Friday, July 29, 2011

The Girl From Cyber World 7

Part 7

DOOOOR..BEELLL!! DOOOORR..BEELLLL!!

Napatingin sa pintuan sina Patrick at Dave pagkarinig ng doorbell.

“Buksan mo!” tulak ni Patrick kay Dave. Sabay silang tumingin uli kay John, pero wala na siya doon. Laking pagtataka ng dalawa. Una, nakakapagtakang napunta sa likod nila si John nang hindi nila nalalaman. Pangalawa, paanong bigla nalang itong nawala sa isang kisap mata lamang.

Tumungo si Dave sa pinto, nakita nya sa pintuan ang dyaryo para sa araw na iyon. Halos maatake sa puso si Dave sa nakita. “Pat! Tignan mo to!” takbo nya kay Patrick. Gulat na gulat sya. Kung maiimagine nyo yung itsura nya, mukha syang gorilyang tumatakbo.

“Tignan mo tong dyaryo!” sabay abot ni Dave.

“Alam ko nakapatay ako.” pagkatingin nito sa front page ng dyaryo.

“Hindi yan. Eto!” sabay turo ni Dave sa isang bangkay na basag ang bungo na nakasakay sa kotse.

“Kotse ito ni John, ah!” gulat din ni Patrick.

“Oo! Baka sya ang bangkay na yan. At…” tuloy ni Dave pero sumabat si Patrick.

“Nandito sya kanina diba?”

Maya maya ay nagkalampagan ang mga bintana, nahagisan ang mga gamit sa bahay ni Patrick. Nagpanic na ang dalawa, walang anu-ano bigla nalang nahagis si Patrick sa pader ng bahay. Kahit nasaktan ito, nagawa pa niyang tumakbo palabas ng sariling bahay. Naiwang nangangatog ang tuhod ni Dave. Nang biglang may humawak sa kanyang balikat at bumulong!

“Sana hindi ko na siya inadd sa Facebook!”

» 

Hingal na hingal si Rina sa kanyang nasaksihan. Isang bangungot, ito ang eksenang nagpagising sa diwa ni Rina. “Panaginip?” aniya. “Pero parang totoo.” tanong nito sa sarili.

Nag-ayos ito para magsumbong sa pulis sa kanyang napanaginipan. Iniwan niya ang kanyang kwarto, inakala nyang mag-isa sya doon ay nagkamali sya.

Pagdating nya sa presinto, “Sir, pwede ho ba nating puntahan ang address na ito?” ani Rina sa pulis.

“Bakit iha? Ano bang meron sa lugar na yan?” sagot ng pulis na si Turleng.

“Kung alam nyo po ang kaso ng babae na pinatay ng brutal at nirape. Napanaginipan ko ho kagabi, ang address na yan. Baka dito po nakatira ang mga suspek.” bigkas ni Rina.

“Kaano-ano mo ang biktima?” tanong uli ng pulis.

“Malapit na kaibigan ko ho siya.” sagot ni Rina.

Napakalakas na hangin ang umihip papasok sa presinto.

“Lets go.” sabi ng pulis.

» 

Habang papunta si Rina kasama ang mga pulis sa address na kanyang binanggit sakay ng isang police car, nakasalubong nila ang isang lalakeng nagtatatakbo na parang may linalayuan. Tinitigan ni Rina ito, at nang lumampas sila sinundan pa niya ito ng tingin sa side mirror ng police car.

Nagulat siya nang makitang, sinusundan ito ng isang babaeng nakalutang. Nakasunod lang ito at nakatitig.

“Aaaaaaahhh!!” sigaw ng isang lalake.



“Miss dyan ka na lang.” sabi ni Turleng. Tango nalang ang sagot ni Rina dito.

“Back-up..Ksshhkk.. I need back-up..KsshhKk..” report ng pulis sa walkie talkie. “Copy. Ksshhk..” sagot ng nasa kabilang linya.

Lalabas na sana ng kotse ang pulis pero hinawakan siya ni Rina. “Iiwan nyo ako dito?” takot na tanong nya.

Bakas sa mukha nito ang takot kaya di na muna umalis si Turleng.

Ilang segundo lang at dumating na ang back-up na tinawag ng pulis. “You’re safe now.” ani Turleng at lumabas ng kotse.

“Dito ka lang.” sabi ni Turleng sa kapwa pulis para maalagagan si Rina.

Pagbukas ng pinto ng bahay, natumba ang bangkay ng isang lalake. Si Dave. Nakapatong lang ito sa pinto kaya pagbukas, bumagsak ang bangkay ni Dave na tinuhog sa tubo na parang lechon mula sa bibig hanggang pwetan. Walang humpay ang pag-agos ng dugo. Pinulsohan siya ni Turleng. Patay na ito. Nahuli sila ng ilang minuto. Kahit napaaga man sila ng dating ay malabo na nilang mailigtas ang ganitong klaseng pagpatay.

» 

Nakaabang lang si Rina sa kotse hinihintay ang pagdating ng pulis para maghatid ng balita. Nainip sya kaya napatingin sa likurang upuan ng kotse. Nagulat sya nang makita ang maayos at maamo pang mukha ni Shane.

“Bes, sorry. Pakisabi kay Mama at Papa, sorry.” ani Shane.

Gusto nyang magsisigaw pero mukhang hindi naman sya sasaktan ni Shane.

“Mag-ingat ka sa mga kakausapin at kakaibiganin mo sa Facebook.” bilin ni Shane sa kaibigan. Lumuha na lamang si Rina sa tagpo habang unti-unting naglalaho ang imahe ni Shane. “Ingat.”

“Miss, tara sa presinto. Kukuhanan ka namin ng statement.” ani Turleng. “Umiiyak kba?” habol na tanong ng pulis.

“Ah.. Wala ho ito.” ani Rina at pinunasan ang luha.

“Ano ho ang nangyari?”

