Monday, July 29, 2013

Umuuga Ang Kama Last Chapter

Epilogue

Gulat ang maraming tao nang makita si Anjo sa wheel chair suot ang barong sa gitna ng simbahan. Ang concept ng kasal ay surprise, ang groom ay maghihintay agad sa simbahan bago pa dumating ang lahat. Hindi man lang nila malapitan si Anjo upang tanungin, maging ang mga magulang niya ay hindi na rin lumapit. Kita naman kasi sa mga mata ni Anjo ang saya, ligaya at kagalakan.

Unti-unti nang napupuno ang simbahan at malapit na ring mag-umpisa ang kasal.


~

Ilang linggo rin ang lumipas matapos matahimik ang lahat. Itinakbo silang dalawa ng isang ambulansya mula sa bahay nina Benjie at pilit nagrekober si Anjo habang si Arianne ay nawalan ng malay ng higit sa isang araw.

"Nakapag-usap kami ng sandali ni Marielle." wika ni Arianne habang nakangiti.

"Ano'ng sabi niya?"

"Gusto lang raw niyang malaman mo ang nararamdaman niya."

"Gano'n." Anjo felt really guilty. Buong buhay ng isang babae ay sa kanya umiikot ng hindi man lang niya nalalaman.

"Ang itanong mo kung ano ang sinabi ko sa kanya." singit ni Arianne.

"Ok. Ano ba ang sinabi mo sa kanya?"

Gumalaw ang mga labi ni Arianne pero walang boses. Ngumiti siya at pati si Anjo. Hinawakan ni Anjo ang kamay ni Arianne at hinalikan.

"Mahal na mahal rin kita." sagot ni Anjo. Love is in the hospital. Love is in the air.

"Pero tinanong niya ako ng napakahirap na tanong." sabi uli ni Arianne habang nakatitig sa mga mata ni Anjo. Ang mga titig nila ay parang garden ng bulaklak, napakatingkad at nakakaakit. Nakakarelax at nakaka-inlove. Sweet and caring. Parang lahat ng dapat iparamdam na pagmamahal ay naipaparamdam nila sa isa't-isa sa pamamagitan lamang ng mga titig na iyon.

"Ano naman 'yun?"

"Ano raw ba ang pag-ibig?"

Walang sagot ang dalawa kundi isang napakatamis na halik. Matamis na parang lahat ng pangungulila at pagsubok na dinaanan nila ay magagamot nito. It's just so perfect. I just can't describe it. I just can't.

~

Pagtunog ng dambana ay yun din ang paglabas ni Arianne mula sa bridal car. Diretso ang tingin niya sa mga mata ng kasintahan, o mas tama na tawaging asawa? Kahit na malayo pa lamang ay walang multo o kaluluwa na nakaharang sa kanilang mga titig. Mga titig na kagaya ng araw-araw nilang pagpaparamdam ng puso ng bawat isa sa kanila.

Mabagal na naglakad si Arianne sa pulang karpet kagaya ng karpet sa bahay nila Marielle at Benjie. Kasabay ng tugtog ang bawat hakbang ni Arianne na parang sinusulit ang mga oras ng araw na ito. Ngunit sa ayaw at sa gusto nila, ang araw na ito ay matatapos rin at ang kinabukasan ay panibagong pahina ng libro. Ang sususnod na pahina ng kanilang libro ay ang buhay nila magkasama, mag-asawa, habambuhay.

"Pretty." single word na nasabi ni Anjo nang makita si Arianne sa kanyang harapan.

"Sabi ko na nga ba mauubusan ka ng salita ngayong kasal natin eh." sabi ni Arianne sabay kapit sa braso ni Anjo. Palakpakan ang mga tao, halatang excited ang lahat.

"Love is pretty." sabi ni Anjo habang nakaharap sa altar at nakangiti. Nilingon siya ni Arianne na namumuo ang luha sa mga mata. "Tinanong mo ako kung ano nga ba ang pag-ibig?"

".." tumango lamang si Arianne.

"Ang pag-ibig ay napakaganda. Napakagandang pakiramdam, napakagandang tanawin, napakagandang pangyayari, at napakagandang karanasan. Kagaya mo, napakaganda." gusto ng hampasin ni Arianne si Anjo sa sobrang kilig na nararamdaman.

"Love is unconditional, kahit kamatayan hindi tayo napaghiwalay. Love is blind, noong mga oras na boses mo lang ang naririnig ko, pag-ibig ang naging mata ko patungo sa'yo. Love is sacrifice, ihaharang ko ang buhay ko para lang mailigtas ka. Love is-" pinigilan na ni Arianne si Anjo dahil baka maihi siya sa sobrang kilig at baka hindi na sila makapagsimula pa ng seremonya.

Ang mga katagang hinihintay na lamang ng mga tao ay ang pagsang-ayon ng dalawa. Ang mahiwagang mga salita na makakapagpaisa sa dalawang taong nagmamahalan.

"Yes Father." 

"Yes."

~

Sa loob ng kwarto ay umuuga ang kama sa sobrang bilis at lakas ng ritmo ng mag-asawa. Wala ng alangan pa ang dalawa sa lahat ng kanilang ginagawa. Hindi na nila kailangan pang mag-ingat pa dahil sasadyain na nilang bumuo ng pamilya. Hindi na rin sila kinakabahan na baka umuga muli mag-isa ang kama nila. Ilang buwan rin ang lumipas mula noong hindi na sila ginambala pa ni Marielle, sinulit nila itong panahon na ito para makapagpahinga at makapaghanda sa araw na ito, ang kanilang kasal. Impit na hiyaw pa rin ang pumupuno sa kwarto at tunog ng nagsasalpukang laman.

"Pretty..." sabi ni Anjo habang nakaibabaw sa kanya si Arianne at hawak ang kanyang buhok. Kahit na madilim ay maliwanag pa rin sa kanilang mga puso ang kanilang ginagawa. Kita ni Anjo kung paano kumilos si Arianne at kung paano siya umindayog sa kanyang katawan.

"Pahinga muna." wika ni Anjo at pumunta ng CR.

Naaalala ni Arianne noong una nilang ginawa ito dito rin sa kamang ito. Kung ano ang pakiramdam, ang sensasyon nito at ang ligayang hatid nito. Mas masarap pa ngayon dahil sa malaya sila sa kanilang ginagawa at walang pumipigil. Mas tama rin ito pero bigla niyang naalala ang kusang pag-uga ng kanyang kama noon. Ang dampi ng malamig na bagay sa kanyang kamay. Pati ang haplos sa kanyang mga paa.

Maya-maya pa ay pakiramadam niya ay umuuga ang kama. Lumilindol? Hindi. Nakikiramdam siya. Hindi tumitigil ang pag-uga kundi lumalakas pa lalo. Nagpanic na siya at bumangon. "Aaaaaaaaaaahhhh!!!" sigaw niya nang makita ang mukha ni Anjo na hawak ang dulo ng kama at inuuga ito.

"I hate you! I hate you!" hampas nito sa dibdib ni Anjo.

"Don't be scared. I'm right here, always. Right by your side, forever." sabi ni Anjo sa malambing na tono. Muling naglapat ang mga labi nila and nothing can break their vows, even earthquakes, nor ghosts, niether death.


~enD

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.