Biyernes
Alas sais ng umaga, eto ako papunta sa bahay nila para sabay pumasok sa school (kahit alas dyes palang ang klase ko). Noong umpisa, "nakoOw, late nanaman ako ng gising!" pero naglaon, nasanay na rin. Maaga na rin ako magising. Araw-araw kong ginagawa ito mula nang ligawan ko si Gladys. May isang buwan na din ang lumipas mula noong umamin ako ng pag-ibig sa kanya. "Gladys, may nakapagsabi na ba sayo na napakaganda mo?" sabi ko.
"Alam ko na yun. Sabi ni Mommy eh." biro nya.
"Seryoso ako. May gusto ako sayo." binago ko ang tono ng pagsasalita ko senyales ng pagiging seryoso ko.
"Ano naman gusto mo sakin? Wala akong pera." pambabara nya sabay tawa.
Pero di ako papatalo, "Ang mahalin mo din ako, dahil mahal kita." at hinawakan ko pa ang kamay nya.
"Ligawan mo muna ako." sabi nya habang ngumiti sakin.
Okey! Di naman ako mahirap kausap kaya eto.
>
"Shall we go?" tanong ko kay Gladys putol ko sa pagmumuni muni ko.
"Tara Lets!" masigla nyang wika.
Pagdating namin sa eskwela, di ko na alam kung saan pupunta o ano ang gagawin. Nandyang tatambay sa library, napakatahimik nakakabingi. Pupunta sa internet cafe, manonood ng mga nagDoDotA, pinapanood yung mga estudyanteng pumapasok para lang sa baon. Sa agang yon akalain mong may mapapanood na akong mga laban. Pag nainip, minsan maglalakad lakad, di ko na alam saan ako dinadala ng paa. Sisipa ng bato sa daan hindi titigil hangga't walang tinatamaan. Minsan nga nakaupo nalang sa may hagdanan, nagbibilang ng mga dumadaan habang hinihintay ko ang klase ko. Napakaboring, pero ginagawa ko para sa kanya. Mahal ko sya eh.
Pagsapit ng uwian, ilang oras nanamang maghihintay. Graduating kasi ako, konting nalang subjects ko kaya maaga umuuwi, eh sya baguhan pa lamang kaya busy busihan pa. Pinapahirapan pa ng mga professors.
Ayan nanaman ako, tatambay uli sa may hagdanan. 3,562 lahat ng nabilang ko noong araw na yon bago ako pumunta sa internet cafe. Sana ako ang nagDoDotA kung hindi ko lang tinigilan para kay Gladys. Maliit na sakripisyo lang naman. Mahal ko sya eh.
"Uwian na, yes!!" pagkakita sa kanya, ngiti ko hanggang tenga. Masaya ako kasi uuwi na ako. Nawala ang ngiti ko nang makita kong salubong ang kilay nya. Naku, ready na ba ang pickup line of the day?
"Gladz, pagod ka ata?"tanong ko.
"Oo, tara uwi na tayo." sagot nalang ni Gladys.
"Ayan ikaw kasi, kanina ka pa tumatakbo sa isip ko." banat naman dyan.haha
"Tigilan mo nga ako." Halata naman na ngumiti pero salubong parin ang kilay. Masaya ako napangiti ko sya. Mahal ko sya eh.
Byahe na, kwentuhan to the max. Di nagtagal dinaanan na namin ang bahay ko (lumampas ako..ehe). Sa kabilang baranggay pa kasi sya nakatira, siyempre pag nanliligaw di mawawala ang paghatid sa bahay. Kahit sumakay pa uli ako ng jeep pabalik sa bahay ko, ok lang para malaman ko lang na ligtas syang nakauwi. Mahal ko sya eh.
"Gladz, nakauwi na ako." tinext ko sya pagkatapak ko sa bahay ko.
"K." sagot nya.
BWISET NA SAGOT YAN. haha, Ang hilig talaga mambara. Binura ko lahat ng number ng babae sa phonebook ng cellular phone ko para lang di sya magselos. Siya lamang ang katext ko. Mahal ko sya eh. (tapos ganon ang irereply sayo?!c: ok lang yun..ehe)
Ok! Weekends! Sabado is date day. Pinasyal ko sya sa EsEm, pampalipas oras kumbaga. Plano ko window shopping lang, dumating kami ng walang dala kundi sarili namin. Pero pag-uwi, di ko na mabuhat ang dala namin (actually, dala ko lang. Ako nagbubuhat eh...) Balikan natin ang umpisa ng araw.
