Thursday, August 29, 2013

Noong Bata Ako Book 2 Chapter 2


Chapter 2

Noong bata ako, sabi ni lola kapag nakabitin raw ang paa mo sa kama kapag natulog ka, hihilain raw ito ng multo. Nagtataka ako noon kasi si nanay laging nakabitin ang paa kasi maliit lang ang papag namin. Hindi naman kasi kami ganon kayaman, sakto lang para sa'ming dalawa ang mga padala ni tatay. Kaya kailangan kong mag-aral ng mabuti para hindi na nakabitin ang paa ni nanay sa kama. Baka kasi hilain siya ng mumu. Ewan ko lang kung matutupad ito kasi baka kapag tumanda na ako, magbabago na ang mga paniniwala ko.

Wednesday, August 28, 2013

Ang Miradin

Sa isang liblib na baranggay sa Pampanga, may isang kakaibang uri ng nilalang ang nakikita. Sabi-sabi na sa bawat gabi na may namamatay na ang tama ng bala ay sa ulo, siya ang may gawa.

Tuesday, August 20, 2013

Noong Bata Ako Book 2 - Chapter 1

Chapter 1




Noong bata ako, pakiramdam ko sinusundan ako ng buwan kahit saan ako magpunta. Bawat tingin ko kasi sa buwan lagi siyang nandoon sa pwesto niyang yun. Mula noong makita ko ang Kalye 19, pagdating ng 11pm ay nagigising na lamang ako noon sa kalyeng yun at may hawak na patalim na puno ng dugo. Minsan may dugo ang damit ko at minsan may hawak pa akong putol na kamay. Mapapatakbo na lamang ako pauwi at hindi na makakatulog. Sana lang nababantayan ako ng buwan sa mga ginagawa ko para kapag tinanong ko ang buwan, masasagot niya kung ano ang nakita niya.

Saturday, August 17, 2013

Noong Bata Ako 8 - End





Noong bata ako, higit sa sampung taon na ang nakakalipas ay piso lang ang pamasahe sa jeep noong pumapasok ako sa elementarya pero ngayon ay may plano pang gawing sampung piso ang pamasahe. Nangunguna ako noon sa listahan ng pinakamagagaling sa klase pero ngayon ay nawala na ang inaasahang henyo ng pamilya. Parang bansa natin, dati'y nasa mga bansang nangunguna tayo sa ekonomya panahon ni Diosdado Macapagal pero ngayon pinagdidiskitahan na lamang ang kanyang anak na ayaw ipahalata. Ngayon nasa mga nangunguna ng pinakacorrupt na bansa ang ating inang bayan, dapat proud tayo doon. Bakit nga naman tayo magiging proud? Hindi lahat ng topnatcher ay ipinagmamalaki.

"In China, everything is prohibited including those permitted. In Singapore, everything is prohibitted except those permitted. In America, everything is permitted except those prohibited. Eh sa Pinas, everything is permitted especially those prohibited." Narinig ko kung saan ang mga katagang ito. May punto ito, dito sa Pinas kahit bawal ginagawa. Kailan ba tayo magkakaroon ng tamang disiplina?

Monday, August 05, 2013

Si Loonie Langgam at ang Modernong Teknolohiya



"Tag-ulan nanaman at namimili nanaman ang mga tao ng ipapangalan sa mga bagyong darating. Kung pwede lang ay mga pangalan ng mga kinamumuhian nilang pulitiko ang mga ibibigay nilang mga pangalan." Inaaccess ngayon ng isang tao ang kanyang bagong computer at inaabangan ni Loonie ang balita mula sa atin, sa PAGASA nating mga tao. Hindi man nila maintindihan ang ating mga salita pero nakagawa ng paraan si Loonie kung paano maiintindihan ito ng kanyang kapwa langgam. 

Sunday, August 04, 2013

Alaala


Parang letchon na buhat ng isang ama ang anak niyang pasaway sa kanyang balikat. Kita sa mga mata nila na masaya sila basta kasama nila ang isa't-isa. Nakangiti ang dalawa na halatang nag-aasaran. Nasa edad sampu na siguro ang bata habang ang tatay ay nasa kulang-kulang na 40 sa itsura. Maganda pa sa isang kumekembot na tsiks ang scenariong ito para sa akin habang naglalakad ako pauwi.