“Patay ang nasa loob ng bahay. Nakita namin sa biktima ang i.d. na ito, kompirmado. Isa siya sa mga nakitang sumusunod sa babae bago naganap ang krimen.” sagot ng pulis.

“Ilan ho ba ang suspek nyo?” mausisang tanong ni Rina.

“Sa totoo lang, tatlo sila. Ang isa ay si John L. Mariz. Si Dave C. Benitez. At Patrick S. Taruc.” paliwanag ni Turleng.

“Nahuli na ho ba yung iba?”

“Hindi pa. Si John ay natagpuang patay sa kanyang kotse kahapon. At si Dave ang bangkay kanina.” anang pulis.

“Yung si Patrick ho?” usisa ni Rina.

Napatingin siya sa likod, doon sa pwesto ni Shane, nakita nya ang isang bracelet. Ang bracelet na tanda ng kanilang pagkakaibigan, iniwan ito ni Shane para sakanya. Kinuha nya ito at itinago.

Walang anu-ano, habang nasa byahe ay bigla na lamang nahimatay si Rina.

Saturday, July 23, 2011

The Girl From Cyber World 6

Part 6

Nagising nalang si Shane nang maramdamang may nakadagan sa kanya at para bang may gumagalaw sa kanyang pagkababae. Hinanghina na sya, tnatangka nyang itulak ang lalakeng bumababoy sa kanya pero napakalakas nito isama pa ang bigat ng katawan nito.

“Gising ka na pala Shane.” lalong binilisan ni Dave ang pag-galaw nito. “Masarap ba? Hahaha!”

“Parang awa nyo na! Pakawalan nyo ako..” tinutulak niya si Dave pero talagang walang lakas na natitira sa kanyang katawan. Nagpahinga si Shane, nag-iipon ng lakas. May kung anong mainit na likido ang dumaloy sa loob nya. Napapikit na lamang siya.

“Pare ako naman!” sigaw ni Patrick. Hawak ang kamay ni Shane, binuhat siya ni Dave paupo sa kandungan ni Patrick. Parang lantang gulay lamang siya na sumusunod sa mga galaw ng dalawa. Kinilala nya ang paligid kung saan sya naroroon. Kubo lang ito, walang kalaman laman halatang abandonado ito at bakante, di nya ito matandaan. Di nya alam ang lugar na ito. Hinayaan nya ang dalawa na babuyin sya. Hanggang may likido uling dumaloy sa loob nya. Pumikit na lamang ito at nakiramdam. “Whooh! Ang sarap!” ani Patrick.

Iniangat ni Dave si Shane, nang akmang tatayo si Patrick sinipa nya ito sa kanyang kaselanan. Siniko naman niya si Dave sakto sa bunganga. Dumugo ang bibig ni Dave at nabitiwan ang hawak kay Shane, sinipa nya rin ito sa dalawang balut nito.

Nakalabas sya ng kubo pero talahiban lang ang nakita nya. Nasa gitna sya ng bukid. Nag-umpisa siyang sumigaw ng tulong. “Tulong! Tulong! Tulungan ninyo ako!!” Nagtatakbo siya kahit walang saplot ang kanyang katawan.

“Ang bobo mo! Bakit mo binitiwan?!” galit ni Patrick habang mukhasim parin hawak ang kanyang hita.

“Bat di mo habulin?! Buti ka nga di siniko! Bwiset!! Di pa nakakalayo yun!” duguan ang bibig, natanggalan pa ng ngipin si Dave. Di agad nakatakbo ang dalawa, nang makarekober hinabol nila si Shane. Dahil sa kakasigaw nito nahanap agad nila si Shane. Binato ni Patrick si Shane, tumba sya, tinamaan ito sa ulo. Medyo malaki ang bato kaya dumugo ang ulo ni Shane. Inabutan nilang nakadapa sa talahiban.

Si Patrick agad sinunggaban ang wala ng malay na si Shane. Ang hayok sa laman, ginalaw padin niya si Shane. Walang awang binayo ng binayo. Galit na galit na binaboy ang katawan ng kawawang babae.

“Pare. Napatay mo ata..” ani Dave nang abutan si Patrick. Nakita nyang malambot ang katawan nito, nakapikit at nakanganga na si Shane. Tila nagising naman ang diwa ni Patrick, pinulsohan nya ito sa kamay. Wala ng pulso. Hinawakan sa leeg. Wala ng pulso. Tinapat ang tenga sa dibdib, pinakinggan ang puso. “Patay na siya.” nanlumo si Patrick nang makita ang ginawa. Para syang sinapian ng demonyo sa brutal nyang ginawa.

Nagtatakbo ang dalawa, iniwan ang bangkay ng kawawang dalaga.



“Bakit kaya di pa umuuwi si Shane?” alalang tanong ni Cely sa asawa.

“Alas dyes na di pa umuuwi. Di ba nagsimba siya?” ani Berto.

“Oo, teka tawagan ko si Rina baka kasama niya.” sabi ni Cely habang nagdidial sa phone. “Hello. Nandyan ba si Shane?”

“Naku. Wala ho dito. Byernes po nung huli kaming magkita.” ani Rina sa kabilang linya.

“Di daw kasama.” sabi sa asawa. “Kahapon di ba kayo nagkita sabi nya magtatanong sya ng assignment sayo?”

“Ah. Hindi po eh. Wala po ba sya dyan?”

“Di pa nga umuuwi eh mula kaninang nagsimba ng umaga.” ani Cely.

TOK! TOK! TOK!

“Mang Berto ang anak nyo!!” sigaw ng nasa labas.

“Badong! Nasaan ang anak ko? Anong nangyari?” ani Berto na balisang balisa.

“Natagpuan sya sa kabilang baranggay, walang saplot! Napakabrutal ng itsura nya.” tarantang sagot nalang ni Badong.

“Ano kamo?!!” agad nagtatakbo ang dalawa. Sumunod si Cely, iniwan nalang nito ang telepono.

