Bakit, bakit, bakit?
Kapalarang napakapait,
Dahil sa mga mababait,
Madaming buhay ang kapalit.
Aray, aray, aray!
Rumaragasang tubig ako'y natangay,
Troso'y nakadagan sa aking kamay,
Kotse ang dumagan sa 'king buhay.
Bwisit, bwisit, bwisit!
Pagkain puro biscuit,
Damit ko'y walang kapalit,
Sa pamilya ko'y nawaglit.
Sendong, sendong, sendong.
Juan may humihingi ng tulong,
Boses ng kapatid at kabarkada,
Pagmamahal ng kapuso at kapamilya.
Bagong taon, bagong simula,
Second collection sa misa,
Lumang damit idonate sa iba,
Simpleng bayanihan para sa kapwa.
Magsimula tayong magkaisa,
Muslim kayo, Kristyano sila,
Luzon, Visayas at Mindanao,
Pilipino tayo, ako at ikaw.
Makakaya mo bang panoorin lamang?
Matitiis mo bang hindi lumuha at mahabag?
May magagawa ka,
Ipagdasal ang kalagayan nila.
Hindi pa ako nagtatrabaho,
O makapagbigay ng singko,
Kahit man lang sa tulang ito,
Maipahayag ko ang nadarama ko.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.