Ken and Joyce
Parang kailan lang noong nag-emo ako sa park kung saan ko nakilala ang aking anghel. Ang bilis ng panahon, ang batang kalaro ko noon na hindi ko na gaanong matandaan ay siya pa lang mamahalin ko. Pakiramdam ko napakaespesyal ko sa kanya pero hindi ito ang dahilan kung bakit ko siya minahal. Hindi ko rin inaabuso ang pagiging malapit namin kaya ko siya niligawan. Niligawan ko siya dahil mahal ko siya, wala na akong ibang dahilan, walang gayuma o pang-akit na ginamit sa'kin, sigaw lang ng puso at panaghoy ng damdamin ang tanging nag-udyok sa'kin para magpursige na makasama siya sa buong buhay ko.
Ang saya nga kapag tinatawag niya akong suplado, ayan tuloy lalo akong nang-aasar at nagulat ako nang sinampal niya ako. Hindi pala sa lahat ng oras ay nakakatuwa ang pang-aasar. Dapat nasa perpektong timing rin parang calendar method, dapat sakto ang bilang para hindi makaaksidente. Dapat rin panindigan ang consequence ng pagbibiro, gaya rin ng pakikipag-uhm, kapag napikon mo siya may tendency na magalit siya at magalit sa'yo habambuhay, parang kapag nakabuntis ka dapat prepared ka na panindigan ang magiging anak dahil may tendency na makasira ka ng isang napakasiglang buhay.
Hindi ko malilimutan noong ako ang Superman ng aking Louis at ang maging Knight in Shining Armor ng aking Prinsesa. Nauwi ang napakasamang araw niya sa isang napakagandang panaginip sa tahanan namin. Nagpapasalamat na lamang ako dahil ligtas siya. Nagpagulo ng isip ko noong muntik na kaming maghalikan pero umatras siya, napakagulo ng isipan ko noon magulo pa sa buhok ni Junior.
Kinabukasan naman noon ay buong araw kaming nagkulitan at nagkalakas rin ako ng loob upang umamin sa kanya ng nararamdaman ko.
Ilang buwan ang lumipas (agad?xD ), nakapagtapos ako ng aking pag-aaral. Nagpasya akong ligawan din si Gel, daig ko pa ang bodyguard. Hatid sundo ko siya sa mga buwan na lumipas at naging napakasweet namin, nagpakita na kasi siya ng motibo kaya kailangan na lang ay magpursige. Marami ang napagkakamalan kaming magsyota. "Pare girlfriend mo ba yon?" "Ang ganda pare, hindi kayo bagay." Gusto kong pag-uuntugin ang mga ulo ng mga ito na parang yelo na hinahampas sa pader para malaman nila ang hinahanap nila. Pero kwento ko to kaya hindi ko dapat sirain ang sarili ko sa kwentong ito. Marami kaming mga kilig moments nitong nakaraang buwan. Gusto niyo ng sample?
Gaya noong magkita kami uli, ewan ko ba kung bakit ayaw akong isakay ng mga jeepney dito samin. Isa, dalawang jeep ang dumaan pero hindi ako sinasakay. Nag-umpisang bumuhos ang ulan, hindi na kayo magtataka bakit Everyday in the Rain ang title nito. Basang basa ako pagsakay sa panglimang jeep. Oo, panglima, five as in lima, huwag niyo ng itanong kung bakit at baka mabadtrip lang ako. Pinagdasal ko muna na makasakay si Angel, at ang galing ni God, nakasakay ko nga siya. Kahit basa ako, agad akong tumabi sa kanya, sigurado ako napakaraming reklamo ng katabi nito bukod sa pinausog ko ng pinausog ay nabasa pa siya sa basang sisiw na gaya ko. Kahit araw-araw pa akong basa sa ulan basta lagi ko lamang siyang kasakay sa jeep, basta lagi ko siyang nakikita, masaya na ako. Sino ba naman ang makapagsasabi na ang napakasama ko ng araw ay biglang gaganda sa isang pitik ng bumabang pasahero sa kisame ng jeep, at mas mabilis pa sa pagbusina ng driver sa biglang tumawid na pusa sa daan.
