Saan ka nakatira? Sa puso mo. Yun eh. Uso ang mga banat, o pick up lines. Pero nakakainis. I'm so weak!
I have this girlfriend who seduces me. Oo, she seduces me. Lagi siyang nagyayaya sa bahay namin kung kailan wala akong kasama, maliban na lang kung may kasama pala akong mumu, creepy. She always wear stuffs which are fitted in her. I can see her great future wanting to explode anytime from her bra. Pero wala akong ginagawa, umiiwas lang ako sa tukso, tukso na gusto ko namang mangyari. Parang kapag nanood ka ng horror, pumipikit lang pero nanginginig ang pilikmata dahil nakabukas ng kaunti ang mata, tinatakpan mo rin ang mata mo ng kamay, pero may siwang parin para sumilip. At pagkatapos ng horror scene na yun naman dapat ang pinapanood, itatanong mo kung tapos na. Wag mo na lang kayang panoorin. Tapos, she talks dirty with me and that turns me on. Sabi niya "Dirty." Joke lang. Kung hindi niyo nagets slow kayo. Pero iniiwas ko lang ang usapan, iniiba, inililihis sa tamang daan ni P.Noy. Ewan ko lang kung tama nga ba. Para sa isang lalake, I'm so weak.
Noong first month namin, masaya na ako mahawakan ko lang ang kamay niya. Noong three months na kami, nahalikan ko na siya. Parang mas tamang sabihin na, hinalikan nya na ako. Sobrang saya ko na noon, pero ayon sa kwentong tambay, 'masarap daw pag sa kama'. Alam ko ang ibig sabihin nito, gusto kong maexperience pero bakit wala akong ginagawa? I'm so weak!
May nakapagsabi na, 'weak daw ako'. Aminado ako doon kasi napagtanto ko na sa edad kong 20 ay bihira na ang virgin na katulad ko. Naisip ko na napag-iiwanan na ako ng panahon, para akong plastik na matagal ng nabaon sa lupa pero hindi pa nabubulok sa panahon ng mga robot. Kumbaga sa kanta, laos na ako. Hindi na uso. Pero hindi ba bawal makipagtalik kay Maria Osawa este sa hindi mo pa asawa? Babae lang ba ang kailangang alagaan ang virginity? Weak na kung weak pero alam kong mali.
Naghiwalay kami ni gf noong 6months na kami, wala kasing nangyari dahil sa pagka-weak kong ito. Boring akong bf, walang thrill. Malamang naagawan ako ng isang gwapo. Sabi nga ng iba, hindi lahat nakukuha sa ligaw, madalas sa agaw. Meron ding nakukuha sa lugaw, minsan sa ihaw. Si gf nakuha sa hiyaw. Matitigang lang siya sakin, hindi ko man lang magawang halikan ang gf, grabe, I'm so weak.
Saan ka nakatira? Sa puso mo. Yan ang usong sagot ng mga kabataan ngayon. Ako pinalayas na niya sa puso niya. Hindi ko tuloy malaman kung saan ako titira ngayon. Makakahanap ba ako ng bagong tirahan? Ok lang sakin maging single basta may internet connection. Bitter ba ako? Hindi naman, naghahanap lang ako ng bagong matitirahan. Napansin ko lang kapag bad trip ako laging may sumusulpot na magandang dilag na handang baguhin ang mood ko. Alam ata ni God kung ano ang kaligayahan ko. Sabi sa panaginip ko, 'Bad news is just good news in disguise'. Sa tagalog, 'Masamang balita ay lamang mabuting balita sa magkaila.' -translate google. Isa pa itong weak.
Masarap ang bawal ika nga rito sa 'Pinas. "Kita tayo ngayon?" sabi ng katabi ko sa bus. May binulong siya, "Check in tayo. One hour lang." naku. Narinig ko yon. Nasa edad 40 na itong feeling gwapong lalake, malamang may asawa ito pero bakit may kacheck in pa? Pakiramdam ba ng lalake kapag may kalaguyo siya, gwapo siya? Eh mukha namang tae tong matanda na to eh. Lalake ka na no'n kahit mukha kang buhangin? Kung may pagkukulang ang partner mo, tama bang punan mo yon ng isa pang mali? Parang pinunan mo ng wig ang panot mong noo. Ayoko manermon kasi hindi naman ako pari, hindi rin ako ang magulang niyo pero alam ko tama ito. Weak nga lang ako.
I met a lovely girl, maganda siya kaya napukaw niya ang atensyon ko at napatigil ako sa pagkurap buti na lang hindi kasamang tumigil ang aking paghinga. Kinausap ko siya, sabi niya panget daw ang pangalan niya kaya ayaw niyang sabihin. "Good morning Panget." bulong ng isip ko. I felt rejected, but "Leonor..." bulong niya. Hindi nga niya kasing ganda ang pangalan niya, hehe. "Good name, wag mo ikahiya ang pangalan mo, isa yan sa pamana sayo ng magulang mo." sabi ko sa kanya. Medyo nahiya tuloy siya. Napatunayan ko na hindi ako ganoon kahina sa babae. Nagkaroon ako ng girlfriend, maybe I just feel insecure. Hindi naman kasi ako kagwapuhan para habulin ng chicks. Hindi rin ako maskulado para makaattract ng chicks. Hindi rin ako kalbo, madalas kasing makita ko na kasama ng chicks ay mga kalbo. Parang ang lakas ng dating, gusto ko sana pakalbo pero hindi ko bagay. Lalong wala akong kotse na maipagmayabang na bubusina sa tapat ng iyong bahay kapag may date. Ang meron lang ako ay respeto sa babae. Respeto na mararamdaman niya ang sarap ng aking pagmamahal, at mararanasan niya ang maging prinsesa ng sarili niyang kaharian. Weak nga ba ako?
"I'm hungry." sabi niya. "Oh I thought you're Leonor. Hi Hungry." pilosopong sabi ko. Tawa siya ng tawa hanggang mautot. Ako naman ang tumawa ng tumawa. "Gusto mo mag7/11?" tanong ko. Pumayag naman siya, ayun kwentuhan kami hanggang umalis na siya. Napasapo ako ng noo nang maalala kung ano ang nakalimutan kong itanong sa kanya. Guess what? Hindi yung pangalan ng aso niya, hindi rin yung color ng panty niya at lalong hindi yung vital statistics niya. Yung contact number niya! Sa lahat ba naman ng makakalimutan yun pa? I'm so weak talaga.
Thru text or thru online na nga lang malakas ang loob ko, hindi ko pa nakuha ang pinakaaasam na numero nya, kahit email address lang. Sana magkita kami uli para naman mapatunayan ko na hindi ako weak. Malas ko lang kung magkita kami sa isang bus o jeepney tapos pagkakita ko sa kanya, yun namang baba niya. Sana keyboard na lang siya para magkadikit lagi ang U at I. Pwede rin siyang maging saranggola para kahit malayo na siya, hindi ko pa rin siya bibitawan. Sana masabi ko rin sa harap ng babae ito, hindi naman ako weak eh para masabi ko na kung saan ako nakatira, kundi sa puso niya.
Who can help me boost my confidence and prevent me from being weak?
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.