Pagsikat ng araw,
Kaninang alas dyes,
Bangon almusal ko'y bahaw,
May tumunog. Beep! Beep! Si Cess.
Nakaraan na ang isang taon mula ng makilala,
Ang binibining walang kasing kwela,
Pinangingiti ang aking umaga,
Sa mga hirit at adlib, ika'y tatawa.
Wala siyang inuurungan,
Kahit tunggaan sa tanghalian,
Napakabait na kaibigan,
'Di ka nga lang maipagluluto ng pulutan.
Malambing na boses para sa aking gabi,
Isang makulit na bata aking naririnig,
Hiling na sana siya'y makasama at makatabi,
Mayakap at ang ulo kanyang ihilig.
Ang emotera kong kaibigan,
Na nakilala ko sa kalawakan,
Sa kabutihang palad,
Matutunton din pala sa ating komunidad.
Isang problema kanyang inilapit,
Aming mga puso'y tuluyang nagdikit,
'Di maitatangging pagkakapareho,
Ugali, paniniwala sa iilang aspeto.
Hatinggabi ako'y antok na,
Pero heto't kausap ko pa din siya,
Anong misteryo ang kanyang taglay,
At kanyang nagising ang damdaming tulog kakatagay.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.