Parating na ang Ulan
"Pasensya ka na Victor. Nagselos ata sa atin si Angelica." sabi ng babaeng tumapik sa balikat ko.
"Bitiwan mo nga ako! Kita mo ng nagalit, itatanong mo pa. 'Di ba ganyan naman talaga ang gusto mong mangyari! Mabuti pa, umuwi ka na lang!" pabigla kong sagot kay Joyce. Nagulat ako dahil napagtaasan ko ng boses ang isang babae. "Sorry, nadala ako." sambit ko na lang ng makita ang maluha-luha niyang mga mata.
Ano ba itong nangyayari sa'kin? Kapag talaga galit ang isang tao mahirap pigilin ang mga salitang lumalabas sa labi mo. Nakakasakit tayo ng hindi natin nalalaman, o alam man natin pero nabibigla tayo at hindi na natin maibabalik at mabubura ng mga salitang ating nasambit. Mabilis na tumalikod sa akin si Joyce at naglakad palayo. Ilang hakbang pa lamang ay tumakbo na ito. Wala na akong ginawa, pinanood ko na lang lumayo sa akin ang isang mabuti sanang kaibigan.
>
"Angelica! Kausapin mo ako! Please!" sigaw ko habang kumakatok sa labas ng bahay ni Angelica. Nangangamba ako dahil ang storyang ito ay tungkol lahat sa ulan at dahil na rin napakadilim ng langit, malapit na atang umulan. "Angelica!"
Isang babae ang nagbukas ng pinto para sa akin. Hindi ito si Angelica, "Ano 'yon? Wala si Angelica eh. Hindi ko alam kung kailan siya babalik." sabi ng babaeng hindi naman nalayo ang edad kay Angel. Malamang kamag-anak siya nito.
"Gano'n po ba? Sige ho, balik na lang ako." sabi ko at akmang aalis na.
"Ikaw ba si Victor?" biglang tanong nito at napalingon ako uli.
"Opo. Bakit niyo po ako kila-" hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang biglang may kamay ang mahinang sumampal sa akin. Napatanga ako bakit niya ako sinampal eh hindi ko naman siya kilala? May kasalanan ba ako sa taong ito? Hindi naman oily ang mukha ko para sampalin ako ng mahina.
Ngumiti siya. Hindi ko maintindihan. Naguguluhan ako. "Para sa kapatid ko 'yan. Lagi mo kasi siyang pinapaiyak." sabi niya sabay abot ng kamay ko. "Ako pala si Princess, kapatid ni Angelica."
So kapatid niya ito, "A-ah." nasabi ko na lang.
"Alam mo bang masigla siya dahil sa'yo, masaya siya dahil sa'yo. Tadhana na ang bahala sa inyo. Balik ka 'pag naramdaman mong narito na siya. Alam ko malakas ang pakiramdam ng in-love." biglang sabi niya.
"Opo. Salamat sa payo. Babalik ako. Hindi ko siya hahayaang maging malungkot." ito lang ang masasabi ko dahil sa sobrang saya ng pakiramdam ko.
"Ingatan mo siya, mahal ka no'n." sabi nito at ngumiti.
Gusto kong itanong ang sitwasyon pero bakit gano'n. Hindi ako nagkalakas ng loob. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para malaman ang lahat. Parang ulan, kapag kaya pa itong dalhin ng ulap hindi pa ito babagsak.
>
"Ha? Hindi pa umuuwi si Angel?!" ito ang bungad sa akin ng kanyang ate ng tumawag ito sa akin. Hindi ko na tinanong kung saan niya galing ang number ko dahil seryoso ang usapan.
"Oo, kahapon lang siya umalis pero hindi pa siya umuuwi hanggang ngayon." hindi naman umiiyak ang boses ni Princess sa kabilang linya pero alam kong worried ito para sa kanyang kapatid.
"Saan daw ba siya pupunta?"
"Pumunta ka na lang muna dito, dito ko na lang sasabihin sa'yo."
"Sige punta ako dyan." sabi ko at pinutol na niya ang linya. Mabuti na lang at wala akong ginagawa dito sa bahay kaya kahit kailan ko gustong umalis ay makakalibot ako basta sisiguraduhin kong uuwi ako.
"Sino 'yung tumawag?" tanong ni nanay.
"Si Princess po, yung ate ni Angelica."
"Nawawala ba si Angel?"
"Hindi pa daw umuuwi, pero hindi ko sigurado kung nawawala nga ba siya."
"Bakit naman sa iyo tumawag at hindi sa pulis?" may punto si nanay bakit nga kaya?
"Hindi ko alam nay pero hahanapin ko siya." kahit alam kong hindi ko alam kung saan siya hahanapin.
"Baka naman nasa kwarto mo ha Victor?" biglang hirit ni nanay at tumungo sa kwarto ko.
"Nay, ano ba naman kayo? Bakit naman ninyo ako pinag-iisipan ng ganyan?" napakamot ako ng ulo.