"Sabado ngayon Gladz, EsEm tayo?" aya ko. Malapit lang naman eh.
"tara.." sagot nya.
Edi pumunta na kami. Pagdating sa EsEm, habang naglalakad, napadaan sa Hang & Folded.
"ang ganda nung dress oh..bili mo sakin yun?" aba biglang sumigla.
"teka.." sabay hila sakin.
"please.." ang cute nya pag nagpplease kaya napa oo ako..naku.
"sige. ito lang ah?" tanong ko,pero di nya ko pinansin kasi nakapila na sya sa counter. Napailing nalang ako nang tawagin ako.. "psst..!huy bayad ka na!"
Next, napadaan sa Cracks, "uy, wala akong extrang tsinelas baka masira na tong suot ko oh..bili tayo?"
"sandali...."sabay hila uli saken.
"eto kasya ko..bente lang pera ko..padagdag nalang..please?" hinawakan pa nya kamay ko. Napatulala nalang ako, kasi 300pesos ang tsinelas. Pero nahawakan ko naman ang kamay nya kaya sige.. "last na to." sabi ko.
Akalain mo.! Nakapila na agad.
Naku..Department Store..Ayoko namang masira ang mood nya kaya bili.. Sige bili lang..
Ayun, naubos ang pera ko sa inaakala kong window shopping. Ewan ko ba, bakit parang ang babae nahihypnotize tayo. Alam nila kung paano rin tayo bolahin katulad ng pambobola natin sa kanila. Buti nakapagdala ako ng pera. At higit sa lahat, buti may natira pa para pamasahe pa namin.
Gaya ng dati, hatid pauwi. Nagpaalam na ako, "Salamat. Ang bait mo talaga." sabi nalang nya. Habang pauwi ako, tinext ko sya, "nag-enjoy ka ba?"
"oo" ikli nyang sagot.
"Inubos mo pera ko eh." irereply ko sana. Pero masaya naman sya, ako, masaya ba? Ok lang. Mahal ko sya eh.
Di ko inaasahang magpapabili sya ng ganoon kadami. Napaisip tuloy ako, "kakayanin ko ba ito kapag naging kami?"
Naguumpisa na akong makaramdam ng alinlangan sa panliligaw ko. Pero alam ko sa kaibuturan ng puso ko, ito'y tumitibok para kay Gladys.
Sunday
Ang first mass ay 6am, ang aga noh? Pero ito ang oras ng aming pagsimba. Kaya bago mag6am nasa bahay na nila ako, doon na nga ako nag-almusal eh. "Marunong ka pala magluto." biro ko.
"Pirito lang yan eh." ani Gladys nang inihain ang piritong manok.
"Tara kain. Gutom na gutom ako sa amoy ng luto mo Gladz." bola ko sa kanya.
"He! Wag ka na mambola. Kumain ka na lang." kunwari asar na sagot nya pero nakangiti naman.
"Wala ata si tita?" bigla ko natanong habang kumakain.
"Wala sya dito. Natulog kina lola, siya kasi ang nag-aalaga doon. Mahina na kasi si lola. Malamang di na sya pinaalis kagabi." sagot nalang ni Gladys.
"Ganon ba. Isasama ko sya sa prayers ko." sabi ko.
"Salamat." ngiti niya.
Di na kami nagtagal at umalis na din kami.
>>>>
Kasalukuyan ng misa, "AhA!" muntik akong mapasigaw dahil sa ideyang pumasok sa isip ko buti nalang natakpan ko bibig ko.
Natapos ang sermon ng pari nang wala ako sa sarili. Kilig na kilig ang imahinasyon ko. Natapos din ang misa at uuwi kami agad dahil walang tao sa bahay nila.
Hinatid ko pauwi si Gladys, "sure ka ayaw mo muna ako magstay para may kasama ka?" tanong ko nung tumanggi sya sa alok ko.
"Huwag na. Text text nalang." sabay kindat sakin. Ang daya, natunaw nanaman ako sa kagandahan nya.
"Oh sige una na ako. Maglock ka ng pinto. Ingat ka. I love you." binaba ko ang ulo ko para halikan sya pero pinigil nya ng palad nya ang mukha ko.
"Ikaw ah. Anong balak mo?" pilyang tanong nya habang pinipisil ang pisngi ko.
"Aray...Wala naman eh." sagot ko habang himas himas ang pisngi ko. Maluha luha na nga ako eh.