Noong pasko, naicelebrate namin ito sa aming pamilya pero naglaan kami ng panahon para sa amin. Simpleng date lang naman, kumain sa labas at walang sawang window shopping. Mabuti na lang hindi siya kagaya ni Gladys na kung anu-ano ang pinapabili at kinukuha ako sa pakindat-kindat. Nakakainis kasi yung dinadaan ka sa pacute, kasi talagang nadadala ako sa ganon. Sobrang enjoy kami doon sa mundo ni Tom, parang ewan lang parang noon lang nakahawak ng basketball. Nandoong habang shoot ako ng shoot, binabato niya ako ng bola sa ulo. Hindi naman ako napipikon kasi masaya siya, masaya na rin ako. Binawalan ko lang siya kasi baka makatama siya ng walang muwang na bata o magandang dilag, baka maging dahilan pa iyon ng pagkasira ng tuwa niya. Lalo na siguro kapag isang mama ang matamaan niya, at baka ako ang masira, hindi lang ang maganda kong mukha kundi pati ang buhay ko.
Noong bagong taon naman, wala siya dahil celebration ng reunion nila ng family niya. Sasama sana ako para gwardyahan siya pero ayaw niya baka daw tanungin ako kung sino ako at ang isagot ko ay girlfriend niya. Kilala niya na talaga ang kalokohan ko. Sino ba ang makakalimot sa Valentines day? Ganito ang diskarte ko sa kanya noong bagong taon mismo, sinulatan ko siya at iniwan sa bahay niya.
“Alam mo ba kung saan ako masaya?
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado
Sa bawat ngiti at tawa sa iyong mukha,
Kung binibilang mo lang ang iyong mga piso,
Pwede ba kitang mayaya sa araw ng mga puso?”
-Mr.Suplado
Sabi ko sa unang saknong at tinext niya ako, ‘ano nanaman to?’ nagreply ako, ‘pwede ba kitang maging date sa Valentines?-mr.suplado’ Kinakabahan ako sa maaring sagot niya kasi malamang marami na ang nagyaya sa kanya. ‘e kung ayaw ko?’ heto na po, ang lakas na nag kabog ng dibdib ko, naghimatayan ang bulate sa tiyan ko pati ang kuto sa buhok ko. ‘ok lang..sa bahay na lang ako non..:( ’ drama ko, pero totoo yon kapag hindi siya ang date ko. ‘sige..ayusin mo sa 14’ napatalon ako sa reply niya. ‘talaga?payag ka?’ ‘ayaw mo ata eh’ bakit ko pa nga ba itinanong, ‘hindi lang kasi ako makapaniwala’ sabi ko. Gel talaga pinapakaba ako kahit kailan. Sa umaga ng 14, tinext ko siya ng katuglong ng tula ko,
“Alam mo ba kung kailan ang pinakamasayang araw ko?
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado
Yun ay noong araw sa Jolibee na tinulak mo ako,
Ngunit ngayon ito ay mag-iiba,
Sa araw na ito, nararamdaman ko na.”
-Mr.Suplado
‘parang ang saya mo ah?:)’ reply niya. ‘oo naman! wagas nga ang ngiti ko eh oh..:))))))))))’ sagot ko. ‘nakakatawa ka talaga..di ako nagkamali sau..’ reply niya, kinilig ako (konti). ‘akong bahala sayo, mamaya ah?’excited na text ko sa kanya. ‘k.’ haaay, akala ko hahaba pa ang kulitan namin sa text pero tinapos na niya.
“Alam mo ba kung sino ang pinakamamahal ko?
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado
Kilala mo siya at kapangalan mo,
Anghel siya sa lupa na itinadhana sa akin,
Nakangiti siya at titingin sa akin.
Sa harap niya ako’y may dalang bulaklak,
Sa likod ko si Kupido ay tumutulak,
Siya ang aking dugo, na bumubuhay sa aking puso,
Angelica ang kanyang pangalan, at siya ang date ko.”
-Mr.Suplado
Habang binabasa niya ang sulat na iniwan ko sa pinto na nakadikit ng sticky note para makita niya. Inilagay ko ito bago pa ako bumusina gamit ang kotse ni tatay. Nilapitan ko siya at napakaganda niya, hinawakan niya ang buhok ko at inayos, “Nakataas.” sabi niya, si tatay kasi eh lagi na lang niya ginugulo ang buhok ko. Inalalayan ko siya hanggang makasakay ng kotse, dinala ko siya sa Symbianize Resto. Kumain lang kami ng napakamahal na pagkain at umalis na, dahil hindi rito ang date namin. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan, Everyday in the Rain eh. Sakto sa timing dahil doon kami sa park magdedate. Hindi ito masamang alaala sa’kin dito kundi napakagandang alaala, dahil dito kami nagkakilala. Bumili ako ng Magnum este take out sa Jolibee, inayos ko ang tent namin at kumain na. Napaka-unique ng date namin, buti na lang at walang sumita sa amin. Kung nagtataka kayo kung nasaan ang tent noong kumain kami sa labas, nasa kotse ito. Parang naglayas lang kami, napakamemorable talaga ng araw na yon lalo na noong hinalikan ko siya. Ito ang pinakamasarap sa lahat ng nakain ko noong gabing yon. 12midnight na kami umuwi pagtila ng ulan, hindi na sana kami uuwi dahil ayaw namin matapos ang napakasayang araw na iyon.
