Friday, December 02, 2011

KSP

Kulang sa pansin,
Malungkot na damdamin,
Bumabalot sa akin.

Parang 'di nakita,
Ni pagbati, wala,
Parang walang naalala.

Pumasok sa eskwela,
'Di ako kilala,
Dahil sa sulok ako'y mag-isa.

Daan sa cafè,
'Di para magkape,
Kundi maglaro si Pepe.

Tatambay sa isang tabi,
Para magpagabi,
Nang walang sabi-sabi.

Uwi mag-isa,
Matutulog na sana,
May sorpresa pala,

Kaklase at kaibigan,
Pamilya, mga pinsan,
Kumpleto sila sa aking kaarawan.

Gabing napakasaya,
Lungkot napawi na,
Araw ko, kumpleto na.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.