"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Friday, November 25, 2011
Everyday in the Rain 1
Si Victor at Ang Di Kilalang Babae.
Napakalakas ng ulan noong umupo ako sa isang duyan at pinatugtog ang gitara. Napatigil na lamang ako sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa akin at pinayungan ako. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.
Nag-angat ako ng ulo at nagpakita ng malungkot na mukha, mga matang lumuluha at tumutulong sipon. "Sino ka ba?" hagulgol na boses ang lumabas mula sa akin.
Tumayo ako at lumakad palayo. Napakabagal. Dinadama ang ulan na pumapatak sa aking katawan. Iniwan ang di kilalang babae, tinanggihan ang alok na silong mula sa lungkot aking nararamdaman.
Hawak ang gitara na basa sa ulan. Tumingala ako sa kalangitan, hindi ako makatitig sa itaas dahil sa bumabagsak na patak ng ulan sa mga mata.
"Suplado!" sigaw ng babae at tumalikod din ito pauwi.
Hindi ko manlang nilingon kung kanino galing ang boses. Lungkot at lumbay ang aking nadarama, wala ako sa mood makipag-usap sa taong walang magawa sa buhay.
Bumili ako ng alak. Lagok ng lagok na parang tubig kung lunukin. Nakapagtatakang hindi ako pinaalahanan ng tindera na ang tanging inisip ay ang bayad ng kawawang mama.
Tinangay ako ng paa sa Waiting Shed kung saan nakapwesto si manong magfifishball. Bumalik sa aking ala-ala ang tagpo, "Tama na...Nagkamali ka Victor...Natuwa ako sa harana mo eh..." Muling tumulo ang luha na sumabay sa agos ng tubig mula sa basa kong buhok. "Aaaaaaaaahhrrhh!!!" isang sigaw at sinuntok ko ang pader ng paulit-ulit. Pumatak ang dugo galing sa aking kamao, lumuhod ako at isang suntok sa lupa ang huli kong nagawa dahil sobrang sakit na ng aking kamay at dahil na din may umawat mula sa aking likuran.
Lingid sa aking kaalaman ay lihim parin akong sinusundan ng babae at dali-dali itong tumakbo para pigilan ako ng makita ang ginagawang pananakit ko sa sarili. Marahil ay hindi ko siya kilala pero malaki ang pag-aalala nito sa akin. Hindi lang siya isang babaeng walang magawa sa buhay. Isa siyang anghel na bumaba sa lupa upang gabayan ang lumbay na si Victor.
"Bitiwan mo ako! Bitiwan mo ako..." pagpalag ko sa pagkakayakap ng isang kaibigan sa aking kahinaan.
"Ano ba'ng ginagawa mo! Bakit mo sinasaktan ang sarili mo?" alalang alala ang boses ng babae. Boses na pamilyar, boses ng di ko pa kilalang babae.
Hinarap ko siya, yumakap ako dito at parang batang nagsusumbong, "Niloko nya ako! Minahal ko sya pero bakit ganon? Di nya inisip ang mararamdaman ko!" pagkatapos nito ay inakay ako ng babae papasok sa isang malapit na bahay. Isang tahanan na maglililim sa malungkot at nilalamig na katawan ng ginoo na nagbasa sa ulan.
Ginamot ng babae ang mga sugat ko habang ang kalahati ng diwa ko ay tulog pero ramdam ko ang alaga ng dalaga.
>
Nagising ako sa mga tilaok ng manok at tahol ng mga aso. "Aray. Anong nangyari sa kamay ko? Ahh. Ang sakit pa ng ulo ko. Teka, nasaan ako?" maya-maya ay nagbalik sa ala-ala ko ang ginawa kagabi. Nagulat at natuwa ako sa nakita, nakakumot, nakabenda ang kamay, at nakahiga sa sofa. Alas-singko pa lamang ito ng umaga.
Nakahanap ako ng papel at bolpen, dito ko na lamang isinulat ang aking pasasalamat. Iniwan ko sa mesa at lumabas ng bahay.
>>>
Mukhang nakita akong lumabas ng babae, nagbalabal ito ng tuwalya at hinabol ako. "Sandali!" sigaw nito dahilan upang mapalingon ako.