» 

“Hello po? Ano pong nangyari?” kausap parin ni Rina ang nasa kabilang linya. Nang may marinig syang parang gumasgas sa linya at biglang narinig ang paghingi ng tulong ni Shane.

Gumasgas uli ang linya at “Pakisabi kay Mama at Papa, Sorry..” sabi ng nasa kabilang linya. At tuluyan ng naputol ang linya. Tulala nalang si Rina sa narinig, di sya makapaniwala. Dahil nasa harapan nya si Shane, hubad at puro galos ang katawan at may nakatusok na kahoy sa ari nito!

»> 

Dumating sa crime scene si Berto, napahagulgol nalang siya nang makita ang anak. Nakanganga, hubad, duguan ang ulo, puno ng galos at may kahoy sa ari. Alam na nyang patay na ito. Tinanggal nalang nya ang kahoy, isinara ang bibig. “Anak ko!!” sigaw nito. Sakto namang dating ni Cely, “Shane.!!” tumakbo ito patungo sa bangkay ng anak pero di na ito umabot dahil hinimatay na ito.

Inalalayan si Cely ng mga tao, pinaypayan, “ikuha nyo ng tubig!” sigaw ni Badong. Eto naman si Kadyo kumuha ng tubig pero siya ang uminom. “Hoy! Yung tubig!” ani Badong.

“Ay. Sorry!” ani Kadyo.

» 

Magdamag gising si Dave at Patrick. Alas sais ng umaga ng magsindi ng tv si Patrick, “Pasintabi po sa mga kumakain, isang karumaldumal na krimen po ang nangyari. Isang dalaga natagpuang patay, nirape pa at di pa nakuntento ang halang ang kaluluwa, tinusukan pa ng kahoy sa ari!” sabi sa Flash Report. Hindi na ikinagulat ng dalawa ang balita, nagulat sila sa videong ipinakita. Pinakita sa tv na nakatitig ng masama sa kanila si John. Habang nasa likod ng sensored na bangkay ng dalaga.

“Pare, si John yun diba?” ani Dave kay Patrick.

“Oo.” sagot ng tinig sa likuran nila.

Si John!

Thursday, July 14, 2011

The Girl From Cyber World 5

Part 5

“Good morning world!” masiglang gising ni Shane. Di na nya inabutan ang ina na katabi nyang natulog dahil agad itong tumayo para magluto ng almusal nila.

Tinext ni Shane si John, “mgndang umaga..”

Maya-maya tumayo na siya nang mainip. Tumitig ito sa salamin, “Ang ganda ko.” habang sinusuklay ang buhok. Araw-araw nyang ginagawa ito pwera lang kapag nagmamadali sya.



Napasarap ang tulog ni John, hihilik hilik pa ito. Napakainit na ng araw di parin sya gising. Naramdaman nyang pawis ang likod nya, nakapikit parin ito akmang magpapatagilid sya. Nahulog sa kama ang loko.

“Aray!” nagpagising sa kanya ang pagkahulog nito. Tinignan nya ang wall clock, 8:03am.

Kinusot niya ang mata nang tumunog ang phone nya. “gndang umaga.” from s3xy.

Umupo si John sa kama at nagreply, “ms mganda kpa sa umaga.”

“che! simba tayo?”reply ni Shane.

“msu2nog ako..” reply ni John. Nagmadali ito maligo at magbihis. Kahit sinabi nya ito ay sasamahan nya si Shane. 9am ang last mass kaya mahahabol pa nila ito.

“cge na..” s3xy

“cge n nga..xD” John.

» 

“Kung buhay lang…” ito ang dinatnang usapan ni Shane sa mga magulang. Tinignan siya ng mga ito. Si Cely ay pumunta sa kusina, naiwan ang asawa.

“Sino po ang buhay pa sana Dad?” tanong ni Shane.

“Ahh.. Si.. Yung mga anak ni Bruno. Sana may mga tuta tayo.” sagot ni Berto.

“Oo nga po eh. Sya nga pala, sisimba ako ng 9 dad.” paalam ni Shane.

“Ingat ka anak.” pabuntong hininga ni Berto.

Bumalik si Cely na may dalang ulam, CDO Meat Loaf. “Kain na!” sabay-sabay nilang sabi. Sabay tawanan sila.

“Salamat po sa pagkain Lord.” ani Cely.

Pagkatapos makapagpahinga, pumunta na ng simbahan si Shane. Dinatnan na nya doon sa labas si John, hinahanap sya.

Sinundan nya ito sa likod, maya-maya ay naabutan na nya ito at tinakpan ang mga mata. “Sino ako?ehe”

“Shane!” ani John. Nagtaka sya dahil napakalamig ng kamay nito. Hinawakan nya ang kamay nito para alisin sa kanyang mata, nakahawak sya ng parang basa na malapot. Para bang dugo.

Binitiwan nya ang kamay ni Shane at lumingon, ibang Shane ang nakita nya. Galit ang itsura nito at nanlilisik ang tingin.

Nagulat sya at pagkurap nya, isang masayahing Shane ang nakita.

“Bakit parang nakakita ka ng multo dyan?” pang-aasar na tanong ni Shane.

Tinignan ni John ang mga kamay ni Shane pati ang kamay nya. Wala namang bakas ng likido sa mga ito. “Aah.. Ehh.. Wala. Tara pasok na tayo.” aya ni John.

»> 

Matapos ang misa, “Mano po.haha” biro ni John. Sabay hawak ng kamay nito. Hinalikan nito ang kamay ni Shane.

“Ano ka ba? Matanda ka pa sakin eh.” sagot ni Shane habang nagpalinga-linga sa paligid. Para bang nahiya.

“Uuwi ka na ba?” tanong ni John.

“Ayoko pa sana.” sagot ni Shane. Gusto pa nya makilala ang lalake. Napakaiksi kasi ng mga oras na magkasama sila.

