Saturday, February 23, 2013

Si Jimbo



Isang maulan na gabi nang makauwi si Zaida galing sa trabaho, hinihintay siya ng asawa nyang si Victor,"Nabasa ka ata sa ulan..
Mabuti pa maligo ka muna at baka magkasakit ka." pag-aalalang sabi ni Victor sa asawa."Sige. Si Jimmy?" sabi ni Zaida. Halatang pagod ito galing trabaho pero ang anak ang hinanap."Tulog sya. Wag ka mag-alala napalitan ko na ang diaper niya at napainom ko na ng gatas." sabi ni Victor.

Friday, February 22, 2013

Umuuga Ang Kama 10




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 10

Ang chapter na ito ay patama sa mga hindi tama ang ginagawa. Mga pulitikong matataas ang bakod, mga pulis na walang kwenta at mga adik na naliligaw ng landas. Malayo pa ang eleksyon may mga pulitiko ng hindi sumusunod sa batas. Ito lang naman ang nakikita ng tao eh. Ang kurapsyon ay hindi namin nakikita pero nararamdaman. Kayo kayo lang ang nakakaalam ng mga baho niyo kaya bakit hindi natin subukan isalang sa fliptopan ang mga pulitiko? Senator Loonie & Congressman Abra vs. President Smugglas & Senator Sheyee. Sino ang bakla? Sino ang kurap? Sino ang mabaho at sino ang tanga? Sino ang may kuliling at sino ang puro lang nunal? Sino ang boto niyong mananalo?

Monday, February 11, 2013

Dapat Tama






Ang tanong sino ang may kakayahan at makakapagsabi,
Kung alin ang totoong puso sa hindi,
Hindi lahat nakapag-aral at nakakaintindi,
Nauuto sa salita at natatakot sa baril!

Ilang beses nangako't ilang beses napako,
Ba't `di natin subukan tumulong at umako,

Sa bigat na matagal na nating pasan,
`Pag tayo'y nagsama-sama lahat malalampasan.


Lahat ay nakakatulong, pero sino'ng hindi makasarili,
Sino ang `di nilalaro ang iba at nilalansi?
Sino ang inspirado sa lahat ng nangyayari?
Sino ang nanloloko at sino ang hindi?

Dapat ba matalino pero tiwali o
Mapagkakatiwalaan pero bobo?
Puso ba niya'y maglilingkod ng buo,
Baka naman sikat lang siya at napakagwapo.


Hindi lang dapat ito basta narinig,
Na parang naligo ka lamang ng tubig,
Dapat isapuso at intindihin,

Dapat tama, dapat busisiin.


Mahal ba nila ang bayan gaya ni Gloc?
Baka may nakatago sa bulsa ng kanilang slack?
Sino ang may pagmamahal sa kapwa Pilipino?

Sino ang may lakas loob, itama ang dating napako!

Kasama ka sa pagbabagong muli,
`Di lang naman dudumi ang iyong daliri,
O pipila sa masikip na presinto,
 Dahil ikaw ay makapangyarihan kapag kumibo.

Saturday, February 09, 2013

Umuuga Ang Kama 9




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 9

Maraming tao ang nakakaranas ng near death situation at kung anu-ano ang nakikita nila. Ang iba ay nakakakita ng liwanag, isang puting liwanag na parang isang bituin na nag-aanyayang lapitan ito. May nakakakita ng isang spiral na daan mula sa isang napakadilim na kwarto. Ang iba ang lumulutang at nakikita ang iba't-ibang sitwasyon sa iba't-ibang parte ng mundo, madalas ay mga pamilya nila at mga mahal sa buhay. Habang sa Ice Age naman ay isang malaking acorn ang nakita ng isang squirrel o tinatawag na Scrat sa isang malaking gate na puno ng ulap.

Sabi nila ay ito ang purgatoryo, ang iba ay piece of heaven daw ang nakita nila pero isa lang ang alam ko; kailangan kong gumawa ng mabuti rito sa earth.

Junior and Senior's Creepy Night




It was dark and stormy night of the Junior and Senior's Promenade Night and many of us, especially juniors, were excited to dance with our senior crushes. Even though we were not friends with Mayweather, the weather was just not friendly with us. Imagine of a romantic place with flowers, candles and the students with their most sexy and elegant outfit matches with the slow ballad songs playing, whispering in your ear. But suddenly, the thunder's whispers with lightning flashes making us all stunned a bit, it made my mood swing. Surely your heart will run out of your ribs when you see Abby in her black glittery gown while making a glamorous walk in this resto bar. I just can't take my eyes off of her and I promised myself that I will be her first and last dance, and wished selfishly that I would only be the one who'll dance with her all night.

Saturday, February 02, 2013

Go or Not



pouring raindrops stop me from walking,
waves of cold wind leaves me shivering,
lightning strikes my eyes making me blind,
and thunder shouts somewhere I can't find.

i'm really confused if I'll go or not,
releasing my sorrow tied in a knot,
like a dog barking wanting to escape,
soon will make me wild and a scary ape.

finally, I have decided what should I do,
pulling my coat right now, I need to be with you.
wipe up your tears and anger you want to set free,
I can't let you cry, if the unrighteous one is me.

Umuuga Ang Kama 8




Ang maikling nobelang inyong mababasa ay naglalaman ng mga salitang sekswal, horror at mga tagpong hindi angkop sa mga batang magbabasa. Striktong patnubay ng magulang ang kailangan (kung marunong sila magfacebook ay kailangan niyo muna silang turuan at ipalike ang page na ito). Sana'y ang positive thoughts ang makuha niyo sa akdang ito at hindi ang mga hindi na dapat ginagaya pa. Ang mga pangalan, lugar o ang mismong kwento ay kathang-isip lamang, kung may pagkakapareho sa inyo o sa storyang ito ay hindi sinasadya. Salamat po sa magbabasa.

Chapter 8

Nagsinungaling ka na ba? Ay mali, dapat pala ang tanong ay anong mga bagay na ang madalas na kasinungalingan sa'yo? Walang taong hindi nagsisinungaling, alam nating bawal pero ang mga pagsubok dito sa mundo ay kailangang magsinungaling para sa ikabubuti rin natin. Ang pinakamabenta kong kasinugalingan ay noong highschool, na sagot sa tanong na "Bakit ginabi ka?"; "May project po kasing ginawa." Mababaw na dahilan para gumawa ng kasalanan pero dahil ayaw kong mapagalitan ay nakakapagsinungaling ako. Saka kapag kailangan ng pera tapos project nanaman ang ituturong salarin ng bayaran, yun pala sa internet cafe lang napupunta ang hininging pera. Madalas akong nakokonsensya kapag ang dahilan ng aking pagsisinungaling ay ang pera. Pera, pera, pera! Kung pwede lang sanang hindi isipin ang pera, gagawin ko pero mahirap dahil ito ang ugat ng ating ikabubuhay; pati ng kasalanan. Yung feeling na binigyan ka na ng pera pero sasabihin nila na hindi basta-basta pinupulot ito, awkward yun.