Noong bata ako, higit sa sampung taon na ang nakakalipas ay piso lang ang pamasahe sa jeep noong pumapasok ako sa elementarya pero ngayon ay may plano pang gawing sampung piso ang pamasahe. Nangunguna ako noon sa listahan ng pinakamagagaling sa klase pero ngayon ay nawala na ang inaasahang henyo ng pamilya. Parang bansa natin, dati'y nasa mga bansang nangunguna tayo sa ekonomya panahon ni Diosdado Macapagal pero ngayon pinagdidiskitahan na lamang ang kanyang anak na ayaw ipahalata. Ngayon nasa mga nangunguna ng pinakacorrupt na bansa ang ating inang bayan, dapat proud tayo doon. Bakit nga naman tayo magiging proud? Hindi lahat ng topnatcher ay ipinagmamalaki.
"In China, everything is prohibited including those permitted. In Singapore, everything is prohibitted except those permitted. In America, everything is permitted except those prohibited. Eh sa Pinas, everything is permitted especially those prohibited." Narinig ko kung saan ang mga katagang ito. May punto ito, dito sa Pinas kahit bawal ginagawa. Kailan ba tayo magkakaroon ng tamang disiplina?
"Exciting `yon Dang! Bisita ka ulit kay Ed." tawa pa nito kahit pareho naming hinahabol ang tumatakbo pa naming hininga. "Alam ko gusto mo rin." ngiti pa niya sa akin.
"`Wag ka ngang mag-isip ng ganyan!" pasigaw kong sabi.
"Denial pa `to." bulong niya sa hangin.
Tinignan ko siya. "Tina..."
"Oh?" sabay ngiti.
"Sa... tingin... mo..." mabagal kong sabi. "May gusto na ba ako kay... Ed?" kung paanong pahina ng pahina ang boses ko sa pagkasabi nito ay gano'n naman kabilis ang pagtibok ng puso ko, hindi naman dahil sa pagod pero hindi ko alam ipaliwanag.
"Hihi." bungisngis niya.
Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Sabi mo eh." nagpatuloy siya sa paglalakad. "`Yan ata ang nararamdaman saka naiisip mo eh."
Malayo na siya ng ilang hakbang sa akin nang mapagtanto ko. "Teka hintayin mo `ko."
"Kaya nga tinatanong kita eh." sabi ko uli.
"Kasi hindi mo maintindihan?" pagpapatuloy niya. "Ganyan talaga Dang!"
Napaisip ako. May mga nanliligaw sa'kin pero hindi ko naramdaman sa kanila ito. Ang matuliro at matulala dahil sa kanya. Ang mapagod at maging masaya para sa kanya. Malapit na pala kaming maghiwalay ng landas nang bigla niya akong tapikin.
"Uh."
"Dang, ingat! Dito na lang ako."
"Sige. Ingat ka rin." pagkasabi nito ay sabay kaming tumalikod sa isa't-isa. Nakapaglakad ng konti at lumiko ng kanto. Ito lang ang huli kong naaalala bago may nagtakip ng panyo sa mukha ko at nakaamoy ng hindi pamilyar na amoy saka ako bumagsak.
Heto ako ngayon, madilim ang nakikita dahil sa piring sa mga mata ko. Hindi ko alam kung anong oras na o kung gaano katagal ba akong nakatulog, kung nasaan ba ako o kung sino ang nagdala sa akin dito ay wala akong alam. Gusto kong sumigaw pero may panyo na nakatali sa mukha ko para pigilan ang paggalaw ng bibig ko. Gusto ko ring tumayo pero napakasikip ng hinihigaan ko habang nakatali ang dalawa kong kamay at ang mga panglakad ko. "Aray!" salitang gustong kumawala pero walang madadaanan matapos mapatalon ang madilim kong kinalalagyan. Pakiramdam ko nasa isang kotse ako o kung anong sasakyan. "Tulungan niyo ako." sigaw ng isip ko.
>
"Gelo, puntahan niyo ako ni Reden. May sasabihin ako." kalakip nito ang pangalan ng ospital at room number para kay Gelo. Ito lang ang sinabi ni Ed sa sulat, malamang dahil pribado ang pag-uusapan nila at baka mabasa ni Tina ito kaya personal na lamang silang pinapapunta ni Ed.
"Huwag na nating sisihin si Naida." mahinang sabi ni Gelo at naupo na sa kanyang upuan. Parang sunud-sunuran lang si Reden dito at umupo na rin.