“Wanna go in my place?” ani John.

“Sure!” sagot ni Shane.

Masaya silang bumyahe papunta kina John, sakay uli ng kotse ni John.

» 

Naalala ni John ang mga ginawa niya kay Shane, iyong mga hawak, at halik na ginawa nya. Dumating na sila sa condo ni John. Nagdadalawang isip si John kung sasabihin ba ito kay Shane.

“Huy!” ginulat ni Shane si John. Gulat na gulat naman si John, dahil malalim ang iniisip nito. “Nananaginip ka ata?” biro ni Shane.

“Ikaw talaga. May iniisip kasi ako eh.” sabi ni John.

“Nagulat pala kita. Pasensya na. hehe” ang cute talaga ni Shane kapag masaya ito. Napakaamo ng mukha nya. Kaya nakokonsensya sya.

“Kasi Shane, sana huwag ka magalit.” sabi ni John habang nakahawak sa manibela at nakatingin sa malayo.

“Depende ano ba yun?” taka naman ni Shane.

“Kahapon kasi, naaalala mo ba nung hinatid kita?” ani John.

“Oo, nakatulog pa nga pala ako nun.” sabi ni Shane.

“Wala ka bang idea kung bakit bigla kang inantok?” pagkasabi nito humarap si John kay Shane.

“Ano ba? Diretsahin mo nga ako?” gulong gulo na ang isip ni Shane.

“Nilagyan ko ng pampatulog ang inumin mo. Sorry Shane.” paghingi ng tawad ni John.

“Walang hiya ka! Anong ginawa mo sakin?!” sabay sampal at iyak ni Shane. “Nagtiwala ako sayo!!” hinahampas pa nya si John.

Bubuksan na sana ni Shane ang pinto ng kotse pero pinigil siya ni John. “Shane, sorry. Hindi kita ginalaw. Oo hinalikan kita. Napalapit kana sakin, importante ka na sa kin….” hindi pa natapos ni John ang sinasabi.

“Minsan mo na ako niloko, bakit pa ako maniniwala ngayon sayo?! John, malapit ka na din sakin! Pero ano ang ginawa mo?! Sinira mo ang tiwala ko!!!” hindi na nagpapigil si Shane. Umiiyak itong lumabas ng kotse.

“…mahal na kita Shane.” ang mga kamay ni John ay parang inaabot parin si Shane. Napayuko nalang ito, pinipigilang lumuha ang mga mata.

Lingid sa kaalaman ng dalawa, dalawang pares ng mata ang nakabantay at sinusubaybayan sila.

» 

Habang nakayuko ay nakakita sya ng paa, unti-unti niyang inangat ang ulo. Nakatitig sa kanya ang babaeng kamukha ni Shane, magulo ang buhok.

Walang anu-ano, habang nakatingin si John sa babae, bigla nalang sinakal si John ng babae. “Kasalanan mo ang lahat!!” sigaw nito.

“Aahrhkk..” di na makapagsalita si John. Hinigpitan pa ng babae ang pagsakal dito. Dahilan para bumaon ang mga kuko ng babae sa leeg ni John.

Ilang minuto pa ang lumipas. Nalagutan na ng hininga si John. Di pa nakunento ang babaeng kaluluwa, ihinampas pa nito ang ulo ni John sa windshield ng kotse. Basag ang bungo ni John, bumulwak at kumalat ang dugo nito sa kotse.

»> 

Alas kwatro na ng hapon.

Naglakad ng naglakad si Shane. Di na malaman saan siya dadalhin ng paa habang lumuluha. Maya-maya ay bumuhos ang napakalakas na ulan pero walang balak sumilong si Shane.

Napunta sya sa pinakaliblib na parte ng kalye. May lumapit sa kanyang dalawang lalake, “Miss, di maganda sa babae ang nagpapaulan.” sabi ni Dave. Tinitigan sya nito mula ulo hanggang paa.

Kanina pa sinusundan ng dalawa si Shane. Hinawakan ni Patrick si Shane at ng manlaban ito, pinalo ni Patrick ito sa batok dahilan para mawalan ng malay si Shane.

Tuesday, July 12, 2011

The Girl From Cyber World 4

Part 4

7pm. Nakarating na sila sa baranggay nila Shane pero tulog padin ito, hindi naman alam ni John kung saan dito ang bahay ni Shane. Hinintay nalang niya magising ito. Sinindi nya ang radyo ng kotse para hindi mainip.

“I don’t know what’s worth

fighting for

Or why I have to scream

But now I have some clarity

To show you what I mean

I don’t know how I got this way

I’ll never be alright

So I’m breaking the habit”

Isang rock ang naipatugtog pero tagos sa kanya ang lyrics ng kanta. “Magbabago nako. Hindi ko lolokohin si Shane. Sayang, dahil napakabait niya. Mamahalin ko sya.” sabi ni John sa sarili.

Dahil na din sa ingay ng tugtog at humina na ang epekto ng gamot ay nagising din si Shane. “Pasensya kana, nakatulog ata ako.”

“Ok lang yon, nakapagpahinga ka ba?” tanong ni John.

“Medyo masakit pa ulo ko, sige malapit lang dito ang bahay namin doon nalang ako magpapahinga. Ingat ka.” sabi ni Shane.

“Sige. See you again.” ani

John habang sinusundan

ng tingin si Shane.

Napailing nalang ito at

pinaandar nadin ang kotse

at umalis.

Padating ni John sa kanyang condo, naalala niya ang ganda ng dalaga. Ang halik na ginawa nya sa labi nito.

Maya-maya bigla nalang umuga ang kotse nya. Akala nya lumilindol kaya gusto nyang lumabas ng kotse. Pero hindi nya mabuksan ang pinto.

