Sunday, December 09, 2012

Pacquiao-an 2012


Matagal ko na ring hindi ginagamit ang key ng letter Q sa aking keyboard pero ngayon ay mukhang masusulit ko ang pagpindot rito. Alam ko hindi lang ako ang nagulat, nahulog sa upuan at napatili sa pagbagsak ni Manny facedown. No one expected this to happen pero a sport or a game is a win or lose battle. In boxing, the first to blink an eye will lose. Ngayon, proud ka pa rin bang Pilipino ka? Kasi dati kapag nanalo si Manny ay kulang na lang isigaw mo sa tainga ng katabi mo na Pilipino ka.


"Losing is a part of the game, you can't win them all."

December 9, 2012. Manny Pacquiao was knocked-out and lost to Juan Manuel Marquez. Pacquiao accepted his defeat after planking in the ring minutes before he smiles in his seat. He is really a sporthero. Siya pa lang yata ang nakita kong boksingero na napangiti sa kanyang pagkatalo. Maluwag na tinanggap ni PacMan na nagkulang siya este sumobra siya sa confidence pati ang kapwa niya Pilipino. In fact,  MalacaƱang ay nagpredict ng pagkapanalo ni Pacquiao sana lang hindi pa sila nagpredict sa laban ni Doniare. Natalo na rin naman si Pacquiao bago ang pagkatalong ito kay Marquez, natalo siya kina Bradley, Medgoen Singsurat at Darlene Custodio. Even politics is a game.

"Sometimes you win, sometimes you lose."

Maraming mexicanong masaya hindi lang si Marquez, halata sa mga videos na inupload sa youtube, mga photo ng meme na ginaya sa 9gag, at mga twitt sa twitter na trending talaga. Hindi naman nagpatalo ang Pinoy, hinack lang naman nila ang http://www.innovations.com.mx/. Umpisa na ng giyera na sinasabi ni Bob Arum.

“ GOOD DAY MOCHACHO..

We felt bad when our 'Pambansang Kamao' Manny Pacman Pacquiao lose the fight against Manuel Marquez but then, we accept it. 
We accept that he lose the fight. When Marquez lose the fight, we respect you but then, in their 4th fight, Pacquiao lose the fight but you didn't respect us. 
Your fellow mexicans insulted our PAMBANSANG KAMAO and insulted the FILIPINO PEOPLE. Now, we're here to stand up and fight for our rights. We are watching on you.


we don't want to be bullied in our own cyber space
Filipinos don't want to be bullied
If you want to be respected, respect us or EXPECT US!

-by Hitman ”

"Losing is not the end of the world. 2012 isn't neither."

May kumakalat na mga coincidences na itinatapat sa mga laban ni Pacquiao, gaya ko kinalat ko. Heto ang iba sa kanila:

January 21, 2006 - Pacquiao beats Morales - 13 days after - February 4, 2006 - Wowowee Stampede

October 6, 2007 - Pacquiao beats Barrera - 13 days after - October 19, 2007 - Glorietta Bombing

November 14, 2009 - Pacquiao beats Cotto - 13 days afrer - November 27, 2009 - Mangudadatu successfully filed his certificate of candidacy at Shariff Aguak, in lieu of the Maguindanao Massacre.

Kung nanalo raw si Pacquiao ngayon, December 8, 2012 (Las Vegas time) - 13 days after is December 21, 2012, baka raw matuloy ang masamang mangyayari sa date na iyon. Kung gayon pala, si Marquez ay isang superhero na nailigtas ang mundo sa pagkawasak? Mayroon rin raw scene sa 2012 movie na isang boksingero ay natalo at bumagsak gaya ng kay Pacquiao at maaring maging kontobersyal.

"Shake a hand for the person you were lost as if you won."

