"I have no special talent. I am only passionately curious. - Albert Einstein"
Wednesday, October 31, 2012
Sepultorero
Isang patay pinatay, patay! boses ni Mike Enriquez.
Araw-araw may naibabalitang namatay pero bihira ang binabalitang nabubuhay o ipinapanganak. Ang newscaster nga raw ay ang taong magsasabi ng magandang gabi at iuulat kung ano ang hindi maganda sa gabi. Ok pwede na `yan para sa intro.
Ang sepulturero ay isang salitang espanyol na kapag natranslate sa ingles ay grave-digger, kung may trabaho na ang isang paa ay nasa hukay, ang trabaho namin ang buong katawan ay nasa hukay.
Hanapbuhay ko ay ang mga namamatay. In demand ang trabaho ko ngayon dahil sa dami ng namamatay dito sa Pilipinas. Gusto ko mang hilingin na sana ay wala na lamang namamatay hindi ko rin magagawa, hindi lang dahil dito ang trabaho ko kundi imposible rin ito sa mata ng tao. Mahirap hanapin ang kaluluwa ng patay pero kusang lumalapit sa amin ang mga namamatayan. Trabaho namin ito na dapat gampanan.
Noong Bata Ako 6
"Maganda ba ako?" ang tanong na gumugulo sa isip at panaginip ko. Mas malala pa ito kaysa mapanaginipan ang algebraic expressions, problema sa pera at lovelife ko. Wala nanaman ako sa sariling nagbyahe sa umagang iyon. Pinoproblema ko rin ngayon kung paano ko ikukwento sa iba ang pangyayari sa amin ni Ed. Maniniwala ba sila sa akin na pinagbibintangang salarin ng pagpaslang at ng pagkawala ni Ed. Alam ko rin na naibalita na ni Tina ang nangyari kay Ed sa mga kaibigan at barkada nito. Hindi na rin siguro ako bibisita kay Ed gawa ng sinabi sa akin ni Aling Rina.
Sunday, October 28, 2012
Noong Bata Ako 5
"Siya pala si Naida." sabi ni Aling Rina kay Tina.
"Opo." maikling sagot ni Tina.
"Pagaling ka Ed. Mabibigyan natin ng katarungan ang pagkamatay ni Anet." sabi ko para palakasin ang loob ni Ed.
Nagsulat siya sa papel at ipinakita sa akin, "Mag-iingat ka. Kung may paraan lang para mailayo natin sa kanya ang gunting niya. Mag-iisip ako para makatulong. Sorry kung napagbintangan kita."
Friday, October 26, 2012
Noong Bata Ako 4
Hindi ko man lang maiurong ang ulo ko para makaiwas sa babaeng ito. Kung pwede lang akong higupin ng lupa sa sitwasyon ngayon sana'y nangyari na lang ito. Nanlilisik ang mga mata nitong nakatitig sa akin. Kitang-kita ko ang pupil ng mata niya, paano ko ba ito idedescribe, hindi naman matamlay kundi wala ng buhay. Napapikit ako. Ayokong makita ang mga matang 'yon. Ayoko na!
"Aaaaaaaaaaaaaaaahhhhh!!!" sigaw kong muli para mailabas ang takot sa aking dibdib pero kahit isigaw ko pati lalamunan ko'y hindi nito maibsan ang nanginginig kong katawan. Ayoko ng magmulat, panaginip lang ba ang lahat? Paano kung pagmulat ko ay si Prince Charming pala ang nasa harap ko? Paano kung pagbukas ng mata ko ay may nakaharap pang babae sa akin?
Wednesday, October 24, 2012
Noong Bata Ako 3
"Sira ka ba? Gusto mo ring mamatay?!" sabi ko pero tingin pa lang alam ko na. May mali sa sinabi ko, alam ko ang iniisip nila at kahit ako'y ganoon din ang maiisip pero nag-aalala lang ako baka ikamatay ni Ed ito, hindi lang ni Ed kundi pati ako. Hindi pa ako handa, virgin pa ako at gusto kong makauna si crush bago man lang ako mamatay. Hindi ko pa natatapos ang kurso ko at ang pangarap ko noong bata ako na maipagluto si inay ng special recipe ko ng chicken teriyaki. Napakanegative ko talaga, sinong nagsabing mamamatay na ako?
"Sige. Payag ako." seryoso kong sabi matapos ang ilang minutong paghihintay ng sagot nila sa akin.
Tuesday, October 23, 2012
Noong Bata Ako 2
"Maganda ba ako?" tanong ng babae kay Anet habang nakatingin sa palayo nang si Naida.
"Teka lang miss may hinahabol ako." sagot nito sa babaeng nakasurgical mask at dali niyang itong tinalikuran, hindi niya na ito pinansin habang nakatingin kay Naida at mabilis na naglalakad. "Naida!" tawag nito pero parang hindi siya nito naririnig.
