"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Saturday, October 20, 2012
Everyday in the Rain 14
Payong
"Ano'ng ginagawa mo dito?" sabay uli naming sabi.
"Tignan mo nga naman ang tadhana. Ako na." sabi ko kay Angel at hiningi ang permiso para ako na ang humawak ng payong.
Hindi niya ako pinansin pero hindi naman siya umaalis at pinapayungan pa rin ako.
"Galit ka pa ba sa'kin?" lambing ko. Alam ko namang nagpapalambing lang 'to.
Hindi pa rin siya sumasagot, nakatingin lang sa kabilang direksyon para hindi makita ang maamo kong mukha.
"Wala naman kami ni Joyce eh. Nakwento ko lang sa kanya 'yung sitwasyon natin."
"Hindi mo naman kailangang sabihin eh, alam naman niya." oo nga pala, mali ang sinabi ko. Lalala pa ata ang sitwasyon.
"Pwede bang kalimutan na natin 'yon?"
"Hinde."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko, malamang kapag sinabi ko sa kanyang natulog ako sa bahay ni Joyce lalo lang siyang mag-aalburoto. Ano na?
"`Wag ka ng mag-explain. Alam ko na ang nangyari. Wala kang kasalanan. Inamin na ni Ken lahat."
"Hindi ka na galit sa'kin?"
"Galit."
"Ang gulo mo."
"Wala ka bang ginawang kabulastugan?"
"Wala. Promise!" sabi ko. Wala naman talaga.
"Ok." simpleng sagot niya, ok na 'yon. Masaya na ako do'n. Kulang na lang magpagulong-gulong ako sa daan.
"Saan ka galing? Hinahanap kita eh." biglang tanong ko at inabot uli ang payong.
"May inasikaso lang. Bakit mo naman ako hinahanap?" sabay abot ng payong.
"Kasi nag-alala ako sa'yo noong nalaman kong wala ka sa inyo." sabi ko at niyakap siya upang hindi mabasa sa ulan. Napatingin siya sa'kin, 'yong mga mata niya, parang nagtatanong. Nawala na 'yong mukha niyang supladita, alam ko, namiss niya ako. Ramdam ko sa yakap din niya sa akin.
"Paano mo nalamang wala ako sa'min?" takang tanong niya.
"Ha? Akala ko magkasabwat kayo ng ate mo." bigla kong sabi.
"Anong sabwat? Nakausap mo si ate?" takang taka pa rin siya.
"Wala ka talagang alam?" natanong ko pa at inumpisahan na naming maglakad.
"Ano?! Hindi kita maintindihan." padabog niyang sabi kaya napatigil kami sa paglalakad, baka kasi mabasa siya sa ulan.
"Kasi tinawagan ako ng ate mo, hindi ka pa daw umuuwi mula kahapon." nakita kong bumaba siya ng tingin. "Kaya pumunta ako kina Ken." nagulat pa siya pagkasabi nito.
"Pumunta ka? Anong sabi sa'yo ni Ken? Di ka ba niya sinaktan?" balisa niyang tanong.
"Concerned?" ngumiti ako sa kanya, hindi siya umimik at nagblush pa siya. "Wala siyang ginawa." Hinawakan ko ang kamay niya, hindi naman siya tumutol kaya tinuloy namin ang paglalakad. "Pero may sinabi siya sa'kin."
"Ano 'yon?"
"Tungkol sa isang deal." pagkasabi nito ay alam na niya. Niyakap niya ako, sobrang higpit, miss na miss na namin ang isa't-isa. "Tumupad siya sa usapan niyo." dagdag ko pa at lalong humigpit ang yakap niya. Walang sabi-sabi siyang humawak sa kamay ko na dahilan upang mabitawan ko ang payong, bumwelo siya ng isang halik. Halik sa labi ko. Hindi ko na napigilan pa ang damdamin ko't niyakap ko na siya ng mahigpit. Kapwa kami nababasa ng ulan pero parang may barrier kami kasi hindi namin iniinda ito at wala rin kaming pakialam sa nasa paligid namin, mabuti na lang walang tao dahil napakalakas ng ulan.
"Basa na ako." sabi niya matapos maghiwalay ang labi namin. Puno ng ngiti ngayon ang mukha niya, parang paglitaw ng isang rainbow matapos ang isang ulan pero kung tapos na nga ang problema, bakit hindi pa rin tumitila ang ulan. Dapat lumitaw na ngayon ang rainbow. Dapat sumisilip na ang araw pero bakit napakadilim pa rin ng langit. Siguro talagang masama lang ang panahon ngayon.
"Tara, uwi ka muna. Baka magkasakit ka niyan." masaya kaming naglakad ng nakapayong, kahit basa na ang katawan namin.
"Bilisan mo nga dyan. Nilalamig na ako." masayang sabi ni Angel sa'kin.
"Eh baka maputikan 'tong pantalon ko sa paglalaka..." hindi ko pa natapos ang sinsabi ko ay tinapakan niya ang basa sa daan. "Ano ka ba? Para kang bata, dahan-dahan naman." sabi ko sa medyo mataas na tono, medyo lang, hindi naman pasigaw.
"Sup - lado" bulong niya sa tainga ko at tumakbo palaya sa'kin, tuluyan siyang nagpaulan, balewala ng payong sa taong sinasayawan lang ang ulan.
Hindi porque umuulan ay mananatili ka na sa bahay at matutulog o magkukulong sa kwarto at magpapainit ng sarili. May problema man, lumabas ka pa rin, huwag kang magbabago at ienjoy ang buhay. Isayaw mo lang ang ulan, ngitian mo ang bawat problema. Ang problema ay kasama ng buhay, parang ulan, kasama rin ito ng mundo. Kung wala ang ulan, paano na makakaroon ng cycle ang tubig? Kung walang problema, hindi tayo mamumulat kung paano maging masaya dahil hindi rin natin alam ang pakiramdam ng malungkot. Kung pangit ka, ngumiti ka, pangit ka pa rin. May payong na proprotektahan ka sa ulan, at may Diyos na laging pumoprotekta sa'yo.
