Chapter 13: Malakas na Ulan
"Galing na dito si Angelica. Kung siya ang hinahanap mo." maangas na panimula sa akin ni Ken.
"Ilabas mo si Angelica! Angelica! Angelica!" hindi ko na siya pinansin at dire-diretso ako sa loob ng malaking bahay. Nang may mabigat na kamay ang pumatong sa kaliwang balikat ko ay agad nag-init ang ulo ko. Nilingon ko muna siya saka sumugod ang kanang kamay ko. Mahirap na baka ibang tao ang masapak ko.
"Umalis na siya kanina." seryosong sabi nito nang masangga ang braso ko. "Dito siya tumuloy kagabi, wala kaming ibang ginawa kundi mag-usap. May iba sana akong bagay na gustong gawin,"
"Sa oras na may ginawa kang masama kay Angel, hindi kita patatawarin kahit maging ulan pa ang dugo sa mata mo."
"Relax." sabi niya at himinga ako ng malalim upang huminahon. "Ganyan din ang mata niya kagabi, desidido. I want her like hell pero nakakatakot ang mata niya. Hindi naman ako gano'n kasama sa iniisip mo Victor. I respect Angelica as you do but may usapan ang pamilya namin."
"Usapan?"
"So hindi mo alam." umupo siya at sumandal sa kanyang upuan kaya umupo rin ako, alangan namang ako lang ang nakatayo. "Our dad made this deal, that their next offsprings will be in an arranged marriage tanda ng loyalty nila sa kanilang partnership sa kumpanya. Her sister was born that time kaya ang susunod na anak ang kanilang ipinagkasundo, and that's me and Angel."
"Insane. Ang babaw ng dahilan nila para ipadesisyon ang buhay ng mga anak nila." nakakapang-init ng ulo.
"You can't blame us. Pumayag kami doon noong kinausap kami ng magulang namin. Nag-usap din kami ni Angel, and guess what, we made a deal."
"What deal?" napainglis na rin ako.
"As soon na hindi pa niya nakikita ang lalakeng ipaglalaban siya, papayag siyang maging girlfriend ko. Sure because I like her better than my exes. I better say I love her." sabi niya at napatingin ako ng diretso sa mga mata niya. Hindi ko maikakailang nagsasabi siya ng totoo at nagpabagabag sa'kin 'yon.
"Patas na laban ba ito?" tanong ko kay Ken.
"Oo naman. Gusto mo magsimula tayo sa umpisa. We have different aces, we have different strengths." pagkasabi niya nito ay napangiti ako dahil alam kong lamang ako sa panahon ngayon ngunit nawala rin ang ngiti ko nang makita ko siyang ngumiti. May alas nga din siya at agn tangin makakapagdesisyon ng mananalo ay ang hurado na walang iba kundi si Angelica.
Minsan na akong natalo sa laban namin ni Robert para sa puso ni Gladys. Mukhang mapapasabak nanaman ako sa isang matinding bagyo, isang bagyo na nagtataglay ng malakas na ulan at ihip ng hangin. Isang mali mo lang, maari kang tangayin nito at kahit wala kang gawin, maari ka pa rin nitong masalanta ng kalamidad na ito. Ilang minuto rin kaming tahimik, para kaming nasa mata ng bagyo, nasa kalagitnaan na kami ng pagkuha ng puntos at mukhang tabla pa ang laban. Alam ko na pagkatapos ng katahimikang ito ay magsisimula ng gumalaw ang bagyo at magsisimula na ring pumuntos ang isa sa amin.
"So it's a duel?" sabi ko at pumorma ng pa-de-kwatro.
"No, you've already won." sabi niya na ikinagulat ko.
>
"Ken, pwede ba tayong mag-usap." mahinahong sabi ni Angel kay Ken.
"Sure, what can I do for you, my lovely girlfriend?" ngiti naman ni Ken bago niya makita ang mga mata ni Angel. Pagkakita nito ay naging seryoso na rin ang mukha nito. "Buti napadalaw ka?"
"Natatandaan mo yung deal natin?" diretsong tanong ni Angelica na inuungkat ang nakaraan.