Bumagsak siya sa gulat nang harangan siya ng babae sa dadaanan niya. Takot na takot si Anet nang makita ang nakangising bibig ng babae. May hiwa ito hanggang tainga, kita dito ang gilagid, dila at ang mga ngipin. Paatras siyang gumapang nang ilabas na ng babae ang kanyang gunting, "Maganda ba ako?" kasabay nito ang nakakalokong ngiti.
Dahil sa takot ay nanginginig siyang sumagot, "O-oo. Oo!"
Saturday, October 20, 2012
Noong Bata Ako 1 (GhostStory)
"Maganda ba ako?" tanong ng babae.
"Paano ko malalaman? Nakatakip ang bibig mo?" supladang sagot ng dalagang tinanong.
Tinanggal ng babae ang face mask at tumambad sa dalaga ang mukha ng babae. Kinabukasan, natagpuang patay ang dalaga, pugot ang ulo at may hiwa sa bewang. Pinaniniwalaang ginupit ito gamit ang grass cutter o anumang malaking gunting.
>
"Pare, anong ginagawa ng sexy'ng babae dito sa ganito kadilim na eskenita?" tanong ni Badong na kilalang manyak sa lugar sa kasamang si Merto.
"Ano pa? Edi naghahanap ng aliw. Hahaha!" tawa pa ni Merto. Hindi niya alam na ito na ang huli niyang halakhak.
Napatingin sa kanila ang babae, nilapitan nila ito. "Miss may problema ba?" tanong ni Badong.
"Maganda ba ako?" tanong ng babae.
"Oo naman!" mabilis na sagot ni Merto na sinang-ayunan naman ni Badong.
Mula sa dibdib ng babae lumabas ang kanyang kanang kamay na may hawak na gunting mula sa suot na blouse. Malaking gunting na kayang puputol ng isang kamay sa isang kisap lang. Walang anu-ano, biglang pinugot ng babae ang ulo ng dalawang manyak na nakausap niya.
Sa kaparehong lugar mula noong dalawang magkasunod na araw na may natagpuang patay ay hindi na pinadaan dito ang mga bata, babae, at kahit na sino ng malalim na ang gabi. Pati ang mga bahay malapit dito ay inabandona na rin.
Saturday, October 13, 2012
XGF
"Pare, may sasabihin ako sa'yo, gusto kong malaman ang reaksyon mo." wika ng barkada kong si Gabyael habang nakasakay kami ng jeep pauwi.
"Aba depende 'yon." biro ko sa kanya. "Kung nasira mo 'yong cellphone ko na hiniram mo. Mapag-uusapan natin 'yon." pagpapatuloy ko.
Wednesday, October 10, 2012
Everyday in the Rain 13
Chapter 13: Malakas na Ulan
"Galing na dito si Angelica. Kung siya ang hinahanap mo." maangas na panimula sa akin ni Ken.
"Ilabas mo si Angelica! Angelica! Angelica!" hindi ko na siya pinansin at dire-diretso ako sa loob ng malaking bahay. Nang may mabigat na kamay ang pumatong sa kaliwang balikat ko ay agad nag-init ang ulo ko. Nilingon ko muna siya saka sumugod ang kanang kamay ko. Mahirap na baka ibang tao ang masapak ko.
Saturday, October 06, 2012
Saranggolang Walang Hanggan Ang Pisi
Ang saranggola ay matayog, mataas ngunit nakatali ito at hindi makawala. Napakagandang pagmasdan kung ito'y malaya gaya ng ibon, na nakakapaglakbay kung saan-saan.
Friday, October 05, 2012
Everyday in the Rain 12
Parating na ang Ulan
"Pasensya ka na Victor. Nagselos ata sa atin si Angelica." sabi ng babaeng tumapik sa balikat ko.
"Bitiwan mo nga ako! Kita mo ng nagalit, itatanong mo pa. 'Di ba ganyan naman talaga ang gusto mong mangyari! Mabuti pa, umuwi ka na lang!" pabigla kong sagot kay Joyce. Nagulat ako dahil napagtaasan ko ng boses ang isang babae. "Sorry, nadala ako." sambit ko na lang ng makita ang maluha-luha niyang mga mata.
Ano ba itong nangyayari sa'kin? Kapag talaga galit ang isang tao mahirap pigilin ang mga salitang lumalabas sa labi mo. Nakakasakit tayo ng hindi natin nalalaman, o alam man natin pero nabibigla tayo at hindi na natin maibabalik at mabubura ng mga salitang ating nasambit. Mabilis na tumalikod sa akin si Joyce at naglakad palayo. Ilang hakbang pa lamang ay tumakbo na ito. Wala na akong ginawa, pinanood ko na lang lumayo sa akin ang isang mabuti sanang kaibigan.
Subscribe to:
Posts (Atom)