Lumakas ang pag-uga ng kotse. Kinabahan na siya. Tumingin sya sa labas hindi naman lumilindol. Napatingin sya sa gitnang salamin ng kotse. May babaeng magulo ang buhok sa likod na nakatitig sa kanya. Nakatitig lang sa kanya.

Tumigil ang pag-uga ng kotse. Tumingin sya sa likod kasabay nito ay nawala ang babae sa loob sa likod ng kotse. Pagharap niya…

Gumulat sa tabi nya ang duguang mukha ni Shane!

“Kasalanan mo ang lahat! KASALANAN MO!! Papatayin kita!”

Napasandal sya sa pinto ng kotse, kusang nagbukas iyon dahilan para mahulog sya. Nagtatakbo si John papasok ng condo. Takot na takot sya,hinihingal. Ipinangako nya sa sarili na hindi na manloloko ng babae. Nagtataka siya bakit siya ginagambala ng kaluluwang ito.

Pagpasok nya sa kwarto. Napakadilim, nagulat si John nang biglang may humawak sa balikat nya. Magtatatakbo na sana sya nang sumindi ang ilaw.

“Oh easy pare.” pigil ni Dave kay John na akmang tatakbo.

“Oh bakit parang putlang putla ka dyan?” takang tanong naman ni Patrick matapos isindi ang ilaw.

“Mga pare naman eh, ginulat nyo ko! Bat di nyo sinindi ang ilaw!” galit na sagot ni John.

“Hahaha. Kelan ka pa naging matatakutin ha loverboy? Haha.” tuwang tuwa si Patrick.

Pinigil ni Dave si John nang bumwelo na sanang sasapakin si Patrick. “Pare walang pikunan.”

Nagpapigil naman si John. “Makapag pahinga na nga lang!” sabay hubad at bato ng polo nya na parang nagdadabog. Sumunod naman dito yung mga barkada nya.

“Kamusta kayo ni Shane?” tanong ni Patrick.

“Ayos. Pare, ang bait nya, ang ganda, napakamasayahin nya.” ani John habang nakahiga, nakataas ang kamay sa may ulo at nakatitig sa kisame.

Nilapitan sya ni Dave. “Ano, titirahin ba natin yan?” sabay ngisi.

“Oo nga pare, tagal ko ng walang sex.” sabi ni Patrick.

Biglang nagbago ang mood ni John sa mga sinabi ng barkada. “Magsilayas nga kayo dito! Puro kalibugan pinapairal nyo!!” galit na sigaw ni John. Pinagtulakan nya ang mga kaibigan.

“Anong problema nun? Dati naman nating ginagawa to ah!” taka ni Dave.

Pero si Patrick ay parang nagdilim ang paningin. “Humanda yang dalawang yan! Tara! Uwi na tayo! Bwiset!” sabay sipa sa batong nasa labas ng condo.

Tumama ito sa isang babaeng nakatalikod. Humarap ito kina Patrick, nanlilisik ang mga mata nito. “Takbo!” ani Dave kaya napatakbo nalang ang dalawa.

Si John naman ay nakatulog matapos mag-init ng ulo.

» 

On the other side, sa kabilang banda, nakauwi na si Shane sa kanila. “Nandito na ako, Bruno.” bati ni Shane sa kanilang aso. Halatang napakasaya nito. Hindi kasi nya alam ang mga ginawa ni John sa kanya habang tulog.

“Ma nandito na ako!” sigaw ni Shane.

Nilapitan sya ng ina. “Babae ka, sabi ko sayo wag ka magpapagabi. Tatawag na sana ako kay Rina. Kumain ka na ba? Sa susunod magtetext ka..” napatigil ito sa pagbubunganga nang makita ang hawak ng anak.

“Ma, eto po pizza. Pinagdala ko kayo, wag na kayo magalit.” inihapag nila ang pizza at inumpisahang papakin.

“Sarap talaga.” ani Shane habang sinisipsip ang daliri.

“Di ka na ba kakain ng kanin?” tanong ni Cely.

“Mamaya na Ma pag ginutom ako bubuksan ko nalang yung ref.” sagot ni Shane.

“Nandito na ko!” sigaw ng isang lalake.

“Papa!” salubong ni Shane. Niyakap nya ito. “Miss ko kayo Pa.”

“Di nyo ako tiniran?” malungkot na sabi ni Berto nang makita ang box ng pizza.

“Sorry Pa, alam mo namang paborito ko to eh.” lambing ni Shane sa ama.

“Ma, anong ulam?” tanong ni Berto.

“May adobo dyan.” sagot ng asawa.

Si Berto ay nagtatrabaho sa kalapit na probinsya. Weekends ito umuuwi, pero nalimutan nina Cely na tiran ito ng pizza.

“Ma, Pa, matutulog na ho ako.” paalam ni Shane.

“Sige anak. Huwag kang magpupuyat.” paalala ng ama.

Nahiga na si Shane. Hinagilap ang kanyang phone, akala nya magtetext pa si John pero walang mensaheng ipinadala. Nagpasya syang batiin ito, “gud evning.. ngenjoy kb?” sabi sa text na sinend nya.

Pero hindi na nagreply si John. Sakto sanang makakatulog na sya nang biglang sumakit ang kanyang tyan. Dali-dali syang tumakbo sa banyo dahil sa tawag ng kalikasan.

Pagdating nya sa cr, agad syang umupo sa trono at pumikit para umire. Pagbukas ng mata nya, may katabi syang babaeng magulo ang buhok at sugat sugat ang katawan! Dahil na rin sa gulat nya ay lumabas agad lahat ng dumi nya at nagsisigaw sya.

Nawala ang babae, naghugas sya at nagmamadaling lumabas. Pagbukas nya ng pinto, “Aaaaaaaaaaaaahh!” sigaw uli nya.

“Anak, bakit ka ba nagsisisigaw dyan?!” tanong ni Berto.

“Kanina, sa banyo may babae Pa.” iyak nito. Niyakap sya ng ama.

