Thursday, October 10, 2013

Tatlong Uri ng Tahanan



Wala pa'ng aking kapanganakan,
Ni hindi pa nga nahahalikan,
Ako'y mahal na't inalagaan,
Dito ako no'n panandalian.

Dito ako'y `di pinabayaan,
Bago niluwal sa'ming tirahan,
Ang tawag dito'y sinapupunan,
Ito ang aking unang tahanan.

Pagmulat nitong aking paningin,
Paligid ay `pinakita sa'kin,
`Tong mundong ipinahiram sa'tin,
Paglaki ko'y aking inaangkin.

Kagandaha'y 'di ko maisoli,
Mga puno't halama'y sobrang panghi,
Dahil sa'king bastusang pag-ihi,
Sa pangalawang tahana'y mali.

Dahil dito, `di ko na mawari,
Kung `ko'y Kanya pang papapasukin,
Sa pinto ng kwartong pinaputi,
Para sa tapat N'yang panauhin.

Sana ang aking pangatlong tahana'y
Langit at mga mabuti'y kahanay,
Ayoko ng impyernong maapoy,
Puro pagsisisi ang panaghoy.

Bahay, pamilya at sarili lang,
Wari nati'y itong tahanan lang,
Dito natin ayusin ang lahat,
Kung pagmamahal ay `di pa sapat.

Ang sarili'y ituwid ang lakad.
Sa'ting kapwa tayo'y magpatawad.
Sa kalikasan, `tama ang asal.
Sa Diyos, taimtim na magdasal.

Marami tayong aalagaan,
Upang buo nating mahawakan,
Ang tatlong tahanang inilaan,
Para sa'tin mula kalangitan.

~

Ang tulang ito ay opisyal na lahok sa Saranggola Blog Awards 5.


ay inilunsad sa pakikipagtulungan ng











4 comments:

  1. ah.. yun pala yung tatlong uri ng tahanan...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hihi.. in my point of view.. ^_^ thanks for reading and for your comment..sana basahin niyo rin ang nilalaman ng blog ko.. :D

      Delete

Note: Only a member of this blog may post a comment.