Saturday, February 11, 2012

Losing Your Phone or Losing Your Virginity


I just can’t help my self. I just can’t.


Iba na talaga ang panahon ngayon, may nag-send sa akin ng joke, “We live in this world, where losing your cellphone is more dramatic than losing your virginity.” I can’t help myself to speak. I just can’t.


Iba na talaga ang panahon ngayon, may nag-send sa akin ng porn scandal, babae. “Weird. Aggressive? Bitch?” mga tanong sa isipan ko ay nabuo. I just can’t help myself to think that way. I just can’t.



Iba na nga ang panahon ngayon, marami na ang kapit sa patalim. Marami na ang kumakapit na kuko sa edad na 14. Masakit sa likod pero ganoon talaga. Hindi ko mapigilang ilahad ang saloobin ko. Hanap ko ay babaeng tahimik at mahinhin. Pero karamihan sa kanila, updated na din. Naghahanap ako ng dalaga, simple ang ganda. Marami sila, pero baka bakla. Nag-umpisa akong maglakad, malalim ang iniisip, kasing lalim ng balon ni Sadako. Masama ang humusga, pero ito ang napapanood ko sa balita. I just can’t help myself to judge. I just can’t.


“Regular na pakikipagtalik, nakakabuti sa kalusugan ayon sa pag-aaral.” sa dyaryo at telebisyon, hindi kasama ang radyo kasi hindi ako nakikinig noon. Balitang dapat pakinggan at basahin, nakakabuti ba sa ating pag-iisip? Sa panahon ngayon, bihira na ang gentleman na gaya ko. Madalas kaming napagbibintangang bading dahil sa pagtanggi sa pagtake out. Tine-take out ko lang ay pagkain sa Jolibee, hindi sa turo-turo. Sabi kasi sa akin madumi ang pagkain sa daan dahil sa usok ng dumadaan na sasakyan at alikabok ng kalsada. Doon ako sa mahal ko, sa Jolibee, doon sa hindi ko na ipagpapalit at makakasama ko sa habang-buhay. Turo sa akin ng aking magulang. I think it is right. I just can’t help myself. I just can’t.


Kahit tig-isang salita lang ang mga tanong sa akin isipan, naging dahilan pa ito ng pagkabunggo ko sa isang pang babae. Isang babae na nakamini skirt, natumba siya. Kaya litaw ang kaluluwa. “Sorry miss. Hindi ko sinasadya.” Itinayo ko siya nang hindi tumitingin sa kanya. Pero nanaig ang aking pagkalalake. I just can’t help myself to sneak. I just can’t.


Nakabangga ako dahil sa excitement ng panonood. Hindi. Nakabannga ako dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Pareho lang ‘yun eh. “Sorry ulit ha?” sabi ko sa babae. “You’re a gentleman.” sabi ng babae. “No ma’m, I am a Filipino.” sagot ko. “You’re funny.” sabi niya. “No miss, I am Edward.” sabi ko. “Oh. I’m Grace, nice to meet you.” I just can’t help myself to make her laugh. I just can’t.


Maghapon kaming naglibot ni Grace. Nasabi ko sa kanya ang hinanakit ko. “Ito na ang bagong mundo. Past is past.” ika niya. “We learn from the past. We don’t forget the good times, and we learn from the bad times.” I said. “You’re unique. For your information, I like guys who respect a girl. Not just by avoiding to peek, but also in his words at pati sa kanyang prinsipyo. Can I get your number?” she said. I answered no, “This is mine. I’ll just let you know it.” Iba na talaga ang panahon ngayon, babae ang kumuha ng number ko. Iba na talaga ang gwapo. I just can’t help myself to boast. I just can’t.


I miss the old times even if it’s hard for us men. I respect ladies. I believe, “History repeats itself.”


Ring ng ring ang cellphone ko pero hindi ko pinapansin. Busy ako sa pagpindot kuno habang nanonood ng movie. Wapakels sa text na pumapasok. "Istorbo naman ‘to." sabi ko ng biglang may tumawag sakin.


Cancel. ‘Yan ang bagay sa’yo. I just can't stop watching. I just can't.