"`Yung kapag nakita mo na ang lalakeng ipaglalaban ka, matatapos na ang kalokohang 'to?" delikwenteng sagot ni Ken.
"Oo." maikling pagsang-ayon ni Angelica.
Panandaliang nabalot ang kwarto ng katahimikan. Nakatitig lamang si Ken kay Angelica na parang binabasa ang iniisip nito. "Can I request a deal too?" biglang sabi ni Ken.
"Kung magiging patas ito at kung ito ang makakabuti, sige." walang alinlangang sagot ni Angelica.
"First, may I request you to sleep with me tonight?" nagtaka si Ken dahil wala man lang reaksyon si Angelica, inaasahan niya itong tumanggi pero.
"Ok. If that will be my last duty as your girlfriend." confident na sabi ni Angelica.
"So you've figured it out." ngiti ni Ken. Ngiti ng lalakeng nanghihinayang.
"Ano 'yung gusto mong deal?" pag-iiba ni Angelica sa usapan.
Ngumiti muna ito bago magsalita, "Sabi mo, ipaglalaban ka, paano mo nasabi? Kinausap na ba niya ang parents mo? Parents natin? Anyway, you don't need to answer those questions."
"Sabihin mo na." diretsong sabi ni Angelica.
"If that man approaches me, kahit kailan, then, that would be the time that our relationship ends."
"Sinasabi mo ba ay si Victor?"
"No, it's universal. Kahit sino pa 'yung lalakeng iniisip mo o iniisip ko, he is man enough to approach me and I know that she will love you the way you want."
"`Yun na ba lahat?"
"Oh! There's one more thing I want to tell you." ngumiti ito at lumapit kay Angel. "I loved you." bulong ni Ken sa tainga ni Angelica. "Is it a deal?"
"Deal." ito na lamang ang nasagot ni Angelica.
>
Parang naglalaro ako ng mind game sa araw na ito. Pakiramdam ko sasabog ang utak ko dahil ngayon lang ito nagamit ng husto. Ganito pala maglaro ang tadhana, mind blowing! Hindi ko inaasahan na ang pagpunta at pagkausap kay Ken ay ang magiging deklarasyon ng aking pagkapanalo. Ang mata ng bagyo ay gumalaw na iniwang nasalanta ang alaala ni Ken at ligtas ang kaligayahang naghihintay para sa akin. Pero hindi pa humuhupa ang bagyo, paalis na ito ngunit kaya pa nitong iwang wasak ang puso ko.
(Along the way, everything in my head is spinning, and my nose... it's bleeding. Bakit ba naisipan ko pang gawing inglisero itong si Ken.)
Gaya ng inaasahan ko, hindi na nga umambon bago bumagsak ang ulan. Malakas agad ito. Parang ang mga rebelasyon ngayong araw, biglaan lahat. Pero bago ang lahat kailangan ko munang sumilong.
"Ang lakas. Grabe. Nababasa pa rin ako dito." wika ko.
"Kuya sinong kausap mo dyan?" tanong ng isang batang hawak ang kamay ng kanyang inay.
"Jejeje.." Napakamot lang ako ng ulo at napangiti sa batang ito.
"Pagpasensyahan mo na, makulit talaga ang batang 'to. Tara na Panjo." tinignan ko lang silang makalayo habang naririnig na tumutugtog ang Simpleng Tao na kanta ni Gloc9.
Kung ang buhay ko ay online, malamang nakahash tag na ako, #relate... Simpleng tao nga lang naman ako, hindi pala. Simpleng tao ako, ipinagmamalaki ko na naipapakita ko ang tunay na ako. Simpleng tao na nanalo sa duelo sa isang mayaman at gwapong lalake. Iniisip ko na lang kung ano na ang mangyayari kasunod saka kung kailan ang susunod na update nito.
Nang makalayo na ang mag-ina ay mag-isa na lang ako sa silong na ito. "Kung sinuman ang susunod na nakapayong na dadaan dito ay papakiusapan kong makisabay ako." sabi ko uli sa sarili sabay lingon sa papalapit na babae.
"Miss pwedeng makisilong?"
"Sabay na tayo."
Sabay naming sabi. Si Angelica ang babae at si Victor ang lalake.
... itutuloy..jeje
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.