Sunday, September 30, 2012

Si Magnum Sa Mapaglaro Niyang Mundo (3)

Blog ng mga Frustrated Writers Presents: Si Magnum sa Mapaglaro niyang Mundo
Click niyo. :D
Ako ang gumawa ng chapter 3..:D





A Tropang Magnum Series


Chapter 3

- breaker



Sapat na ba ang isang oras na tulog upang ipahinga ang mata kong nag-uumpisa ng mahumaling sa nakakapang-akit na kagandahan ni Christine? Pilit kong sinusubaybayan ang mga puting guhit sa daan upang maiiwas ang aking atensyon sa kanya ngunit nagulat ako ng bigla siyang magsalita.


"Where have you been? Uhmm..." sabi niya habang tulog sa balikat ko. "Dito lang pala kita mahahanap? Pero may iba ka na..." biglang sabi niya na dahilan upang mapatingin ako. Basa na pala ang balikat ko ng laway at luha mula kay Christine. Gusto ko man siyang gisingin ay hinayaan ko na lamang muna siya, hindi naman siguro ito magmamantya sa damit ko. Muli siyang nahimbing sa pagtulog, hindi ko alam kung sinadya ba niyang iparinig sa'kin ang mga katagang sinabi niya kanina pero ramdam ko na may kung anong bumubulong sa akin na makipagkaibigan kay Christine.

Maya-maya ay naramdaman ko na siyang gumalaw, agad kong kinuha ang panyo ko at inalok sa kanya. "Heto, pwede mo munang gamitin. Alam mo ba'ng ayaw kong nakikitang lumuluha ang babae?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa malayo.

"Sorry. I just had a dream." aniya matapos ipunas sa gilid ng mata ang aking panyo.

"Sad dream, isn't it?" natanong ko ngunit hindi lamang siya sumagot. Inayos niya ang sarili at isinoli sa akin ang panyo. "Since you're now a part of my life, a memory in my brain and you own a space in my heart, maybe we can be friends?"

Bahagya siyang nagulat sa akin, masyado atang pormal ang pagkasabi ko pero alam ko, nahaplos ko ang dibdib niya at nasundot ang puso ng mga salitang aking nasambit. "Sure." sagot niya na puno ng sigla.

"Bihira kong tinatanong ito sa babae pero itatanong ko ito sa'yo kaya sana sagutin mo." misteryoso kong tanong.

"Anow naman 'yon?" takang tanong niya with matching slang.

"May I know your contact number?" diretso kong tanong habang nakatitig sa mga mata niya. Sandali kong iwinaglit ang pagtingin sa kanya dahil binunot ko ang cellphone ko. Akmang idi-dial ko na ang number niya ay napatigil ako. Nakangiti siya ng napakatamis, yung bang may halong kilig.

"Sure. Kita ko naman na mabait ka eh." no words can describe how I feel. Mas masaya pa kaysa makita si Anna. Teka, ano ba itong iniisip ko? Bigla akong natauhan sa aking ginagawa. Nai-save ko ang number ni Christine at nabagabag ako dahil dito, napatulala tuloy ako sa wallpaper ng cellphone ko. Si Anna.

Ilang minuto na lang ay maghihiwalay na kami ng landas ni Christine. Magkakaroon pa kaya ng tyansa na magkita uli kami? Ano na kaya ang magiging estado namin sa buhay ng isa't-isa? Ang bakasyon ko dito sa Lipa kasama na rin ang paghahanap ko ng trabaho, at ang bakasyon ni Christine kasama ang kanyang pamilya pati ang lihim niyang pakay ay magsisimula na.

"Is that your girlfriend?" nagulat ako sa bigla niyang pagsasalita marahil nakita niya akong nakatitig sa picture ni Anna.

"Oh, ah, yes. Is she beautiful?" bigla kong tanong, naipagmalaki ko pa ang girlfriend ko. Gusto kong malaman kung ano ang magiging reaksyon niya dito, magagalit ba siya sa'kin o lalo niya akong lalandiin.

"Maganda siya. Just like me." biro ni Christine sabay hawi ng buhok ngunit matapos ang ngiti ay ilang segundo ko ring napansin ang malungkot na aura ng kanyang mukha. Madali niyang naitatago ang lungkot pero nakita ko ito. Hindi ito ang inaasahan kong reakston niya.

"Tomo!" sagot ko na lang sabay tawa. "If you need a friend, nandito lang ako." ngiti ko kay Christine at tinext ko siya ng smiley kahit medyo basa pa ang balikat ko.

"Ingatan mo ang itlog mo ah." ngiti niya sa'kin.



- to be continued....

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.