Saturday, December 08, 2012

Teenage Destiny 3


Online...Chapter 3

Yesterday is the day before today. Tommorow is the day after today. Today is the day. Hindi Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday, Sunday, Holiday, Independance Day o Thanksgiving Day. Today is the day. Gaano ka ba nagiging excited kapag may nakaset kang date? Bumibili ka ba ng bagong damit at isusuot ito kahit may tag pa o pipili ka na lang sa mga damit mo at aabutin ng siyam siyam dahil doon ay malelyt ka sa usapan ninyo? Excited, masaya, hindi mapakali at excited; masarap ang pakiramdam pero kapag ang nameet mo ay bumaba sa expectations mo para kang nakakita ng alien sa sobrang bad trip pero kapag above expectations ay aba, para kang nakakita ng anghel na bumaba sa langit sa sobrang saya.

Expectations ang may sala kung bakit nadidismaya ka at minsang dahilan ng pagtatampo. Dismayado ka kasi expect mo 1.5 ang grade mo pero flat 1 pala, pakiramdam mo hindi mo deserve. Magtatampo ka kasi isang boquet red na rose lang ang regalo sa iyo ng bf mo pero expect mo isang white rose lang. Kailangan ring mag-expect ng tao sa mga pangako ng isang presidente o pulitiko, pero nakakadismaya at nakakapagtampong ipagmalaki ang lahi mo. Expect the unexpected na lang.



Makikipagkita na si Andrei kay Alexa. Hindi rin maintindihan ni Dinia kung bakit pa niya kailangang sumama dahil sa kagustuhan na rin ng ka-meet. Itong meet meet na `to, napakadelikado. Para sa babae, kapag minalas ka at napasama ng bagsak sa pagkakadapa ay makikipagkita ka sa isang manyak. Maraming stilo ang mga manyak ng kanilang maiitim na balak, lahat ng gusto magagawan ng paraan kahit na masama pa. Para naman sa mga lalake, naku! baka makatapat naman kayo ng mga tinatawag na chicksilog o kaya ay bading na mapagkakamalan mo talagang babae pero malalaman mo lang na lalake siya kapag nahubaran mo na. Eew!

"Late nanaman `yung hinayupak na Andrei. Nakakahiya paghintayin ang babae." ang binabanggit ni Dinia na paghihintayin ay si Alexa. Parang nakakalimot na siya na babae siya pwera na lang kapag nagccr siya.

"Sa'n ang punta?" tanong ni Kuya Ben. Dito sa shop ni Kuya Ben kasi nila napagkasunduang magkita muna bago tumuloy sa Robinson's para makipag-eyeball.

"Kailangan ko pa bang sagutin ang tanong mo?" pagsusuplado nito.

"Kung ayaw mong sabihin edi `wag." sagot naman ni Kuya Ben.

"Oy, oy, oy! Anong meron?" sakto namang dating ni Jems. "Bakit nakaayos ka `tol?" 

"Wala ka na rin doon!" pagsusuplada nito. Ano ang pormahan ni Dinia? Nakacap na parang nakatali lang sa buhok, hindi na siya nag-eyeliner kasi retired emo na daw siya, pero puro black pa rin ang paborito niyang damit, skinny jeans at converse na sapatos. Minsan nagshort din siya na maiksi pero mas madalas pa rin siyang parang emo na hiphop na sexy. Bagay na bagay sa pagiging suplada niya ngayong umaga.

"Buwisit kasing Andrei eh! Antagal!"

"So may date kayo ni Andrei?" sabat ng bagong dating na Lester.

"Date?! Adik ka ba?" gulat na reaksyon ni Dinia.

"O ba't denial ka." sabi naman ni Jems.

"Sayang akala ko naman may improvement na." sabi naman ni Lester.

"Anong improvement? Saka hindi kami magde-date! May ipapakilala ako uli kay Andrei." sagot ni Dinia.

"Ouch!" sabi naman ni Lester.

"Bakit?" takang tanong ni Dinia.

"Aah. Wala." sabay pikit ng isang mata pero late reaction mala-Mick Pennisi. "Napuwing ako." sabay kusot umano ng mata.

"Maganda ba?" tanong naman ni Jems.

"Suminghot ka ba ng medyas? Kaya nga namin kikitain para malaman `di ba?" sagot ni Dinia. Kung hindi lang barkada ng mga ito si Dinia, malamang ay napagbuhatan na ito ng kamay ng isang lalake.

"Ikaw ata ang kumain ng damo eh! Uso na kaya ang facebook!" sagot naman nito.

"Oo nga no? Akalain mong naisip mo `yun. May epekto pala sa'yo ang pagsinghot ng medyas mo. Gawin mo ulit bukas. Hayaan mo na, nakaset na eh."

"Para kang sira -"

"Oy, oy, oy! Sorry late ako." sabi ng bagong dating na Andrei.

Napatitig lahat sa kanya. "May dumi ba sa mukha ko? Panget ba ang hairstyle ko? Bukas ba zipper ko? O may UFO ba sa likod ko? Ano?"