"Asus. Hindi pa nga tayo gusto mo na umiskor. O sige. Text mo nalang ako." ani Gladys.
"Sige. Ingat uli." pagkatapos umalis na ako ng kusa habang kumakaway palayo. Siya naman ay nakatanaw lang mula sa malayo.
>>>>>
Pag-uwi, tinext ko agad sya. "Miss agad kita Gladz."
"Echoz!" sagot nya. Natatawa ako sa mga hirit nya kaya kahit nababara ako, ok lang. Mahal ko sya eh.
Nagpatuloy ang pagtetext namin hanggang nagpaalam ako na matutulog muna. Pumayag naman sya at ayun. Knockout.
GOONG....GONG..!
Nagising ako sa mga palo sa kaldero ni Mama.
"Tulog mantika nanaman ang anak ko."
"Yihh..Mama naman eh. Ano na bang oras?" tanong ko habang pupungay pungay pa ang mata.
"Alas singko na boy!" pang-aasar naman ni Mama. Pero napamulagat ako nang marinig ito. Agad ko tinignan ang cp ko. Wala namang text (nakapagtataka).
"Ma aalis muna ako ah.." paalam ko kay Mama.
"Di ka muna ba magmimiryenda?"
"Malelate ako sa plano ko Ma." kumuha ako ng tinapay at umalis.
"Ingat anak."
Mahuhuli na ako sa plano. Agad akong nagbihis, naghilamos, nag-ayos at umalis dala ang aking gitara, suot ko yung kupas kong jeans.
Nasa daan na ako papunta sa bahay nina Gladys nang may nakasalubong akong lalake na parang pamilyar ang itsura. Di ko nalang pinansin.
Medyo makulimlim na nang dumating ako kina Gladys. Huminga ako ng malalim at.....
Uso pa ba,
Ang harana?
Marahil ikaw ay
nagtataka,
Sino ba 'tong
mukhang gago
na nagkakandarapa sa pagkanta
at nasisintonado sa kaba...
May'rong dalang mga rosas..
Suot na ma'y ma-ong na kupas..
at kahit wala ang barkada na
nakaporma naka barong
sa awiting daig pa ang minus one at sing-along...
Dumungaw na sya sa bintana. "Hoy! Magpatulog ka naman!" sigaw ni Gladys. Pero halata na nang-aasar lang naman kaya tuloy padin.
Puno ang langit ng bituin,
at kay lamig pa ng hangin,
Sa 'yong tingin ako'y nababaliw..
Giliw at sa awitin kong ito,
Sana'y maibigan mo,
Ibububuhos ko ang buong puso ko..
Sa isang munting harana...
Para sa'yo..
Pinapasok nya ko sa bahay, hila hila ang kamay ko. "Uso pa ba ang magharana? Parang corny eh." pahumble ko.
"Ikaw pa lang ang nangharana saken eh.." sabi ni Gladys na parang bata sabay hampas sa braso ko.
"Ayaw mo ba? Rewind natin." ngiti ko sa kanya. Ngumiti rin sya sakin at bigla niyang kinalawit ang mga braso nya sa aking batok at siniil ako ng halik.
Nabigla ako, pero dahil gusto ko din ito. Gumanti na lang ako at halikan kami. Niyakap ko sya sa bewang upang magdikit ang aming katawan. Ang sarap, lalo na't sa mahal ko naramdaman ang mga halik na nakakapanghina.
Kumalas sya ng unti unti at tinitigan ako sa mata. "Wala ka padin bang kasama?" tanong ko.
Umiling lamang sya at hinalikan ako uli, ngayon mapusok na, madiin. Kakaibang init ang nararamdaman ko, iniwan ko ang aking gitara at nagpatangay sa gustong puntahan ng paa. Sa kanyang kwarto.
Nakahiga sya sa kama habang ako'y nasa ibabaw nya at nalalanghap ko ang kanyang hininga. "Ang ganda ganda mo Gladys. Mahal na mahal kita."
"Mahal din kita." ani Gladys at dinampian ko uli ng halik ang kanyang labi.
"Tayo na ba?" tanong ko at isa pang halik ang aking binigay.
"Oo." ito ang nagsilbing pinakamasayang araw ng aking buhay sa binigay nyang sagot sakin. Hinalikan ko uli sya ng mariin. Naglalakbay aking labi at ang aking mga haplos. Ungol lamang ang bumalot sa loob ng kanyang kwarto.