"Ano'ng balak mo Ed?" tanong ni Gelo sa sarili.
Dumating ang hapon at agad na umalis si Gelo kasama si Reden para puntahan si Ed.
"Den, hindi ka ba nagtataka?" ani Gelo.
"Huh? Saan? Ah! Kay Naida? Oo naman lagi nga-"
"Hindi. Kay Ed." putol ni Gelo sa sinasabi ni Reden.
"Anong meron kay Ed?" taka namang tanong ni Reden.
"Bakit niya tayo pinapabisita sa kanya."
"Ha?"
"Wala. Bobo mo."
"Mabuti na ang bobo kaysa tanga." bawi naman ni Reden.
Nakarating na sila ng ospital at hinanap ang Room 201.
"Eto siguro `yon." sabi ni Reden at tumapat sa 201.
"Natural! 201 nga eh. Bobo!"
Binuksan na ni Reden ang pinto. "Bobo ka talaga. Bakit hindi ka kumatok." sabi ni Gelo sabay batok dito. Bungisngis lang ang sagot ni Reden at kamot ng ulo.
"Oh kaibigan ba kayo ni Ed?" tanong ni Aling Rina.
sa dalawa.
"Ah opo. Mano po." magalang na sabi ni Gelo.
"Sige sige. Pakiramdam ko ang tanda ko na."
"Hindi naman po. Mukha kayong 35." sabat ni Reden.
"35 nga ako."
"Haha. Magaling pala akong manghula." yabang ni Reden.
"Chamba." bulong nito. "Ed, bakit mo kami pinapunta?" ani Gelo.
"O sige. Bibili ako ng mamimiryenda." sabi ni Aling Rina at lumabas.
"Sige po." sagot naman ni Reden. Napansin niyang nakatingin sa kanya ang dalawa. "Baket?"
Sinenyas ni Ed ang papel at bolpen sa katabing mesa. Naintindihan naman ito ni Gelo pero kung si Reden baka hindi. Inabot ito ni Gelo at nagsimulang magsulat si Ed.
Hindi siya nagpaligoy-ligoy. "Gusto kong kidnapin niyo si Naida."
Gulat ang dalawa nang mabasa ang gustong sabihin ni Ed. "Pero bakit?" tanong ni Reden.
"Kasalanan niya kung bakit ako nagkaganito." at itinuro ang benda sa mukha at nagdrawing ng mukha na pwedeng idescribe ang itsura niya.
Mulat na mulat ang mata ni Gelo bago siya kalabitin ni Ed para sa susunod na instruction. "Hindi niyo naman siya papatayin. Iiwan niyo lang siya sa Kalye 19 ng 11pm."
"Parang gano'n na rin `yon." sabi ni Gelo.
"Kung hindi natin gagawin `yon baka magdala pa siya ng iba pang tao doon at mamatay."
Biglang naalala ni Gelo ang mga sinabi niya kanina. Tama nga kaya ang hinala niya? Kung gano'n kailangan niyang iligtas ang buhay nila.
"Sige." nakayukong sagot ni Gelo.
"Gagawin talaga natin Lo?" tanong ni Reden.
"Kung gusto mo ng mamatay, hayaan natin siyang mabuhay." singit ng papel ni Ed sa mukha ni Reden.
"May plano na `ko. Sa makalawa o kaya bukas ay dadalaw dito si Naida, syempre kasama si Tina at kayo. Alam kong binawalan siyang bumisita sa akin pero gagawin pa rin niya kaya `yun ang chance niyo. Kunin niyo siya `pag pauwi na siya at mag-isa na lang. Siya mismo ang gagawa ng paraan para lumapit sa patibong natin."
"Nga pala, para hindi kayo mapahamak. Kapag may nagtanong sa inyo na babae kung maganda ba siya, ang isasagot ninyo ay medyo. Pagkatapos no'n, tumakas na kayo. Delikado ang babaeng `yun, may takip ang mukha niya. Dalin niyo ang papel na ito at sunugin para walang bakas ng pinag-usapan natin. Tandaan niyo, para sa lahat to."
Hindi lamang umiimik ang dalawa.
