Sabi ni ate magwish ako,
Matutupad daw ito,
Dahil ngayong magpapasko,
Si Santa ay magbibigay ng regalo.
Ang pasko daw ay para sa mga bata,
Sabi ko ito'y para sa lahat,
Lalo na sa mga bata't matanda,
Sa daan ay pakalat-kalat.
Sa pasko lang ba dapat magbigayan?
'Di ba dapat araw-araw magtulungan,
Sa isa't-isa laging magkapayapaan,
Ang mundo ay magkakasiyahan.
Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ni papa Jesus,
Bakit si Santa Klaws ang hinahanap?
Ako tuloy ay na-curious,
Noong ako'y bata ito naganap.
Humiling ako kay mama,
Bilhan ako ng damit,
Biglang dumating si Santa,
At hiling ko'y aking nakamit.
Humiling ako kay papa,
Bigyan ako ng laruan,
Biglang dumating si Santa,
At ako'y niregaluhan.
Humiling ako kay kuya,
Na kami ay magkasama,
Biglang dumating si Santa,
Bakit sya ang aking nakasama?
Si kuya ba at si Santa ay iisa?
Ngayon ko napag-isip-isip,
Si Santa ay kung sino na nagbibigay saya,
At tumutulong ng walang kapalit.
Ngayon ako na si Kuya,
Sa kapatid nais magbigay saya,
Kailangan ko pa bang magtago sa pangalang Santa,
Upang makapagpasaya ng mumunting bata.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.