"Ang porma mo `tol!" sabi ni Jems sabay hawak sa kwelyo at inayos ang polo ni Andrei.

"Dins?" sabi niya nang makitang hindi pa rin kumukurap si Dinia.

"Ha? Oy antagal mo! Masamang pinaghihintay ang babae." sabi naman niya.

"Babae ka na pala ngayong nakita mong nagpolo si Andrei." sabi naman ni Lester. Kita ang pamumula sa mukha ni Dinia kaya napatalikod ito.

"Tara na!"

Sino ba ang babaeng hindi matutulala sa kagwapuhan ni Andrei na mala Jake Vargas? Bago rin ang hairstyle nito sa nakasanayan ng magbabarkada at ang pagpopolo niya ay bagay talaga niya. Isama mo pa ang pagpapacute niya kay Dinia na talaga namang makalaglag panty.

Lumakad na palayo si Dinia at naglakad na rin si Andrei. Tinapik siya ni Lester. Hindi talaga maitatanggi na napatingin sa kanya si Dinia. Nagkakaintindihan na sina Lester at Andrei sa ngiting ipinakita ni Lester. Parang nag-uusap nga ang isip nila gamit ang mental telepathy. Ayos pare magaling ka talaga sa chicks! Kuha ang kiliti! anang isip ni Lester. Ako pa? Babae pa rin si Dinia. Ako na ang bahala `tol! sagot naman ng isip ni Andrei.

"Bilisan mo nga!" tago ni Dinia ang kilig nang makita si Andrei na nagpapacute sa kanya pero alam niyang hindi para sa kanya ang pormang iyon ni Andrei kundi kay Alexa.

>

"Nagtext na ba?" tanong ni Andrei habang naghihintay sila sa Food Court. "Ok ka lang Din's?" tanong ni Andrei na nakangiti sa isip niya. Nananalangin ang utak niya na sana'y hindi na dumating ang Alexa na `yun para sila na lang ni Dinia ang magdate.

Nahihiya namang tumingin kay Andrei si Dinia dahil naiilang ito sa kinikilos ni Andrei. Hindi naman ganito pumorma si Andrei sa dati nilang mga nakaeyeball. "Ha? Eh hindi pa. Este hindi pa siya nagrereply sa text ko. Ok lang ako." pero hindi niya ito tinitignan.

Napaghahalata ni Andrei na nahihiya si Dinia. Sa tagal ba naman nilang magkakilala, hindi pa ba niya kakilala ang katropang ito? "Para kang kinakabahan?"

"Ok nga lang ako."

Hinawakan naman ni Andrei ang kamay ni Dinia na ikinagulat nito. "`Tol, ilang taon na tayong magkasama. Kung may problema ka sabihin mo lang, tropa tayo eh."

Agad naman niyang hinila ang kamay niya. "Eh bakit ikaw, hindi mo sinasabi ang problema mo?"

Napaisip si Andrei sa sinabi niya. Parang mali ang linya niya kanina. Shit! "Makikinig ka ba kapag sinabi ko?"

Kinabahan bigla si Dinia dahil iba kung makatingin si Andrei sa kanya. Parang may tinatago ang mga tingin nito at parang may twinkle. "Ha? O-oo naman! Tropa tayo eh."

Nalungkot naman bigla si Andrei sa narinig. Tropa tayo eh. "Wala pa bang text?" pag-iiba niya sa usapan.

"Eto sakto. Nandito na raw siya." napamulagat si Dinia sa nabasa. Ok lang ba na double date? sabi ng text ni Alexa.

"Buwisit `to."

"Bakit? Ano bang sabi?"

"Double date daw."

Napasandal sa upuan si Andrei at gustong basagin ang mesa gamit ang kanyang Andrei's karate chop pero pinigil niya ang sarili. "So tuloy ba natin?"

"Bahala na." nagreply si Dinia ng suot at description nila. "Eto ikaw humawak ng cellphone ko gaya ng dati."

Nabasa nga ni Andrei ang text at gusto niyang ibato ang phone sa sobrang inis. Mukhang pagseselosin pa siya ngayong araw na `to ah. Maya-maya ay may lumapit na chicks at isang lalakeng medyo may pagkanerdy ang dating dahil sa salamin.

"Hi. Ikaw ba si Dino?" tanong ng babae. Napatulala si Andrei. 35-26-36 sa tantya niya sa hipit na hipit na black dress nito kita ang hubog ng katawan. Simple lang ang damit pero naging elegante dahil sa pagdadala ng babaeng ito.

"Y-yup! Nice meeting you, miss?"

"Alexa." at inabot nito ang kamay niya. Napatingin muna si Andrei sa kamay nito pero bago mangawit ang babae ay inabot niya ang kamay nito. Napakalamig ng kamay niya, malamang dahil sa kaba at lamig ng aircon. Makinis... sigaw ng isip niya.

"Ehem!" papansin naman ni Dinia na nakasimangot na. Patay! Bad shot ako kay Dinia. sabi ng isip niya.

Naputol naman ang titigan ng dalawa at lumamig muli ang aura ng lugar na kanina'y parang super saiyan sila na nagpapacute sa isa't-isa.