>>>>>>>
Tinitigan ko sya sa mata, hinahawi ang kanyang buhok at hinahaplos ang mukha. Di ko lubos maisip na makukuha ko si Gladys sa gabing iyon kasabay ng kanyang matamis at umaalab na Oo.
Kkrrrrgg.. "Gutom na ako." bulong ko kay Gladys. At sabay kaming tumawa. Nag-ayos na sya at binigyan ako ng huling halik.
"Sunod ka nalang sa baba." aniya.
"Oo sige. I love you." sabi ko.
"I love you too." sagot nya.
NapaYES! ako paglabas nya. Ang saya saya ng araw nato. The best!
Ilang ulit ko pang inalala ang mga nangyari bago ako sumunod at kumain. Naihapag na ni Gladys ang pagkain namin.
"Sarap talaga ng luto mo my Dear." lambing ko sa bago kong girlfriend.
"Di pa ako gaanong marunong kaya de lata lang muna. Nagpapaturo pa lang ako." paliwanag nya.
"Ok lang yun my Dear. Importante makakain." biro ko.
"May lason yan." biro din nya. Muntik ko ng iluwa buti nahalata kong nagbibiro sya.
"Anong lason? Baka gayuma." ganti ko at ngiting ngiti sya.
"Di naman kita lalasunin eh. Loves kaya kita." tawanan kami nang biglang may nagtext sa kanya. "Sino yun?" napatanong ako.
Di sya agad nakasagot. "Gladz, dear? Ok ka lang?"
"Ah..eh.. Si Mommy. Oo si Mommy, ahm..pauwi na daw sya." parang weird na sagot nya.
"Ganon ba. Hintayin ko na para malaman niya na sinagot mo na ako." sabi ko.
"Ah..Wag na. Uhm.. Gabi na." pagtanggi nya.
"Sige alis na ako." paalam ko matapos kong kumain. Kinuha ko ang gitara ko at binuksan ang pinto. Ramdam ko, may problema sya. Gusto kong itanong pero parang may pumipigil sakin.
8pm na din nakauwi ako, tinext ko agad my Dear ko. "nkauwi n ko..nndyan nb Mommy mo?" text ko sakanya.
Matagal bago sya nakapagreply, "oo." reply nya.
"my problm kb Dear?" tanong ko.
Pero imbes na sagutin ang tanong ko, "tra 2log n tau?" eto reply nya.
"cge." sabi ko nalang. May problema nga sya.
"Kumain ka na anak?" tanong ni Mama.
"Opo Ma. Nga pala may good news ako." nakangiting sagot ko.
"Ano naman yun anak? Siguraduhin mong good news nga yan." biro ni Mama.
"Good news to Ma. Kami na ni Gladys!"
"Congrats anak." apir. Barkada kami ni Mama kaya nag-apir kami.
"Tulog na ko Ma."
"Ge. Good night."
>>>>>>>>>
Lunes
Maaga pa lang nasa bahay na ako nina Gladys dinig ko sa labas nang magpaalam sya sa magulang nya.
"Mommy, pasok na ako." paalam ni Gladys.
"Ingat ka anak." sagot ni Tita at kumaway pa sa akin na para bang pinagkatiwala sa akin ang anak.
"Musta ang tulog mo?" tanong ko.
"Ok lang. Ikaw?"
"Ang ganda. Napanaginipan ko sinagot mo na daw ako." hirit ko.
"Tange.. Totoo kaya yon." sabay kurot sa pisngi ko.
"Araay.. Oo nga, hindi nga panaginip." ngiti ko sa kanya.
>>>>>>>>>>
"Mukhang magiging mahaba ang araw nato." bulong ko habang pauwi kami ng Dearest Gladys ko.
"Bakit naman?" tanong nya.
"Narinig mo pala." ngiti ko sa kanya.
"Bakit nga?"
"Date tayo, celebrate natin ang first day natin." suggest ko.
"Ok lang sakin. Basta libre mo." tapos kinindatan nanaman ako. Kaya syempre ok lang sakin.
Naghanap ako ng fishball vendor para di ako masyado gumastos. Wais.hehe. May nakita ako at doon ko sya hinila. Inabot ko sa kanya ang stick para malaman nya na ito na yung date namin. Nagsalubong ang kilay nya. Parang ayaw nya tumusok.
"Miss wag ka mag-alala malinis ang mga paninda ko." sabi ng tindero nang makita ang mukha ni Gladys. Natatawa ako.