Ring pa rin ng ring ang cellphone ko, hindi na ako makapanood ng maayos. Hindi naman siguro ito si Panjo na pinagkakautangan ko na mag-iisang taon na. "Hello!" in a high note. Inis pa din kasi. "Hi. Is this Edward?" sabi ng babae sa kabilang linya. Medyo gulat ako kasi kilala niya ako. Sino ba 'to? Isa nanaman sa mga fans ko? "Oh yes. Who you?" tanong ko naman. "This is Grace. Remember?" sino daw? Parang bagong fan. Si Maria Asawa kasi ang pangalan sa isip ko ngayon. "Ah! Si Grace! Grace Who?" the who. Parang nakalimot ako saglit. Sabi kasi ng chismis, 'Every release of sperm, a part of your memory loose. But will regain in a short period of time.' makes sense. I just can't help myself to do it. I just can't.


Ring nanaman ang cp ko, naputol kasi ang linya kanina. Eksaktong 5 minutes. "Hello again." sabi ko. "Grace Lingad, yung nabangga mo kanina." paliwanag niya. "Buwiset. Pa-english english pa ako, ikaw lang pala." narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. "Kasalanan ko ba? Nasanay na kasi akong mag-english." she said. "Oo kasalanan mo, alangan namang kasalanan ko ikaw ang kausap ko. Duh!" pangiti kong sabi. "Iba ka talaga. Napapangiti mo ako." She can't help herself but to smile. She just can't.


Ring ng ring ang cp ko. Late na ako sa usapan namin. It's valentines, date ni Grace at Edward. Ako pala yun. Hindi ko alam bakit ako nagkainteres sa kanya, hindi naman ako sa kanya may utang. Iba na'to. Special na siya sa'kin. I just can't help myself to give her chance. I just can't. Mabait ako eh.


Sinagot ko ang cp kong matagal nang nagriring, kasama na rin ang pagsagot ko kay Grace. Naging kami na, hindi naman sa niligawan niya ako. Pero hindi ko naman siya niligawan. Iba na talaga ang panahon ngayon. "Matanong kita kung virgin ka pa?" bigla kong tanong. "Eh kung hindi na?" sagot niya na tanong pa rin. Hay naku. "Tatanggapin ko. Hindi naman ang katawan mo ang habol ko, kung hindi ang attitude mo at kung papano ka makitungo. Iba ka kasi." I answered proudly with confidence. "Sa totoo lang, gusto kong ibigay ang una ko, sa taong pakakasalan ko." she said habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko, eyes to eyes walang kumukurap. I kissed her. Her words are just enough for me to trust her.


I just can't believe it. Meron pa palang babae, updated man sa panahon, pero ang dangal at karangalan ay pinahahalagahan. I just can't believe.


We're HHWW (Holding Hands While Walking) ni Grace nang may madaanan kami. "Darling nawala cellphone ko." iyak ng isang babae habang nakaupo sa KFC kasama ang nobyo. "Babes, ok lang yan. Di na natin maibabalik eh. Wala ng mapapala ang pag-iyak mo." sagot ng lalaki.


Some words popped-up my mind. "Noong first experience kaya nito umiyak siya? O ano?" I just can't help myself to think like that again. I just can't.


I just can't make the story longer. I just can't. 

Chikinini, ano nga ba ang chikinini? Madalas ako makakita sa mga nakakabangga kong babae sa daan na may pula sa leeg na pilit itinatago sa buhok. Bakit ko nababangga? Hindi yun ang topic kaya huwag yun ang pag-usapan natin. Back to the topic, nakikita ko rin ito sa mga classmate kong lalake. Noong una akala ko sinipsip lang ng lamok, sige kumontra kayo at sabihing nangangagat ang lamok. ‘Yon pala, tao din ang sumipsip. I can't help myself to think. Inosente pa ako noon eh. I just can't.

May mga babaeng nabubuntis kahit highschool pa lang. Mostly nga daw, 4th year na at graduating. Ang hirap nito para sa mga magulang ng babae dahil mapapahinto ang babae sa pag-aaral. Chini-chismis kasi, ayaw man ng magulang pero maaga silang magkakaapo. Hindi ba nila ginusto o ginusto nila? Ginusto nilang masarapan pero ayaw nilang mahirapan. OMG! Ewan ko sa kanila, obvious consequence na ito. It's not just the girl's fault. But it is the girl who suffers. Boys, no, men please be responsible. I just can't help myself to express. I just can't.

