Friday, November 30, 2012

Teenage Destiny 2


Online...Chapter 2

Nakakapanibago ang barkada kapag tahimik ang isa. Para kang nasa Inuman Sessions ng Parokya ni Edgar pero hindi nagtutugma ang mga tinutugtog. Napakaboring ng inuman na`yon. Alam ng lahat na si Andrei ang unang aakbay kapag dumarating ang chicks pero noong gabing `yon, wala siyang ibang hawak kundi ang basong may yelo. Magkatabi sila ni Dinia pero wala man lang itong imik kahit dati rati kapag may ganitong inuman ay laging siya ang napagtitripan ni Andrei, hinahanap niya `yon.

Teenage Destiny 1


Online...Chapter 1



"Kuya Ben! Pa-open itong number 10!" sigaw ni Dinia.

"Ayoko! Wala namang sira ang number 10 para buksan ko!" sagot ni Kuya Ben ang may-ari ng shop.

"Sira ka kuya! Dali na, maglalaro ako ng 3 hours." landi ni Dinia sabay kindat dito.

"Ayan na. Ihahanda ko na ba ang miryenda mo?" asikaso naman ni Kuya Ben ng pabiro.

"Hindi ako gutom. Loko ka talaga, gusto mo muna ng kindat ko eh." maangas na asta ni Dinia habang hawak na ni Kuya Ben ang isang skyflakes.

Si Dinia, ang only girl ng grupo pero hindi nila siya tinuturing na babae kapag kausap ito. Pormahan nito ay parang pang-emo, sabi niya retired emo siya. Nasubukan na niyang mag-eyeliner na makapal, maglaslas, at magpatugtog ng mga screa-emo na kanta na madalas binubulyawan ng nanay. Madalas nag-uusap ang mga boys ng mga experience nila noong nakaraang gabi kahit nandoon ito dahil parang lalake na rin siya mag-isip gaya ng mga dabarkads niya pero nandoon pa rin ang respeto para sa kanya. Adik siya sa mga online games hindi gaya ng idate o audition kundi cabal, ragnarok, at special force. Kung tinatanong niyo kung nagdodota ba siya, oo ang isasagot ko pero hindi niya ito tipo, mas tipo niya ng mga online games. Aba meron din palang hindi nahuhumaling sa DotA. Kaya naman kasi itong pigilan at tamang disiplina sa sarili, walang maidudulot na masama ito.

Pagkakamali



Pakiramdam ko'y merong sa aki'y nakatingin,
Napalingon ako't nagulat sa'king napansin,
Ika'y nakangiti, galing sa malayong bitwin,
'Di inasahang, ika'y magpapakita sa'kin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Matapos kitang masaktan ika'y naririto,
Ang lungkot sa mata mo'y pilit mong tinatago,
Parang dinudurog pa ang tunaw ko ng puso,
'Di inaasahang, ako pala'y iiwan mo.

"Hindi mo na ba ako mahal?"

Ngunit ang iyong pagkawala'y aking pagtamlay,
Ang pagmamahal ko sa iyo'y hindi nahimlay,
Tanging pakiusap ko'y magbalik sa'king buhay,
Iparamdam sa'king muli ang init mong taglay.

"Huwag kang lalapit!"

Mahal kita! Sigaw ng nag-iisa kong puso.
Iwan mo na siya kundi tatalon ako rito!
Araw-araw minamahal, kahit kasal ka na,
Mahalin mo ko ngayon, bukas at sa bukas pa!

"`Yun lang naman ang gusto ko eh. Bakit hindi mo magawa?"

Kasabay ng pagtulo ng ating mga luha,
Pakiramdam ko ako'y nasa alapaap na,
Bago ko maramdaman ang pagbagsak sa lupa,
Boses mo, aking narinig ngunit huli ka na.

"Mahal pa rin kita..."

Saturday, November 24, 2012

Discreet Whisper

As the questionnaire touches my old rusty desk,
My world and my brain starts searching for every sect.
When everyone can't stop stealing and panicing,
There's this unidentified voice I am hearing.

These quite strong words, pushes my faith and inspires me,
Aside from lessons I learned from my family,
The influence of discreet voice touching my ear,
Trying to cast a trusted spell then, I should hear.

When I confuse myself, close to loosing my way,
The voice guided me as I hear what it might say.
I believe this isn't called cheating but a calling;
A calling worth listening, much worth caressing.

As I pass my answers away from this table,
I explore to thank for the whisperer's novel,
Discreet whisper dragged me before I was rotten,
Created great ending on how it was written.

Saturday, November 17, 2012

Everyday in the Rain 16




Joyce's Chapter

Hindi malaman ni Joyce ang gagawin. She has to choose between life of her dad, whispers of her heart or the doubts of her pride. Mabilis natapos ang araw niya dahil na rin sa kakaisip ng pangyayari sa kanyang buhay at sa kanyang pipilliing desisyon. Parang nasa kasalukuyan ka ng strip game, tabla ang labanan at nakapusta ang natitira mong saplot sa katawan. Kapag natalo ka, mahuhubo ka pero kapag nanalo ka mabubusog ang mata mo. Try to connect to her situation kahit mahirap.