"Manong, wag kayo maoffend ah? Pero paborito talaga ng kasama ko ang fishball." tapos ay humarap ako sa kanya. "Di ba?"
"Shut up!" asar na sabi ni Gladys at tumusok ng iilan.
"Oh diba manong. Ayaw paistorbo sa pagtuhog ng tinda nyo." biro ko pa, di na naaasar si Gladys. Natatawa na sya.
Ang ganda nya talaga lalo na pag nakatawa. Tumuhog na din ako at kinain agad. "Sarap noh?"
Isinubo na nya ang tinuhog nya. Tumango tango sya. "Oo nga."
Sa harap ng tindero nagsubuan kami ng fishball. "Kakainggit naman." wika ng tindero. Tawanan kami. "Eto bayad manong. Keep the change." sabay abot ng singkwenta pesos.
Uuwi na sana kami pero pag talikod namin may lalakeng nakatingin mula sa malayo. Nakita sya ni Gladys, sa reaksyon nya ay parang nabigla sya. Nag-iba ang mood nya. "Tara uwi na tayo." tarantang sabi ni Gladys.
Nang makita kaming kumilos ng lalake ay lumapit ito. "Gladys!" sigaw nito. Napatigil si Gladys na pinagtaka ko dahil kilala siya nito.
"Sabihin mo, mahal mo pa ba ako?" sabi ng lalake.
"Sino ba to?" tanong ko kay Gladys pero di ito sumasagot. Umiinit na ang ulo ko. Masakit sa pakiramdam na marinig sa ibang lalake ang mga katagang yon. "Pare, sino ka ba?! Anong sinasabi mo sa girlfriend ko?"
"So sya pala pinili mo?" sabi ng lalake na di ako pinansin. "Bakit di mo ako pakilala?"
Nag-umpisa ng tumulo ang luha ni Gladys. "Tol, kung sino ka man, umalis ka na kung ayaw mong magkagulo tayo dito!" inis ko nang sagot.
Akmang susugurin ko na yung lalake, "Tama na!" sigaw ni Gladys. "Siya si Robert, ex boyfriend ko." pagpapakilala nya habang lumuluha.
"Ano? Di mo na ba ako mahal?" tanong uli nitong si Robert.
Di naman makasagot si Gladys kaya ako ang humirit. "Tol, ex ka nalang. Ako ang boyfriend nya ngayon kaya ako na ang mahal nya." sabat ko.
"Nagkakamali ka, Victor." parang lumindol at pumutok ang ugat sa utak at puso ko pagkarinig ng mga katagang sinabi ng girlfriend ko ngayon.
"Anong sabi mo?" gulat na tanong ko.
"Mahal ko parin si Robert hanggang ngayon. Sinubukan ko syang kalimutan pero nagagawa ko ito pag kasama lang kita." pagpapaliwanag nya.
"Pero, paano? Yung nangyari satin? Sinagot mo ako, sabi mo mahal mo din ako." nag-uumpisa nang sumakit ang kaloob looban ko.
"Inaamin ko gusto kita, pero di kita mahal. Sorry." wika ni Gladys.
"Pero bakit? Bakit mo ako sinagot?"
"Nagustohan ko yung pagharana mo sakin. Pero bago ka dumating, habang tulog ka pa, dumating si Robert sa bahay at nakikipagbalikan." paliwanag uli nito.
"Ikaw nga yung nasalubong ko." sabi ko habang tinititigan si Robert.
"At habang kumakain tayo, hindi si Mommy ang nagtext, kundi si Robert. Pinapipili na nya ako dahil nakita ka nga nyang papunta sa bahay namin. Nagsimula uli ang pag-aalinlangan ko. Pero ngayon alam ko na. Si Robert ang mahal ko." mahabang litanya nito.
Iniwan ko nalang ang dalawa, alam ko na habang naglalakad ako palayo ay masaya sila sa kanilang pagkakabalikan.
Nakauwi akong may dalang bote ng alak, diretso ako sa kwarto. Nag-iisip. Gusto kong pagsusuntokin ang pader, ang kama, mga unan at ang pinto pero di sila gumaganti kaya kumuha ako ng bolpen at papel. Dito ko isinulat ang saloobin ko, dito na rin nag-umpisang tumulo ang aking luha.
Ang tunay na lalake hindi umiiyak...ng malakas. Kinagabihan, napagdesisyunan kong pumunta kina Gladys para sa huling pagkakataon. Dala ang aking gitara. Nagbabanta ang ulan noon pero sige padin ako, may spirito ng alak eh.
