkit ng tingin niya sa'kin. Akmang lalapit pa siya sa'kin kasabay ng mga mapungay niyang mata. Napaatras ako pero lumingon muna ako baka nandito ang bantay ko. Hindi ko alam ang gagawin dahil nakasandal na pala ako sa waiting shed at parang walang balak dumaan na tao rito. Tinitignan niya ang mga mata ko na parang sinasabing Halikan mo `ko. Ilang segundo rin siyang nakatingin nang hindi na napigilang tumawa. "As if gagawin ko `yon." sabi niya. Sayang sigaw ng naughty mind ko. Mali lang ba ang naramdaman ko o talagang gusto niya akong halikan at pinigilan lang niya ang sarili? Hindi naman ako manhid sa nararamdaman para sa akin ni Joyce.
"Akala ko gagawin mo nga."
"Pwede rin kung talagang kailangan na." sagot niya.
"Ayoko. Wag mo sayangin ang ganda mo." sabi ko ng pabigla. "I-ibig kong sabihin, makakakuha ka ng matinong trabaho dahil sa ganda mo. H-huwag kang negative." palusot ko.
"Pero kung sakali na gagawin ko, gusto ko ikaw ang mauna." sabi niya at tumingin sa akin ng patagilid na parang nahihiya. Napalunok nanaman ako ng laway dahil dito.
"H-ha? Ano ka ba?"
"Ayaw mo?"
"E-eh hindi naman sa, uhm, wag mong masamain pero ayaw ko."
"I see." sagot niya. "Pero don't forget na may nagmamahal sa'yo rito. Kung kailangan mo ng kaibigan, nandito rin ako." ngiti niya at lumayo na.
"Ha? Ah... Oo. Nandito rin ako kapag kailangan mo ko.” sagot ko. Siguro sapat na ito para mapasaya siya. Alam kong may lungkot pa rin sa puso niya sa mga nangyari sa kanya kahit ilang linggo na rin ang lumipas.
"Sabi ko na nandyan ka eh." galing sa boses ng aking anghel, napakasarap sa pandinig.
"Ha?" gusto kong ulit-ulitin pa niya ang pagkasabi niyon.
"Wala. Nakita mong umalis si Joyce?"
"Oo." sagot ko lang. At nag-usap pa nga kami tapos sineseduce niya ako, gustong sabihin ng isip ko. Mabuti na lang at napigilan ko kasi baka magselos si Angelica at iseduce din ako. Teka parang magandang idea `yun pero baka hindi `yon ang mangyari.
"Nasabi ba niya sa'yo kung bakit siya umalis sa trabaho?"
"Sabi niya, ayaw niya ng makita ang mukha ni Ken."
"Ha? Hindi naman `yun ang sinabi niya sa'kin eh. Saka, aalis din si Ken dito sa kumpanya kasi siya na ang mag-aasikaso sa kumpanya este dating kumpanya ni Daddy."
"Aalis na si Ken?" parang masaya pa ako sa nangyayari. Hindi na kailangang umiwas ni Angelica, hindi na siya madedestruct sa trabaho at hindi ko na rin kailangang mag-alala.
Piningot niya ang ilong ko. "Oo, hindi mo ba narinig ang sinabi ko?"
"Aray... Narinig ko. Pero teka bakit iba ang sinabi sa akin ni Joyce? Ano ba'ng sinabi niya sa'yo?"
"Interesado ka? Mabuti pang hindi mo na malaman."
"Bakit naman?" patampo kong sabi.
"Kasi `yon ang desisyon niya. Siya nga hindi sinabi sa'yo tapos gusto mo ako magsabi?" piningot niya muli ang ilong ko.
"Parang ikaw na ang suplada ngayon ah. Ms. Suplada."
"Mana sa'yo." ngiti niya. Wala akong kaalam-alam na dahil sa akin ang lahat kung bakit siya aalis ng kumpanya, lahat ng gulong idinulot ko rito, ako pala ang may kasalanan pero para kay Angelica ito.
"Pero I think, ito na ang katapusan ng mga problema natin." ngiti ko rin para quits.
"Sana nga."
"Date tayo mamaya."
"Mamaya? Eh ang sama ng panahon oh. Mukhang uulan mamaya."
"Eh ano ngayon? Kasama na sa memories natin ang ulan."
"Suplado talaga 'to. Ok! Mamaya." tumalikod na siya at akmang lalayo na sa'kin pero hinila ko ang kamay niya at ihinarap sa'kin. "Kiss ko?"
"Hindi pa naman tayo ah." ngiti niya sa'kin at itinapat ang hintuturo sa labi ko kahit na magkalapit na ang mukha namin.
"Pwede naman."
"Mas pwede kapag tayo na." sabi niya. Sa lahat ng dinaanan namin parang hindi ko na namalayan na hindi pa pala kami. Dapat hindi na niya pinaalala at dapat hindi na lang din niya naalala.
"Kita tayo doon sa park. 5pm sharp ha?"
"Park? Kung saan tayo nagkita uli?" paninigurado niya.
"Yup! Sweet `di ba?" Mamaya. Kailangan ko ng maghanda para mamaya. Date is a date.
>
"Now I'm ready." sabi ko sa sarili habang masayang nakatingin sa aking ginawa. "Patay! Mukhang maleleyt ako." 5pm sharp pala ha? sabi ng isip ko.