"Hindi ko kayo hahayaang mapahamak, magtiwala lang kayo. Alam ko Reden may kotse ka, pwede nating gamitin `yun basta siguraduhin niyo na walang makakakita sa inyo. Gelo, iwanan niyo siya sa Kalye 19 na nakatakip ang bibig at nakatali ang paa at kamay pero nakakakita kaya kailangan niyong takpan ang mga mukha niyo. Gaya ng sinabi ko kanina, 11pm dapat ang oras para sigurado. Kayo na ang bahala, nasa inyo ang kaligtasan ng lahat."
"Sige. Una na kami." sabi ni Gelo kay Ed. Tumango lamang si Ed at nilamukos ni Gelo ang mga papel na ginamit ni Ed sa pakikipag-usap at ibinulsa.
"Oh. Magmiryenda muna kayo." sabi ni Aling Rina dala ang isang bote ng softdrinks at hamburger. Nagulat pa ang dalawa.
"Hindi na po. Pauwi na rin po kami." ani Gelo.
"Dalhin niyo na. Hindi rin naman namin makakain `yan." ngiti nito sabay abot ng mga ito kay Reden.
"Sige po. Balik na lang po kami uli." sabi ni Gelo at binuksan ang pinto ng kwarto. Dito na magsisimula ang kanilang misyon.
Napakatahimik ng dalawa habang naglalakad pauwi. Pawang napakalalim ng iniisip, konti na lang mabangga sa poste o kaya ay biglang mahilo dahil sa lula sa lupa.
"Kaya ba natin?" basag ni Reden sa katahimikan.
"Ewan ko. Pero kailangan nating gawin." sagot ni Gelo. Nakangisi naman si Reden, parang naglikot ang pag-iisip nito.
Hindi nila alam, pinaglalaruan lang ni Ed silang lahat. Galit na si Ed sa mundo. Nawala na siya sa katinuan pero tinatago niya ito. Gusto niyang makita ng iba na normal siya. "Madami talagang mga tao na hindi na kailangang mabuhay at may mga tao ring hindi nararapat pang mabuhay, `di ba Mica?" sabi ng isip ni Ed paglabas ng dalawa sa ospital. Tuluyan na siyang nademomnyo ng mapaghiganting kaluluwa, ito marahil ang maaring mangyari kapag nabahiran ka ng kalawang mula sa gunting ni Mica na nababalot ng tuyong dugo. Dugo ng iba't-ibang tao. Napakahina ng pananampalataya ni Ed kaya siya nadali. Ngayon bihag na siya ng babae at maaring maging alay para sa marami pero bago siya mawala ay isasama niya si Naida, ang salarin at pasimuno ng mga pangyayaring ito.
>
Tumigil ang sinasakyan ko pero wala akong makita, nakalimutan ko nakapiring pala ako. May nagbukas ng pinto at nagsara, ngayon alam ko na na kotse nga ito. Napakatahimik. Walang ingay na maririnig kundi ang mga yabag napapalapit sa kinaroroonan ko.
May humawak sa katawan ko at pinasan ako sa balikat niya. Nagpupumiglas ako pero hindi ako binibitawan, parang inilalayo ako sa kinaroroonan ng kotse. Nakakapagod ang magpumiglas, lalo lang humihigpit ang hawak niya sa akin na bahagya pang dumidiin sa pwetan ko. Wala akong magawa, kulang ang lakas ko pero hindi ako tumigil sa pagpalag hanggang sa binitiwan ako sa isang mabatong lugar. Napakasakit ng katawan ko at parang ngalay ang balakang at likod ko sa pagkakabaluktot at sa pagpasan sa akin. Nagsasalita ako, "Nasaan ako? Sino kayo? Anong kailangan niyo sa`kin? Pakawalan niyo ako. Please." ito sana ang mga salitang gusto kong ilabas pero walang matinong boses ang kumakawala.
Nag-umpisa akong kabahan nang may nagbukas ng blusa ko. Naihi pa ako sa suot ko dahil sa sobrang takot. Wala akong magawa dahil nakatali ang mga kamay ko.
Naramdaman kong tinatanggal ang piring sa mga mata ko. Nagmulat ako pero parang sobrang dilim pa rin. Maya-maya ay nakarecover na ang mga mata ko at nakakita ng konting puno. Ano?! Bakit nila ako dinala sa Kalye 19?! Hindi ako pwedeng magkamali, Kalye 19 ito at gabi na. Nagpalinga-linga ako, nakita ko ang dalawang lalake. Ang isa sa kanila ay humawak sa dibdib ko pero agad siyang sinaway ng kasama niya. Hindi sila gumagawa ng hindi karapat-dapat na tunog. Kita kong umiling lamang ang isa habang makitang nakahiga ako at pilit itinatago ang aking sarili.