>>>>>>>>>>>>
Pagdating ko, inilapag ko sa may pinto ang sulat na nagawa ko. Tumapat sa bintana at....
Bakit pa kailangan magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi na namang may sisingit
Sa twing' tayo'y magkasama
Bakit pa kailangan ng rosas
Kung marami naman ang
Mag-aalay sa'yo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Kalagitnaan ng kanta ay sumilip si Gladys. Bumalik sa aking ala-ala ang mga pangyayari noong una ko syang hinarana.
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sa'yo.
Idadaan na lang kita,
Sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng.... gitara.
Tinapos ko na ang aking awit nang sumunod na sumilip si Robert.
Idadaan na lang.... sa gitara.
Sa huling pagkakataong haharanahin ko si Gladys. Kinawayan ko sya at umalis na ako.
Sa aking pagtalikod, madaling bumaba si Gladys para kausapin ako. "Victor!" Pero di ko na sya pinansin at di na nya ako inabutan. Bagamat nakita nya ang sulat na aking iniwan.
My Dear,
Habang isinusulat ko ito, puno ng sakit ang puso ko. Salamat sa mga ngiti at tawa na ibinahagi mo sakin. Masaya ako kapag napapatawa kita. Pumikit ako at pinakiramdaman ang aking puso, unti-unti akong lumuluha kapag naaalala ko ang iyong mukha. Nandito padin ako at hindi mawawala, kahit na nasaktan ako ok lang buti di mo ako pinaasa ng matagal at pinaniwala na mahal na mahal.
Hindi ko alam bakit biglang bumaligtad, ang napakaligaya nating umpisa ay nagtapos dahil sa iba. Inilihim mo sakin ng matagal, ang lalakeng matagal mo nang mahal. Naging bahagi ka na rin ng buhay ko at may dahilan ang Diyos dito. Napakapalad ko pumasok ka sa aking puso. Madami akong naranasan at sinakripisyo pero hindi ko pinagsisihan, maparamdam ko lang sayo ang aking pagmamahal. Malaking espasyo sa puso ko ang naging bakante, alam ko darating din ang babae na para sa akin.
Nagbabago nga lahat, pati ugali at sitwasyon. Bakit ba kailangan pa mangyari ito? Bakit kailangan ko pang masaktan? Hindi na masasagot ang mga tanong na ito dahil di ko na kayo pipigilan at gagambalain pa. Sana ay maging masaya at magmahalan kayo. Pipilitin kong lokohin ang sarili ko na kaya kong mabuhay ng wala ka. Madami akong karanasan na mapupulutan ng aral, di ko ito malilimutan. Minsan din akong naging parte ng iyong buhay. Sana di mo din kalilimutan.
Ngayon bawat gabi, lungkot ang babalot sa akin imbes na kumot. Sa piling mo ang pinakamasaya, dahil sa pagmamahal ko. At ngayon iba na, kung siya talaga ang mahal mo, magiging masaya ako para sayo.
SALAMAT SA ALA-ALA..
Nagmamahal,
Victor.
Epilogue
Pagkatapos mabasa ni Gladys ang sulat, bumuhos ang malakas na ulan.
Sa kabilang banda, nadala ng mga paa ni Victor ang sarili sa isang parke. Umupo sa duyan at dito bumuhos ang malakas na ulan. Nakiramay ang langit sa lungkot na nadarama ni Victor. Pinatugtog ang gitara at nagsimulang kumanta.
Lagi na lang umuulan,
Parang walang katapusan,
Tulad ng paghihirap ko ngayon,
Parang walang humpay.
Sa kabila ng lahat ng aking pagsisikap,
Na limutin ka
Ay di pa rin magawa.
Hindi naman ako tanga,
Alam ko na wala ka na,
Pero mahirap lang na tanggaping,
Di na kita kapiling.
Iniwan mo akong nagiisa,
Sa gitna ng dilim at basang-
basa pa sa ulan.
Pero huwag mag-alala,
Di na kita gagambalain.
Alam ko naman ngayon,
may kapiling ka nang iba.
Tanging hiling ko sa'yo,
Na tuwing umuulan,
Maalala mo sanang may nagmamahal sayo.....ako..
Napatigil si Victor sa pagkanta, nang may isang babae ang lumapit sa kanya at pinayungan sya. "Wag ka ngang magpaulan." wika ng di kilalang babae.
_enD
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.