“Magdasal ka nalang anak. Guni-guni mu lang yon.” tinulak sya ni Shane.

“Tapos ginulat nyo pa ako eh..huhu” pagkatapos ay sya ding yumakap sa ama.

Si Cely naman ay speechless.

Hinatid nila sa kwarto si Shane. Binantayan nila ito hanggang makatulog.

“Totoo kayang nakakakita si Shane ng multo?” tanong ni Cely sa asawa.

“Ano ka ba? Di totoo ang multo noh.” tapos lumipat na ito ng kwarto.

Nang palabas na si Cely, napadaan sya sa salamin ng kwarto ni Shane. Akala nya may nakita syang pigura sa repleksyon ng kwarto sa salamin. Nilingon nya ito, wala namang nandoon. “Diyos ko po.” sabi nya at nagsign of the cross. Di na nya iniwan si Shane, tumabi syang matulog dito.

Sunday, July 10, 2011

The Girl From Cyber World 3

Part 3

“hmm..saan mo gusto? Ok lang ba sayo sa Greenwich?” tanong ni John.

“Yes! Gusto ko ng pizza!” masayang pagsang-ayon nito.

Naglakad sila habang nagkukwentuhan. “Buti pinayagan ka makipagkita sakin?”

“Actually, tumakas lang ako. hihi” pilyang sagot nya habang bahagyang kinamot ang ulo.

Napangisi nalang si John, parang nahulog na nga ang loob ni Shane sa lalake. Hinawakan ni John ang kamay ni Shane. Napatingin nalang si Shane kay John, nakita nya ang napakaamong ngiti nito kaya di na sya tumutol.

“Here we are.” at pumasok na sila.

Umorder sila ng Peperoni Pizza, pinaunang pinaupo ni John si Shane, inalalayan pa nito ang upuan nya. Sign ng pagiging gentleman nito.

Habang kumakain, “Napakatahimik mo ata?” tanong ni Shane.

“uhm.. I don’t talk to much while eating. Turo kasi sakin ng magulang ko. Pasensya na.” sagot nito at ngumiti uli.

Napansin naman ni Shane ang ketchup at sauce sa tabi ng labi ng lalake. Napangiti siya dito na ipinagtaka ni John. “Bakit? May dumi ba?”

Pinunasan nya ito ng tissue ngunit lalo lamang kumalat. Si Shane na mismo ang nagpunas sa kanya. “Thank you.” sagot nalang ni John.

“Wala yun.” ani Shane at ngumiti.

Naubos nila ang 18in pizza. Wow. ehehe. Nagpasya si John na bumili pa para iregalo kay Shane. “Eto, iuwi mo sa Mama mo.”

“Naku, nakakahiya naman sayo. Nag-abala ka pa, ang mahal kaya nito.” ani Shane.

“Don’t worry. Wala yun.” sbi ni John.

“Salamats much.” biro ni Shane.

“Starbucks tayo? My treat.”aya ni John.

“Ok. Lets go. Pero take out nalang natin. Gabi na eh.” excited sya makilala pa ng lubos ang lalaki. Pero ubos na ang oras nya, mpapagalitan sya sa Mommy nya pag ginabi ng husto.



Habang umoorder si John, “John, magbabanyo muna ako.” paalam ni Shane.

“Ok. Dito lang ako. Take your time.” ani John. “Pagkakataon nga naman.” bulong nya sa sarili.

Inilabas nya ang sleeping pills at akmang ihahalo sa inumin ni Shane. Muntik na nyang maitapon ang inumin ng may malamig na bagay ang nakahawak sa kamay nya na hindi naman nya nakikita. Napakahigpit ng hawak nito sa kanyang kamay pakiramdam nya ay mababalian sya ng buto.

“Sorry matagal ba ako?”

Dumating na si Shane saktong naihulog nya ang gamot sa inumin nya.

“Matutunaw naman siguro mag-isa yun.” bulong ni John.

“Ano?”takang tanong ni Shane.

“Ha? Ahh.. Wala. Eto drinks mo.” sabay abot sa inuming nilagyan ng gamot.

“Thanks. Mocha! My favorite.” masayang tugon ni Shane. At sumipsip na sya sa inumin.

“Tara na. Hatid na kita.” ani John.

Pagkalabas ng Starbucks, napatingin si John sa lugar na inupuan nya. Laking gulat nya ng makita si Shane na puro galos at sugat ang katawan ang sinusundan siya ng titig.

» 

Sumakay sila sa kotseng dala ni John. “John, nahihilo ako.” ani Shane.

“Magpahinga ka muna. Ako ang bahala sayo.” nkangising sabi ni John.

Maya-maya ay nkatulog na si Shane. Epekto ng gamot.

Sa kotse palang ni John sabik na ito sa dalaga. Pinagmasdan nito ang dalaga mula ulo hanggang paa. Napakaputi ng hita nito. Napakakinis na balat wala man lang kahit anong pilat o libag dito.

Nag-umpisang gumapang ang kanyang mga kamay sa maseselang parte ng katawan ni Shane. Nakapagpainit sa kanya ito, “napakaganda mo talaga Shane” pabulong na sabi ni John sa tenga ni Shane. Hinalikan nya ito sa pisngi.

“at napakabango pa” hinalikan siya nito sa leeg.

Hinalikan naman nya ito sa labi. Napakalambot ng mga labi ng dalaga, di maiwasan ni John ang sensasyon na dala ng paghalik niya sa dalaga.

Inumpisahan nyang hubaran ang dalaga na himbing na himbing ang tulog dahil sa gamot. Tinitigan niya ang mukha ng dalaga.

Naalala nya ang mga masasayang pagkakataon kahit isang araw lang na magkasama sila. At ang babaeng nanlilisik ang mata na nakatingin sa kanya kanina. Nangilabot bigla ang kanyang pakiramdam.

Unti-unti nawala ang init na nararamdaman nya. Konsensya?