Gaya rin ng sinabi ko kay tatay, dinalaw ko siya sa company. Nagtaka pa ako sa pintuan sa entrance dahil walang knob, wala rin push or pull sign. Hindi muna ako lumapit at nag-acting na may text pero ang totoo niyan, inobserbahan ko ang kasunod ko kung paano siya papasok. Para akong imbestigador kung makatingin, buti na lang at hindi siya nag-isip ng masama. Tumapat lang siya at bumukas na ang daan, akala ko may sinabi siyang keyword pero wala naman. Sinubukan kong tumapat, wow, bumukas nga. High tech, heat sensor. Wala sa bundok para akong tanga na hindi halata pero pakiramdam ko ang engot ko. "Saan ang opisina ni Angel dito tay?" agad kong tanong pagkakita kay tatay.
"Hindi ka pa nga nauupo si Angel na nga naisip mo? Hindi mo pa nga ako kinomusta eh." wika ni tatay.
"Tay naman. Alam niyo naman eh." sabi ko.
"Oo na." akmang guguluhin niya ang buhok ko pero umiwas ako. "Tay, kailangan gwapo ako." sabi ko naman.
"Edi nililigawan mo na nga? Palakasan dito, gusto mo ilakad kita?" maganda ang offer ni tatay pero gusto ko siyang makilala ako kung ano ang nakikita niya kaysa sa mga pagbubuhat ng bangko ni tatay.
"Wag na tay. Kaya ko na to." sabay thumbsup at kindat.
Naglibot ako ng may ngiti sa labi, kasabay ko sa paglalakad sa aking isipan si Angel. Magkahawak daw ang kamay namin at hinihimas ko ang hiwa ng kanyang kamay, parang napakaperpekto ng isingit ko ang mga daliri ko rito dahil match talaga. Parang binuo ang isang balat sa pagtugma ng kamay namin.
"Sorry miss." agad akong humingi ng paumanhin sa babaeng nabangga ko, nahulog tuloy ang gamit niya at mga papeles. Tinitigan ko ang mukha niya, akala ko si Angelica pero hindi pala. Isang maamong mukha ang aking naaninag sa pagmamasid ko sa kinis ng kanyang pisngi. Nahawakan ko ang kanyang kamay ng hindi sinasadya dahilan para bawiin ko agad ang aking kamay.
"Pasensya na ho. Salamat sa pagtulong." sabi nito. Napakamasayahin niya, akala ko ay si Angel lang ang maganda sa kumpanyang ito ayon sa description ni papa.
"Ah, ako nga dapat ang magsorry kasi lumilipad ang paningin ko sa kalawakan ng dagat. Pero heto pala, may napakagandang iceberg pala sa harapan ko at nabangga ko." sabi ko, lumabas nanaman ang pagkamisteryoso ko.
"Ehe. Ang lalim mo naman magsalita. May hinahanap po ba kayo sir?"
"Sir daw, mukha na ba akong matanda? Victor pangalan ko, teka matanda pala talaga ako dahil sa pangalan ko." napapatawa ko siya pero parang maaliwalas talaga ang kanyang mukha, parang laging nakangiti gaya ni Spongebob.
"Patawa kayo Sir Victor."
"Ikaw, ano bang pangalan mo?"
"Joyce po." ngiti pa niya sa'kin. Bagay din sa kanya ang pangalan niya gaya ni Angelica. Parang mga Smurfs na kinukuha sa ugali ang pangalan.
"Wag mo nga akong pinopo at lalo akong tumatanda. Teka alam mo ba kung nasaan si Angelica? Kilala mo ba siya?" tanong ko sa kanya.
"Ah. Diretso lang po kayo, tapos doon sa dulo, doon ang opisina niya." paliwanag ni Joyce.