"Hoy! Ano'ng ginagawa niyo dyan?!" sigaw ng isa pang lalake at tahol ng isang aso ang narinig ko kasunod nito ang pagtakbo ng dalawang lalake.
"George?" sabi ng isip ko. Ililigtas nanaman niya ako.
"Naida?" sabi ni George pero nakatingin lamang siya sa'kin pati si Rex. "Pasensya na hindi kita matutulungan ngayon."
Taka ang mukha ko sa sinabi niya. Paano? Bakit?
Bakit?
Bakit?
Paulit-ulit na mga salita sa isip ko. Sinubukan niya akong hawakan pero tumagos lang ang kamay niya sa'kin. Napatingin ako sa kanya at nag-umpisang tumulo ang luha. Marahil ito ang panahon kung kailan mahina siya. Ano na ang gagawin ko ngayon?
"Pero `wag kang mag-aalala, hindi ako aalis sa tabi mo." napalunok ako sa sinabi niya. Parang nagagalak ako sa sitwasyon ngayon kahit alam kong hindi ito dapat. Nasaan si Ed ngayong kailangan ko siya?
"Si Ed ang dahilan kung bakit ka nandito." sabi niya. Paanong-
Naputol ang pag-iisip ko nang makitang palapit sa akin ang isang babae. Isang pamilyar na babae. Napamulagat ako dahilan para mapalingon si George. Papalapit na si Mica sa amin.
"Mica! Please huwag ka nang manggugulo." sabi ni George habang hinarangan si Mica. Wala akong magawa kundi manood.
Tinignan lang siya ni Mica. "Maganda ba ako?"
"Ilang beses na kitang kinakausap pero bakit hindi ka matahimik? Ano pa ba ang kailangan mo?"
"Maganda ba ako?"
"Alam mo ang sagot dyan Mica!"
"Maganda ba ako?" at inalis niya ang maskarang nakatakip sa mukha.
"Mica! Kailangan mo ng matahimik! Tapos na ang buhay mo pati ang buhay ng mahal mo! Pero hindi lahat ng tao kagaya niya na kayang manakit ng babaeng katulad mo! Please Mica, hindi lahat ng tao kailangan mong patayin dahil may mga taong nabubuhay dito para sa mahal nila! Para sa pamilya! Para sa asawa at anak! Mica!!!" sabi ni George na parang gustong pumatak ng luha. Niyugyog niya si Mica baka sakaling magising ito sa mundong ginawa niya para sa sarili.
"Maganda ba ako?" sagot na tanong nito at ihinilig ang ulo na parang walang naiintindihan.
"Mica! Noon pa mahal ko na si Naida pero bata pa kami kaya hindi ko alam ang pakiramdam na 'yun. Lagi kaming naglalaro, masaya kami noon pero dahil kinausap kita, napatay mo ako. Hindi ko sinasabing pinatay mo ako dahil alam ko na ng kwento mo, hindi mo gustong pumatay, nadepress ka lang Mica. Lagi ko siyang binabantayan mula noong mapatay mo ako. Kailangan na nating magpahinga Mica." nagulat ako sa mga rebelasyon ni George. Kung buhay lang sana siya. Sana masaya kaming naglalaro mula noon hanggang ngayon dahil may gusto rin ako sa kanya.
"Maganda ba ako?" pagkasabi nito ay iwinasiwas niya ang hawak na gunting para masaksak si George sa leeg pero tumagos lamang ito. Hindi pa siya tumigil at isa pang saksak sa dibdib ni George pero hindi ito iniinda ng nakayukong si George.
"Mica... Tama na... Pakawalan mo na ang sarili mo..." sabi ni George habang patuloy siyang sinasaksak ni Mica. Ewan ko lang kung bakit ganito si Mica, kahit hindi na nasasaktan ang target niya ay patuloy pa niya itong sinasaktan. Gustong iparanas ni Mica ang sakit na naranasan niya. Kahit kanino kaya kahit si George na patay na ay gusto niyang saktan ng pisikal.
Bigla na lang tumigil si Mica sa ginagawa siguro dahil ang inaasahan niya ay patay na ang kanyang sinasaksak. Para akong kiti-kiti na naglikot nang makita kong papunta siya sa akin pero hindi ako umaalis sa kinalalagyan ko. "George, tulungan mo ako." pilit kong pinapadala sa kanya ang mensahe ko gamit ang isip ko kung sakaling makakagamit ako ng mental telepathy.