"Haha. Para tayong bata nito eh. Nagpaulan tayo." sabi ko kay Angelica pagpasok namin sa bahay nila.
"Magpalit ka na." sabi niya.
"Ano naman ang ipapalit ko dito? Wala naman akong damit dito." sabi ko.
"`Musta ang lakad mo Gel?" tanong ni Princess, "Oh nakita ka pala ni Victor."
Biglang nagbago ang mood ng kaninang masaya na Angelica, ano nanaman kaya ang problema ngayon? "Magbibihis muna ako." sabi niya at pumasok sa kanyang kwarto.
"Anong problema no'n?" tanong ni Princess.
Itinaas ko lang ang dalawa kong kamay, "`Nga pala, salamat." ngiti ko.
"Para saan?" takang tanong niya.
"Kasi nilakad mo ako kay Angelica."
"Hindi kita nilakad no! Nag-alala lang ako hindi siya umuwi. Baka napano na siya."
"Sabagay." sabi ko na lang. Mukhang wala ring alam ang ate niya sa deal na ito. Tadhana talaga ang nagtikta ng lahat. Gusto kong ngumiti ng todo-todo, gusto kong magtatalon pero bakit biglang nalungkot si Angelica kanina. Sa sobrang saya ko hindi ko na naitanong ano ba ang lakad niya at saan ba siya nanggaling.
Nagising ako sa pagmumuni-muni nang hagisan ako ng tuwalya ni Angelica. Umupo siya sa sofa, gano'n din ang ate niya, syempre gagaya ako.
"Oy." sabi ni Princess.
Napatingin lang ako kay Angelica. Tumingin din siya sa'kin. Out of place si Princess.
"Kasi hindi pumayag si Dad."
"Ha?!" sa gulat nagkasabay pa kami ng sigaw ng ate niya.
Napasandal ako, "Akala ko ok na lahat." sabi ko at napasinghap.
"Ano ba kasing sabi mo? Baka panget ang approach mo?" tanong ni ate. Makikiate na rin ako. Feeling.
"Ewan ko lang. Sabi ko kasi,
>
"Dad pwede ka bang makausap?"
"Tungkol saan." matigas na sagot ng itay ni Angelica, si Mr. Franklin Benitez. Hindi man lang pinaupo ang anak kaya nagkusa na ito.
"About Ken."
"What about Ken?" sarkastikong sagot nito.
"Gusto ko sanang tapusin na 'yung arrangement namin."
"Ayoko." mabilis na sagot nito.
"Pero Dad, nakausap ko po sina Tito Mike at Tita Tess..."
"Anong sabi mo?! Alam mo ba ang ginawa mo? Minsan talaga hindi ka nag-iisip!" patayong sabi nito mula sa mahinahon niyang pagkakaupo, nagulat dito si Angelica. Hindi, mas mabuting sabihing natakot siya. "Hindi ka ba nanghihinayang sa maaring maging partnership ng kumpanya namin?! Lalaki ang sakop ng kumpanya! And that's for your future kasi kayo ng ate mo ang mamamahala nito in the near future!"
"Aanhin ko 'yan?"
"Angelica!" sigaw ng ama matapos iwanan ito habang nag-uusap sila ni Angelica.
>
"Si Daddy talaga, naku! Baka pagod lang siya no'n Gel." sabi ni Princess. Tumayo ako at yinakap si Angelica, alam ko ang nararamdaman niya, konektado na kami eh.
"Hindi man lang niya naisip ang kaligayahan ko! Napakasakim niya! Wala na siyang ibang inisip kundi paano pararamihin ang pera niya!" sumbong ni Angel sa akin habang hinahampas ang dibdib ko. Wala akong masabi, wala akong plano, hindi ako makaisip ng mabuti ano na ba ang gagawin ko ngayon? "Victor..." pag-angat niya ng mukha.
"Sshh... Ok lang 'yan. Madadaan 'yan sa usapan." sabi ko pero iling lang siya ng iling. Hindi siya sumasang-ayon? Itatakwil nanaman niya ako?
"Ayoko ng mahiwalay sa'yo. Gusto kong maging masaya kahit tayo lang dalawa. Ayoko ng pera! Ayoko ng malaking bahay kung wala ka doon! Ayoko ng maraming damit saka alahas kung hindi naman kita mayakap!" sabi pa niya.
"Pwede nating itago..." sabi ko pero hindi niya na ako pinatapos.
"Sasama ako sa'yo Victor." biglang sabi ni Angelica. "Mabuti pa kayo ng pamilya niyo, masaya. Kami, solo flight ang buhay namin. Kanya-kanya, ayoko no'n! Victor, ate, naiintindihan niyo ba?" pagpapatuloy pa niya at tumingin sa amin.
Tinignan ako ng ate niya, hinihintay ang sagot ko. Shet! Itanan ko daw siya? Ang hirap! Kailangan ni Angelica ng payong ko. Ang payong ng pag-ibig. Payong na proprotekta sa kanya sa lungkot na maaaring bumagsak sa kanya. Payong ng haharang sa sakit ng damdamin na tinatago niya. Ang payong ng pagmamahalan namin ay dapat ng magamit. Isa ito sa hakbang upang mabuo at matapos ang sayaw namin dito sa ulan, kailangan kong magdesisyon.
Kailangan ko ng oras na mag-isip pero kailangan na ang sagot ko, kaya bibitinin ko muna 'to...
...itutuloy..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.