Ikaw ang nagbigay sa akin ng buhay,
Ang humubog at gumabay,
Nagbantay at sumubaybay,
Kalayaa'y isinakripisyo, kalinga ang inalay.
Ang mabait at masipag kong itay.
Pinag-aral mo ako sa abot ng kakayahan,
Para maipamana sa akin ang tanging kayamanan,
Kaalamang maiiwanan, kailanman 'di malilimutan,
Ibinigay sa akin pagkain, luho at kaligayahan,
Pagtawid sa bawat araw iyong pinagpapaguran.
Ako man ay napapangaralan,
Alam ko ito'y para sa aking kapakanan,
Lumaking may pinag-aralan,
Hangad niya sa aking kinabukasan.
Di ko man masabi o maipakita,
Ngunit dito sa puso ko, mahal kita,
Ngayong panahon ng kapaskuhan sana ay mapadama,
Nitong tula ko ang pagmamahal para sa'yo aking ama.
Ang responsibilidad bilang haligi ng tahanan,
Malugod mong ginagampanan,
Paglaki ko ika'y aking tutularan,
Pagmamahal mo ama aking tatapatan.
Balang araw ay masusuklian,
Buong pagmamahal na aalagaan,
Utang na loob na hindi matutumbasan,
Ala-alang naukit ng walang hangganan.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.