Sa lahat ng malas ay si Mitt Romney na yata ang may balat sa puwet. Kinamayan pa lang niya si Pacquiao ay kinutuban na ako at hindi ko inaasahan na sa ganito matatapos ang laban. Pero sabi nga mismo ni Manny, masaya naman aku sa laban, basta binigay ku ang lahat ng makakaya ku. I salute Manny Pacquiao sa lahat ng hirap niya na hindi nakikita ng mata ng iba. Nirerepresent niya ang Pilipinas, nagpapabugbog siya para sa Pilipinas, at binubuwis niya ang kanyang buhay para sa Pilipinas, tayo nag-aabang sa laban niya habang kumakamot ng puwet, pumupusta sa kalaban niya habang lumalaban ng fliptop, at sana naisip naman natin na ipagdasal ang kalaayan niya.

"If you win, it's the will of the Lord. If you lose, it's still the will of the Lord."

Isa pang issue sa kanya ay ang pagpapalit niya ng relihiyon. Mula raw noong nagborn again siya, ay natalo na siya. Natalo nga siya noong kay Bradley eh bakit ngayon lang napansin? That's his choice kung maging born again man siya. Hindi naman ang kanyang relihiyon ang dahilan ng kanyang pagkatalo. Kapag ba ako ang nagsuot ng rosaryo at nilabanan ko si Marquez, mananalo ba ako? No chance! 

Sino pa ang Pilipino ngayong natalo si Pacquiao? Hinimatay na nga si Aling Dionisya, sa sobrang pag-aalala sa anak tatawanan pa. Isa si Pacquiao sa mga dahilan kung bakit kilala ang Pilipinas sa panahon ngayon. Kahit trending ang photo niya habang natutulog, suportahan natin ang ating bayani sa larangan ng boxing. Porque ba natalo, laos na? Hindi ba pwedeng magaling talaga ang kalaban? Hindi ba pwedeng nagkamali siya?

May mga nanlalait pa sa kanya na mehikano, inisip ko kung bakit nila ito nagawa. Malamang ay pakiramdam nila ay ngayon nila nakuha ang panalong matagal na nilang inasam. Eh mas marami pa yata ang Pilipino na nakuha pang pagtawanan siya, bagay raw niya ang matalo dahil lumalaki ang ulo? Sa paningin ko same size pa rin naman ang ulo ni Manny. Crab mentality sa Pilipinas ay shit! Matapos makita ang mga pictures ng mga mexikanong nagplanking ala pacquiao ay nakita ko rin kung gaano siya minamaliit ng kapwa niya Pilipino. Hindi niyo ba nakita ang mata niya? Galit! Gutom! Habang ang kay Marquez ay kalmado gaya ng dating Pacquiao. Bakit? Hindi niyo naisip na dahil galing mismo sa mga kababayan niya na nagsasabing laos na siya, na puro daya at pera lang ang labanan? Gusto niyang patunayan na gaya ng dati, ay kaya niyang patumbahin ang kanyang kalaban gaya noong una natin siyang nakilala. Mahirap dalhin ang karangalan ng bansa, ang laki nito at ang dami natin.

"Kasama niya tayo noong nanalo siya. Samahan natin siya sa pagkatalo niya. Admit na nakilala ang Pinoy dahil sa kanya."

Nakakatuwa na may mga taong malawak ang pag-iisip sa mga bagay-bagay. Naiintindihan ang mga nangyayari sa paligid niya. Sana bukas ang puso at isipan natin sa mga pagsubok ng buhay. Hindi man para sa atin kundi para sa mga tao sa paligid natin na may ginagawa para sa ikabubuti natin. Still Filipino Pride for Manny Pacquiao kahit na talo siya. We pray for your recovery, sana ituloy mo lang ang magandang gawain.

1 comment:

  1. Di naman ako mahilig sa boksing. Ni hindi ko napanood etong huling laban ni Pacman. Pero sa mga nababasa ko at napapakinggan, ewan bakit kung kelan natalo sya ng bongga, parang mas humanga ako. Sabi nga nila, dun mo nakikila ng mas mabuti ang karakter ng tao kapag bumagsak sya.

    Ewan ba sa mga Pinoy, madami ang masyado superstitious. Tama ka, sa laban, may talo at panalo. Di naman laging Pasko so, may pagkakataon na matatalo talaga. Oras lang hinihintay nyan.

    Humbling experience din ito kay Pacman...at maaring daan para makilala nya sino ang tapat na supporters nya. :-)

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.