Si Grace ay nakipag-meet sa kanyang textmate ng hindi ko nalalaman. Niyaya siya sa isang resort na may hotel para mag-night swimming. Umuwi siyang umiiyak, "Saan ka galing?! Bakit hindi ka nagpaalam sa akin?!" ito sana ang sasabihin ko pero imbes na magalit, "Bakit ka umiiyak?" concerned na tanong ko. I just can't help myself to worry. I just can't.

Hindi siya sumasagot. Umiiyak pa rin. Sumisinghot. Nanatili din akong tahimik. Hinintay na siya ang magkwento sakin. Eto na, "Nirape ako! Huhu." umiyak lalo siya at humagulgol pa pagkasabi nito. Shocked. "Pinatulog ako. Tapos... Sorry hon. You don't deserve me." I just can't help myself to be shocked. I just can't.

I don't know what to say. What to do? But I know what is right. Akmang aalis siya, hinawakan ko ang kamay niya. "They'll pay. But stay. Please?" sabi ko sa kanya. "But..." "No buts." pigil ko sa sasabihin niya at hinalikan ko ang labi niya. I just can't help myself to love her. I just can't.

Bakit ba may mga nabibiktima ng mga ganitong style? Luma pa kay lola yung style na iyon pero nakakapambiktima pa rin. Sana mabuksan ko ang kaisipan ng mga kababaihan. Sana rin maisara na ang zipper ng kalalakihan. Konting ingat para sa lahat, baka sumobra sa inat at baka maputukan ng ugat. I just can't help myself to advice. I just can't.

Madalas din sa Fes to Fes na pinagpapalit ang asawa sa mga martilyong pinupukpok ng mga lalakeng nais magkarpintero. "Tignan mo nga ang mukha mo, losyang ka na. Matakot ka!" sabi ng kalapati sabay bunot ng salamin at tutok sa mukha ng may asawa. Sex lang ba ang basehan para ipagpalit ang babaeng isinumpa sa altar, este sinumpaan sa altar? Tapos, kailangan muna lumabas sa TV gaya ni Sadako para lang magbati. Malamang kung ano ang sinabi ng kapitbahay, kamag-anak, kaibigan at ang parish priest sa kanilang bayan ay iyon din ang sinabi ng mga taga-payo. Matanda na tayo. Sabi nga ng magulang natin, alam na natin ang tama at ang mali. Teka, pero bakit nagkakamali pa rin tayo sa True or False? I just can't help myself to be confused. I just can't.

Isang lalake namatay habang nagbabati, opo, nagbabati. Nagbabati ng magkaaway, gumitna siya sa mga nagsasaksakan kaya siya ang natamaan. Sana siya na lang ang nangrape kay Grace para namatay na sana siya. Pero sa tutuusin, meron ngang namatay sa pagmamasturbate, napanood ko sa radyo. Average na ang 2 beses sa isang araw, kung tutuusin madami na yun kasi ako, never ko ginawa yan. Never, tamaan man ako ng kidlat.

Moderator Note: si author ay tinamaan ng kidlat.

Aktong lalabas ako, pinigilan ako ni Grace. "Babe, I'm just testing your love. I'm still a virgin."

Bakit ba nila ginagawa ito? Test? Niloloko ata ako nito eh. Maraming babae ang gumagawa din nito. kahit hindi sabihin ng lalake ay napapamura ito kapag nalamang joke lang pala ang lahat. "Ganda ng acting mo hon. :) " Ok lang ba? Hindi naman kailangan gawin yun eh. Parang sinubukan mo lang magpakagat ng ahas para malaman kung may kamandag ito. O kaya ay tahulan ang aso para malaman kung hahabulin ka ba nito. Ano ba yan?! Naihagis ko tuloy ng hindi oras ang mesa. Marami tuloy siyang ililigpit. I just can't help myself to be angry! I just can't! 

-end


also posted at WattpadDefinitely FilipinoTristan Cafe, and Symbianize.com (Stories and Essays).. anumang post o share na makikita sa ibang site na wala ang aking pangalan o anumang permiso sa akin ay huwad..salamat..:D


2 comments:

  1. Nakakainis talaga pag ganyan ang naging ending...
    Tataob din mga mesa sakin kung sakin ngyari yun..
    Tsk..

    Nice one trops! Iba ka talaga! :)

    ReplyDelete

Note: Only a member of this blog may post a comment.