Thursday, July 14, 2011

The Girl From Cyber World 5

Part 5

“Good morning world!” masiglang gising ni Shane. Di na nya inabutan ang ina na katabi nyang natulog dahil agad itong tumayo para magluto ng almusal nila.

Tinext ni Shane si John, “mgndang umaga..”

Maya-maya tumayo na siya nang mainip. Tumitig ito sa salamin, “Ang ganda ko.” habang sinusuklay ang buhok. Araw-araw nyang ginagawa ito pwera lang kapag nagmamadali sya.



Napasarap ang tulog ni John, hihilik hilik pa ito. Napakainit na ng araw di parin sya gising. Naramdaman nyang pawis ang likod nya, nakapikit parin ito akmang magpapatagilid sya. Nahulog sa kama ang loko.

“Aray!” nagpagising sa kanya ang pagkahulog nito. Tinignan nya ang wall clock, 8:03am.

Kinusot niya ang mata nang tumunog ang phone nya. “gndang umaga.” from s3xy.

Umupo si John sa kama at nagreply, “ms mganda kpa sa umaga.”

“che! simba tayo?”reply ni Shane.

“msu2nog ako..” reply ni John. Nagmadali ito maligo at magbihis. Kahit sinabi nya ito ay sasamahan nya si Shane. 9am ang last mass kaya mahahabol pa nila ito.

“cge na..” s3xy

“cge n nga..xD” John.

» 

“Kung buhay lang…” ito ang dinatnang usapan ni Shane sa mga magulang. Tinignan siya ng mga ito. Si Cely ay pumunta sa kusina, naiwan ang asawa.

“Sino po ang buhay pa sana Dad?” tanong ni Shane.

“Ahh.. Si.. Yung mga anak ni Bruno. Sana may mga tuta tayo.” sagot ni Berto.

“Oo nga po eh. Sya nga pala, sisimba ako ng 9 dad.” paalam ni Shane.

“Ingat ka anak.” pabuntong hininga ni Berto.

Bumalik si Cely na may dalang ulam, CDO Meat Loaf. “Kain na!” sabay-sabay nilang sabi. Sabay tawanan sila.

“Salamat po sa pagkain Lord.” ani Cely.

Pagkatapos makapagpahinga, pumunta na ng simbahan si Shane. Dinatnan na nya doon sa labas si John, hinahanap sya.

Sinundan nya ito sa likod, maya-maya ay naabutan na nya ito at tinakpan ang mga mata. “Sino ako?ehe”

“Shane!” ani John. Nagtaka sya dahil napakalamig ng kamay nito. Hinawakan nya ang kamay nito para alisin sa kanyang mata, nakahawak sya ng parang basa na malapot. Para bang dugo.

Binitiwan nya ang kamay ni Shane at lumingon, ibang Shane ang nakita nya. Galit ang itsura nito at nanlilisik ang tingin.

Nagulat sya at pagkurap nya, isang masayahing Shane ang nakita.

“Bakit parang nakakita ka ng multo dyan?” pang-aasar na tanong ni Shane.

Tinignan ni John ang mga kamay ni Shane pati ang kamay nya. Wala namang bakas ng likido sa mga ito. “Aah.. Ehh.. Wala. Tara pasok na tayo.” aya ni John.

»> 

Matapos ang misa, “Mano po.haha” biro ni John. Sabay hawak ng kamay nito. Hinalikan nito ang kamay ni Shane.

“Ano ka ba? Matanda ka pa sakin eh.” sagot ni Shane habang nagpalinga-linga sa paligid. Para bang nahiya.

“Uuwi ka na ba?” tanong ni John.

“Ayoko pa sana.” sagot ni Shane. Gusto pa nya makilala ang lalake. Napakaiksi kasi ng mga oras na magkasama sila.

“Wanna go in my place?” ani John.

“Sure!” sagot ni Shane.

Masaya silang bumyahe papunta kina John, sakay uli ng kotse ni John.

» 

Naalala ni John ang mga ginawa niya kay Shane, iyong mga hawak, at halik na ginawa nya. Dumating na sila sa condo ni John. Nagdadalawang isip si John kung sasabihin ba ito kay Shane.

“Huy!” ginulat ni Shane si John. Gulat na gulat naman si John, dahil malalim ang iniisip nito. “Nananaginip ka ata?” biro ni Shane.

“Ikaw talaga. May iniisip kasi ako eh.” sabi ni John.

“Nagulat pala kita. Pasensya na. hehe” ang cute talaga ni Shane kapag masaya ito. Napakaamo ng mukha nya. Kaya nakokonsensya sya.

“Kasi Shane, sana huwag ka magalit.” sabi ni John habang nakahawak sa manibela at nakatingin sa malayo.

“Depende ano ba yun?” taka naman ni Shane.

“Kahapon kasi, naaalala mo ba nung hinatid kita?” ani John.

“Oo, nakatulog pa nga pala ako nun.” sabi ni Shane.

“Wala ka bang idea kung bakit bigla kang inantok?” pagkasabi nito humarap si John kay Shane.

“Ano ba? Diretsahin mo nga ako?” gulong gulo na ang isip ni Shane.

“Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin mo. Sorry Shane.” paghingi ng tawad ni John.

“Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin?!” sabay sampal at iyak ni Shane. “Nagtiwala ako sayo!!” hinahampas pa nya si John.

Bubuksan na sana ni Shane ang pinto ng kotse pero pinigil siya ni John. “Shane, sorry. Hindi kita ginalaw. Oo hinalikan kita. Napalapit kana sakin, importante ka na sa kin….” hindi pa natapos ni John ang sinasabi.

“Minsan mo na ako niloko, bakit pa ako maniniwala ngayon sayo?! John, malapit ka na din sakin! Pero ano ang ginawa mo?! Sinira mo ang tiwala ko!!!” hindi na nagpapigil si Shane. Umiiyak itong lumabas ng kotse.

“…mahal na kita Shane.” ang mga kamay ni John ay parang inaabot parin si Shane. Napayuko nalang ito, pinipigilang lumuha ang mga mata.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, dalawang pares ng mata ang nakabantay at sinusubaybayan sila.

» 

Habang nakayuko ay nakakita sya ng paa, unti-unti niyang inangat ang ulo. Nakatitig sa kanya ang babaeng kamukha ni Shane, magulo ang buhok.

Walang anu-ano, habang nakatingin si John sa babae, bigla nalang sinakal si John ng babae. “Kasalanan mo ang lahat!!” sigaw nito.

“Aahrhkk..” di na makapagsalita si John. Hinigpitan pa ng babae ang pagsakal dito. Dahilan para bumaon ang mga kuko ng babae sa leeg ni John.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nalagutan na ng hininga si John. Di pa nakunento ang babaeng kaluluwa, ihinampas pa nito ang ulo ni John sa windshield ng kotse. Basag ang bungo ni John, bumulwak at kumalat ang dugo nito sa kotse.

»> 

Alas kwatro na ng hapon.

Naglakad ng naglakad si Shane. Di na malaman saan siya dadalhin ng paa habang lumuluha. Maya-maya ay bumuhos ang napakalakas na ulan pero walang balak sumilong si Shane.

Napunta sya sa pinakaliblib na parte ng kalye. May lumapit sa kanyang dalawang lalake, “Miss, di maganda sa babae ang nagpapaulan.” sabi ni Dave. Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa.

Kanina pa sinusundan ng dalawa si Shane. Hinawakan ni Patrick si Shane at ng manlaban ito, pinalo ni Patrick ito sa batok dahilan para mawalan ng malay si Shane.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.