"Eto nga pala si..." napatingin si Alexa sa kasamang lalake.

"Rico!" sabat naman nito at nakipagkamay kay Andrei aka Dino pero parang mainit agad ang dugo ni Andrei rito. Hinawakan lang nito ang kamay at agad binitawan.

"Hindi mo ba kami ipakikilala sa kasama mo, Dino?" ani Alexa.

"Ahh. Andrea!" sabay abot ni Dinia ng kamay niya. Agad naman itong inabot ng lalakeng nagpakilalang Rico. Ang sama ng tingin sa isa't-isa ng magtropang ito.Parang may galit sa loob ni Dinia na parang ewan kasi hindi naman siya dapat magalit at hindi naman ganito ang pakiramdam ni Dinia sa mga dating nakameet na nila. Masama rin ang tingin ni Andrei kay Rico dahil ayaw niyang ipamigay si Dinia sa ibang lalake. Ano ba `tong mga magtropang `to?

"So saan tayo?" sabi ni Alexa sa katahimikan at umupo sila. Si Alexa, tumabi kay Andrei aka Dino at si Rico tumabi kay Dinia, aka Andrea. Tinginan lang ang isa't-isa.

"Kain muna tayo." sabi naman ni Andrei.

Umorder ng Sashimi at Tempura si Alexa habang si Dinia ay umorder lang ng pizza para share na rin sila ni Andrei. Si Rico, umorder lang ng chocolate cake.

"Mukhang close kayo ni Rico?" tanong ni Andrei. Marunong talaga siyang makisalamuha sa babae parang nasa instinct na niya ang magpahulog ng loob ng isang babae.

"Uhm. Yah. We're close friends ewan ko sa kanya pero I think na best of friends kami." sabi ni Alexa matapos sumubo.

"At parang mahilig ka sa Japanese foods?" tanong ni Andrei. Hindi niya alam pero umuusok na ang tainga ni Dinia sa maglalandi at pagpapacute niya sa babaeng `to. Pero `di ba talaga namang ito ang ipinunta nila rito? Para makipaglandi si Andrei pero bakit parang ayaw niya ang nagyayari?

"I like exploring things." sabi ni Alexa na may halong landi sa pagtingi nito.

"Interesting." sabay subo ng pizza.

"Try mong tikman `tong wasabi." ani Alexa.

"Ahm. Andrea..." sabi ni Rico matapos sumubo ng cake.

"Baket?"

"What's your first impression with me?" tanong ni Rico.

"Mukha kang matalino at tahimik." ani Dinia.

"Wow. Mukhang marunong kang kumilatis sa mukha ng tao. Honestly, I see you as a strong girl hiding in a boyish attitude. Siguro puro lalake ang barkada mo at mga pumapaligid sa'yo." sabi ni Rico. Naimpress si Dinia, kahit matalino ito hindi mayabang ang asta niya at magaling siya sa verbal communication para hindi makaoffend ang kausap niya.

"Aaahhhhhhh! Shiiiit!" sabi ni Andrei.

"Oh sorry! That's too spicy! Akala ko alam mo ang wasabi pero sorry hindi kita napigil sumubo ng marami." sabay abot ng tubig.

"Bili tayo ng yogurt or milk para agad mawala ang anghang." sabay hila ng kamay ni Dinia.

"Sandali..." hindi na siya nakahindi at bumili sila ng apat para sa lahat.

"Sweets na rin." sabi naman ni Rico at ngumiti kay Dinia.

Inabutan nila na pinupunasan ni Alexa ang pisngi ni Andrei dahil lango ito sa tubig at hindi iniinda ang tumutulo sa gilid ng bibig. May tumulo rin sa may pantalon ni Andrei nang akmang pupunasan ito ni Alexa ng tissue ay agad tumakbo si Dinia para iabot kay Andrei ang yogurt na binili para makaistorbo.

"Heto na ang yogurt!"  muntik pang matapon ang hawak na tubig ni Andrei sa gulat. Pulang-pula ang mukha nito at talaga namang nakakaawa ng tignan.

"Don't worry. It will not leave a burning aftertaste in one's mouth." sabi ni Rico.

"Eh ba't pa tayo bumili ng yogurt?" tanong naman ni Dinia.

"AMALAYER! Binigla lang kita." ani Rico. "Saka dessert na rin." ngiti rin nito.

Balik sila sa upuan pero nakasimangot ang dalawa nating bida. Si Andrei dahil nakakain siya ng wasabi ng wala sa oras at si Dinia dahil naisahan siya, nahawakan tuloy ni Rico ang kanyang kamay.

"Sorry ulit ha?" ani Alexa.

"It's not your fault." sagot ni Andrei.

"Alam mo Andrea, pamporma ko lang `tong salamin ko. I'm not that smart like a cum laude."

"Paki ko?!" sabay lantak ng kanyang yogurt.

Mukhang nakakarma ang bida natin dahil sa paglalaro ng identity nila. Do you expect na iikot na sa apat na ito ang kwento natin? Unexpected destiny ang tawag natin dyan.

...Offline...itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.