"Eh malay ko ba kung tinanan mo na pala." hindi ko alam kung tatawa ba ako o maiinis sa sinabi ni nanay.
"Nay, kung dadalin ko uli dito si Angel, sasabihin ko sa inyo yun. 'Di ba wala tayong secret?" ngiti ko kay nanay habang tinitignan niya ang likod ng pinto. Binuksan pa niya ang aparador ko, seryoso ba siya? "Nay, alis muna ako ha? Pakibantay si Angel." biro ko.
>
"Ano ba'ng sabi niya sa'yo kahapon?" tanong ko matapos ang katahimikan ng pagdating ko.
"Naiinis daw siya sa'yo kasi may kasama kang iba." seryosong sabi nito.
"Nagselos siya, tama ba ako?"
"Malamang..." iwas niyang sagot.
"Saan ko ba siya pwedeng makita? Baka nagtatampo lang 'yun."
"Baka kasama niya si Ken." pagkasabi nito ay may kung anong kutob ang pumintig sa puso ko. May pag-aalala akong naramdaman.
"Sana naman wala siyang ginawang pagsisisihan niya. Saan ko kaya sila makikita?"
>
"Nakakainis si Victor! Akala ko ipaglalaban niya ang pagmamahal niya sa'kin. Yun pala, sa sandaling panahon may iba na siya kasama!" bulong sa isip ni Angel nang bigla siyang hawakan sa kamay. Bahagya pa siyang nagulat sa kusang paggalaw ng kamay nito, hindi na niya ito pinansin at tuluyan ng lumayo.
Umuwi si Angel mag-isa. Nagmumuni-muni habang naglalakad at hanggang sa bahay si Victor parin ang iniisip nito. "Kung alam lang niya ang sitwasyon ko..." buka ng labi ni Angel at lumabas ang mga katagang ito. Mukha siyang natauhan sa reaksyon ng kanyang mukha. "Hindi kaya ako ang naunang sumuko at hindi siya? Sarado ang isip ko at sinolo ko ang problema ko. Kung alam niya ito, sigurado ako, gagawa siyang paraan para mailayo ako."
"Gel! Nandiyan ka ba?" sigaw ng babae sa labas kasabay ang pagdoorbell nito na ikinagulat ni Angel. Bihira ang bisita sa bahay nito kaya inaasahan niya na si Victor ito.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin ngunit pinili niyang pagbuksan ito kahit lutang siya sa kakaisip kay Victor. "Victor...Ay, ate!" pagkakita niya ay niyakap niya agad ito. "Buti bumisita ka?"
"Syempre, namimiss ko ang little sister ko." ngiti nito kay Angel.
"Wala ka bang kasama ate Princess?" tanong ni Angel at tumingin sa paligid.
"Wala. Hindi sumama sina Daddy." bahagya siyang nalungkot hindi dahil hindi sumama ang parents namin, kundi dahil sa desisyong ginawa nila para sa kanya.
"Uy, musta kayo ni Ken?" kinikilig pang sabi ng ate nito sabay sundot sa tagiliran ni Angel.
"Ganun pa rin ate." nagpakita siya ng malungkot na mukha, "hindi ko pa rin siya mahal. Hindi ko siya kayang mahalin lalo na ngayon." sabi ni Angel sa mahinang boses.
"Ibig sabihin may gusto kang iba?" tango lang ang nasagot ni Angel. "si Victor? Sis ang hirap niyan."
"Oo nga eh. Kilala mo pa siya ate?" mabuti pa kay Princess ay nasasabi niya ang lahat, problema, experience, alaala, kahit ano pa man.
"Yung bata na pinapangarap mo?" ngiti pa ni Princess. Napangiti rin naman nito si Angel, "nakita mo na siya?"
"Oo ate at may gusto rin siya sa'kin, ano'ng gagawin ko nito?" problemado siya habang sinamahan ang kapatid sa kwarto.
"Sabihin mo kay Daddy."
"Hindi naman ganoon kadali yon eh. Tapos itong si Ken, gustong-gusto ang pagka-arrange ng future namin." maluha-luhang sabi ni Angel.
"Desisyon kasi nila yon. Pero Gel, alam ko rin na hindi dapat pinagdedesisyon ang buhay ng isang tao. Hindi ka dapat magpadikta sa kanila kahit sino pa sila." pagpapaliwanag ni Princess.
"Tama ka ate. Sige, lalabas muna ako." kitang desidido siya sa kung ano man ang binabalak niya.
"Saan ka naman pupunta?" bilang ate, gusto niyang malaman kung ano ang binabalak niya.
"Aayusin ko lang ang lahat, sa atin ... at sa akin." pagkasabi nito ay umalis na siya.
>
"So dito pala nakatira si Ken. Makausap nga ang loko." kunot ang noo at salubong ang kilay kong sabi. Sa oras na ito, babagsak na ang ulan. Hindi na paambon-ambon kundi isang bagsak, isang malakas na ulan ang parating.
..itutuloy..
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.