Inayos ni John ang damit ni Shane at pinaandar ang kotse. Ihinatid na sya ni John sa kanila.

Saturday, July 09, 2011

Busy Ako

[Story was inspired by another story. Sorry for any resemblance or similarity on the story.]

Once upon a time, may mag-ama na nakatira sa isang bahay. Maayos naman ang kanilang pamumuhay kahit dalawa lamang sila sa tahanan. Si Alvin at ang ama na si Ben. Si Ben ay nagtatrabaho sa isang kumpanya, mataas ang posisyon nya dito kaya busy siya lagi. 10 taong gulang lamang si Alvin mag-isa na niyang inaasikaso ang kanyang sarili. Marunong na siyang magsaing, magpirito ng ulam, maglaba at mag-isa din itong gumagawa ng assignment.

One day, este one night pala, "Ang tagal naman ni Daddy." pupungay pungay ang mata nito saka hinikab ng malalim. Nakatulog si Alvin sa paghihintay sa ama. Ginabi nanaman ito dahil sobrang busy. Nakahiga sya sa sofa na dinatnan ng ama. Binuhat ni Ben si Alvin at hatid sa kanyang kwarto. "Dad, kain kna. Mmm."sabi ni Alvin. Napatingin si Ben sa anak, akala niya gising ito. Inihiga nya ito sa kanyang kwarto at kinumutan. Hinaplos pa nito ang noo ng anak bago iniwanan.

Nakita ni Ben na nakahanda na ang hapunan, Century Tuna w/ Omega 3 ang ulam na may sawsawan na kalamansi. Handa ito ni Alvin. Pagkatapos kumain ay natulog na ito dahil na din sa pagod sa trabaho. Nakatulog sya agad.

..

Maagang umalis si Ben, di na nito nagawang mag-almusal. Dali-daling lumabas ng bahay. Nagising si Alvin sa pagkasara ng pinto. Kaaalis lang ng ama, hindi nanaman sila sabay kumain. Miss na miss na nya ang daddy nya, ngayon, mag-isa nalang sya uli. Gaya ng araw-araw nyang ginagawa, ihinanda nya ang pagkain at naglaba ng kanyang mga damit. Pagkatapos ay lumabas sya ng bahay para maglaro, bata eh.

...

"Ring.! Ring!" tunog ng phone ni Ben habang nasa isang meeting. Dahil sya mismo ang nagrereport, ayaw nya maistorbo. Ang ginawa nya ay inioff ang phone. Hanggang matapos ang meeting, tinignan nya kung sino ang tumawag. Si Aling Editha pala, dati rati kung tumawag ito kay Ben ay naniningil ito ng utang dun sa sari-sari store nito. Akala mo naman napakalaki ng utang ni Ben dito, eh halos sampung piso lang naman noong kumuha sya ng yosi.

Binalewala lang ni Ben ang tawag na ito. 9pm ng gabi ng mkauwi sya, hinihintay sya ni Alvin sa may pintuan.

"Dad, pwde b akong magtanong?" ani Alvin.

"Oh sige, ano un?" sbi ni Ben.

"Magkano ang kita nyo sa isang oras?" tanong ni Alvin.

"At bakit mo naman tnatanong? Wala kna don!" biglang nag-init ang ulo nito.

"Dad gusto ko lang sana malaman, kung pwede.." maamong sabi ni Alvin.

"Kung kailangan mo talagang malaman.." nag-isip pa si Ben. "Sa isang oras siguro, 200pesos ang kita ko."

"Ay, ganon po ba..." sabi ni Alvin na para bang nalungkot at yumuko ang mukha. Tapos may naisip syang idea at nagtanong uli, "Dad pwede ba pahiram ng 100pesos?"

Sa puntong ito, naisip ni Ben na may gusto lamang na bilhin na laruan si Alvin. Uminit uli ang ulo nya. "Bata ka! Kung hihingi ka lang ng pera para sa mga walang kwenta mong laruan, mabuti pa lumakad ka dyan at matulog ka sa kwarto mo. Pagod na pagot ako sa trabaho para lang sa mga luho mo? Sige! Tulog!"

Malungkot at nakayukong naglakad papunta sa kanyang kwarto si Alvin.


Napag-isip-isip ni Ben ang nagawa. Baka dahil sa pagod ay madali nag-init ang kanyang ulo. Tutal di naman madalas humingi ng pera sa kanya ang anak. Pinuntahan niya si Alvin sa kwarto nito.

"Anak, tulog kna ba?" tanong nito.

"Dad gising po ako." sagot ni Alvin.

"Pasensya ka na kanina ha? Pagod lang si daddy kaya madaling magalit." sabay abot ng 100pesos. "Eto yung hinihingi mo."

"Yehey!" kapagkwan ay bumangon ito at iniangat ang unan. Nakita ni Ben na may mga perang papel ito, parang magagalit nanaman sya ng makita ito.

"Bakit kpa humingi sa akin ng pera kung may pera ka naman?!"

"Ah. Eh. Dad kulang po kasi kanina. Ngayon kompleto na." sagot ni Alvin habang binibilang ang mga papel na pera.

"Para saan ba yan?" tanong ng ama.

"Dad, ngayon meron na akong 200pesos. Pwede kba umuwi bukas ng maaga? Gusto kasi kita kasabay maghapunan..." nakangiting sabi ni Alvin habang iniaabot ang pera sa ama.

Kumurot sa puso ni Ben ang mga katagang sinabi ni Alvin. "Alvin, anak, pasensya kna kay daddy. Dahil puro trabaho ang inatupag nya. Hayaan mo, mula ngayon uuwi na ako ng maaga. Sabay pa tayong magluluto." Nang akmang yayakapin na nya ito, tumagos lamang ay yakap nya. Nahulog ang mga pera sa kama ng bata. Laking pagtataka nya.

TOK! TOK! TOK!

