Saturday, December 22, 2012

Umuuga Ang Kama



Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 1

"I've been waiting for this for years..."

Umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng dalawang magkasintahan. Halos dalawang taon ring hinintay ni Anjo ang pagkakataong ito, ang maramdaman ang pagpapaligaya ng kanyang kasintahan. Mga impit na ungol lamang ang iyong maririnig galing sa magkadikit na labi ng nagmamahalan. Mga hawak at haplos na talaga namang nakakapang-init ng katawan. Napapa-arko pa ang likod ni Arianne sa bawat pagdausdos ng isang bisita. Hawak ni Arianne ang kanyang buhok at gustong sabunutan ang sarili at ang katipan sa nakakabaliw na sensasyon na kanyang nararamdaman. Nalilito rin siya kung sa likod ba nito siya kakapit para lalong magdikit ang kanilang katawan o sa balikat nito upang makontrol niya ang bilis ng paggalaw nito. Talaga namang hindi matatawaran ang sarap na dulot kapag mahal mo ang iyong kapareha. Tirik matang inilabas ni Arianne ang kanyang pinipigilang ungol kasabay ng pagsambit ng pangalan ng kapareha ay siyang pagputok ng daan papuntang langit.


Umuuga uli ang kama sa isa pang umaatikabong bakbakan, ika nga sa boxing, round 2. Hindi mapigil ng dalawa ang kanilang pagniniig kasabay ng paghalik ng dilim ng gabi. Iba't-ibang pwesto ang kanilang ginawa upang masulit ang oras ng ligaya. Hindi magkamayaw sa paghiyaw si Arianne na parang mababaliw, hindi niya malaman kung dahil ba sa hirap o sa sarap na kanyang nararamdaman.

"Umuuga ang kama." sambit ni Arianne nang makaramdam ng paggalaw nito.

"Baka mahina ang pagkakagawa ng kama para sa atin." pagbibiro ni Anjo.

"No. Seriously, umuuga nga."

"Baka naman lumindol lang? Hindi ko man naramdaman eh." sagot naman ni Anjo na halatang pagod sa pagkakahiga nito. Ipinagkibit balikat na lamang nila ang naramdaman. Bagong lipat dito sa bago nilang bahay ang magkasintahan matapos magpropose ni Anjo kay Arianne sa isang restaurant. Inakala niyang simpleng date lamang ito at talaga namang nasorpresa siya. Hindi naman itinatanggi ni Arianne na mahal na mahal niya ang nobyo at ganoon din si Anjo sa kanya kaya nagpaalam na sila sa kanilang magulang na bumukod upang lumagay sa tahimik. Nakapikit na ninamnam ni Arianne ang alaala.

>

"Bakit parang ang ganda naman ng date natin?" tanong pa ni Arianne noong tumigil ang kotse ni Anjo sa isang mamahaling restaurant. Sa labas pa lamang ay puno na ng ilaw at palamuti ang paligid lalo pa pagpasok nila sa loob. Tumutugtog ang violin at piano kasabay ng pintig ng kanilang puso.

Hindi na nahintay pa ni Anjo ang makaupo sila sa kanilang reserved na upuan. Pagsara ng automatic na sliding door ay lumuhod sa harapan niya si Anjo. Akala mo'y magpupunas lang ng sapatos sa una pero doon pala niya tinago sa medyas niya ang regalong singsing. "Arianne Gutierrez, I love you more than a music can touch your heart. I hear the melodies playing and saying, marry me."

Walang masabi si Arianne sa dialog ng nobyo, hindi niya namalayan na pumatak na pala ang luha niya. "Parang hindi bagay ang suot ko sa engrande mong proposal." sabi na lang niya at ngumiting binitin ang sagot sa nobyo.

"Surprise is a surprise. You'll look more beautiful in our wedding day." sagot naman ni Anjo na hindi pa rin tumatayo sa kanyang harapan, hawak ang kamay ni Arianne. Parang nagtataka na ang itsura ni Anjo dahil sa tagal ng sagot ni Arianne.

Bago pa mawala ang ngiti ng nobyo ay sinagot na niya ito. "Yes!" kasabay ng pagsuot ng singsing na tanda ng engagement nila ay ang pagbuhat sa kanya ni Anjo sa sobrang excitement. "Uy! Ibaba mo ako, andaming tao." sabi pa niya at hinampas ng konti ang dibdib ni Anjo.

Ibinaba lang siya nito nang marating nila ang kanilang upuan. "I'm just so happy." sabi nito at kahit hindi niya sabihin ay halata sa mukha niya ang sobrang saya.

"Nahihiya tuloy akong tumingin sa kanila."

"`Wag kang mahiya." sabi ni Anjo at ngumiti. "Everyone!" sigaw nito.

"Huy!" pigil niya pero may ngiti sa mga labi niya.

"I'm going to marry this woman in 4 months! Everyone is invited!" palakpakan ang lahat at itinaas pa ang basong hawak nila bilang toast. Ang iba ay nag-iingay na gamit ang kutsara na mahinang idinidikit sa baso. "They request a kiss."

"Ikaw kasi eh." sabi nito na abot tainga ang ngiti. Unti-unting lumapit ang mukha ni Anjo sa kanya. A sensational kiss was made by loving couples. Dahan-dahang nagdikit ang labi nila at ilang segundo ring magkadikit. Hindi man madiin pero tamang-tama para maramdaman ang pagmamahalan ng dalawa. Nakapikit nilang ninamnam ang mga segundong palitan ng halik at kalauna'y makakasanayan na nila sa kanilang pagtanda.

Rinig ang palakpakan ng mga tao. May ilan ding couples na sumabay rin sa kanilang halikan. Ilang minuto pa'y bumalik na ang lahat sa normal at mind your own business na.

