Saturday, July 09, 2011

Busy Ako

[Story was inspired by another story. Sorry for any resemblance or similarity on the story.]

Once upon a time, may mag-ama na nakatira sa isang bahay. Maayos naman ang kanilang pamumuhay kahit dalawa lamang sila sa tahanan. Si Alvin at ang ama na si Ben. Si Ben ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, mataas ang posisyon nya dito kaya busy siya lagi. 10 taong gulang lamang si Alvin mag-isa na niyang inaasikaso ang kanyang sarili. Marunong na siyang magsaing, magpirito ng ulam, maglaba at mag-isa din itong gumagawa ng assignment.

One day, este one night pala, "Ang tagal naman ni Daddy." pupungay pungay ang mata nito saka hinikab ng malalim. Nakatulog si Alvin sa paghihintay sa ama. Ginabi nanaman ito dahil sobrang busy. Nakahiga sya sa sofa na dinatnan ng ama. Binuhat ni Ben si Alvin at hatid sa kanyang kwarto. "Dad, kain kna. Mmm."sabi ni Alvin. Napatingin si Ben sa anak, akala niya gising ito. Inihiga nya ito sa kanyang kwarto at kinumutan. Hinaplos pa nito ang noo ng anak bago iniwanan.

Nakita ni Ben na nakahanda na ang hapunan, Century Tuna w/ Omega 3 ang ulam na may sawsawan na kalamansi. Handa ito ni Alvin. Pagkatapos kumain ay natulog na ito dahil na din sa pagod sa trabaho. Nakatulog sya agad.

..

Maagang umalis si Ben, di na nito nagawang mag-almusal. Dali-daling lumabas ng bahay. Nagising si Alvin sa pagkasara ng pinto. Kaaalis lang ng ama, hindi nanaman sila sabay kumain. Miss na miss na nya ang daddy nya, ngayon, mag-isa nalang sya uli. Gaya ng araw-araw nyang ginagawa, ihinanda nya ang pagkain at naglaba ng kanyang mga damit. Pagkatapos ay lumabas sya ng bahay para maglaro, bata eh.

...

"Ring.! Ring!" tunog ng phone ni Ben habang nasa isang meeting. Dahil sya mismo ang nagrereport, ayaw nya maistorbo. Ang ginawa nya ay inioff ang phone. Hanggang matapos ang meeting, tinignan nya kung sino ang tumawag. Si Aling Editha pala, dati rati kung tumawag ito kay Ben ay naniningil ito ng utang dun sa sari-sari store nito. Akala mo naman napakalaki ng utang ni Ben dito, eh halos sampung piso lang naman noong kumuha sya ng yosi.

Binalewala lang ni Ben ang tawag na ito. 9pm ng gabi ng mkauwi sya, hinihintay sya ni Alvin sa may pintuan.

"Dad, pwde b akong magtanong?" ani Alvin.

"Oh sige, ano un?" sbi ni Ben.

"Magkano ang kita nyo sa isang oras?" tanong ni Alvin.

"At bakit mo naman tnatanong? Wala kna don!" biglang nag-init ang ulo nito.

"Dad gusto ko lang sana malaman, kung pwede.." maamong sabi ni Alvin.

"Kung kailangan mo talagang malaman.." nag-isip pa si Ben. "Sa isang oras siguro, 200pesos ang kita ko."

"Ay, ganon po ba..." sabi ni Alvin na para bang nalungkot at yumuko ang mukha. Tapos may naisip syang idea at nagtanong uli, "Dad pwede ba pahiram ng 100pesos?"

Sa puntong ito, naisip ni Ben na may gusto lamang na bilhin na laruan si Alvin. Uminit uli ang ulo nya. "Bata ka! Kung hihingi ka lang ng pera para sa mga walang kwenta mong laruan, mabuti pa lumakad ka dyan at matulog ka sa kwarto mo. Pagod na pagot ako sa trabaho para lang sa mga luho mo? Sige! Tulog!"

Malungkot at nakayukong naglakad papunta sa kanyang kwarto si Alvin.