"Edi kapag nabangga ako, dun na yun?" biro ko uli.
"Wag naman ho, ay, wag ka namang magpabangga. Sige una na ako. Nice meeting you Victor." sabi niya at tumakbo na agad paalis. Busy ang mga tao dito.
Sumilip ako at may nakita akong gwapong lalake na parang dumidiskarte sa isang babae. Mali ito, nagagwapuhan ako sa kanya, ang napakagandang dilag ay si Angelica. Nakatitig lang ako sa kanya, naging blurred nanaman ang background at parang slowmo nanaman ang paningin ko. Kumakamot siya ng ulo, parang naiirita sa gwapong lalake, malamang ay binobola siya nito, wala namang makakatalo sa pambobola ko kay Angelica. Napatingin siya sa'kin at nakititig rin, parang nagulat ng konti dahilan para mapatingin rin ang lalake. Nagulat ako nang lumapit ito at parang nataranta si Angelica.
"What are you looking at? May kailangan ka ba?" sabi ng maangas na lalakeng pumoporma kay Angelica.
"Gusto ko sanang kausapin si Angelica." sabi ko ng mahinahon dahil hindi ko 'to teritoryo at ayoko ng gulo, medyo nakakapikon kasi siya umasta.
"Anong kailangan mo sa girlfriend ko? And why are you staring at her like that? Huh?!" nagulat ako sa pinagsasabi nito.
"Victor, mamaya na tayo mag-usap. Itetext na lang kita ha? Please?" pakiusap ni Angel. Pasalamat tong poging to inaawat ako ni Angel kung hindi naku! Pupulutin siya sa kangkungan.
Malamang eto yung ex niya na umaastang bf pa rin. Kaya pala nanggugulo sabi ni tatay, "Ok, mamaya na tayo mag-usap Gel." Tumingin ako sa lalake at, "Pare, may the best man win. Liniligawan ko yan eh. At kapag nakita kong hindi niya gusto ang ginagawa mo, humanda ka." sabi ko. Ewan ko ba bakit napakatapang ko non, alam ko namang hindi ko siya kaya.
"You're the bravest bro. Tignan natin." lagot! Pinatulan niya ang pananakot ko. Inirapan ko na lang siya at pumunta sa canteen ng company. Nagtext ang anghel ko, 'pasensya ka na kay Ken, hindi ko sya bf..feeling lang to..haha, wr ka nyan?' sabi niya. 'nsa canteen nyo..hihintayin kita..'
"Hey, Mr. Victor. Hinihintay mo si Angel?" nagulat ako kay Joyce, muntik ko ng maitapon ang bulok kong cp sa sabaw na dala niya sa tray.
“Oo.” matipid na sabi ko.
“Pwede bang makijoin sa mesa?” sabi niya at tumabi sa akin.
“Sige.” sabi ko. “Hindi ka ba nahihiya sa’kin, kumakain ka ako hindi?” pahabol ko.
“Ay Victor talaga. Bili ka po.” akala ko madadala ko siya sa drama ko.
“Hindi na sige. Nagbibiro lang ako.” sabi ko. Pero hinampas niya ako sa balikat. Ang babae talaga, akala ba nila hindi masakit yun.
Hindi na siya nakakain mabuti dahil sa kakatawa. Ang dali niyang patawanin, hindi naman mabenta dati ang mga jokes at banat ko pero sa kanya, mabenta talaga, marami nga akong kinita ngayon eh. Nasira ang momentum ko sa pagbibiro noong dumaan yung gwapong lalakeng si Ken, syet, natulala ako. “Kilala mo yun?” sabi ko kay Joyce sabay nguso kay Ken. Nakita niya akong tumingin, parang papatay siya sa tingin niya sa’kin.
“Ah si sir Ken po, boyfriend po ata ni mam Angelica yan.” napintig ang tenga ko sa narinig pero mas pinaniniwalaan ko si Angel ko at ang tatay ko. Hindi naman siguro sila magsisinungaling sa akin, malamang sa akin lang niya nasasabi ang katotohanan at walang gaanong nalalaman ang mga katrabaho nila.
“Ah. Akala ko single siya. Crush ko siya eh.” biro ko kay Joyce at muntik pa siyang mabulunan o mabuga ang kinakain sa gulat sa biro ko.
“Vic naman eh. Kumakain pa naman ako, muntik ng masira ang poise ko sa’yo.” sakto namang sumilip si Angel sa pintuan habang nagtatawanan kami.
itutuloy...
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.