Malapit na si Mica sa'kin. Ano na ang gagawin ko? Kung tatanungin niya ako at hindi ako makasagot, papatayin kaya niya ako? Nakabusal pa rin ang bibig ko, hindi ko masasabi ang tamang sagot, hindi ako makakasagot! Paano na? Mamamatay na ba ako? Nanginginig ang katawan ko sa takot, natataranta na ako sa pag-iisip, hindi na gumagana ng mabuti ang isip ko. Paano na? Ano na ang gagawin ko? May makakatulong pa ba sa'kin?
Lalo na akong nanginig at nagpanic nang tanungin na ako ni Mica, "Maganda ba ako?"
Ano na? Ano na? Ano na? Pati ang isip ko nakagawa na rin ng paulit-ulit na tanong dahil hindi ako makasagot sa paulit-ulit niyang tanong. Ganito na ba ako mamamatay? Nakatali, nakabusal ang bibig at `walang magawa?
"George..." bulong ng damdamin ko matapos maramdaman ang yakap niya. Oo naramdaman ko. Tumatagos ang ibang parteng magkadikit kami pero nararamdaman ko ang lamig ng hangin sa paligid ko. Napakalapit namin ngayon sa isa't-isa parang noong bata kami. Noong naghahabulan kami. Noong binaril ako ng sago gamit ang straw. Noong tinulak ko siya sa bakuran nila. Noong binigyan niya ako ng kwentas ng santan.
Napatigil ako sa pag-aalaala ng nakaraan nang makaramdam ako ng saksak sa dibdib ko. Dahan-dahan kong tinignan ito. Kita kong tumagos ang saksak sa katawan ni George diretso sa dibdib ko. Nag-uunahang makalabas ang pulang likido mula rito, napakabilis nila, napakamapusok, at nagtutulakan. Pakiramdam ko nakasara ang pinto palabas kung saan nagkastampede sa daan. Napakakirot lalo na noong bumukas na ang pinto, hinila ni Mica ang gunting na naksaksak sa'kin.
Nakita ko sa mukha ni Mica na malungkot siya. Hindi siya nakangisi na nanlilisik ang mata gaya noong una namin siyang nakita ni Ed. Binaling ko ang tingin kay George na nakayakap pa rin sa'kin. Nakayuko siya, hindi ko makita ang mukha. May emosyon ba ang kaluluwa? Kung meron, ramdam kong malungkot din siya. Nararamdaman ko ang paghina ng katawan ko. Bakit parang walang hangin? Parang may kung sinong pinipilit akong pumikit. "Napakadilim, George..." sabi ng isip ko. Bago ko namalayan, nakapikit na pala ako. Ramdam kong bumabagal ang pagtibok ng puso ko pati ng paghinga ko. Sumisikip ang baga ko at hindi ko na maramdaman ang dibdib ko.
..the end..
Epilogue
Magkasama na kami ni George. Parang nasa isang kwarto ako na puro pangyayari sa mundo ang nakikita ko.
Sa harapan namin, nakikita ko ang katawan kong duguan sa lupa.
Si Mica, nasa tabi ko.
Ano'ng ginagawa niya?
Napaluhod siya.
Umiiyak ba siya?
Parang nga.
"Patawad sa lahat." sabi ni Mica habang lumilingon sa akin.
Unti-unti siyang nawawala.
Naglaho na siya.
Hindi na raw siya babalik sabi ni George.
Sa kaliwa, si Ed.
Tumatawa. Katabi si Aling Rina na umiiyak.
Katabi ang isang nurse tinuturukan siya ng gamot.
Nagwawala siya.
Bakit?
Nabaliw daw siya sabi ni George. Siguro sa trauma.
Sa likod, sina Gelo at Reden.
Naaksidente, bumangga sa truck sa highway.
Sa kanan, ang pamilya ko.
Hindi pa nila alam ang nangyari sa akin. Sigurado akong malulungkot sila. Ayoko pa silang iwan pero nangyari na ang lahat. Wala na ako, `di ba?
kala q mabubuhay c naida. at least mgkasama na sila ni george. thanks author..kakatakot. ung picture pa lang creepy na.
ReplyDeletesalamat sa pagcomment..isang inspiration para sa akin ang inyong comment..^__^
Deleteang lungkot huhuhu
ReplyDelete