Napag-isip-isip ni Ben ang nagawa. Baka dahil sa pagod ay madali nag-init ang kanyang ulo. Tutal di naman madalas humingi ng pera sa kanya ang anak. Pinuntahan niya si Alvin sa kwarto nito.

"Anak, tulog kna ba?" tanong nito.

"Dad gising po ako." sagot ni Alvin.

"Pasensya ka na kanina ha? Pagod lang si daddy kaya madaling magalit." sabay abot ng 100pesos. "Eto yung hinihingi mo."

"Yehey!" kapagkwan ay bumangon ito at iniangat ang unan. Nakita ni Ben na may mga perang papel ito, parang magagalit nanaman sya ng makita ito.

"Bakit kpa humingi sa akin ng pera kung may pera ka naman?!"

"Ah. Eh. Dad kulang po kasi kanina. Ngayon kompleto na." sagot ni Alvin habang binibilang ang mga papel na pera.

"Para saan ba yan?" tanong ng ama.

"Dad, ngayon meron na akong 200pesos. Pwede kba umuwi bukas ng maaga? Gusto kasi kita kasabay maghapunan..." nakangiting sabi ni Alvin habang iniaabot ang pera sa ama.

Kumurot sa puso ni Ben ang mga katagang sinabi ni Alvin. "Alvin, anak, pasensya kna kay daddy. Dahil puro trabaho ang inatupag nya. Hayaan mo, mula ngayon uuwi na ako ng maaga. Sabay pa tayong magluluto." Nang akmang yayakapin na nya ito, tumagos lamang ay yakap nya. Nahulog ang mga pera sa kama ng bata. Laking pagtataka nya.

TOK! TOK! TOK!

Kahit di pa sya nakakabawi sa biglang paglaho ng anak sa mismong harapan nya, iniwan muna nito ang kwarto dala ang mga pera.

"Oh! Aling Editha, napasugod kayo ng ganitong oras ng gabi?" gulat na tanong nito.

Di agad nakapagsalita si Editha. "Bakit ho?" tanong uli ni Ben.

Napabuntong hininga na lamang si Editha. "Naaksidente ang anak mo."

"Ha?!" laking gulat ni Ben dahil kanina lang kausap nya ito bago...

Hinawakan ni Ben si Editha sa balikat at inaalog ang katawan. "Anong nangyari kay Alvin?! Anong nangyari sa anak ko!!" maluha luha nyang tanong.

"Kaninang alas otso, pauwi na sya matapos humingi ng bente sakin at Pancit Canton.." hindi rin maipaliwanag ni Editha ang nangyari dahil umiyak na ito.

"..Nabangga sya ng tricycle dahilan para matumba sya at tumama ang ulo sa isang matulis na bato. Tinawagan kita agad pero di mo sinagot. Dinala namin sya sa ospital, pero Dead on Arrival na daw."

Pagkatapos nito ay lumabas si Ben at nagtatakbo sa daan papunta sa ospital. Naiwan si Editha na umiiyak na lang. Napakabait ni Alvin at malapit din ang loob nya dito.

Pagdating sa harap ng tindahan ni Aling Editha, may bakas ng dugo ang daan. Napakarami. Sa kabilang kalsada, nandoon si Alvin, hawak ang Pancit Canton na binili.

Tatawid si Ben upang lapitan ang anak, "Alvin...anak ko...sorry.." nang isang malaking trak ang napakabilis ang takbo ang bumusina.

_END


Ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan natin ay madali tayong mapapalitan kapag tayo ay nawala. Makakakuha sila ng higit din sa atin. Pero pag nawala tayo, ang pamilya at malapit na kaibigan din natin ang sobrang malulungkot at masasaktan. Sila, nakikiramay lang.

Kaya sana, kahit gaano tayo kabusy. Di natin nalilimutang bigyan ng sapat na oras ang atin mga mahal sa buhay. Kaibigan, magulang at anak, sila ang magbibigay halaga sa atin at kinalakihan natin. Huwag natin silang ipagpalit sa kahit na anong pinagkakaabalahan natin, bigyan natin sila ng sapat na oras. Pati na rin ang sarili.

Sana nagustohan nyo ang akin maikling kwento. Bow.

-breaker

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.