Friday, November 16, 2012

Ni-rape Dito, Minolestya Doon


Sandamukal na ang mga artikol tungkol sa virginity, erotic stories, hot poems, balitang rape at mga forums tungkol sa mga nymphomaniac, at usapang virginity na talaga namang kaakit-akit basahin pero naaabsorb ba natin ang gustong sabihin o iparating ng mga author na gumawa ng mga ito? O lalo lamang napapasama slash nagpapababa ng puri ng kababaihan? Dahil sa mga kwentong erotika ay nakakatulong sa init ng mag-asawa pero para sa mga nasosobrahan, baka hindi na maganda ang magagawa ng mga ito.

Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa dahil naiinis na ako sa nangyayari sa mundo. Nakapagtapon na ako ng mesa, nambato na ako ng cellphone at sumuntok ng hindi ko kilala dahil sa mga paulit-ulit na mga balitang ito. Malapit na nga ang December 21, 2012 pero lalo lang gumagawa ng masama ang tao. Masama yata ang epekto ng kinalat na balita ng barkada kong Mayan sa katapusan ng mundo, imbes na maging mabuti. Sana gumawa na lang ng mga bagay na kapaki-pakinabang para paghandaan ang nalalapit na judgment day.

Kaya Lang Single Mom


"Oy!"

"Oy! Paulo, bakit?"

"Penge katext."

`Yan ang madalas na conversation ng dalawang lalake marahil o taong katatapos lang sa isang magulong ugnayan o MU. Halos lahat ng teenager na lalake ay gusto ng ka-fling o ka-flirt. Ako? Ako si Paulo. Naghahanap ako ng future wife ko. In short, naghahanap ako ng girlfriend.

"Meron kaya lang single mom."

Saturday, November 10, 2012

Everyday in the Rain 15


Bahagharing May Lamat

Tinignan ko uli ang mukha ni Princess, baka may kung anong senyas o anumang kilos niya para maging basehan ng sagot ko. Ahh! Wala! Nakatingin lang siya sa'kin. Relax. Inhale. Exhale. Inhale...

"Ano na Victor? Itanan mo 'ko." biglang sabi ni Angelica. Inhale uli. Mali! Exhale muna. Hindi ko na alam ang isasagot. I need more time.

"Ayoko..." bigla kong sagot. "Hindi natin matatakpan ang mali ng isa pang mali." sabi ko. Naalala ko ang sabi ni nanay, gawin ko ang alam kong tama.

Minesweeper




"Hey James, I invited you to play Sim City."

Nakakainis na mga game requests na 'to akala ko nagwall post na si crush sa akin. Mapapamulagat na lang ako ng mata at napasipsip ulit sa tumutulo kong laway kasi hindi pala siya ito. Ang nakakdismaya pa ay hindi naman ako naglalaro ng ni-request nitong babaeng `to.

"Pinilit kong maging bakal ang puso ko.. Hindi ko naman alam, gawa pala sa magnet yang sa'yo. " sabi ng status nitong Abby. Parang na-magnet din ako ng bakal na ito para pumindot sa keyboard at sabihing "Kaya pala, dumidikit din ang puso ko sa'yo."

Saturday, November 03, 2012

Noong Bata Ako 7




Muntik na akong hindi makatulog kagabi dahil sa mga huling kataga ni Ed sa'kin. Wala akong nareply kundi 'sige..gudnyt.' Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko kung nagta-tumbling ba ako o magpapagulong-gulong sa daan. Pilit kong pinakiramdaman ang puso ko kung kaya ko bang tapatan ang pagmamahal na ibibigay niya sa akin. Napangiti ako. Heto ako ngayon, nakahiga sa kama naghihintay ng text galing sa kanya habang nagmumuni-muni at nakikipagtitigan sa butiki sa kisame.

Tumayo ako at tinignan ang sarili sa salamin. "Ok naman ang figure ko at malinis naman ang mukha ko." sabi ko sa sarili at umikot pa ng isang beses sa harap ng salamin. Cute pa rin akong tignan kahit bagong gising, sabi nila ay kahawig ko si LJ Reyes. Napawi ang ngiti ko nang makakita ng imahe sa gilid ng salamin kaya agad ko itong nilingon pero wala naman akong nakita at pagbalik ng mga mata ko sa salamin ay wala na rin ang imahe. Napatigil ako sa pagpapantasya dahil dito at inasikaso na ang pagpasok sa eskwela.

Excited akong pumasok sa eskwela sa umagang iyon dahil natapos na ang katatakutang nangyari sa akin noong mga nakaraang araw. Tinigilan na ako ng babaeng may hiwa pero alam kong hindi ko malilimutan ang mga pangyayaring ito.