Gamit ang kotse ni tatay bumyahe na ako papunta sa park kung saan kami unang nagkita ni Angelica matapos ang mahabang panahon. "Trapik!" alam kong hindi na mabenta ang linyang ito para sa mga taong nalelate sa trabaho, sa eskwela o sa date pero ito talaga ang nangyari. Madalas pang uminit ang ulo ko habang nalelate ako at trapik ang dahilan. Gumagana ang pagkasuplado ko.
Kumulog na ng napakalakas, halos umuga ang kotse nang mag-umpisang pumatak ang ulan. Napatingin ako sa relo ko at 5pm na. "`Wag mong sabihing..." sabi ko na lang at bumusina ng bumusina.
"Hoy! Ang ingay mo! Hindi lang ikaw ang nagmamadali!" sigaw ng katabi kong jeepney driver sa lane.
Para saan ang busina kung hindi gagamitin? sasabihin ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko. Napakalamig ng panahon para uminit ang ulo.
Nang lumuwag na ang kalsada ay pinaharurot ko na ang kotse, wala akong pakialam sa mga nauusukang tao na naglalakad sa sidewalk, ang iniisip ko lang ay makita agad si Angelica.
Pagdating ko sa park ay nagpark ako agad. 30 minutes akong late. Takbo akong pumunta sa may swing, dahil dito kami nagkita noon. Tanda ko pa noong pinayungan niya ako habang nagdadrama talaga akong nagpapaulan. Nagpalinga linga ako pero wala siya. Nasulyapan ko ang isang babaeng nakatalikod na parang naglalakad palayo. Basang-basa ito ng ulan. "Angelica?"
Patakbo ko nanamang nilapitan ang babae. "Angelica?" sabi ko at hinawakan siya sa balikat. Hindi ko nakilala si Angelica dahil sobrang basa ng buhok niya at parang wala siyang poise nang makita ko. "Sorry nalate ako. Tara silong muna tayo. Bakit ba wala kang dalang payong?"
Paghila ko sa kamay niya ay siya namang bagsak niya sa katawan ko. "Angelica? Ok ka lang ba?" hinawakan ko ang kanyang noo pati leeg. Shet! Inaapoy siya ng lagnat! sigaw ng utak ko. Agad ko siyang binuhat hanggang sa kotse at dinala sa malapit na ospital.
Kasalanan ko `to! sabi ko sa isip ko at sinuntok ang pader ng ospital. Handa na ang lahat pero bakit parang ayaw pa kaming maging masaya ng tadhana? Paano kung may mangyaring masama sa kanya? Paano kung napahamak siya? Paano kung mamatay siya?
Sinpok ko ang sarili dahil sa iniisip ko. Magiging maayos ang lahat.
"Ano'ng nangyari?" sabi ni Princess na hingal na dumating.
"Inaapoy siya ng lagnat na naabutan ko sa park. Kasalanan -"
"Kasalanan ko to eh! Kanina pa siya nilalagnat pero pinili niyang pumunta sa park para sa date niyo! Dapat pinigilan ko siya!" iyak nito.
Ang kaninang kasalanan na inaako ko ay parang napawi sa effort na ginawa ni Angelica para sa akin pero ano'ng ginawa ko? Nagpalate pa ako? Kailan ba ako magiging matured? Kailan ba ako magkakaroon ng silbi sa taong mahal ko? Kailan ko siya mapoprotektahan?
"Magiging ok din ang lahat." sabi ko na lang. "Magpapahinga lang siya." Si Princess nama'y tumabi kay Angelica at hinahaplos ang noo nito. "Bili lang ako ng pagkain." paalam ko.
Malalim ang iniisip ko habang naglalakad. Kung hindi ako nalate, baka hindi na tumaas ang lagnat niya. sabi ng isip ko. "Ay, sorry po." paghingi ko ng tawad sa nurse na nabangga ko. Pag-angat ng mukha ko, "Gladys?" Muntik ko ng malimutan, nursing nga pala ang course ni Gladys.
"Oh." unang masiglang tono ng kanyang pagkasabi pero parang napalitan ito ng lungkot. "Victor..."
Nginitian ko lang siya. "Ano'ng ginagawa mo dito?"
"Ah.. Eh duty ko rito." wala akong alam sa nursing kaya hindi ko pa rin gets ang sagot niya pero si Gladys ay nasa 3rd year na. "Ikaw?" tanong niya bigla.
"Ah, binisita ko lang ang girlfriend ko." pagsisinungaling ko. "Sige. Bili lang ako ng pagkain." paalam ko.
"Sige." sabi niya at pareho na kaming naglakad palayo sa isa't-isa. Pakiramdam ko gusto ko pa siyang kausapin, makipagkwentuhan pa ng matagal. Napalingon ako sa kanya at eksakto rin siyang napalingon sa akin bago pumasok sa room ng pasyente niya. Medyo natawa pa ako kasi sabay pa talaga naming tinignan ang isa't-isa bago tumuloy uli sa talagang plano naming puntahan.
Parang bumalik lahat ng alaala ko kay Gladys. Mga masasayang moments noong pinamili ko siya ng gamit, pati `yung mapait na pangyayari namin noong inistorbo kami ni Robert sa kasalukuyan naming pagtuhog ng fishball noon. "Teka-" napalingon ako uli sa pinasukang kwarto ni Gladys.
Kwarto `yon ni Angelica!
~ itutuloy ~
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.