Kahit di pa sya nakakabawi sa biglang paglaho ng anak sa mismong harapan nya, iniwan muna nito ang kwarto dala ang mga pera.

"Oh! Aling Editha, napasugod kayo ng ganitong oras ng gabi?" gulat na tanong nito.

Di agad nakapagsalita si Editha. "Bakit ho?" tanong uli ni Ben.

Napabuntong hininga na lamang si Editha. "Naaksidente ang anak mo."

"Ha?!" laking gulat ni Ben dahil kanina lang kausap nya ito bago...

Hinawakan ni Ben si Editha sa balikat at inaalog ang katawan. "Anong nangyari kay Alvin?! Anong nangyari sa anak ko!!" maluha luha nyang tanong.

"Kaninang alas otso, pauwi na sya matapos humingi ng bente sakin at Pancit Canton.." hindi rin maipaliwanag ni Editha ang nangyari dahil umiyak na ito.

"..Nabangga sya ng tricycle dahilan para matumba sya at tumama ang ulo sa isang matulis na bato. Tinawagan kita agad pero di mo sinagot. Dinala namin sya sa ospital, pero Dead on Arrival na daw."

Pagkatapos nito ay lumabas si Ben at nagtatakbo sa daan papunta sa ospital. Naiwan si Editha na umiiyak na lang. Napakabait ni Alvin at malapit din ang loob nya dito.

Pagdating sa harap ng tindahan ni Aling Editha, may bakas ng dugo ang daan. Napakarami. Sa kabilang kalsada, nandoon si Alvin, hawak ang Pancit Canton na binili.

Tatawid si Ben upang lapitan ang anak, "Alvin...anak ko...sorry.." nang isang malaking trak ang napakabilis ang takbo ang bumusina.

_END


Ang mga kumpanyang pinagtatrabahuhan natin ay madali tayong mapapalitan kapag tayo ay nawala. Makakakuha sila ng higit din sa atin. Pero pag nawala tayo, ang pamilya at malapit na kaibigan din natin ang sobrang malulungkot at masasaktan. Sila, nakikiramay lang.

Kaya sana, kahit gaano tayo kabusy. Di natin nalilimutang bigyan ng sapat na oras ang atin mga mahal sa buhay. Kaibigan, magulang at anak, sila ang magbibigay halaga sa atin at kinalakihan natin. Huwag natin silang ipagpalit sa kahit na anong pinagkakaabalahan natin, bigyan natin sila ng sapat na oras. Pati na rin ang sarili.

Sana nagustohan nyo ang akin maikling kwento. Bow.

-breaker

Thursday, July 07, 2011

The Girl From Cyber World 2

Part 2

8am araw ng Sabado, nagising si Shane sa isang text message.

“good morning..last nyt b4 i close my eyes..i saw your face just b4 i fall a sleep..John.” sabi sa text.

“gud am din sau..kaaga aga nmbo2la k..” reply ni Shane.

“pggcng ko ikw pdn naicp ko..nga pla breakfst kna?” reply ni John.

“nope..kggcng q lng..” nagpatuloy ang usapan nila.

“nga pla, nbsa ko s profile mo tga-Quezon City ka..alm mo b n tga-QC dn ako?” biglang tanong ni John.

“weh?tlga? mgklapt lng pla tau..”reply ni Shane.

“may available time kba?kung gus2 mo magkita tau?”



Nagmamadaling nagbihis si Shane. “4pm sa Rob” reply ni John matapos pumayag ni Shane makipagkita dito.

“Alin..alin..alin?” tanong ni Shane sa sarili habang namimili sa closet nya kung aling damit ang pipiliin.

Nang biglang hugot nya sa kamay niya ng maramdaman na may humawak sa kamay nya.

Dala ng kyuryosidad, hinawi nya ang mga nkahanger nyang damit. Tumambad sa kanya ang isang babaeng puro galos ang katawan at duguan ang mukha na para bang humihingi ng tulong.. Nang akmang hahawakan sya ng babae ay napaatras sya napaupo sa kama. Bumukas ang pinto ng kanyang kwarto.

“Aalis ka anak?”tanong ni Cely sa anak.

Hindi sya agad nkasagot dahil nanginginig parin sya sa takot. Unti unting umuurong ang babae na para bang hinihila sa kawalan ng loob ng kanyang closet. Nakatitig lamang sya dito nang mamukhaan nya ang babae.

“Huy! Shane! Tinatanong kita..ano bang tinitignan mo jan?” tulala padin si Shane, dahil hindi sya maaaring magkamali, kahawig nya ang babae.

Idinaan ni Cely ang kamay sa harapan ni Shane. Kumurap kurap ito, “Ano po iyon Nay?” gulat na bulalas nya.

“Napano kba anak? Bakit tulala ka dyan?” tanong ng ina.

“Ah. Wala ho. Nahilo lang ho ako.” pasinungaling nya.

“Aber. Aalis kba at mamamalengke ako?”

“Opo Nay, makikipagkita po ako kay Rina, magtatanong ako ng homework. Sandali lang po ako.” ani Shane.

Kung alam lamang ni Cely na kay John makikipagkita si Shane. Naku! Sigurado, di sya papayagan ng ina.

“Huwag kang papagabi.” iniwan na sya ng ina.

Nakapagtatakang naayos at walang bahid ng dugo ang mga damit nya. Takot syang kumuha ng damit sa closet. Napakabilis ng kamay nya at agad nyang sinara ito.

» 

4:30pm ng mkapunta sya ng Robinson’s. Nainis sya sa naisuot nyang damit, mini skirt at v-neck na shirt. Hindi naman panget tignan pero hindi ito ang gusto nya talagang isuot.

Namataan na niya si John. Nakajeans at white polo, “gwapong gwapo sa personal..” sigaw ng isip ni Shane.

“Shall we go?” aya ni John.

“Pasensya kna pala nalate ako. Saan tayo pupunta?” tanong ni Shane.