Part 1
“Shane! Kain na, iwan mo muna yang computer at mkapaghapunan ka na.!” sigaw ng ina ni Shane na si Cely.
“Andyan na Nay..” sagot niya. “Kainis naman eh, kachat ko pa si John..” pabulong na sabi nya sa sarili.
Nagtype sya sa chatbox, “kain muna daw ako..dyan ka lang.” tapos pabagsak na pindot ng Enter key sa keyboard.
Pagdating sa mesa, “Naku, ikaw babae ka. Huwag mo nga uunahin yang pagcocomputer mo at kumain ka muna!” sermon ni Cely sa anak.
“Nay naman eh, may kachat pa ako eh..kausap ganon..” pageexplain nya.
“Aba kahit ano pa yang chat chat na yan, wla akong alam sa computer! Sino ba yang kausap mo na yan?” tanong ni Cely.
“Si John po, friend ko sa Facebook.” sagot nito sa ina.
“Facebook?” takang tanong ni Cely na wala talagang alam sa computer. “Kahit ano pa yun, kumain ka muna!”
Si John ay friend ni Shane sa Facebook, inadd lang ni John si Shane pero di sila magkakilala. Palaging nagcocomment si John sa mga pictures ni Shane, sinasagot naman ito ni Shane. Kaya nagkalapit ang loob nila.
>
“Pare kain muna daw sya.” sabi ni John sa mga barkada.
“Pare, may nabola ka nanaman ata.” sabi ni Patrick sabay tapik sa batok nito.
“Oo nga pare, share your blessings. Ang ganda nyang si Shane.” singit naman ni Dave.
“Wag kayo mag-alala mga tol. Paaamuhin muna natin ang pusa.” habang nakatingin sa laptop nito at inopen ang picture ni Shane na nkashort at malaking t-shirt.
“Pare una na kame.” paalam ng barkada.
“Sige. Balik kayo bukas.” alam na ng magbabarkada ang balak ni John.
»
“John, still there?” pgchat ni Shane. 10pm na ng gabi nung oras na yun.
“Yeah. Still here.” dumating na message galing kay John.
“Ikaw did u eat nba?” send kay John.
“Yep. Yummy.” sagot ni John.
Inabot sila ng 1am magkachat. Kung ano anong usapan nila.
“Ahm. John, di kpa antok?” sbi ni Shane.
“No. Pag kausap kita hindi ako inaabutan ng antok..” sent.pambobola ni John.
“Tlga?” sagot ni Shane na napangiti.
“Oo nman. Alam mo b, inadd kta kc npakaganda mo. And now, parang nahuhulog na ang loob ko sau.” pagsend uli ni John.
“Bolero!” send ni Shane. Kasama ang smiley.
“No. Masaya ako kausap ka, ang bait bait mo. Can I get your number?” nkangisi si John nang isend ang msg.
Hindi na nag-isip pa si Shane dahil masaya din sya kausap ito. Wala namang masama kung ibibigay nya number nya.
“tnx.” reply ni John ng makuha ang number ni Shane.
Habang nagttype si Shane ng isasagot, biglang umihip ang malamig na hangin. Mahina pero nkakapangilabot. Ng tumingin sya sa bintana may isang babae na malungkot ang mukha na parang nagtatanong ng bakit. Napakadaming galos ng katawan nito.
“Still there?” napatingin sya sa computer ng pumasok ang msg ni John. Pagtingin nya uli sa bintana, wala na ang babae.
“tulog na ako.” sabi nalang ni Shane. At naglogout na. Pagkapatay ng pc nahiga agad sya sa kama at ngtakip ng kumot. Pumikit sya,pilit nyang iniba ang iniisip.
Picture ni John ang kanyang naisip. Nawala sa isip nya ang takot. Maya-maya ay nakatulog na sya.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.