"After 2 months pwede na tayong lumipat sa bago nating bahay. Yung pareho nating ipinundar." umpisa ni Anjo sa usapan.

"Ha? Eh kailangan muna nating sabihin kila Mama at Papa."

"Sinabi ko na sa kanila. We've been 5 years in a relationship and 2 years getting to know each other kaya ok na sa kanila na bumukod tayo." sabi nito at sumubo sa kanyang panghimagas.

"You sure?"

"Honey, hindi ka pa ba nagtitiwala sa akin?" ngiti ni Anjo.

"Hindi naman sa ganoon. Gusto ko rin naman pero-"

"2 months pa Arianne. Pwede mong tanungin ang parents mo at para maging ready ka na rin."

Ngumiti si Arianne. "Thank you. You've been toooooooo patient for me." sabi nito at kinurot sa pisngi si Anjo.

"That's how I love." sagot naman ni Anjo at dinampian ng halik ang nakanguso pang labi ni Arianne.

"Kiss thief!" pabirong sabi ni Arianne. "Hindi ka na nagbago."

"Masarap kasi kapag nakaw ang halik galing sa'yo."

"Baket? Hindi ba masarap kapag nagpaalam?" She gave him a naughty grin.

"Ok you win." ngiti nito na may konti pang pag-iling. "As always."

Napuno ng tawanan at biruan ang gabi. Umapaw naman ang pagmamahalan at kagalakan, hindi nila alam na susubukin ang matibay nilang relasyon.

>

"Round 3?" sambit ni Anjo nang makapagpahinga.

Ngiti lang ang kailangang sagot ni Anjo upang ipagpatuloy ang pagpapaligaya sa kanyang mahal. Pumaibabaw siya rito at dinama ng kanyang kamay ang bawat kurba ng katawan ni Arianne. Lahat ng parte ay kanyang hinalikan mula ulo hanggang hmm... paa. Hindi maawat ang paglilikot ng katawan ni Arianne sa bawat dampi ng labi ng nobyo, hindi siya mapakali at hindi niya alam kung saan ba ibabaling ang ulo.

Sa kanyang pagbaling ng ulo ay parang may naaninag siyang isang anino. Isang imahe ng isang babae na nakatingin kay Arianne. Napapikit siya ng maramdaman muli ang kanyang bisita, pagmulat niya ay wala na ang imaheng nakita niya kanina. Ang anino na kanina'y nakatingin ay nawala na lang. Pinunasan niya ang pawis na humaharang sa kanyang mata para maimulat na niya ang kanyang mata. Pero wala na talaga ang aninong kanina'y nakatitig lang sa kanya. Nawala sa kanyang isipan ang nakita nang maramdaman ang panibagong paputok para sa kanilang bagong buhay magkasama ni Anjo.

"My turn." sabi niya nang umibabaw si Arianne kay Anjo para maging kapanapanabik ang nangyayari. Parang hinete si Arianne ngayon na habol ang hininga sa pagiging wild niya sa kanyang nobyo. Gustung-gusto naman ni Anjo ang nangyayari hawak ang baywang ni Arianne upang kanyang gabayan sa kanilang ritmo. Napakaingay ni Arianne pero nagugustuhan ito ni Anjo, hindi porque maingay sa kama ay matuturn-off na siya. Hindi ang Arianne na wild ang kanyang minahal kundi ang napakabait at positibong tingin nito sa mundo. Sino ba ang hindi mamahalin si Arianne?

Pagod na pagod si Arianne nang maramdaman ang rurok ng tagumpay. Tagumpay sa pagpaparamdam ng pagmamahal niya sa kanyang nobyo. Bagsak ang kanyang katawan sa ibabaw ni Anjo at nakabitin ang kanyang isang kamay sa gilid ng kama. Parang may malamig na bagay ang dumampi sa kamay ni Arianne dahilan upang mapaigtad siya at maghiwalay ang katawan nilang dalawa.]

"May problema ba baby?" takang tanong naman ni Anjo habang nakitang gulat na gulat ang nobya habang hinihimas ang kamay na parang dinampian ng malamig na bagay.

"May... may dumampi sa kamay ko." sagot naman ni Arianne.

"Honey, baka pawis lang natin `yon." sabi ni Anjo sabay ngiti at punas ng kanyang pawis. "Tumatagaktak pa. Para tayong naligo sa ulan." pagpapatuloy niya at niyakap ang takot na nobya.

"Hindi eh. Parang-"

"Hon, c'mon. Wala kang dapat ikatakot." sabi nito at hinalikan ang nobya. Dampi lang ng labi ni Anjo ay nakakaluwag na ng pakiramdam ni Arianne. Hindi na kailangan pang magsalita nito.

"Siguro nga. You'll take care of me `di ba?"

"Yes. 2 months na lang at ikakasal na tayo and I'll take care of you for the rest of my life."

Arianne felt safe. Safe in Anjo's arms. "Let's sleep. Pahinga na tayo, naghahallucinate na siguro ako."

"You almost drained me. You're awesome! Dehydrated na yata ako." ngiti ni Anjo.

Parehong nagpahinga ang dalawa na may ngiti sa mga labi. Pero si Arianne, hawak pa rin ang kanyang kamay. Sigurado siya na may dumampi sa kanyang kamay at pikit mata niya itong kinalimutan.

~itutuloy


(my debut album novel para sa page sa FB na admin ako..:D
Ghost Stories Mo Post Mo Dito)

2 comments:

  1. shet. may multo na umiistorbo sa pagpapak nila. kailan next chapter ^__^?

    ReplyDelete
    Replies
    1. every week ko uupdate to sir..:)

      abang-abang..:)

      Delete

Note: Only a member of this blog may post a comment.