Friday, March 30, 2012

Munting Mensahe

Mga huni ng ibon ang gumising sa umaga,
Araw ng pinakahihintay ng iyong ama't ina,
Halina't isukat ang mga toga,
Iyong pagtatapos, nalalapit na.

Ilang taon rin ang nakalipas,
Noong ang eroplanong papel ay lumampas,
Sa iyong guro ika'y nahampas,
Sa pagbato ng chalk, ika'y nakaiwas.

Pahingi ng papel, pahiram ng bolpen,
Tara maglibot tayo doon sa amin,
Mga linyang hindi malilimutan,
Sa wakas, iyo ng iiwan.

Pamasahe sa jeep nagtataas,
Ang diskwento mo ay nagwawakas,
Mag-uumpisang maghanap ng trabaho,
Ngayon magsisimula ang buhay mo.

Maglalakad ng may ngiti sa labi,
Kahit may bahid pa ng spaghetti,
Itong araw ng iyong pagtatapos,
Pagpalain nawa ang mga araw pagkatapos.

Congratulations..

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.