Paglapit ng babae ay napatawa na lamang ako. Halakhak ng halakhak dahil sa bakas ng laway na nangingilid sa pisngi niya. "Ano ba'ng nakakatawa?"
"May dumi ka sa mukha." tuwang tuwa padin pero inabot ng aking kamay ang pisngi niya at pinunasan ito.
Bahagyang nagulat sa napakaamong kong mukha pero agad ding nakabawi ang dalaga. Natulak niya ako at siya na lang ang nagpunas ng sarili. Ngayon lang nya ako nakitang nakangiti.
"Ano'ng pangalan mo?" wika ko habang nakangiti sa dalaga.
"Ako? Angelica." bahagya pang namula at nahiya ito.
"Angelica, bagay sa'yo pangalan mo. Salamat sa alaga."
"Hoy! Ayusin mo ang buhay mo ha! Buti na lang ako nakakita sa'yo. Eh kung di kita inawat dyan baka ano nangyari sa kamay mo! Tapos baka sa daan ka pa nakatulog!" sermon nito, ngunit sa mga alaala niya noong gabi ay naantig ang kanyang puso. "Kawawa ka kasi eh." mahinang sabi nito.
Niyakap ko siya at hindi na nagsalita at nag-umpisa akoong maglakad palayo.
Di pa gaanong malayo nang sumigaw uli ang babae, "Teka! Di ka pa nagpapakilala!" pasigaw ni Angelica na hindi na humabol.
"Victor!" tipid na sagot ko na hindi na lumingon at kumaway nalang habang palayo.
"Victor suplado!" pahabol ni Angelica bago bumalik ng bahay.
>
Umuwi ako at dinatnan si mama na nagluluto. "Anak, bakit di ka umuwi kagabi? Bakit maga yang mata mo? Bakit basa yang damit mo? Baka sipunin ka nyan. Kumain ka na ba?" paulan na tanong ni mama.
"Ma, isa-isa lang." kumuha ako ng kanin at nag-umpisa ng kumain.
"Saan ka natulog kagabi?"
"..." di ako makasagot. Sasabihin ko ba na sa bahay ng isang babae ako natulog? "Pass." ito nlang nasagot ko.
"Anong pass? Di ba usapan natin walang secret?"
"Ma, ibang tanong na lang."
"Sino'ng kasama mo kagabi?" halos mabuga ko ang laman sa bibig ng masamid sa tanong ni mama.
"Ma naman, wala akong kasama." bigla kong naalala, wala kayang nangyari samin ni Angelica? "Wala naman siguro." pabulong na sabi ko.
"Ha?"
"Wala akong kasama, ano ba kayo?" ngiting wika ko. "Ganyan kayo, pinag-iisipan nyo ko ng di maganda." patampong drama ko.
"O siya siya. Bakit hindi ka umuwi?"
"Nagkaproblema lang ma. Wala na kasi kami ni Gladys." malungkot na wika ko.
"Bakit? Naging kayo ba?" takang tanong ni Vilma.
"Hindi niyo pala alam. Pero tanda ko sinabi ko sa inyo."
"Sinabi mo nga." pagbibiro ni mama.
"Ang gulo niyo Ma." tawanan kami nang bigla kong naalala ang gitara ko. Naiwan ko yata sa bahay ni Angelica. Tumayo ako at akmang aalis.
"Saan ka nanaman pupunta?"
"Kukunin ko lang yung gitara ko."
"Ingat ka." Natigilan ako. Ramdam ko na nag-alala sa akin ang magulang ko. "Opo." sagot ko.
>>
Nakita ni Angelica ang papel na sinulatan ni Victor. "Bakit niya sinulatan ang research work ko! Hay kainis naman." binasa niya ang nakasulat.
Mayroon kang mabuting kalooban,
Sana magkakilala tayo ng lubusan,
Mga loob ay magkapalagayan,
Upang tayo'y maging magkaibigan.
Ika'y nariyan sa oras ng kagipitan,
Ako'y iyong pinatuloy sa iyong tahanan,
Walang alinlangang ako'y tinulungan,
Balang araw, ikaw din ay aking mapasalamatan.
"Galing." sabi ni Angelica. Tinupi niya ang sulat at ibinulsa nakita niya ang gitara sa tabi ng pintuan. Naiwan ito ni Victor. Napangiti siya. "Magkikita pa tayo."
itutuloy..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.