Malungkot ka ba?
Idaan sa tawa ang nadarama,
Idaan sa tawa ang nadarama,
Tumawa ng pilit,
Kahit labi ay mamilipit.
'Pag malungkot ako,
Natutulog ako,
Kumakain ako,
Tulala ako.
Ang senyales ay tinuran,
Nalungkot ako nang aking nalaman,
Masamang balita ang naramdaman,
Kahit walang salitang napakinggan.
Puso mo ba'y nawasak?
Sinagasaan ng trak,
Nahulog at natapakan,
Sinipa at iniwanan.
Luha ko'y pumatak
Lungkot ay tumatak,
Nang hindi naabot,
Ang inaasahang sagot.
Ngunit para saan pa?
Maibabalik ba ng luha?
Pagbasag sa inaasahan,
Pagpunit sa kasiyahan,
Pagpinsala sa hinaharap,
Pagsira ng pinapangarap.
Pero dahil dito ako'y nagpursige,
Baka ang marating ay mas maigi,
Ang tadhana'y mayroong plano,
Siguro may magandang disenyo.
Sikip ng aking dibdib,
Matatakpan ng adlib.
Tumawa ka, 'wag kang lumuha,
Hagkan mo ang buhay, maging masigla,
Buksan mo ang pinto, pati mga bintana,
Papasukin ang hangin, at ang iyong gantimpala.
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.